TALL, DARK AND NEVER MIND
October 15, 2006
Magka-text kami nung Biyernes nung nagpapalipad hangin sa akin. As usual, he wants to try his luck on me. Same ol' line pa rin ang sagot ko, "Friendship lang ang ma-i-o-offer ko. "
Let me describe him first. He's tall. 6 feet flat to be exact. He's dark. Nice. Moreno. Just my type. But geez, don't ask me if he's handsome becuase he really ain't. Tall, dark and never mind nga, tsk tsk tsk…
Nagi-guilty nga ako kase parang lagi n'yang ipinapamukha sa akin na I'm very physical. I mean, inaamin ko naman na particular talaga sa looks. But of course, kanya kanya lang naman tayo ng standards.
As I've said, pag sinasabihan ako dati na pihikan ako, natatawa lang ako. Pero when I'm told that I am pihikan right now, hell yes I am! You can call me "mababaw", "maarte" and what-have-you but what the heck? Man, to each his own. That's just me. At karapatan ko naman na na maghanap ng ganito at ganyan sa magiging dyowa ko.
Don't get me wrong though. Di naman ako naghahanap ng model or artista or kung simumang sikat na Pontio Pilato (but I wouldn't mind having one though, hehe) pero gusto ko talaga ng guwapo. Guwapo as in tall, dark and handsome. (at taller than me din, ha? Hehe!).
Tinanong tuloy ako ni tall, dark and never mind, "Matino at guwapo ba lahat ng mga ex mo?" Natawa ako sa tanong n'ya, promise! Sumagot ako ng, "Di naman sila guwapo at matino lahat although yung iba, guwapo at matino sa una. Eventually e nagiging guapo na lang, hehe!" In fairness, honest young answer ko sa kanya, ha? Hehe!
S'yempre humirit ulit s'ya. Tipong aanhin ko daw ang guwapo blah-blah-blah shit kung di naman daw matino at lolokokohin lang ako chuva shit…Pucha, kulang na lang talaga ipagsiksikan n'ya yung sarili n'ya sa akin at gustong ipahiwatig na bigyan ko naman s'ya ng chance kahit papano. Pero tsong, di talaga kaya ng powers ko. Di ko s'ya type. Yun lang yun.
Feeling ko nga napaka-tactful ko pa sa kanya at di ko ipinapamukha na "never mind" s'ya dahil nice pa rin ako sa kanya. Never kong sinabi in front of his face na "never mind" s'ya. At wala din sa personality ko na ipinapamukha sa iba yung kakulangan nila mapa-looks man o sa personality. In short, friendly pa rin ako sa kanya. Yun nga lang, talagang sinabihan ko na s'ya ng ilang beses na wag na mag-expect sa akin at masasayang lang ang oras n'ya. Ika nga e, mabuti na yung nagkakaliwanagan.
Pero ang lolo n'yo, kinakarir talaga ako. Boladas galore ever pa rin. Kesyo "gf material" daw ako for him. Na he really likes me daw. (Charing!)
Ako naman si gaga, sumagot ng, "I can be both." (meaning "gf material" or pang-ewan). Aba! Nagulat ako sa lolo n'yo, ang lakas din ng loob, sumagot ba naman ng, "Kung anuman ang kaya mong ibigay sa akin, ok lang." Yaiks! Nag-assume. Ambisyoso ah! Hindi nga s'ya papasa sa akin na bf, "kalaro" pa kaya?! Anak ng…Luging-lugi naman yata ako dun, haha, ang sama ko, syet!
S'yempre kung "makikipaglaro" na rin lang ako e itotodo ko na. Dun na ako sa masasarap noh! E lalo pa nga ngayon na napakataas ng standards ko, ibang level na talaga 'to, tsong! As I've said di ka naman kinakailangangang mala-model or artista para mataypan kita pero atleast man lang e, pasado ka sa taste ko e oks na yun. Kumbaga e nasa over-all impact yun.
Di ko rin naman sinasabing maiinlab lang ako sa mga "tall, dark and handsome" lang at mare-reject ka sa akin kung nagkataong mas matangkad ako sa 'yo. We can never tell e. Ang dami pwedeng mangyari. Sabi ko nga, pucha, baka sa bungi lang ang bagsak ko nito in the end. (Oh geez, I hope not!).
Pero sa ngayon, importante pa sa akin ang looks. Kung "tall, dark and handsome", e di ok. Jackpot kung nagkataon. Ok na rin sa akin ang "tall, dark and so-so" pero my gosh, yoko ng "tall, dark and never mind"!
Yoko, Lord! Please…Yoko…Be nice to me please…Ang tagal kong naghintay…Itodo N'yo na po kung bibigyan N'yo rin lang ako ng dyowa.
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. JOHN MARIE left…
Monday, 16 October 2006 4:34 pm
"Hindi hinihanap ang love… dumarating yan…
" I know gasgas na ang statement na ito.. but you know, teacher jonnah (forgive me if i mispelled your name), it is true. When I had my lowest ebb in my life (love life though), i prmised to myself that i will be single from the rest of my life. But, love is love.. tama nga siguro si Aristotle na frienship is a disposition (means) to attain happiness (eudaimonia)/love. Kaya teacher jonnah (again, sorry if i mispelled your name), huwag ka maghanap… dadating din yan. Focus ka nalang sa mga raket mo ngayon… hehehe! your still young pa naman eh… Enjoy life! Pag hindi ka na single, mamimiss mo yung pagiging single. Sorry ha mahaba… Ciao!
2. JR left…
Tuesday, 17 October 2006 12:26 am
hahaha, di na kita yayayain magdate.5'6" lang ako e.hehehe.pero friends naman tau di ba.ako student mo:-)
Tuesday, 17 October 2006 2:12 pm
@john marie, first of all, you got the spelling of my name right, hehe!
nweiz, i agree with you. di nga hinahanap…pero minsan, nakakainip na e. or lagi na lang may palpak pag ok na ang lahat…hay eawn ko ba.
@JR, hehehe! growth balls lang ang katapat n'yan. pag di umubra, talon ka na lang sa new year. alas-dose sakto dapat, hehe!
4. jaleesa left…
Wednesday, 18 October 2006 2:32 pm
malagu, nakaka-aliw talaga ang story mo. sana dumating na ang "tall, dark and handsome" prince mo. malay mo nandyan lang sa tabi-tabi si tdh mo. ciao bella!
Wednesday, 18 October 2006 6:46 pm
haha wish ko lang magparamdam na s'ya, hehe!
may TDH ako ngayon pero alanganin din yun. ninanamnam ko lang hangga't andyan pa…hay…
6. jam left…
Thursday, 19 October 2006 3:45 am
nakakaaliw naman ang story mo!!!mahihimatay ako sa kakatawa!!! i feel you!
7. redcomet left…
Thursday, 19 October 2006 5:50 am
hahaha, all i can say is ang tigas ng mukha nya bwahahaha! Isnt it a bit frustrating if some people just dont get it diba? Sometimes one has to shove it infront of someones' face hehe. Bilib ako sa you mis, nakapagtimpi ka pa nun? Obvious na obvious na umaakyat ang libido nya hahahaha.
Thursday, 19 October 2006 3:17 pm
@jam, haha ako man natatawa din sa sarili ko, hehe!
@redcomet, hahaha olats! ayaw pa rin n'ya ako tantanan till now. gusto nga n'ya susunduin n'ya ako sa work. e maghihintay pa s'ya ng isang oras sa akin if ever. pinag-iisipan ko pa kung papayag ako. pero sa totoo lang, ayoko talaga at baka mag-assume na naman s'ya or feeling n'ya e madadaan n'ya ako pasundo-sundo. hay ewan…
9. redcomet left…
Friday, 20 October 2006 5:10 pm
nagaantay? nakow delikado nga yang bakulaw na yan
Friday, 20 October 2006 7:06 pm








