AHA! THE FEELING IS MUTUAL PALA, HEHE!
July 31, 2006
Drumroll plssssss…..Umamin na si ex-student….I mean, di naman talaga umamin pero nag-confess na s'ya…He likes me daw…Naka naman, haba ng hair ko, hehe!
Nagulat na lang ako nung sinabi n'yang, "I like you" kagabi. Napa-"Oh, really?" tuloy ako, haha di ko kase ine-expect na sasabihin n'ya yun kaya naman ganun yung reaction ko. Pero deep inside, syet, puta, kinilig ako. Crush ko rin kase s'ya, hehe!
No big deal kung tutuusin pero since paminsan-minsan lang ako maka-appreciate ng Koreano, aliw ako na the feeling is mutual pa pala sa aming dalawa….Hay, feeling "daisy" na naman tuloy ako, hehe!
Actually, ramdam ko na type n'ya ako kahit dati pa pero di ko rin fina-flatter ang sarili ko't baka feeling lang pala ako. Ang weird nga kase once lang s'ya pumasok sa class ko, haha wow mali! Di tuloy s'ya nagkaroon ng certificate for the ESL program.
I remember dikit s'ya nang dikit sa akin nung lunchbreak habang kaming dalawa lang sa classroom. Di rin s'ya makapaniwala na 28 na ako, hehe nice one! First name lang din ang tawag n'ya sa akin, di "teacher" hehe may pagnanasa kase eh, haha!
After ng klase naman namin ay ina-approach n'ya ako't kinukuha n'ya akong tutor n'ya. But for some reasons, di kami natuloy dahil nawalan s'ya ng cp nun kaya't nawalan din kami ng communication for awhile. Pero nung magkita kami sa canteen ay nagpalitan kami ng numbers sabay kinindatan pa ako, hehe!
In fairness, ramdam ko na talaga dati pa na may gusto s'ya sa akin pero iba talaga pag narinig mo dun sa mismong bibig ng tao na gusto ka n'ya. Ibang level baga. As in to the highest level, hehe!
Napansin ko din na type n'ya yung mga babaeng nakapustura lagi. Yung nag-aayos. Blah-blah-blah…Ewan baka yun yung nagustuhan n'ya sa akin.
Sinilip n'ya pati Friendster ko't naaliw s'ya sa blog ko. At since English lang yung kaya ng powers n'ya, pinabasa ko yung "I Like Them Young" at "Me And My Piercings" entries ko. Nabighani yata sa pagsusulat ko, haha! Weakness n'ya kase yung ganun kaya parang dyosa na yata yung tingin n'ya sa akin. Lol exagg ako of course.
Natawa pa ako't dun lang pala blog ko napansin n'ya piercings ko. Sabi ko tinatakpan ko talaga ng buhok ko mga tenga ko pag nagtuturo ako at mahirap na't baka masabon ako. Nagulat s'ya dahil alam n'yang UP grad ako. Ang image kase ng mga UP grads sa kanya e mga henyo't seryosong tao na puro aral lang ang inaatupag. Duh! None of the above ako, hehe!
Eto tuloy at gusto n'ya magpaturo ng "Writing" sa akin. Sabi ko, no prob. In fact, libre na lang kako. (Biased ako, syet, haha!).
Ewan pero kinilig talaga ako sa kanya. Di ko pa alam kung ano magiging kapalaran namin nito pero ok naman kami ngayon. So far, so good. Steady lang…Hehe!
Parang kelan lang, ako yung nag-ooggle sa mga teachers ko…Ngayon naman ako na ang natataypan ng mga students ko, hehe ayos!
Damn! Crush rin ako ni ex-student! Syet, ang sarap ipagsigawan sa mundo, hehe!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. renren left…
Monday, 31 July 2006 3:22 pm
sabi nga nila sa commercial ng Gran Matador brandy "Mainit na simula…". Nakaka-aliw ka talaga magsulat,nararamdaman kasi ng readers ang feelings mo.
Wednesday, 2 August 2006 12:28 am
"mainit na simula"? hahaha!
dapat mainit na katapusan din hehe!
btw, salamat.
kala ko di pumasok 'tong entry ko na 'to, nakalusot pala bago ako mag-offline, hehe salamat naman. di ko tuloy napansin redundant pala pagkakasulat ko sa unang part, hehe na-excite masyado!
"I mean, di naman talaga umamin pero nag-confess na s'ya…He likes me daw…" haha wow mali!
3. kudlit left…
Thursday, 3 August 2006 4:57 am
hehehe
"the feeling is usual"
4. kudlit left…
Thursday, 3 August 2006 4:59 am
hehehe
"the feeling is usual"
HILONG TALILONG
July 27, 2006
Anak ng tokwa naman! May chance na ako makapunta ng Korea kaya lang napakaraming dokumentong aasikasuhin pa. Olats, nakakatamad! Iniisip ko pa lang mga ipi-prepare ko, parang gusto ko na umurong.
Nakikipag-negosasyon muna din ako about my OT pay. Di na rin ako pwede kumuha ng student visa. Tumataginting na $10,0000 lang naman dapat ang laman ng bank account ko para maging eligible dun. Pucha, closed account na nga savings account ko't bankrupt na ako. Hay…
Pwede pa rin naman akong mag-aral dun kung gugustuhin ko. 50% off ako, I think. Or pwede ako mag-aral ng language nila. Or kayod marino na lang ako para makaipon. Either way, I'd be working my ass off for sure.
Badtrip, punta pa akong UPLB nito. Need my sealed transcript of records, diploma, thesis, etc. Kailangan ko rin yung mga published works ko at writing samples. Wow mali dahil ewan ko kung nasaang lupalop na mga ginawa ko dati. Dalawang semi-technical articles lang ang available ko.
I doubt if makakakuha pa ako ng mga published articles ko kahit mag-request ako sa Peyups nito. Newpaper, journal, etc. kase mga yun…hay…I still have my PRESS ID though…But I don't think enough na yun.
Yung thesis ko naman, content analysis ng campus paper namin. Ewan ko lang kung may bearing yun sa pag-aaral ng English. Kailangan ko pa ng recommendation letter ek-ek….Kakatamad mag-asikaso, hay…
May interview pa ako sa Embassy nito…baka ma-deny ako, syet, wow mali! Gahol pako sa oras, wahhhhh! 3 weeks to go na lang…
Dapat ko maayos lahat ng orig documents ko pati na rin mga photocopy ng kung anu-ano tapos send ko pa sa Korea ang mga ito…Hilong talilong na ako…Di ko alam kung ano uunahin ko.
Goodbye Pinas na kaya ako? Sa totoo lang, di ko pa rin alam. Gusto ko pero feeling ko made-deny ako…Wahhhhhh sayang ang pagod ko nito kung nagkataon. Tsk tsk tsk…Wish me luck…
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. renren left…
Thursday, 27 July 2006 1:18 pm
Jill wag mo sayangin ang pagkakataon, kunin mo yung oportunidad habang bata ka pa. Para sa akin sayang yan, maraming tao ang nagpipilit na pumunta ng Korea pero walang swerte. Isa pa napakalaki ng chance mong ma-approve.
Friday, 28 July 2006 11:15 pm
sana nga…pero ewan, tagilid yata ako…kaya di ko rin muna gini-give up mga raket ko para may fallback ako kung nagkataon…dami pa rin akong plans if ever sa pinas pa rin ako…but then, iba pa rin kung makakapag-abroad ako s'yempre…sana nga…
3. rose aka sofia left…
Saturday, 29 July 2006 8:53 am :: http://seekingdeliverance.blogspot.com
Hey, keep your head up! I've always wanted to study abroad, and I still do. I'm just saving up. If hindi mag-aral then tour na lang ito! Hehe =) Good luck, jill!
Saturday, 29 July 2006 4:52 pm
salamat, rose! ako man, gusto ko maging exchange student chuva…ewan ko lang kung matutupad ever yun, hehe! or kahit pa-tour tour na lang din, hehe!
5. gbert left…
Sunday, 30 July 2006 7:58 pm :: http://gbert.wordpress.com
whatever you will be doing sa korea, just have fun… at kung magpapakahirap ka na rin lang sa pagpaprocess ng documents mo, eh dapat na positive thinking na lang, kaya mo yan.. sayang lang din pagpapaguran mo kung di mo lulubos-lubusin… sulitin na kumbaga…
6. sachiko left…
Monday, 31 July 2006 12:54 am :: http://sachikojp.com
Hi there!
i was wondering if you can write a post for us at Blogkadahan? The story and link is on my blog. I left my e-mail addy,do write me if you can have the time and interest to write one for a blog neigbour?,mwah!
7. sachiko left…
Monday, 31 July 2006 12:55 am :: http://sachikojp.com
Hi there!
i was wondering if you can write a post for us at Blogkadahan? The story and link is on my blog. I left my e-mail addy,do write me if you can have the time and interest to write one for a blog neigbour?,mwah!
thanks from sachiko
Wednesday, 2 August 2006 12:53 am
@gbert, nga e. pero as of this writing, la pa ako inaasikaso…hay ewan, parang lumalabo na yata…napakarami pa kaseng aasikasuhin na mukhang di ko maaayos…hay…
@sachiko, sige try ko..pero malabo pa siguro ngayon…
BI KAYA AKO?
July 26, 2006
Nagsimula ang lahat sa text. Dahil alam ni some kinda special someone na katatapos ko lang magbasa ng July 2006 issue ng FHM, nabanggit n'ya na astig daw ang keps ni Tera Patrick. Makinis daw, hehe!
Di ko ganong napansin ang keps ng nasabing FHM UK columnist pero nag-reply ako't sinabi kong, "Nice tits. Ang laki ng utong n'ya, parang ang sarap papakin, hehe!"
Natawa tuloy s'ya sa akin at tinanong kung di kaya ako bisexual. Ako naman yung natawa tuloy at sumagot ako na hindi, hehe!
Ewan pero never pa naman akong nagpantasya ng kapwa ko babae. Sure, I love beautiful women at naa-appreciate ko sila pero I can't imagine myself kissing another woman. (Or making out or whatever, hehe!).
I've kissed a cutie bisexual man (na full blown gay na ngayon) nung college pero never pa akong nakahalik ng babae. One time nga ay niyayaya akong mag-kiss ng female friend ko pero tumanggi ako. Di kaya ng powers ko, hehe! (Ewan, trip lang siguro ni friend ma-try ang same sex kiss).
May nagyaya na rin sa akin ng threesome with her bf pero pota, kinabahan ako't umayaw din ako in the end. Fantasy daw kase ng bf n'yang machupa nang sabay ng dalawang babae, hehe! Mapagbigay naman 'tong si gf kaya naghahanap s'ya ng pwedeng makatuwang sa trip nila.
Nag-chicken out ako dahil parang nakikinita ko na may magaganap na girl to girl action. Pucha, baka himatayin ako sa nerbyos, hehe! Ibang level kase yun. Same gender kaya parang di ko ma-take.
I mean, kaya ko sa bi na lalake, pati na rin siguro sa bading (basta wag naman yung mas maganda pa sa akin, hehe!). Pero sa kapwa ko babae? Yaiks. Di ko (yata) kaya.
Pero sabi ko nga kay some kinda special someone, "baka" may bisexual tendencies ako pero di ko pa lang na-eexplore. Again, "baka".
Pero the fact na tumanggi na ako sa mga girl to girl action e straight naman siguro ako. O baka naman pag nandun na rin sa harap ko ang isang magandang babae na hubo't hubad e ma-turn on ako't makisabay na rin sa agos. Hay whatever pero yoko na ring alamin. Okay na ako sa lalake, hehe!
Tinatanong ko tuloy si some kinda special someone kung ok lang ba sa kanya if ever bi ako. S'yempre, as expected, alam kong di big deal sa kanya yun. Feeling ko nga mas gusto nga n'ya kung bi ako, hehe!
Alam ko kase na a lot of guys find bi women hot. Sabi ko nga sa kanya, bisexual people have the best of both worlds. And the thought of two women making out is really a turn on for a lot of men. Pornong porno kase ang dating, hehe!
Pero ewan, di ko pa rin ma-imagine ang sarili ko being intimate with another woman. Naa-appreciate ko lang sila. No more, no less.
Pero magugulat ka sa akin, dahil parang "barako" ako magsalita pag mga bebot ang pinag-uusapan. Nakakatyawan tuloy akong tibo minsan, hehe pero alam ko naman na nagbibiro lang ang mga friendly friends ko.
May mga pagkakataon pa nga na pag nakakakita ako ng mga magagandang babae sa TV e talaga namang nagre-react ako. Napapa-wow ako't napapa-"Pwedeeeee"! Haha may side comment pa ako minsan na crush ko si ganito ganyang babae. Hehe ewan pero ala namang malisya sa akin at di ko naman sila pinagpapantasyahan.
Kuntento na ako sa mga lalake. No offense meant sa mga tibo't bi pero yoko pating tumikim ng boobs at keps ng ibang tao, jusko. Parang di ko yata talaga kaya.
Basta ang alam ko babaeng-babae ako sa isip, sa salita at sa gawa. (ala-Panatanang Makabayan, hehe!). At sana forever na ganun na lang, hehe!
Bi nga kaya ako?
Hmmmm…I don't think so…Never was and never will…
(Oh geez, I'm keeping my fingers crossed.),
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. gbert left…
Wednesday, 26 July 2006 8:01 pm :: http://gbert.wordpress.com
natawa ako dito sa post mo… wag naman sanang maubusan ng magagandang babae sa mundo… nyahaha
Wednesday, 26 July 2006 8:38 pm
haha wag naman nga sana. amen!
3. Actionman left…
Thursday, 3 August 2006 11:01 am
cute k pra mging bi, =P pro ang msasabi ko lang ang puso mo ang mkkrmdam nun kng anuman ang nkkta mo mata at isip ang gmgana at kng ano ang nrramdaman mo puso mo ang gmgana =D
Thursday, 3 August 2006 11:10 am
so far, ala pa naman akong nararamdamang kahit ano sa mga kapwa ko babae…paghanga lang, hehe! i mean, like na-appreciate ko lang beauty ng iba. and i guess, hanggang dun na lang talaga.
5. tylerio durdencio left…
Thursday, 3 August 2006 2:57 pm
wow…ang tindi ng post na ito, man.
ps. ambait naman ng GF na yun, yung pinagtutulakan ka na makipag-ehem with her BF. :p
Thursday, 3 August 2006 10:14 pm
di ko maimagine na ishe-share ko ang bf ko sa ibang babae. pero kung ako ang ishe-share n'ya sa ibang guy, pwede pa siguro, hehe ako ang leading lady nila, nyahaha!
7. tyler durden left…
Friday, 4 August 2006 3:08 pm
hahaha, man-sandwich ba? :p
KAGALANG-GALANG KUNO
July 22, 2006
Raket galore ako ngayon. Nag-apply ako sa isang language center kanina. Alangya, napasabak ako sa teaching demo nang ala sa oras. Kakaloka!
May training muna then start na. Or pwedeng magturo din anytime in the middle of the training. Depende sa kumporme yun, hehe! Nweiz, sarili ko lang daw yung dalhin ko tsaka baon kung gusto ko.
Pag nga naka-blazer tuloy ako't kagalang-galang ang porma e kinakantyawan akong "prof" ng mga kapamilya ko. Natatawa lang ako na ewan. (Pero nakalitaw daw ang tyan ko pag tinanggal ko butones ng blazer ko, hehe!).
Sa totoo lang kase, kagalang-galang lang ako by "title". S'yempre ESL (English as a Second Language) Teacher kuno ako. Sa website ng univ namin e "English Language Professor" naman ang tawag sa amin. Ewan ko lang kung ano'ng title ko nito sa language center. Pero pag teacher ka kase, automatic e ibang level ka sa paningin ng ibang tao lalo pa't sa isang univ ka connected.
Nandyan pa yung writer title ko. Again, writer kuno ang tawag ko sa sarili ko, hehe! But come to think of it, Elementary pa lang kase e nagsusulat nako kung kaya't parang di na s'ya iba sa akin.
Sa tingin ko kase, di mo naman kailangan magkaroon ng published works o magkaroon ng degree sa Writing or Journ or whatever course o magkaroon ng training sa newspaper para matawag kang "writer". I mean, all of the above ako pero para sa iba na walang "credentials" na ganito, you can be a "writer" in your own way. Alam naman natin more or less kung may potensyal tayo sa pagsusulat o wala.
In the first place, nadadaan naman sa praktis yung pagsusulat. Sa totoo lang, feeling ko mas ok ako magsulat ngayon kesa nung nasa college ako. Dati kase limited lang yung topics na nako-cover ko't di naman ako makapalag kung di ko type yung artikulong pinapagawa sa amin. Kaya naman ngayon e malaya akong magsulat ng kahit na ano'ng gusto ko mapa-blog man o personal kong mga artikulo.
Isa pa 'tong pagiging interpreter kuno ko. Di ako fluent sa Korean at di ako marunong magbasa ng Korean writing kaya japeyks ako, hehe! Kung basic Korean, kaya ng powers ko yan. Pero yung matawag na translator o interpreter in the truest sense of the word, naka, lagpak ako d'yan.
Nung minsan nga na nasa bangko ako, nainggit ako dun sa Pinay na nakikipag-usap ng straight Jap dun sa Hapon na kasama n'ya. Naturingan kase akong interpreter pero di naman ganun yung level ko. Japeyks talaga ako, hehe! (At inaamin ko pati yun). Feeling ko nga di ko deserve yung perang ibinayad sa akin nung kinuha akong interpreter dati. Olats, hehe!
Kaya naman para sa akin, di ako kagalang-galang dahil teacher/writer/interpreter ako. Kagalang-galang by title lang ako. Nothing more, nothing less.
*Incidentally, may phone call ako from Korea kanina. Tinatanong ako kung interesado daw ba akong mag-trabaho sa language center ng univ nila. Kung matutuloy ako dun, another kagalang-galang title kuno ang madadagdag sa aking listahan. Di ko alam kung plus o minus yun para sa akin.*
"Sabi nga nung guard nung hotel where I worked for before, "di na daw ako ma-reach". Ibang level na daw ako. Natatawa lang ako kase yung "kagalang-galang title" kuno ko ulit yung focus n'ya. Masyado daw pa naman akong pihikan sa lalake. (dahil nakita n'ya before yung 6'3" guy na nanliligaw sa akin before at nagtataka s'ya at di pa daw pasado sa akin yun). Oh geez, I still am silly ol' Jonnah/Jill. Sabi ko nga nagco-commute pa rin ako although pwede ako magdala ng auto kung gugustuhin ko. Hay some people talaga…Believe me, di ako mahirap abutin at kagalang-galang kuno lang ako.*
links: digg this del.icio.us technorati reddit
Wednesday, 26 July 2006 12:48 pm
All the best and be safe always!
CHILL & GOD BLESS.
Wednesday, 26 July 2006 3:10 pm
UPDATE ULIT
July 20, 2006
*Got a Friendster blog na, hehe! Ala lang, panggulo lang yun, hehe! Ipo-post ko yung mga pang-general patronage na entries ko dito sa blog ko. Wala akong paki kung may mag-comment man o wala, trip ko lang magpost ng mga kabalbalan ko dun, hehe!
*Btw, nag-send pala ako ng MMS sa friend ko. Second time ko pa lang mag-send ng pic sa cp, nadaan ako sa kulit ni friend, hehe! Tsaka nagpasa-load pa s'ya sa akin kaya yun, hehe! Yari ako pag nawala cp n'ya, pang-scandal kase ang message ko sa kanya, haha! I mean wholesome yung pic (yung hangin effect, hehe!) kaya lang censored yung text na inattach ko, (yung ine-edit ba) hehe wala lang, trip lang.
*Lumipat na pala kami ng house dun sa subdivision where I grew up nung June 12. Yun yung reason kaya missing in action ako for awhile. Ang tagal kase bago nai-transfer yung phone line namin.
Lam n'yo naman, lowtech ako, naka-dial up pa rin hanggang ngayon. Olats lang kase nung ok na yung landline namin, biglang nasira naman yung pc kaya di ko rin magamit ito.
*Speaking of "sira", sira laptop/digicam/pc namin. Alangya, ang hirap kumilos. Lowtech na nga cellphone ko, ala pang pang-picture taking galore, hay…
*Mga warfreaks yata mga kapitbahay namin ngayon. Away dito, away doon ang mga neighbors namin, ala-shooting sa pelikula, hehe! Ibang-iba sa nakasanayan kong neighborhood nung bata ako. Dati kase, tahimik lang not to mention, sandamakmak ang mga cutie. Mostly mga Americans kase mga kapitbahay namin nun nung buhay pa ang Clark Airbase kaya naman mananawa ka sa mga magaganda't guapo nun. Now? No comment, haha!
*Kaya naman naiisip ko minsan na parang ang sarap mag-asawa ng foreigner para lang magpaganda ng lahi, hehe! Gusto ko Italian if ever, hehe! Or Griyego, wow yummy, haha!
Actually kahit na ano basta European, hehe! Wala lang, naiisip ko lang. Pero s'yempre iba pa rin ang Pinoy.
*Minsan gusto ko bumukod ng bahay para maiba naman. Yung tipong alang nakikialam etcetera etcetera. Miss ko na yung naka-boarding house. Or tipong ala-PBB, hehe sounds exciting.
*Labo din ng mga lalake. Pucha, minsan gusto ka lang maging gf pero "intimacy" lang ang habol. Alangya, parang eng-eng yung mga lalakeng ganun. Kunwari gusto kang maging gf kuno pero halata namang gusto ka lang tikman kaya ganun. Hay labo, tsong.*
*Salamat nga pala sa lahat ng nag-iwan ng mensahe sa aking blog. I really appreciate it.
Natatawa lang ako sa iba na kung anu-ano pinaglalagay, hehe ginawang hooking up ah, hehe!
That's all, folks! Hanggang sa muli.
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. renren left…
Friday, 21 July 2006 12:46 pm
*chanting* updates pa…updates pa. Masakit ang ulo ko kanina dahil sa pesteng documentation na ginagawa ko pero gumanda pakiramdam ko nung magbasa-basa ako ng mga blogs mo, he he he parang drugs…nakakalimutan ko ang mga problema ko. Nakaka-aliw kang magsalita sa mga entries mo, ano kaya sa tootong buhay?
Friday, 21 July 2006 10:40 pm :: http://laryuki.blogdrive.com
aparang alam ko yung pekture na yun ah hehehe lagot….
Saturday, 22 July 2006 12:39 am
@renren, hehe adiktus sa blog ko ah, hehe ayus!
sa totoong buhay? oo ganyan ako. alang kuwenta, hehe!
@laryuki, hahaha di ko kilala yun kung sino, hehe!
4. au left…
Monday, 24 July 2006 6:58 pm
linsyak na friendster blog ko ayaw gumana. buti ung sa yo maayos. add mo ko ha. hihihi.
5. ayen left…
Friday, 4 August 2006 1:07 am :: http://ayen1216.blogspot.com
hey good luck!!! i love your blog. kakaaliw. kahapon ko pa to binabasa, buong-araw. di ko natapos kaya eto, paggising ko ngayong umaga eh ito kagad inaatupag ko. hehehe. kakaaliw talaga. sobra kaseng totoo. keep it up!
Sunday, 6 August 2006 4:37 pm








