Home » Post Item » PIHIKAN NGA YATA AKO

PIHIKAN NGA YATA AKO

September 25, 2006

Kapag nasasabihan ako na pihikan ako kung kaya't wala pa din akong bf hanggang ngayon, napapailing na lang ako. Pag kase makikita mo mga ex-bfs ko, di naman lahat e kaguwapuhan. Talented lang, hehe! Money mouth

Pero aminado naman ako na very physical pa rin ako kahit sa edad kong 28. E kase naman tagal ko nang di nang-uuwi ng lalake or nagpapakilala ng lalake sa pamilya ko kaya naman dapat lang e ibang level yung ipapakilala ko sa kanila this time. Pambawi baga.

Kung sinu-sino nga nagpaparamdam sa akin pero di ko type ang mga ito. Kung sinu-sino nakikipagkilala sa akin pero as usual, ala pa din akong makursunadahan. Kung sinu-sino nagtatanong sa akin sa mga kaibigan ko pag nakikita nila akong kasama nila pero olats pa din, wa ko type.

Pag may natipuhan naman ako, pucha, ok kami sa una, pero pag tumatagal-tagal na e nagkakaproblema na. Olats. Parang cycle na nga e. Di pa nagiging "kami" e nauudlot na dahil sa mga kung anu-anong kalechehan, tsk tsk tsk…

Importante pa rin kase sa akin yung "sparks", yung "connection", yung "thrill of the first kiss"…Alangya, napaghahalatang "hopeless romantic" pa rin ako, hehe! ;)

Kako nga sa mga friends ko, importante sa akin yung first kiss namin ng guy. Napansin ko kase na pag type na type ko yung guy e nakapikit talaga mga mata ko pag nagki-kiss. Kumbaga e ninanamnam ko talaga. Pero pag hindi naman at sinisilip ko from time to time, dehins ko type maging dyowa. Pwede nang pamatid gutom lang, haha ang sama ko, syet!

May mga rules kase ako sa sarili ko. Yoko nang kung sinu-sino may alam ng house namin at yoko magpahatid pag di ko type. Mamya kase e dalawin pa ako sa bahay namin, yoko ng ganun. Kaya pag di ko trip maging bf, hanggang sa kanto lang ako ng subdivision namin nagpapahatid. Alay-lakad na akong mag-isa ko nun. Yakang yaka ko na sarili ko, nweiz.

Kaya naman pag nasasabihan akong pihikan ngayon, although medyo nagda-doubt pa rin ako if I really am, feeling ko there's a grain of truth in it. Hay ewan, basta ako, ayoko mag-settle for less. Tinodo ko na nga ang paghihintay nang matagal, ngayon pa ba ako susuko?

If I really am pihikan, I think I deserve it. Nweiz, no one can dictate my happiness. Kaya naman sariling diskarte ko na ang pagpili ng lalakeng mamahalin…

Wish ko lang talaga di ako maging old maid. Sayang ang lahi ko, Lord, huwag N'yo pong pahintulutan, haha! :P

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (2)

1. redcomet left…

Wednesday, 27 September 2006 6:43 am

Bata ka pa naman e, marae ka pang madadagit dyan. Pampanga pa, andae puget magaganda dyan, baka yung mga exes mo di taga dyan :)

Tsaka napapartner ka sa mga bata pa sa iyo (if im not mistaken) e me "sparks" at "connection" pa ba sa mga panahon nila? mga mtv generation yan, fast pace. Mga kapanahunan natin me "romance" touch ika nga :D .

Anyway good luck searhin

2. barenaked left…

Friday, 29 September 2006 9:22 am

hehe marami nga "daw" magaganda pero ala yata gaanong guapo, hehe! :P

u, young pa rin naman ako ah..young at heart, hehe! :P gusto ko mas bata e, sarap alagaan, hehe! ;)

Posted by barenaked at 11:16 am | permalink

Previous Comments

herve leger uk

Posted by herve leger uk at May 17, 2012, 4:01 pm

Add a comment








     

September 2006
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments