Home

ROLLERCOASTER RIDE OF EMOTIONS

May 5, 2009

Mga tsong, bday ko nung May 2. Wag na kayo magtanong ilang taon na ako now. Sikretong malupet na yun at di na dapat ipangalandakan, hehe! :P

Prior to that e nagparamdam si “L”, ang dear ol’ ex ko sa akin at nagtext ng “Advance Happy Birthday” nung April 29. Actually, di ko alam at first na s’ya yung nag-greet sa akin pero somehow e may inkling ako na s’ya yung nagtext sa akin. Ang lumabas kase na name ng sender sa cp ko ay “?”.

Ewan ko ba pero may tumawag kase sa akin sa cp way, way back ng around 3:30am yata yun at number lang ang nag-register. Nagising naman ako nun dahil todo ang volume ng cp ko pero yun nga lang, di ko sinagot yung cp ko that time. Baka naman kase kung sino lang yung tumatawag sa akin at gusto lang maki-textmate kaya di ko na lang sinagot. Pero at the back of my mind e naisip ko na si L yun kaya sinave ko na lang yung number as “?”.

True enough, tama nga ako. Si “L” nga si “?”. S”ya lang naman kase yung tumatawag sa akin sa cp ng alanganing oras.

Pero nung nag-reply ako sa bday greeting n’ya e gusto ko pa rin manigurado kaya ang isinagot ko ay, “Hi, tnx! Who’s this?” Ayaw pa rin n’ya sagutin yung tanong ko directly kaya I asked him bluntly, “(insert L’s nickname here)?” Pero as usual e may paeklat pa s’ya na “sensya na sa lahat ng mga kasalanan ko sayo” chuva kaya give-away na si L nga ang katext ko at wala ng iba pa.

Unexpected yung text n’ya at kala ko e di na kami magkakausap or text pa ever kaya naiiyak ako na ewan nun. Sakto pa naman e nasa Gerry’s Grill kami ng 2 ate ko nung time na yun kaya pigil na pigil ko ang mga luha ko.

You see, matagal na kase kaming alang communication ni ex. As in sinabi ko sa kanya na it’s best na wag na lang kaming magte-text para matahimik na rin ako. Masyado kaseng kumplikado ang sitwasyon namin at feeling ko e wala na rin namang chance na magkabalikan pa kami kaya gusto ko na lang na manahimik.

March 25 of this year kami last nagkita. That’s after 10 months since the last time we saw each other. March 27 ang bday n’ya at ramdam ko na cold na s’ya na ewan. I mean, antagal na rin naming hiwalay pero di pa rin ako maka-recover until now. S’ya pa rin ang love ko, hay….(Prior to that e matagal na n’ya ako tinext na gusto n’ya e magkasama kami sa bday n’ya whatever happens…Nung March 25 tuloy na magkasama kami e ako naman yung nag-request na gusto ko e magkasama din kami sa May 2, my bday). Labo ng set-up namin noh? Parang kami na ewan, hay…

Yun nga lang magulo din s’ya. Inconsistent s’ya. May times na feeling ko e love pa rin n’ya ako at meron din namang times na feeling ko e di na kaya lost ako madalas. But since yoko na pahirapan ang sarili ko e nag-decide na lang ako na it’s about time na tuldukan ko na yung communication namin para di na ako iiyak-iyak sa tabi pag nagparamdam s’ya sa akin kaya tinext ko s’ya dati na wag na n’ya ako itetext muna. Tsaka na lang kami kako maging friends pag ready na ako.

Masunuring bata naman s’ya at di na nga nagparamdam after. Kaya naman nung greet n’ya ako ng “Advance Happy Birthday” e nagulat ako. Sakto pa naman at di ko alam na nagpalit na pala s’ya ng number kaya everything came as a surprise to me. You see, di kase ako yung tipo na nagpapa-ring just to check up on him or whatever. Talagang kinundisyon ko na yung sarili ko na it’s about time na manahimik na talaga ako. (Pumalya lang ako nung Holy Week at niyayaya ko s’ya sleep sa amin, hehe pasaway! Sakto at solo flight ako nun, hehe. I didn’t get a reply from him so I suppose e iba na nga yung cp number n’ya that time. Well, I dunno exactly.).

Nweiz, pagkauwi tuloy namin sa haws ng mga ate ko e dun na tumulo mga luha ko. Nanumbalik na nanam ang lahat-lahat. Puchang baul! Lahat ng tinatago kong pain, love, etc for him e biglang lumabas na naman, leche! Basang sisiw tuloy ako nun at crayola ever, hay…

Pero pucha, talagang I tried to act as civil as I can nung magkatext kami. Kahit miss na miss ko s’ya e pinigilan ko yung sarili ko to say anything na romantic or whatever. Basta nagpa-thank you lang ako sa kanya. Nothing more, nothing less. Pero paghiga ko sa kama, ayun na. bumaha na naman ng luha, hay Lord!

A part of me was happy na at least e di pa n’ya limot ang bday ko pero a part of me din was sad coz yun nga, nasisira diskarte ko once na nagparamdam na s’ya sa akin whether by text or call. Parang feeling ko e back to zero ako lagi pag nagkakaroon kami ng contact. Nawawalan ako ng focus. Lumalabas pa rin yung katotohanan na s’ya pa rin ang love ko and it sucks, hay…

Pero pucha, I have to be strong…Kahit alam ko na yung number n’ya e talagang di ako nagtext sa kanya after. Kaya naman nung mismong bday ko na nung May 2 e di na rin ako nag-expect ng another greeting from him kaya nagulat ako nung greet n’ya ulit ako sa text nun. Sakto e na-check ko ang Friendster profile n’ya at nakasulat dun na “In A Relationship” s’ya at may paeklat pa sa shout-out profile n’ya about his new gf kaya para akong nanlambot na ewan.

But just the same, nangilid lang yung luha ko nung mabasa ko yun. At nung magkatext kami e tinanong ko na s’ya mismo ng diretsahan, “May new gf ka na yata?” Sumagot naman s’ya at sinabing kumplikado daw ang sitwasyon nila. Kesyo 9 days pa lang daw  sila ng gf at 1 week na raw silang walang communication. Na kesyo sa text lang daw n’ya s’ya naging gf at malayo daw ang location nung dyowa n’ya.

Ewan ko ba pero kahit paano e masakit pa rin on my part. As usual e pinipigilan ko pa rin na maiyak. Nangingilid yung luha ko at halos lamukusin ko na yung mukha ko para lang wag tumulo mga luha ko. Naalala ko tuloy bigla yung eksena sa “Meteor Garder” kung saan sinabi ni “Wa Zhe Lei” na tinuruan daw s’ya before na kung iiyak e bumaligtad daw ng pwesto..(like yung paa e nasa taas at yung mukha ay nasa baba chuva para lang nakabaligtad ka at maiwasan na tumulo yung mga luha). Ang gulo ng explanation ko…Basta yun na yun, hehe!

Kulang na lang e gawin ko yun para lang di tumulo ang mga luha ko. Surprisingly e di naman nga tumulo ang mga precious tears ko. Pigil na pigil ko kase lalo na’t bday ko yun. Yun lagi ang dasal ko kay Lord na sana e ibalato na lang N’ya sa akin ang bday ko at nawa’y di ako badtrip or maiyak sa special day ko. Successful naman at nairaos ang bday ko ng walang tears…(I mean, may tears pala pero not because of L but because of the story of Francis Magalona na na-publish sa “Yes Magazine”, hehe but that’s a different story na of course).

Kahit papaano e may sense of triumph on my part na napigilan ko na di umiyak nung bday ko. Parang nakiki-bargain pa ako kay Lord nun na sana naman e wag sa mismong bday ko..Kahit the next day na lang sana or something, ok na for me…Basta wag lang sa mismong bday ko…(Parang nung Valentine’s Day…di ako umiyak nung mismong V Day pero nung nagtext si L ng 1am ng Feb.15 e dun  na tumulo mga luha ko, wahhh! But then, good enuf na yun for me kesa sa mismong V Day pa ako umiyak, hehe).

Kaya naman the next day after my bday e nagtext na ako kay L at sinabi ko sa kanya I think it’s best na wag na kami magtextan muna. Tsaka na lang…Or pag holiday or may okasyon lang..Gusto ko na kase talaga manahimik. Parang feeling ko e sinasaktan ko lang lalo ang sarili ko kuntodo nakakatext ko s’ya. Rollercoaster ride of emotions kase ang nangyayari sa akin pag ganun. Lost ang beauty ko lagi, hay…

Pero makulit talaga ang lolo n’yo. Kasasabi ko pa lang nun sa text sa kanya e biglang naka-receive ako ng call from him the next day…Hay tama ba naman yun???!!!

E s’yempre pa tao lang ako…Mahina…Marupok..Pag call n’ya ako e di ko naman matiis na di s’ya sagutin..Kesyo nangungumusta lang daw s’ya, hay…Bakit di na lang s’ya makipag-cooperate sa akin at tantanan na lang n’ya ako para matahimik na pareho ang mga mundo namin? I mean, may new gf na naman s’ya at dun lang s’ya mag-focus at ako naman e mananahimik na lang din…Masakit din on my part na may bago na s’yang gf pero pusang gala, gusto ko na lang e “acceptance”..

Nun ngang Bisita Iglesia e yun yung pinagdasal at patuloy na ipinagdarasal ko…Before kase e napaka-selfish ko..Ang prayer ko lagi is sana magkabalikan kami…Pero ngayon e iba na…Ang gusto ko na lang ngayon is “acceptance” para matahimik na yung loob ko. Yoko na mag-crayola…Gusto ko na manahimik at tuluyan nang makapag-move on..

Pero pucha, pano naman ako matatahimik e lulubog-lilitaw din s’ya? Hay…Ask pa mandin n’ya ako nung nag-call s’ya sa akin kung nagtatampo daw ba ako. Anak ng tokwa! What a question!!! “Nagtatampo” is an understatement!!! Hay…

Tinanong ko pa mandin s’ya if kamusta na sila ng gf n’ya. Kesyo wala lang daw yun…Hay so ano yun? Laro lang…Hay…Ewan ko ba sa kanya ano gusto n’ya palabasin…Well, in the first place e di pa nga naman sila nagkikita at kung magkita man sila e mahihirapan sila dahil malayo yung haws nila sa isa’t isa…Pero that’s besides the point…Kainis kase kung anu-anong kalechehan yung inaatupag n’ya, hay…Gusto ko na lang ng peace of mind….

Eto tuloy at lost in space ako…Basta sa ngayon e sabay lang ako sa agos. Kung magtetext s’ya e dun na lang din ako magrereply sa kanya. Otherwise e wala akong balak na itext or tawagin s’ya. Pero ang siste naman e pag s’ya yung nagtext or nag-call e affected ako after…As in nami-miss ko s’ya…Nariyan yung bigla ko na lang maalala both our good and bad times together..Tapos crayola na naman ako…

Hay…Wat gagawin ko? Paulit-ulit na lang na ganito…Pucha! Antagal na naming hiwalay but why am I still hurting???

Ilang beses na rin kaming nag-goodbye sa isa’t isa pero eto at tinetext pa rin n’ya ako…Pucha! Nagpalit na nga s’ya ng number e…For what??? Feeling ko para iwasan ako pero di ko makuha yung logic now na nagtext na naman s’ya sa akin.

What is he really up to??? Ang hirap n’ya ispelengin…Hay…Mahal ko s’ya pero bakit parati na lang ganito na guessing game??? Tsk!

Posted by barenaked at 1:49 pm | permalink | comments[1]

BORED TO DEATH

April 28, 2009

Help! Rescue me from hell! I’m bored with my life!!!

Gusto ko mag-aral abroad at magka-dyowa na foreigner…Wala lang, para maiba lang, haha! Pero seryoso ako, tsong, haha! I need a scholarship, hay…

Walang thrill ang buhay ko ngayon, hay…I think it’s time to be a bad girl ulit, hehe! :P

Sabi ko nga sa blog entry ko before,

“Good girls get peace and quiet, bad girls get what they want. Good girls just get their desserts, bad girls hit the jackpot. Good girls fly low under the radar, bad girls steal the spotlight. Good girls have the last laugh, bad girls laugh the hardest. Good girls go to heaven, bad girls have been to hell and back. Good girls get mad, bad girls get even. Nothing bad about being good, but sometimes bad girls have it better.”

Hay…kaka-miss ang patapong buhay, ang night life, etc..Gusto ko ng adventure…Gusto ko ng thrill!!! Any suggestions??? Penge naman, haha! :P

Posted by barenaked at 11:25 am | permalink | comments[1]

MY MANDARIN CLASS

March 28, 2009

Huanying, Barenaked! Long time, no write, hehe!

Nweiz, nawala ko sa sirkulasyon dahil sira ang pc at laptop namin for the nth time, hehe what else is new? Eto, bisi-bisihan ako sa Mandarin class ko. 5pm-9pm ang class ko and third week namin ‘to so that means 1 week to go na lang kami, huhu!

So far, so good. Enjoy ako sa class ko. Magaling angL”Laoshi “(teacher) namin at cutiepie pati, ahaha! Pang-F4 ang lolo nýo, hehe! Check him out, hehe! :P

 

 

 

 

 

 

  

 

  

Eto nga at nanunumbalik ang F4 days ko dahil sa Mandarin class ko, hehe! Nagpapatugtog kase ng Mandarin songs pag breaktime namin at sýempre patok ang F4 sa amin as ever, hehe!

Isa ito sa mga pinapatugtog. Ang “Liu Xing Yu” ng F4 mula sa “Meteor Rain”. Haha nanunumbalik ang nakaraan at feeling bagets na naman ako pag naririnig ko ‘tong song na ‘to, hehe! :p

Check out the vid and the lyrics with matching Chinese tone, hehe! Actually, galing sa Friendster blog ni Laoshi ang lyrics kaya may Chinese tone na kasama para ma-practice ang pronunciation namin, hehe! :P

liú xīnɡ yǔ

wēn róu de xīnɡ kōnɡ

yīnɡ ɡāi rànɡ nǐ ɡǎn dònɡ

wǒ zài nǐ shēn pánɡ

wéi nǐ bù zhì yí piàn tiān kōnɡ

 

 

bù zhǔn nǐ nán ɡuò

tì nǐ bǎi pínɡ jì mò

mènɡ xiǎnɡ de zhònɡ liànɡ

quán bù dōu jiāo ɡěi wǒ

 

 

qiān nǐ shǒu

ɡēn zhe wǒ zǒu

fēnɡ zài dà yòu zěn yànɡ

nǐ yǒu le wǒ

zài yě bú huì mí lù fānɡ xiànɡ

 

 

péi nǐ qù kàn liú xīnɡ yǔ luò zài zhè dì qiú shànɡ

rànɡ nǐ de lèi luò zài wǒ jiān bǎnɡ

yào nǐ xiānɡ xìn wǒ de ài zhī kěn wéi nǐ yǒnɡ ɡǎn

nǐ huì kàn jiàn xìnɡ fú de suǒ zài

 

 

shānɡ ɡǎn ruò tài duō

xīn diū ɡěi wǒ bǎo hù

pí juàn de yān huǒ

wǒ huì tì nǐ dōu ɡǎn zǒu

càn làn de yán yǔ

zhī nénɡ diǎn zhuì ɡǎn qínɡ

rú ɡuǒ wǒ chén mò

yīn wèi wǒ zhēn de ài nǐ

 

 

qiān nǐ shǒu ɡēn zhe wǒ zǒu

fēnɡ zài dà yòu zěn yànɡ

nǐ yǒu le wǒ   zài yě bú huì mí lù fānɡ xiànɡ

 

 

péi nǐ qù kàn liú xīnɡ yǔ luò zài zhè dì qiú shànɡ

rànɡ nǐ de lèi luò zài wǒ jiān bǎnɡ

yào nǐ xiānɡ xìn wǒ de ài zhī kěn wéi nǐ yǒnɡ ɡǎn

nǐ huì kàn jiàn xìnɡ fú de suǒ zài

yǔ hé yún jiàn jiàn sàn kāi

sǎ xià yí piàn wēn nuǎn

wǒ yào fēn xiǎnɡ nǐ yǎn zhōnɡ dì lèi ɡuānɡ

 

 

péi nǐ qù kàn liú xīnɡ yǔ luò zài zhè dì qiú shànɡ

rànɡ nǐ de lèi luò zài wǒ jiān bǎnɡ

yào nǐ xiānɡ xìn wǒ de ài zhī kěn wéi nǐ yǒnɡ ɡǎn

nǐ huì kàn jiàn xìnɡ fú de suǒ zài

péi nǐ qù kàn liú xīnɡ yǔ luò zài zhè dì qiú shànɡ

rànɡ nǐ de lèi luò zài wǒ jiān bǎnɡ

yào nǐ xiānɡ xìn wǒ de ài zhī kěn wéi nǐ yǒnɡ ɡǎn

nǐ huì kàn jiàn

xìnɡ fú de suǒ zài

nǐ huì kàn jiàn

xìnɡ fú de suǒ zài

O, diba? Ang saya saya, hehe! F4 forever, hehehe! :P

Xiexie, Laoshi! Ni shi hen hao ye shuai jile! Hehe! :P Ni de Hanyu xuesheng ai ni! :D

Posted by barenaked at 8:07 pm | permalink | Add comment

MY ADOPTED BABIES

September 20, 2008

Yey! Got 2 good deals in Ebay and Multiply. Naka-iskor ako ng Baubles, Bangles and Beads na banggols, yeba!

For the longest time e gusto ko na bumili ng BBB bangles. Yun nga lang, medyo mahal sila kaya pinagpapaliban ko lagi. I mean, sulit naman din yung price n’ya if ever considering yung craftmanship na ginagawa nila with every bangle.But bottomline, pricey e. Isang poor manggagawang obrero lang pa naman ako, hehe! 

Nweiz, the stuff I got are all pre-owned pero in very good condition pa sila and murang mura ko lang sila nakuha kaya wala akong reklamo, hehe! ;)

Yung 2 customized bangles na Audrey Hepburn at Tokidoki e sa isang seller sa Multiply ko naiskor.  The other bangles naman e sa Ebay ko nabili. Nanalo ako sa bidding. Actually, wala akong kalaban, haha good. 3-day listing lang naman din s’ya at buti na lang e maagap din ako, hehe! 

As in complete pa with original packaging yung 4 bangles ko na nabili sa Ebay. O, diba? San ka pa? hehe! 

I super love my Tokidoki and Audrey Hepburn bangles. Until now e amazed pa rin ako sa pagkakagawa nila.Very intricate kase ang designs and I wonder if kaya ko rin ba gumawa ng work of art na ganyan ang level, hehe ambisyosa. 

Astig pati yung mga customized bangles dahil kahit paikut-ikutin mo pa sila e iba-iba yung designs na makikita mo. Masterpiece kahit saang anggulo, hehe nice! 

Ako pa naman e fan ng anything handpainted. Naa-amaze kase ako sa pagkakagawa especially sa small details. Until now nga e in awe pa rin ako sa kanila, hehe kakabano, promise! 

O, diba? Ang galeng. Ako man nga e gusto ding mag-try sa handpainting chuva. Ewan ko lang kung kaya ng powers ko, hehe! I mean, I know how to draw but of course, ibang usapan naman ang painting. Oh well, let’s see na lang.

Incidentally e may gusto pa akong bilhin na graphic bangles online. Image transfer naman yun. If ever e gusto ko na ring isabay bumili ng wooden bangles na wala pang design at pag-praktisan ko ng painting. Acrylic paint daw ang dapat kong bilhin at I have to make sure na unvarnished yung wood according to my artist friend. Wish ko lang kaya ng powers ko, hehe!

Nweiz, here’s my nephew, baby Gab, tinkering with my banggols. Ang cutie n’ya, hehe stage tita ako. :)

O, diba? Life is beautiful indeed especially when you get good deals online, hehe! Salamat sa Ebay at Multiply, mga bestfriends ko sa pagsha-shopping, hehe! :D    

Posted by barenaked at 1:41 pm | permalink | comments[6]

CAMBIO JAMMING TO EHEADS’ MAGASIN AT SAGUIJO AFTER THE REUNION CONCERT

September 1, 2008

 …medyo panget ka pa nun, hanggang ngayon…Such a classic, hehe! :P  

Love this vid! As usual, bigay todo si Raims. (Uy, feeling close, hehe!).  Feeling ko e nandun ako mismo sa venue pag pinapanood ko itong vid na ‘to, hehe! The crowd was just having a good time. :)

As you can see, wala si Marcus sa vid na yan. According to Mr. Markus Highway himself, he doesn’t really jam with Cambio since “2 Heads (and three guitarists) should be enough.” Anyhow, he still sang some parts of “Pare Ko” and played the guitar for “Ang Huling El Bimbo”. Yun nga lang wala ako makitang vid sa Youtube, hehe olats!

But the just the same, love ko ang Eheads for life!  Pucha, pag nagka-repeat concert, kailangan mapanood ko na sila by hook or by crook, hehe!

Posted by barenaked at 10:02 am | permalink | Add comment

     

November 2009
M T W T F S S
« May    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Tagboard

raenielle:

hello.. uhm.. wala po bang june to july 2009 na young blood?? kailangan q po kc ee

barenaked:

hi, francis! im not really a songwriter pero natry ko na gumawa ng song pero parang ang mushy nya, hehe dyahe! :(

francis:

sino pong songwriter dito? pwedeng humingi ng advise?

francis:

hi barenaked, do you write songs?

francis:

barenaked, do you write songs?

barenaked:

hehe! thanks, ate kat! :D

kat:

oops, nag-autofill pala ng fully name ko..

kathryn Michelle Banay:

hi ate jill, happy birthday!

barenaked:

haha thanks! may nag-aabang pa pala ng posts ko, hehe! kailangan ko lang ng net access talaga, hay…ang hirap bumuwelo sa work e..minsan nakakalusot ko magblog or mag-fs at fb, minsan hindi, hehe! :P hopefully, magawa na kahit yung pc muna by next week. :)

bebot:

oo nga eh..inaabangan ko kasi mga post mo..nakakaaliw..hehe..na.eenjoy ako pag.nagbabasa..wait me again sa mga post mo..idol!

barenaked:

hi, bebot! salamat! eto, di pa rin gawa ang laptop at pc sa haws, hay… :(

bebot:

wow..salamat at nagbalik na po kayo..:)
ang tagal nyo po nawala..:(

jonnah_jill:

hi, res! thanks! did u send it sa youngblood@inquier.com.ph? nweiz, they don’t give a notification whether mapa-publish yung article or not. good thing may rasyon kami ng inquirer sa house kaya ako mismo nakakita na na-publish artik ko…basta it took a month bago sya na-publish. ganun din daw yung sa friend ko na 2x na may published artik sa YB. 1 month din daw inabot. hope that helps. goodluck! :)

res:

res:

hey, nice account of your youngblood experience. Hmm. Jonnah, i have sent my articles to youngblood to them, but it has been a wek and i havent received any confirmation of whether they received it, so I sent it again just now. what do you think happened? anyways, Good Job!!

jhelai:

hai.. pwede pong makahingi ng copy ng dear maam? pasend naman sa email add ko.. underscorejhe@yahoo.com.. many thanks po…

kat:

ate jill, sorry, wla akong load, di ako nakapagreply. ayos namn yung EB, ikaw at si dada ang absent. :) si sis J ang bait, super generous binibiro namin para syang ninang namin. kuya erwin and sis j took a few photos. :)

Peachy:

Hello

jill:

hi din, brylle and bernadette! :D

bernadette:

hi po…

Leave a message ▼