ITALIAN LANGUAGE
October 20, 2006
Alangya, natututo akong mag-Italian ng ala sa oras. Pero oks lang, enjoy naman, hehe! Sa totoo lang, gusto ko maging linguist. Di lang nadevelop dahil di ako nakapag-aral ng pormal sa univ or sa mga language centers. Nweiz, kung kukuha ulit ako ng panibagong kurso, Linguistics ang isa sa mga pinagpipilian ko.
At dahil nga sa nagtuturo ako ng Inggles sa tatlong Italians ngayon, nabuhay na naman ang aking kagustuhang mag-aral ng ibang lengguwahe. Actually, kung makakapili din lang ako, Asian language ang gusto kong aralin. (But of course, oks lang din kahit European language yung aralin ko).
So far e ok naman ang pagtuturo ko dun sa dalawang magdyowa. Gustong magfocus nung 28yo Italian sa newspaper reading chuva at balak n'yang mag-publish ng ala-"free press" na maliit na book. Italian style baga. Kaya naman maya't maya e tinatanong n'ya rin ako ng bagay-bagay about journ stuff. Ako naman e to the rescue at may-I-share ng mga bagay na alam ko about publication et al.
Yung 27yo dyowa naman n'yang babae e ayos din. Enjoy akong turuan s'ya. Nakatapos naman kase sila sa kolehiyo nung bf n'ya kaya bihasa na rin sa Inggles kahit papano. In fact, mas nagagalingan pa nga ako sa kanila kesa sa ibang kababayan natin na naririnig ko mag-Inggles.
May mga terms lang na nalilito sila kung minsan. Nalilito din sila minsan sa pagbigkas ng vowels. Di nila alam kung long or short vowel sound ba yung gagamitin nila. Ang maganda naman sa Italian, mala-Espanyol s'ya. Tyempo naman na pag di nila alam sa Inggles ang isang term e sakto naman katunog nito ang English version n'ya kaya nagkakaintindihan din kami sa huli.
Natawa lang ako nung minsan sa kagagahan ko. Habang nagbabasa kami ng Inquirer nitong si Italiano e biglang sumulpot yung salitang "soul". Di pala n'ya alam ito. Kuntodo explain pa mandin ako sabay sabi n'ya na "Oh! Anima." Isip naman ako ng isip kung ano yung "anima" na sinasabi n'ya at nasa bahay na ako nung ma-realize ko na, ay tama nga pala s'ya. "Anima" is "soul". As in "Anima Christi", hehe stupid me. Tangengotz, lol!
Ito namang 73yo Italian e parang bata kung turuan ko. Nung first time ko pa manding turuan s'ya e naghahanap ako ng "restroom." Di kami magkaintindihan. Pucha, muntik ko na nga masabing, "hwajangshil" (restroom in Korean, hehe!) Yun pala, "banyo" ang counterpart nito sa Italian, hehe! Alangya, yun lang pala yun, hehe!
At since mahina na ang pick-up n'ya dahil may edad na nga s'ya, ako tuloy yung natututo ng Italian dahil sa dali n'yang makalimot. Nariyan yung sasabihin ko sa kanya, "What do you do?" Mag-iisip na naman ang lolo n'yo kung ano yun sabay sasabihin kong "lavoro", at mage-gets na n'ya nun ako, hehe! (Salamat sa kanyang English-Italian at Italian-English dictionaries, hehe!).
"Are you busy?", kako pati sa kanya. Nalilito na naman s'ya. "Occupato" kako, hehe nice, buti na lang tunog Espanyol, hehe! Iba't ibang terms pa ang nagsusulputan habang nag-aaral kami—verbo (verb), consonanti (consonant), etc. Pati tuloy ako e nakiki-memorize na rin, hehe!
Ang di ko lang alam sa kanila is kung nag-aaway ba sila or what. Malambing kase yung Italian language pag maririnig mo. Unlike pag Korean na kabisado ko na kung medyo nag-iiba na ang tono ng boses ng isang tao. Pero oks na rin at exposed ako sa Italian ngayon para maiba naman. Sana magpaturo din sa akin yung French na friend nila, hehe!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. arvin left…
Saturday, 21 October 2006 10:39 pm
buenisima!!!
2. murrayjames left…
Monday, 23 October 2006 3:47 am :: http://www.murrayjames.net
hello… si murrayjames ako, ang isang canadian na nakatira sa USA. Found ko ang blog mo by accident. Gusto ko
Dati meron akong nobyang pinay, at nagsubok akong mag-Tagalog para sa kanya. Naghiwalay kami, pero nagsasanay pa ako ng wika niya. Beginner pa lang… mahirap ang pag-aaral ng ibang wika. best of luck sa italian language studies mo!
Monday, 23 October 2006 3:05 pm
@arvin, buenisima (kung anuman yun, haha!)
@murrayjames, whoa! salamat!
4. redcomet left…
Wednesday, 25 October 2006 6:10 am
ok yan italian! sabi nga ng utol ko masarap pakinggan kasi para raw kumakanta sila pag nagcoconverse, parang mga ilonggo sa atin, malambing magsalita
Wednesday, 25 October 2006 9:26 am
hehe korek. ang lambing nga. kahit ate ko, yun din yung unang hirit n'ya sa amin pagkatapos ng trip n'ya sa italy. malambing magsalita daw. tsaka guapo mga italian me(usually), hehe! pero medyo sharp ang features ng mga italian women naman. san kaya ako makakahanap ng italian stallion ko? hehe!
6. redcomet left…
Friday, 27 October 2006 5:27 am
itallian stallion? di ba makunat ang karne ng kabayo?
i thought you'd rather stick with philippine hotdogs, yung pampangas best hehehe
Tuesday, 31 October 2006 6:04 pm
hahaha di pa ako nakakatikim ng italian stallion e, hehe!
but yep, ok na ako sa pinoy hotdogs esp. pampanga's best.
8. airwind left…
Thursday, 16 November 2006 8:13 pm :: http://killerpatatas.blogspot.com/
wow naman dagdag na naman yan sa skills mo …. keep it up!
Wednesday, 22 November 2006 9:59 am
di naman ako marunong mag-italian e. nagmamarunong lang, hehe!








