Home » Archives » 19. October 2006

KAGAGAHAN BLUES

October 19, 2006

Mga tsong, tatapusin ko na ba ang kagagahan ko sa boylet ko? Puta naman kase, bakit lagi na lang may aberya pag nagkakaigihan na? Olats talaga, syet!

Ayan tuloy ang napapala ko, palibhasa mahilig sa guapo e, sumasablay tuloy sa huli, tsk tsk tsk…

Di ko na natupad yung "Clean and Green Movement" ko. Pucha kase, ang sarap magpaka-libog, hahaha buwiset! Sabi ko pa naman sa sarili ko, "so slow" muna ang drama ko ngayon para umaayos-ayos ang mga bagay-bagay. Steady lang. Papetiks-petiks…

E wala, di ko rin magawa. Hay ang hirap…

Buti pa nung time na bagong magkakilala pa lang kami ni ex-model. Aliw kase sobrang pa-cute s'ya sa akin, hehe! Ako naman inaasar n'ya, pasulyap-sulyap naman daw ako sa kanya, haha! Kilig nun. Tantyahan e. Pero ngayon, pucha, puro problema na.

Ako naman si gaga, nagpapakabaliw sa kanya. Sunud-sunuran. Hahabol-habol. Anak ng…karaming lalake pa naman e. I mean, tall, dark and handsome s'ya pero di lang naman s'ya yung ganun sa mundong ibabaw.

Alam ko mauuntog din ako eventually. Ang tanong na lang is kung kelan. Syet, gusto ko na kumawala. Pero hirap pa ako sa ngayon. Pero takot din ako at the same time. What if huli na pala ang lahat?

Damn, I have to be strong. Kailangan ko ng mauntog at mabagok ng ulo ko habang maaga pa. Pero syet, pano???

Di pa huli ang lahat pero ang hirap, tsong…Wala kase kaming future together. Problema lang ang haharapin namin kung ipipilit pa namin. (But come to think of it, ako yung makulit talaga).

Natatakot ako…Lalong gugulo ang buhay ko kung nagkataon. i have to let go na.

Kaya ko kaya???

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (3)

1. JR left…

Friday, 20 October 2006 12:19 am

Sa takbo ng kwento mo, mukhang alam ko na buong kwento. Just remember, kahit anong advice/advise (paksyet nalilito na ko sa spelling, american influence tayo pero dito sa middle east british english ang ginagamit..hehehe)ang matanggap mo, nasa yo pa rin ang huling desisyon.Basta Malaki ka na, alam mo na ang tama at mali. Sa umpisa masaya yan pero nasa huli pa rin ang mga pagsisisi…Take care always

2. redcomet left…

Friday, 20 October 2006 5:28 pm

ayan kasi, akala ko kame lang mga lalaki ang literally 2 "ulo" na when the small one speaks out sunod ang buong katawan. tsk tsk.

Anyway, wag ka muna kumalas, mukha namang nageenjoy ka ate. Tuloy mo lang :)

3. barenaked left…

Friday, 20 October 2006 6:58 pm

@JR, naka, gets mo ba kung ano'ng sitwasyon ko? hehe yoko nga magbigay ng details dahil dyahe, hay…pero tama ka, sa una nga lang masaya. so masaya pa as of now. pero nararamdaman ko na, malapit na matapos 'tong kagagahan ko not because gusto ko pero dahil ayaw na n'ya. :(

@redcomet, wahhhh ewan ko ba. hay kase, mga lalake, puro boladas kayo. kinukuha n'yo muna yung kiliti ng babae sabay sabog ng bomba. pucha, ang hirap na kumawala pag ganun e. hay. :(

Posted by barenaked at 11:31 pm | permalink | Add comment

     

October 2006
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments