Home » Post Item » GIRLIE BARS

GIRLIE BARS

October 18, 2006

Panis na entry na 'to, mga tsong. But nweiz, ikukuwento ko na rin kase first time ko pumunta sa girlie bar, hehe! That was probably a month ago.

Ang mga hinayupak ko pang mga co-teachers, alangya parang di makapaniwala na di pa ako nakakapunta ever sa mga girlie bars at gay bars. Feeling kase nila e party animal ako't nakapunta na sa kung saan-saang lupalop na di wholesome, hehe mga bwiset sila!

Yung first time kong pumunta sa girlie bar e sa may red light district area sa Angeles. Fields ang tawag namin sa place na yun. S'yempre pa, sandamakmak ang mga foreigners. Minsan nga e palakad-lakad din ako dun pag trip ko at pini-pick up ako ng mga kung sinu-sino, hehe nakakabiktima kahit papano. (pero di naman ako sumasama).

Kasama ko yung close friend ko who's 14 years older than me. Supposed to be e isasanla n'ya yung cp n'ya dahil ala na s'yang pera (at ala na rin naman akong maipapautang sa kanya) at naisipan naming maglakad na lang papunta sa pawnshop. Dumaan tuloy kami sa Fields at hola, eksaktong andun pala yung tiyahin n'ya na Mamasan dun.

Ipinakilala n'ya ako sa tita n'ya at pagkatapos ay niyaya n'ya kaming pumunta muna dun sa loob ng bar nila. Ako naman si gaga, excited at curious kaya game at umoo talaga kagad ako, hehe! Pagkaupo namin ay tinanong kagad ni Mamasan kung ano'ng drinks namin. Nag-offer sila ng kung anu-anong drink at naki-mango juice na lang din ako tulad ng order ni friend. (kala ko kase di libre, hehe!).

Habang andun kami sa loob ng bar e chikahan galore lang sila friend at ng tiyahin n'ya. Ako naman e pa-text-text at patingin-tingin lang sa paligid ko from time to time. As expected, mga foreigners ang mga parokyano nila mostly Americans. In fairness, may magaganda din sa mga bebot na nagsasayaw dun.

Naka-sexy top at t-back yung mga babaeng nagsasayaw. Tinitingnan din nila kami from time to time dahil siguro nga e babae kami. Ako naman din e pangiti-ngiti lang at panood-nood lang. Natatawa ako na naaaliw na naeeskandalo na ewan sa mga nakikita ko.

May naglalaplapan sa ibang table. As in dineyr (basta dare, pucha ang panget ng spelling, pwe!) ni Kano yung ka-table n'yang babae na maghalikan sila for 2mins straight. Ako naman e nanonood sa kanila pero pag may napapatingin sa akin e biglang iiwas ako ng tingin or titingin na lang sa salamin (tutal e kita naman dun kahit saang anggulo, hehe!)

Yung isa namang GRO (politically correct ba ako sa tawag ko sa kanila?) e tini-tease yung isang Kano. As in nilabas n'ya yung dila n'ya at nilalaro n'ya ito nang mabilis na animo e chumuchupa. Alangya, tawa ako nang tawa nun pero di ko ipinahalata s'yempre, hehe!

Sa kabilang table naman e may nagla-lap dance. Yung isa naman e iniipit n'ya yung boobs n'ya para magmukhang malaki at sabay landi sa customer, hehe! Yung iba naman e naglalaro na parang ginawang "darts" yung ibang chuvanes dun. Kanya-kanya sila ng trip dun. Napansin ko lang na mostly e dalawa lagi ang ka-table ng mga parokyano. Di ko alam kung mura lang ba kase or threesome na ang bagsak nila nito, hehe!

Para pa akong eng-eng nun dahil kahit kakaibang experience yung pagpunta ko dun dahil first time ko e di ko pa rin maiwasang umiyak habang nagtetext ako. I mean, alang kinalaman yung girlie bar dun, of course. May problema lang talaga kami ni ex-model ko nung time na yun kaya naman di ako magkandaugaga nun at pilit kong kinakalimutan muna ang mga problema namin. I really like him. And I he likes me as well. As in malakas yung attraction namin sa isa't isa. May connection din kami. Pero pucha, biglang nagkaproblema out of the blue kaya naman hurt ang lola n'yo.

Kaya naman nung nalaman kong libre yung drinks namin e gusto ko umorder ng drink na lakas tama. Haha gusto isulit, hehe! gusto ko pati muna kalimutan yung problema namin ng boylet ko kaya gusto ko muna magpakalango sa alak.  Pero pinigilan ako ni friend. KJ, syet! Hehe! Kaya yun, mango juice ulit tuloy yung pangalawang order namin, tsk tsk how wholesome, hehe!

Yung pangalawang pasok ko naman sa girlie bar e all the way na ang mga bebot. Pero lasing na lasing na ako nun kaya ala na akong paki sa kanila. Nweiz, ala naman akong etits at di tinitigasan sa kanila kaya busy lang ako sa pag-inom nun, hehe! As in nakasandal na yung ulo ko sa kasama at mukhang babagsak na kase ako nun, hehe wow mali!

Nakaupo pati kami sa likod nun kaya di ko na makilatis kung ok ba yung mga bebot. From afar though e ok naman sila. In fairness e maganda pa mga boobs nila. Nakatayo pa, hehe! Mukhang makinis din sila although di ko alam kung dahil lang ba sa mga ilaw na nagkikislapan yun or dinaan sa make-up or whatever. As I've said, ala akong paki dahil di ko naman sila pinagpapantasyahan, hehe!

Nweiz, ang susunod naming balak puntahan e gay bar naman. Sana mga barako yung mga andun para masaya at may maikuwento din ulit ako, hehe! :P

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (4)

1. redcomet left…

Thursday, 19 October 2006 5:59 am

wow ok yan a, san ba yan sa angeles at mapuntahan nga after ng xmas party :D Anwho ballyhoo, i remember the first time i went sa ganung establishment and geez what happened are things id rather forget hahahaha specially those vip rooms haaayyy :) . Pero sana di ka nagpakalango ate, di mo tuloy naabutan yung main event :P

2. barenaked left…

Thursday, 19 October 2006 3:12 pm

hahaha gusto mo i-tour kita? hehe! :P

monday night yata kami pumunta dun sa all the way na club. kinakahan nga ako't baka biglang ma-raid e, hehe! baka bigla na lang bumulaga pix ko sa tabloid, hahaha! :P

about the VIP rooms, kung anu-anong stories na rin narinig ko sa mga friends ko sa mga aktibidades nila sa loob. may friend kase ako na mahilig magkuwento ng bedtime stories n'ya, hehe! ;) (nawala na tuloy pagnanasa ko sa kanya, haha wow mali!)

3. redcomet left…

Friday, 20 October 2006 5:15 pm

cge itour mo ko pag pumunta uli kame ng clark hahaha joke lang

bout VIP rooms, umm…better not hear about them at all hahahaha. Unless me VIP rooms din sa gay bars nyehehehe :D

4. barenaked left…

Friday, 20 October 2006 7:04 pm

hahaha oo ba, hehe! para naman mamulat ako sa mga ganyang bagay, hehehe! :P

syet, sana makapag-gay bar na kami, hehe! ;)

Posted by barenaked at 11:25 pm | permalink

Add a comment








     

October 2006
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments