AHA! THE FEELING IS MUTUAL PALA, HEHE!
July 31, 2006
Drumroll plssssss…..Umamin na si ex-student….I mean, di naman talaga umamin pero nag-confess na s'ya…He likes me daw…Naka naman, haba ng hair ko, hehe!
Nagulat na lang ako nung sinabi n'yang, "I like you" kagabi. Napa-"Oh, really?" tuloy ako, haha di ko kase ine-expect na sasabihin n'ya yun kaya naman ganun yung reaction ko. Pero deep inside, syet, puta, kinilig ako. Crush ko rin kase s'ya, hehe!
No big deal kung tutuusin pero since paminsan-minsan lang ako maka-appreciate ng Koreano, aliw ako na the feeling is mutual pa pala sa aming dalawa….Hay, feeling "daisy" na naman tuloy ako, hehe!
Actually, ramdam ko na type n'ya ako kahit dati pa pero di ko rin fina-flatter ang sarili ko't baka feeling lang pala ako. Ang weird nga kase once lang s'ya pumasok sa class ko, haha wow mali! Di tuloy s'ya nagkaroon ng certificate for the ESL program.
I remember dikit s'ya nang dikit sa akin nung lunchbreak habang kaming dalawa lang sa classroom. Di rin s'ya makapaniwala na 28 na ako, hehe nice one! First name lang din ang tawag n'ya sa akin, di "teacher" hehe may pagnanasa kase eh, haha!
After ng klase naman namin ay ina-approach n'ya ako't kinukuha n'ya akong tutor n'ya. But for some reasons, di kami natuloy dahil nawalan s'ya ng cp nun kaya't nawalan din kami ng communication for awhile. Pero nung magkita kami sa canteen ay nagpalitan kami ng numbers sabay kinindatan pa ako, hehe!
In fairness, ramdam ko na talaga dati pa na may gusto s'ya sa akin pero iba talaga pag narinig mo dun sa mismong bibig ng tao na gusto ka n'ya. Ibang level baga. As in to the highest level, hehe!
Napansin ko din na type n'ya yung mga babaeng nakapustura lagi. Yung nag-aayos. Blah-blah-blah…Ewan baka yun yung nagustuhan n'ya sa akin.
Sinilip n'ya pati Friendster ko't naaliw s'ya sa blog ko. At since English lang yung kaya ng powers n'ya, pinabasa ko yung "I Like Them Young" at "Me And My Piercings" entries ko. Nabighani yata sa pagsusulat ko, haha! Weakness n'ya kase yung ganun kaya parang dyosa na yata yung tingin n'ya sa akin. Lol exagg ako of course.
Natawa pa ako't dun lang pala blog ko napansin n'ya piercings ko. Sabi ko tinatakpan ko talaga ng buhok ko mga tenga ko pag nagtuturo ako at mahirap na't baka masabon ako. Nagulat s'ya dahil alam n'yang UP grad ako. Ang image kase ng mga UP grads sa kanya e mga henyo't seryosong tao na puro aral lang ang inaatupag. Duh! None of the above ako, hehe!
Eto tuloy at gusto n'ya magpaturo ng "Writing" sa akin. Sabi ko, no prob. In fact, libre na lang kako. (Biased ako, syet, haha!).
Ewan pero kinilig talaga ako sa kanya. Di ko pa alam kung ano magiging kapalaran namin nito pero ok naman kami ngayon. So far, so good. Steady lang…Hehe!
Parang kelan lang, ako yung nag-ooggle sa mga teachers ko…Ngayon naman ako na ang natataypan ng mga students ko, hehe ayos!
Damn! Crush rin ako ni ex-student! Syet, ang sarap ipagsigawan sa mundo, hehe!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. renren left…
Monday, 31 July 2006 3:22 pm
sabi nga nila sa commercial ng Gran Matador brandy "Mainit na simula…". Nakaka-aliw ka talaga magsulat,nararamdaman kasi ng readers ang feelings mo.
Wednesday, 2 August 2006 12:28 am
"mainit na simula"? hahaha!
dapat mainit na katapusan din hehe!
btw, salamat.
kala ko di pumasok 'tong entry ko na 'to, nakalusot pala bago ako mag-offline, hehe salamat naman. di ko tuloy napansin redundant pala pagkakasulat ko sa unang part, hehe na-excite masyado!
"I mean, di naman talaga umamin pero nag-confess na s'ya…He likes me daw…" haha wow mali!
3. kudlit left…
Thursday, 3 August 2006 4:57 am
hehehe
"the feeling is usual"
4. kudlit left…
Thursday, 3 August 2006 4:59 am
hehehe
"the feeling is usual"
Add a comment








