SAMU’T SARI
October 13, 2006
DIAMOND PEEL
Imbes na magpa-cleaning lang e tinodo ko na ang pagpapa-derma ko kahapon. At talaga namang Diamond Peel ang pinili ko, hehe! Treat ko yun sa sarili ko. Pucha, feeling ko e naisulit ko yung bayad ko, hehe tagal ko na kaseng di nagpapa-derma kaya gadami na mga blackheads ko. Natawa pa ako dahil tinanong pa ako nung nag-cleaning sa akin kung orig daw ba ang ilong ko, hehe!
Of course, natural yan, tsong, hehe! Magduda daw ba e halos lapirutin na n'ya yung ilong ko. Alangya, ang sakit tuloy ng ilong ko ngayon. Next time, gusto ko naman ng "eyelash extension". Buwiset kase di ako pinagpala pagdating sa pilikmata. As in ala akong ma-curl, hay olats!
CASE STUDY
Nakalimutan kong banggitin pero tapos na pala yung case study na pinagawa sa akin. Hilong talilong ako, tsong. Pucha, nakaka-drain. Pero in fairness, very good daw ang pagkakagawa ko, hehe! Sa totoo lang, nanibago ako nung ginawa ko yung case study ksae formal at straight English yun eh pucha, matagal na akong alang praktis sa pagsusulat sa English. Buti na lang nagawa ko s'ya nang maayos. Ayos din palang sideline 'tong pagiging "ghost writer" (parang ganun na rin s'ya, diba?). Kaya kung sino gusto pagawa ng thesis, case study, feasibility study, etc, paramdam lang kayo. Presyong kaibigan, sige, hehe!
ITALIAN STUDENTS
Tsong, may 3 akong bagong students. Italians sila. Mag-dyowa yung dalawa. Ang ganda nung bebot. Medyo kagalang-galang kuno pa mandin ako nung first day at tinatantya ko muna sila. Pagkakita ko sa kanya, "ka-berkz" pala s'ya, hehe! As in ang dami n'yang tattoo at hanep ang hikaw n'ya, nasapawan ako, haha!
As in yung mga weirdong piercings yung sa kanya, hehe! In fairness, di s'ya mahirap turuan. At buti na lang din, kumagat sila sa presyo ko, hehe mahal kase yung binigay ko, hehe feeling ako, haha! E pucha, di sila tumawad e, kaya tiba-tiba tuloy ako, hehe!
Di ko pa natuturuan yung dyowa n'ya pero mukhang di naman kami magkakaproblema. Gusto pa mandin n'ya e "newspaper reading" ang focus n'ya kaya naman natuwa s'ya nung malaman n'yang Journ major ako. Olats nga lang kase yung isa e 73yo na. Pucha, siguradong pahirapan sa pagtuturo nito, hay buti na lang the price is right, hehe!
Aliw nga pag nag-uusap sila ng Italian. Ang romantic kase ng dating, hehe! Nabuhay tuloy ang aking "Italian Stallion" churva, hehe! Kung magpapalahi na lang din kase ako sa foreigner, Italian ang gusto ko. Parang ang ganda kase ng mix sa Pinoy, hehe!
Bumili ako ng book ng fellow blogger kong si Batjay. Nakita ko kase sa blog ni Basang Panaginip kaya naman full support ako't bumili din ako ng kopya ko kagad. In fairness, binasa ko s'ya ng diretso sa isang upuan lang. Kumpletos rekados, mga tsong!
Syet, kelan kaya ako makakagawa ng sarili kong libro? Dream ko rin kase yun. Pero di kase ako pang-nobela e. Pero just the same, isa pa rin sa dreams ko ang makasulat ng libro. Sabi ko nga kahit magkaroon lang ako ng isang bestseller at flop na yung iba, oks lang, hehe! Ang importante, makagawa man lang kahit isang hit, hehe!
Actually, may mga nag-suggest na rin sa akin na i-publish ko yung blog ko (especially the Ex-files series). E pucha, pano ko ipa-publish e ala naman akong publisher, hehe! At ang tanong e kung may magkakainteres na i-publish ang mga gawa ko, hehe di ako confident pagdating sa aspetong yun. Kakatakot din at baka alang bumili if ever, olats flop ang beauty ko kung nagkataon.
Or kahit makita ko lang pangalan ko sa Youngblood ng Inquirer. Syet, malapit na ang aking expiration date. Baka yung "Highblood" na yung maabutan ko nito, haha wow mali! Ala pa naman akong sina-submit dun ever kaya kung sinuman ang may suggestion, idea, etc. magparamdam lang. Ala kase akong maisip na topic kaya ala akong maisulat. Mapapasabak na naman ako sa Inggles nito kung nagkataon, hehe!
O sya, till next time. Mag-a-out na ako sa net cafe. Babush!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. BNL left…
Saturday, 14 October 2006 12:48 am
How can I get access to your case study? I'd love to read your work.
2. JR left…
Saturday, 14 October 2006 5:32 am
hi, nakakatuwa talaga basahin blogs mo, nakakatanggal homesick.hehehe.ako yung kachat mo sa ym mo kanina, yung blog-stalker mo.hehehe.keep up the good work!!!hayaan mo pag dumami pera ko, ako magfifinance sa balak mo na gumawa ng book.ang hindi bumili pangit!!!hahaha
Sunday, 15 October 2006 11:11 am
@BNL, pwede ko i-email sa 'yo. kaya lang boring yun e, haha kakapanibago nga kase mala-thesis ang style sa pagsusulat nun. not the usual na nakikita style of writing ko sa blog kaya baka manibago ka, hehe!
nweiz, yung ginawan ko ng case study e nagma-master's sa UP manila. i've seen his works at ok naman s'ya magsulat pero di s'ya confident sa sarili n'ya kaya ako yung nirecommend ng ka-batch ko para gumawa nung case study n'ya.
@jr, hehe blog stalker ba? hehe!
haha sana tumama ka sa lotto para kaw na publisher ko, hehe!
4. redcomet left…
Monday, 16 October 2006 6:33 am
ey ako rin pabasa ng gawa mo ms. Dont you have blogs written in the queen language ika nga? Sensya na a, i only perused the entries on the right pero i havent read them all.
If its any compliment at all ms, although you are terrible, terrible on some things (well, youre recent post), you are a great writer. Addictive. And recently you had a bout with the gates of an illegal substance and here i am reading your stuff.
Touche…hahaha
Monday, 16 October 2006 3:26 pm
@redcomet, wow! naks naman, salamat!
i used to write in english talaga. even back in college, laging in english mga writing classes ko. sa blog lang ako nasanay magsulat in tagalog and taglish.
nweiz, check out my blogs from dec. 2004- jan. 2004, in english pa ako magsulat noon.
you wanna check out the case study din ba? i can email it to you if you want. tungkol sa hospital admin yun.
6. batjay, ang dating folk singer n left…
Tuesday, 17 October 2006 2:26 am :: http://kwentongtambay.nicanordavid.com/
uy na extra ang libro ko. maraming salamat sa pagbili, sana ay hindi ka nagsisi. masarap daw itong basahin pag nakaupo sa trono - at least yon ang narinig ko sa mga ibang review.
ingat at salamat muli. jay
Tuesday, 17 October 2006 2:15 pm
hehe you're welcome.
binasa ko s'ya habang nasa sala.
8. redcomet left…
Thursday, 19 October 2006 5:38 am
ey tnx, paemail na lng sa redcomet77@gmail.com
Thursday, 19 October 2006 3:14 pm
Add a comment








