BAGYO DATE
September 29, 2006
Alangya, signal number 3 na't lahat kahapon pero nakipag-date pa ako, hehe! Kala ko nga di na matutuloy at di ako paaalisin sa bahay. Lam n'yo naman, feeling ko naka-monitor ako sa house namin lately dahil kung anu-anong kabalbalan ang pinanggagagawa ko ngayon.
As in kung bata-bata lang siguro ako e may curfew ako malamang, hehe pasaway! Pero yun, nakalusot ako kahapon, hehe! Si bunso, hindi, hehe belat!
Medyo kabado din ako kahapon dahil baka kung anu-anong mga lumilipad na ewan ang ma-encounter ko sa daan pero just the same, tuloy pa rin ang date ko. Kakahiya naman kase sa kanya, galing pa s'ya ng Manila, hehe! He's 75% Chinese at 25% Pinoy. Walastik, kung anu-anong lahi na mga dine-date ko, hehe!
In fairness, tiga-Dau din s'ya. Pero he works in Manila kaya ayun. Ok naman ang naging date namin. Mga 2:30pm kami nagkita, hehe Chinese na Chinese.
Medyo hirap lang kami maghanap ng place dahil halos sarado yung mga pupuntahan sana namin. Videoke at konting inom lang supposed to be. Kaya yun, napadpad kami sa mga bar/resto.
Ok naman ang sumatotal pero ewan ko ba, si ex-model pa rin ang type na type ko. Syet ang guapo kase nun. Ang sarap titigan. Sobrang attracted ako sa kanya. Pero ewan, libog lang yata 'to, haha olats!
Basta gusto ko na magka-serious bf ngayon. Pucha, dami ko ngang ka-date, puro mga alang future naman, ala din. Tsk tsk tsk…
Hay sana magkaroon na ako ng dyowa…
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. Direk left…
Saturday, 30 September 2006 1:51 am
Hi,
-
First time ko to read a blog(pinay seeking-love story),well, it was nice to read your blog and exciting.The good part of your kwento yung puro haging parin hanggang ngayon yung hinahanap mong karelasyon.Well,ofcourse,it will happen.Kung kelan at sino…yun ang iintayin kong mangyari sayo.Last note,mahirap maging basehan ang isang halik para malaman mong sya na nga!Daming magaling humalik sa panahon ngayon…magmahal?…totoo?I think meron parin.Goodluck then!
Direk
2. redcomet left…
Monday, 2 October 2006 12:43 pm
hmm, inde ata yata e, libog ata talaga, no pun intended though. Anyway kaw lng talaga nakakaalam nyan
curious lang po, sa lagay e, inde serious yung mga exes mo? ano tawag mo dun?
3. barenaked left…
Wednesday, 4 October 2006 2:54 pm
@direk, hello there! nga e, magulo pa ang mga bagay-bagay. sana maayos eventually…hay…about the kiss naman, ewan that's just me…kanya-kanyang trip lang naman. pero tama ka nga, marami masarap humalik pero at the end of the day, iba pa rin talaga pag love mo ang ka-kissing scene mo, hehe ala-pelikula.
@redcomet, libog nga lang yata, haha! about my exes? uy, seryoso ako sa kanila, ewan ko lang sila sa akin, haha!
4. redcomet left…
Thursday, 5 October 2006 3:22 pm
good to hear that. I guess u deserve better, happy hunting na lang, malay mo katabi mo lang (ayan o, yung katabi mo habang binabasa mo ito) ang para talaga sa iyo.
Friday, 6 October 2006 2:22 pm
hay naku, salamat. sana nga andine laang sa tabi-tabi, hehe!
6. Subtle left…
Monday, 9 October 2006 4:49 pm
A date with me?
Tuesday, 10 October 2006 1:49 pm
@subtle, haha sure, why not? hehe!
8. Subtle left…
Tuesday, 10 October 2006 2:50 pm
you have an email add? or somewhere where I can reach you?
Tuesday, 10 October 2006 3:31 pm
aba! mukhang seryoso nga ah, hehe!
email moko, sige. jjrpiadgmail.com
10. Subtle left…
Tuesday, 10 October 2006 4:04 pm
Ok, I will.








