BAGYO DATE
September 29, 2006
Alangya, signal number 3 na't lahat kahapon pero nakipag-date pa ako, hehe! Kala ko nga di na matutuloy at di ako paaalisin sa bahay. Lam n'yo naman, feeling ko naka-monitor ako sa house namin lately dahil kung anu-anong kabalbalan ang pinanggagagawa ko ngayon.
As in kung bata-bata lang siguro ako e may curfew ako malamang, hehe pasaway! Pero yun, nakalusot ako kahapon, hehe! Si bunso, hindi, hehe belat!
Medyo kabado din ako kahapon dahil baka kung anu-anong mga lumilipad na ewan ang ma-encounter ko sa daan pero just the same, tuloy pa rin ang date ko. Kakahiya naman kase sa kanya, galing pa s'ya ng Manila, hehe! He's 75% Chinese at 25% Pinoy. Walastik, kung anu-anong lahi na mga dine-date ko, hehe!
In fairness, tiga-Dau din s'ya. Pero he works in Manila kaya ayun. Ok naman ang naging date namin. Mga 2:30pm kami nagkita, hehe Chinese na Chinese.
Medyo hirap lang kami maghanap ng place dahil halos sarado yung mga pupuntahan sana namin. Videoke at konting inom lang supposed to be. Kaya yun, napadpad kami sa mga bar/resto.
Ok naman ang sumatotal pero ewan ko ba, si ex-model pa rin ang type na type ko. Syet ang guapo kase nun. Ang sarap titigan. Sobrang attracted ako sa kanya. Pero ewan, libog lang yata 'to, haha olats!
Basta gusto ko na magka-serious bf ngayon. Pucha, dami ko ngang ka-date, puro mga alang future naman, ala din. Tsk tsk tsk…
Hay sana magkaroon na ako ng dyowa…
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. Direk left…
Saturday, 30 September 2006 1:51 am
Hi,
-
First time ko to read a blog(pinay seeking-love story),well, it was nice to read your blog and exciting.The good part of your kwento yung puro haging parin hanggang ngayon yung hinahanap mong karelasyon.Well,ofcourse,it will happen.Kung kelan at sino…yun ang iintayin kong mangyari sayo.Last note,mahirap maging basehan ang isang halik para malaman mong sya na nga!Daming magaling humalik sa panahon ngayon…magmahal?…totoo?I think meron parin.Goodluck then!
Direk
2. redcomet left…
Monday, 2 October 2006 12:43 pm
hmm, inde ata yata e, libog ata talaga, no pun intended though. Anyway kaw lng talaga nakakaalam nyan
curious lang po, sa lagay e, inde serious yung mga exes mo? ano tawag mo dun?
3. barenaked left…
Wednesday, 4 October 2006 2:54 pm
@direk, hello there! nga e, magulo pa ang mga bagay-bagay. sana maayos eventually…hay…about the kiss naman, ewan that's just me…kanya-kanyang trip lang naman. pero tama ka nga, marami masarap humalik pero at the end of the day, iba pa rin talaga pag love mo ang ka-kissing scene mo, hehe ala-pelikula.
@redcomet, libog nga lang yata, haha! about my exes? uy, seryoso ako sa kanila, ewan ko lang sila sa akin, haha!
4. redcomet left…
Thursday, 5 October 2006 3:22 pm
good to hear that. I guess u deserve better, happy hunting na lang, malay mo katabi mo lang (ayan o, yung katabi mo habang binabasa mo ito) ang para talaga sa iyo.
Friday, 6 October 2006 2:22 pm
hay naku, salamat. sana nga andine laang sa tabi-tabi, hehe!
6. Subtle left…
Monday, 9 October 2006 4:49 pm
A date with me?
Tuesday, 10 October 2006 1:49 pm
@subtle, haha sure, why not? hehe!
8. Subtle left…
Tuesday, 10 October 2006 2:50 pm
you have an email add? or somewhere where I can reach you?
Tuesday, 10 October 2006 3:31 pm
aba! mukhang seryoso nga ah, hehe!
email moko, sige. jjrpiadgmail.com
10. Subtle left…
Tuesday, 10 October 2006 4:04 pm
Ok, I will.
PIHIKAN NGA YATA AKO
September 25, 2006
Kapag nasasabihan ako na pihikan ako kung kaya't wala pa din akong bf hanggang ngayon, napapailing na lang ako. Pag kase makikita mo mga ex-bfs ko, di naman lahat e kaguwapuhan. Talented lang, hehe! ![]()
Pero aminado naman ako na very physical pa rin ako kahit sa edad kong 28. E kase naman tagal ko nang di nang-uuwi ng lalake or nagpapakilala ng lalake sa pamilya ko kaya naman dapat lang e ibang level yung ipapakilala ko sa kanila this time. Pambawi baga.
Kung sinu-sino nga nagpaparamdam sa akin pero di ko type ang mga ito. Kung sinu-sino nakikipagkilala sa akin pero as usual, ala pa din akong makursunadahan. Kung sinu-sino nagtatanong sa akin sa mga kaibigan ko pag nakikita nila akong kasama nila pero olats pa din, wa ko type.
Pag may natipuhan naman ako, pucha, ok kami sa una, pero pag tumatagal-tagal na e nagkakaproblema na. Olats. Parang cycle na nga e. Di pa nagiging "kami" e nauudlot na dahil sa mga kung anu-anong kalechehan, tsk tsk tsk…
Importante pa rin kase sa akin yung "sparks", yung "connection", yung "thrill of the first kiss"…Alangya, napaghahalatang "hopeless romantic" pa rin ako, hehe!
Kako nga sa mga friends ko, importante sa akin yung first kiss namin ng guy. Napansin ko kase na pag type na type ko yung guy e nakapikit talaga mga mata ko pag nagki-kiss. Kumbaga e ninanamnam ko talaga. Pero pag hindi naman at sinisilip ko from time to time, dehins ko type maging dyowa. Pwede nang pamatid gutom lang, haha ang sama ko, syet!
May mga rules kase ako sa sarili ko. Yoko nang kung sinu-sino may alam ng house namin at yoko magpahatid pag di ko type. Mamya kase e dalawin pa ako sa bahay namin, yoko ng ganun. Kaya pag di ko trip maging bf, hanggang sa kanto lang ako ng subdivision namin nagpapahatid. Alay-lakad na akong mag-isa ko nun. Yakang yaka ko na sarili ko, nweiz.
Kaya naman pag nasasabihan akong pihikan ngayon, although medyo nagda-doubt pa rin ako if I really am, feeling ko there's a grain of truth in it. Hay ewan, basta ako, ayoko mag-settle for less. Tinodo ko na nga ang paghihintay nang matagal, ngayon pa ba ako susuko?
If I really am pihikan, I think I deserve it. Nweiz, no one can dictate my happiness. Kaya naman sariling diskarte ko na ang pagpili ng lalakeng mamahalin…
Wish ko lang talaga di ako maging old maid. Sayang ang lahi ko, Lord, huwag N'yo pong pahintulutan, haha!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. redcomet left…
Wednesday, 27 September 2006 6:43 am
Bata ka pa naman e, marae ka pang madadagit dyan. Pampanga pa, andae puget magaganda dyan, baka yung mga exes mo di taga dyan
Tsaka napapartner ka sa mga bata pa sa iyo (if im not mistaken) e me "sparks" at "connection" pa ba sa mga panahon nila? mga mtv generation yan, fast pace. Mga kapanahunan natin me "romance" touch ika nga
.
Anyway good luck searhin
Friday, 29 September 2006 9:22 am
hehe marami nga "daw" magaganda pero ala yata gaanong guapo, hehe!
u, young pa rin naman ako ah..young at heart, hehe!
gusto ko mas bata e, sarap alagaan, hehe!
FUCKED UP LIFE
September 23, 2006
Puta, ang labo talaga ng buhay ko ngayon. Puro kapalpakan na lang ang nangyari sa akin this week. Nawala pa ang puke ng inang cellphone ko, grrrr!
At ang siste, balak pa akong huthutan ng mga putragis na mga walang future sa buhay. Mukha lang akong may pera pero poor lang ako. Kung gusto nila akong huthutan, parents ko ang targetin nila or mga ate ko…May mga pera ang mga yun…Pero ako? Holy crap, zero, tsong!
Nabubuwiset pa ako't nadadamay yung pagiging teacher ko. Tangina, ala ba akong karapatang magpakasaya at magpaka-wild minsan just because I'm a teacher??? Buwiset talaga…Puta, minsan gusto ko na lang manahimik at mag-pretend na hamak na tambay lang ako…
Dyahe pa kase nadadamay pati pamilya ko. Umuwi akong lasing nung minsan at ala sa sarili ko. Ako naman si gaga, nagpakalango sa alak at umuwi bandang alas-sais na ng umaga. First time ko malasing ever at di ko akalain na kung anu-anong kagagahan ang gagawin ko na magiging sanhi ng mga di kanais-nais na bagay.
And to think, ako yung tipong di gagawa ng trouble sa pamilya namin. Wholesome at matino ang image ko. Kung meron man sigurong gagawa ng kalokohan sa pamilya namin, si bunso na yun, not me. Not ever…Pero akala ko lang pala yun. Puta kase…nasa huli talaga ang pagsisisi…
Kung anu-ano na naman kaseng pinanggagagawa ko sa buhay ko. ..Kung anu-ano na namang trip ko sa buhay…Ayan tuloy ang napala ko…
All along, kala ko kilala ko sarili ko…Di pala…Unti-unti ko nang ginagawa ang mga bagay na mali at nakasasama…I mean, ok lang sana kung ako lang yung mapeperhuwisyo…Kaso hindi e…Nadadamay na pamilya ko and it sucks!
Unti-unti ko nang ginagawa ang mga bagay na mali na ni sa tanang buhay ko ay di ko akalain na magagawa…Yoko sa mga tomador pero ako man e inom dito, inom doon ang inaatupag lately. At di lang yun, nalasing pa na nagsususuka kung saan-saan…Ako pa naman yung tipong napapailing na lang pag nakakakita ng mga lasing na pasuray-suray na naglalakad at nagsususuka kung saan-saan…Yun pala, pati ako mapupunta sa ganung sitwasyon.
Di rin ako nag-aabsent sa work pero napa-absent ako nang ala sa oras nung minsan dahil sobrang sakit nga ng ulo ko't may hang-ver pa ako. At eto pa, pumasok ako sa work nung minsan na di pa naliligo dahil di pa ako umuuwi…Puta, can you imagine that?! Kadiri…
Pero di pa naman huli ang lahat…Ginagawan ko pa rin ng paraan ang mga bagay-bagay…Buti na lang andyan ang pamilya ko na di bumitaw sa akin. Kala ko itatakwil na ako sa amin e. Ni ayoko na nga umuwi ng bahay…Or tinityempo ko na uuwi ng bahay pag tulog na lahat para ala na akong time makarinig pa ng sermon…
Damn, I should get on track…Yokong pulutin sa kangkungan…Lord, help me pls! I wanna be the ol' silly me…Yoko na ng ganitong buhay…
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. redcomet left…
Monday, 25 September 2006 5:27 am
pusa naman ano na naman ang ginawa mo? :/ sabagay lahat naman tayo dumadaan sa puntong gagawin yung mga bagay na alam nating mali. Pero ika nga, what doesnt kill you makes you stronger diba?
Sana maging eye-opener yang nangyari sa yo. Youre not getting any younger…and besides pumasok na dehins ligo?
ayuz pinanligo ang cologne ba?
Sige ka baka iwasan ka ng mga prospects mo
Matalino ka ate, alam mo yan. So by all means utilize it.
2. barenaked left…
Monday, 25 September 2006 11:26 am
sobrang kadiri nga ako nun…at mukha daw akong sabog. yoko na nga pasukan yung 7-8pm class ko pero i had to. katatawag ko lang din sa house nun. buti na lang i did kase ipapa-blotter na nila ako pag di pa ako nagparamdam or uwumi ng bahay nun, tsk tsk tsk…olats!
sana nga magbalik na ako dun sa dating ako. i miss my ol' ways…hay…
3. BNL left…
Monday, 25 September 2006 12:13 pm
The episode should serve as a warning
4. renren left…
Wednesday, 27 September 2006 3:07 pm
Ale, man, ale's the stuff to drink for fellows whom it hurts to think.
CONFUSED
September 16, 2006
Here I go again…Ang labo na naman ng mga bagay-bagay. Pota, kala ko ok na e…Ayan na naman…Pota yoko na ng ganitong feeling…Kakasawa na…Gusto ko namang sumaya…Pero lagi na lang may mali somewhere.
Moment of truth na mamaya…Di ko pa alam ano magiging outcome…Di ko na alam kung ano yung tama at mali…Di ko alam…Pati ako nalilito sa sarili ko…Ewan, bahala na…
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. redcomet left…
Monday, 18 September 2006 5:34 am
good luck miss
well, you wont really now how the dots will connect, its always outside looking in. Im sure youre smart and old enough to know the logical right from the mundane right. ciao
2. barenaked left…
Saturday, 23 September 2006 5:02 pm
hay naku…ewan ko din…ang labo ng buhay ko ngayon, puta ewan…hay…
EX-MODELS
September 12, 2006
Anak ng tokwa! Di pala pumasok yung text ng previous entry ko, tsk tsk tsk…Title lang ang natira, olats!
Nweiz, yung isa ko pang prospect e Pinoy naman. He's tall, dark and handsome. 6'2" mga tsong! At dati s'yang model, hehe! Bagay nga kami e, hehe!
Nagsabi na s'ya ng "Buri daka" ("I like you" in Kapampangan) sa akin. Medyo mabilis pero what the heck? Na-introduce lang kami at nagkataon lang yun. He got my cellphone number afterwards pero di directly sa akin, pinadaan sa iba, hehe! At yun, hinahatid-hatid na n'ya ako ngayon. Lalabas ulit kami sa Friday, nice one! Sana tuloy-tuloy na 'to, hehe!
Ewan kung binobola lang ako ng lolo n'yo pero tinamaan daw s'ya sa akin nung unang kita pa lang n'ya sa akin. (ng ano? Libog? Haha!). Pero in fairness, I was also attracted to him the first time I saw him. Ewan ko lang kung ano'ng future namin nito pero sana positive.
Speaking of models, may raket ako ngayon. May nagpapagawa sa akin ng case study. Ex-model din pala s'ya. Di ko pa s'ya nakikita though. Ni-refer lang ako ng co-teacher ko. Bukas pa kami magtatagpo. Pero dahil naintriga ako sa kanya, I checked out his Friendster, hehe! Guapo ang lolo n'yo. Pwedeng pwede, hehe!
Bonding muna siguro kami nito bukas at dun sa hospital nila kami magmi-meet. Galing s'ya sa maimpluwensyang pamilya sa Pampanga at mukhang galante kaya di ko pa alam magkano ang ibabayad sa akin nito. Sana malaki, hehe!
May dalawa ding ex-models na nagparamdam sa akin before pero ewan ko ba, pinalampas ko. Kung ibang babae lang siguro ako ay nagkumahog na ang mga ito. Ewan pero may moments kase na nananahimik lang ako. Yoko ng bf or kalampungan or whatever. Petiks lang…hehe!
Pero sana maging ok kami nung prospect kong ex-model. Mukhang may connection kami. Tsaka ang guapo n'ya, syet! Haha!
Wish me luck, mga kapatid! Ok lang kahit di na Korean BBQ ang mapunta sa akin, ok na ako sa Pinoy hotdog, haha!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. redcomet left…
Wednesday, 13 September 2006 1:42 pm
Yeah! the best pa rin ang pinoy hotdog!!! lalo na ang mekeni brand
Friday, 15 September 2006 9:18 am
@redcomet, haha oo naman. love your own kaya mekeni brand pa rin ako, hehe!
3. Ronald left…
Saturday, 16 September 2006 12:15 am :: http://akoposironaldo.blogspot.com
Goodluck sa date!
napadaan lang po. Malamang babalik-balik kasi ka-enjoy basahin mga posts mo eh! ok lang ba? Mayap na aldo keka! God Bless!
4. sachiko left…
Saturday, 16 September 2006 11:02 am :: http://sachikojp.com
haha,enjoyable read as usual,frank but not crass..
you don't want sushi? pero oo nga,pinoy hotdog na lang as long as it's a good one!
Saturday, 16 September 2006 2:38 pm
@ronald, hay…ala yata akong luck sa date..ewan ko ba… tsk tsk tsk…nweiz, dakal a salamat mu rin.
@sachiko, hehe salamat.
yoko sushi. pam-pinoy talaga tastebuds ko..in everything..hehe you know what i mean?








