EX-MODELS
September 12, 2006
Anak ng tokwa! Di pala pumasok yung text ng previous entry ko, tsk tsk tsk…Title lang ang natira, olats!
Nweiz, yung isa ko pang prospect e Pinoy naman. He's tall, dark and handsome. 6'2" mga tsong! At dati s'yang model, hehe! Bagay nga kami e, hehe!
Nagsabi na s'ya ng "Buri daka" ("I like you" in Kapampangan) sa akin. Medyo mabilis pero what the heck? Na-introduce lang kami at nagkataon lang yun. He got my cellphone number afterwards pero di directly sa akin, pinadaan sa iba, hehe! At yun, hinahatid-hatid na n'ya ako ngayon. Lalabas ulit kami sa Friday, nice one! Sana tuloy-tuloy na 'to, hehe!
Ewan kung binobola lang ako ng lolo n'yo pero tinamaan daw s'ya sa akin nung unang kita pa lang n'ya sa akin. (ng ano? Libog? Haha!). Pero in fairness, I was also attracted to him the first time I saw him. Ewan ko lang kung ano'ng future namin nito pero sana positive.
Speaking of models, may raket ako ngayon. May nagpapagawa sa akin ng case study. Ex-model din pala s'ya. Di ko pa s'ya nakikita though. Ni-refer lang ako ng co-teacher ko. Bukas pa kami magtatagpo. Pero dahil naintriga ako sa kanya, I checked out his Friendster, hehe! Guapo ang lolo n'yo. Pwedeng pwede, hehe!
Bonding muna siguro kami nito bukas at dun sa hospital nila kami magmi-meet. Galing s'ya sa maimpluwensyang pamilya sa Pampanga at mukhang galante kaya di ko pa alam magkano ang ibabayad sa akin nito. Sana malaki, hehe!
May dalawa ding ex-models na nagparamdam sa akin before pero ewan ko ba, pinalampas ko. Kung ibang babae lang siguro ako ay nagkumahog na ang mga ito. Ewan pero may moments kase na nananahimik lang ako. Yoko ng bf or kalampungan or whatever. Petiks lang…hehe!
Pero sana maging ok kami nung prospect kong ex-model. Mukhang may connection kami. Tsaka ang guapo n'ya, syet! Haha!
Wish me luck, mga kapatid! Ok lang kahit di na Korean BBQ ang mapunta sa akin, ok na ako sa Pinoy hotdog, haha!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. redcomet left…
Wednesday, 13 September 2006 1:42 pm
Yeah! the best pa rin ang pinoy hotdog!!! lalo na ang mekeni brand
Friday, 15 September 2006 9:18 am
@redcomet, haha oo naman. love your own kaya mekeni brand pa rin ako, hehe!
3. Ronald left…
Saturday, 16 September 2006 12:15 am :: http://akoposironaldo.blogspot.com
Goodluck sa date!
napadaan lang po. Malamang babalik-balik kasi ka-enjoy basahin mga posts mo eh! ok lang ba? Mayap na aldo keka! God Bless!
4. sachiko left…
Saturday, 16 September 2006 11:02 am :: http://sachikojp.com
haha,enjoyable read as usual,frank but not crass..
you don't want sushi? pero oo nga,pinoy hotdog na lang as long as it's a good one!
Saturday, 16 September 2006 2:38 pm
@ronald, hay…ala yata akong luck sa date..ewan ko ba… tsk tsk tsk…nweiz, dakal a salamat mu rin.
@sachiko, hehe salamat.
yoko sushi. pam-pinoy talaga tastebuds ko..in everything..hehe you know what i mean?








