PROBLEM CHILD
October 10, 2006
Sobrang malas talaga ako lately, syet! Problema dito, problema doon. Pamilya, work, lovelife, etc. Mabubuwang na yata ako, hay….
Ramdam na ramdam ko na mayayari ako sa amin nung Sabado't Linggo. And true enough, ganun nga ang nanyari.
Bagot na bagot ako sa bahay noong mga panahong yun. Dun lang ako sa bahay buong maghapon at magdamag at kakarampot lang din ang kinain ko.
Tabi kaming natulog sa kama nung 2yo nephey ko noong hapon ng Sabado. Naalimpungatan lang ako sa pagbukas ng gate at pag-alarm ng auto ni Ate.
Yari! Dead meat na ako, kako sa sarili ko. Naiimagine ko na puro sermon galore ang matitikman ko mula sa Ate ko na kauuwi lang galing sa Manila. Nuknukan pa mandin ng taray at ala-Marcos yun sa pagka-diktador.
Surprisingly, di n'ya ako sinermunan. Dedma lang kami. As in parang di kami magkakilala. Kala ko ok na ang lahat…Kala ko lang pala 'yun.
Kinabukasan ng Linggo, ramdam na ramdam ko na ang tensyon sa bahay namin. As in nagpaparinig si Ate habang kausap n'ya yung Tita namin na dumalaw noong araw na yun. Kesyo puro problema na lang daw sa mga kapatid n'ya (pertaining to me and bunso).
Still, dedma pa rin ako. Ni ha, ni ho, ala s'yang narinig mula sa akin. Pero nung di ko na ma-teke yung mga pagpaparinig n'ya sa akin habang nagbe-breakfast ako't nagbabasa ng dyaryo e umakyat na lang ako at nag-ayos-ayos ng mga gamit ko.
Kala ko "closed book" na ang lahat. Pero habang naliligo ako around 6pm ay kinatok ako ng younger sis ko, pinapatawag daw ako ng isa pa naming Ate (yung mommy ni Sandy).
Yari! This is it! Sermon galore na ang aabutin ko sa buong angkan ko. Habang nagbibihis tuloy ako ay pinapanalangin ko na tumigil muna ang oras. Pretend galore pa rin ako na kampante lang ako nun although ninenerbyos ako nang todo.
Pagkatapos kong magbihis at mag-make up ay bumaba na ako na as if e alang problema. Umupo ako sa sofa at ramdam na ramdam ko ang galit ng mga kapatid ko, particularly ng mga nakatatandang kapatid ko.
Ininterrogate nila ako isa-isa. Kulang na lang e patayin ako ng Ate ko. Gigil na gigil s'ya sa akin. Ako man e di ko mawari kung ano ang dapat kong maramdaman noon dahil nun lang ako napagalitan ng husto sa buong buhay ko.
Ako naman e tahimik lang nun at di sumasagot sa mga tanong nila. Nangingilid na ang mga luha ko. Ang siste ay lalong nabuwiset sa akin si Ate dahil sa di ko pagkibo. Uminit lalo tuloy ang ulo n'ya. Sinabunutan n'ya ako't dun na ako nagsimulang pumalahaw ng iyak. Akmang ihahampas na rin n'ya sa akin yung payong na nahagip ng tingin n'ya pero inawat lang s'ya ng iba pa naming mga kapatid.
Takot na takot ako nun. Iyak nang iyak. Pero wala akong magawa…Dahil mali ako…Nagkamali ako…At dapat ko na lang harapin ang galit ng pamilya ko.
Sinumbatan nila ako. Minura. Lahat-lahat na. Sobrang sakit ng mga salitang ipinukol nila sa akin…Pero tinanggap ko na lang lahat ng mga yun.
Mali ako e. Deserve ko yun. Wala akong karapatang magreklamo't umangal…
Naindyan ko tuloy yung date ko nun. Olats. 7pm sana kami magkikita. Di ko na s'ya nasipot dahil pag umalis pa daw ako ng bahay namin at wag na wag na daw akong babalik.
Ang daming naglalaro sa utak ko ng mga panahong yun. Gusto ko talagang bumukod ng bahay namin pero mahihirapan ako sa ngayon. Idagdag pa d'yan, di ako handa ngayon. Napakarami ko pang dapat alalahanin.
Umakyat na lang tuloy ako sa taas at dun umiyak nang umiyak. Kung anu-anong kalechehan pumasok sa isip ko ng mga sandaling yun. Lumundag na lang kako kaya ako sa terrace sa itaas? Ok sana kaso what if di ako madedbol at magkalasog-lasog lang ang mga buto ko? Ang sakit nun, tsong. Olats, wag na lang kako.
Mag-overdose na lang kako kaya ako ng pills? Pero pucha, ayoko pang mamatay…Alangya, ala pa ngang nangyayaring matino sa buhay ko e. Not now. Di pa pwede, tsong.
Nagkulong na lang tuloy ako sa kuwarto nun. Iyak lang nang iyak…Di ko pati magamit ang telepono dahil nasa baba ito. Ala pa akong cellphone kaya naman solo flight lang ako noong mga panahong yun.
Gusto ko ring magyosi nun pero pusang gala, ala akong makitang lighter, olats! Napakamalas ko talaga, syet!
Some kinda reflecting din ako sa buhay ko noong mga oras na yun. Ang dami kaseng issue na ibinato sa akin sila Ate. Kesyo blah-blah-blah and more blah-blah-blah daw ako. Grrr alam ko namang tama sila pero pucha, ipinapamukha pa sa akin, badtrip!
Eto tuloy ngayon at dedma lang kami sa bahay. Di nila ako kinakausap, ganundin ako sa kanila. Nahihiya ako na ewan na nabubuwiset sa kanila. Tampururut din. Olats naman kase, pucha!
Touched lang ako kay Daddy kase ala akong narinig kahit na anong panunumbat sa kanya. At parang dinudurog yung puso ko nung marininig ko s'yang umiiyak habang kausap ako. I know my Dad. He's the last person I'll approach kung may problema ako. Mainitin kase ang ulo, bossy, etc. Surprisingly, s'ya yung pinaka-supportive sa akin ngayon.
Kesyo bakit daw di ko sinabi sa kanila ni Mommy na may problema ako blah-blah-blah. Na di daw nila ako pababayaan…He even asked me kung may pera pa ako, etc. at binigyan pa n'ya ako ng pera pang-dentist. For more than a week kase e masakit yung ngipin ko pero sinasarili ko lang yun. Pero that's just me, sinsarili ko talaga ang mga bagay-bagay…Maririnig mo lang ako na nagrereklamo or nasasaktan pag di ko na kaya't feeling ko e mamamatay na ako. Otherwise, tahimik lang ako.
Nakikisabay pa ang putragis na stalker ko. Binubulabog ako ng lecheng yun. Tangina, badtrip! Gusto tuloy ni Daddy e wag muna ako mag-work ngayon. Kahit nga daw sila na lang ni Mommy ang magbigay sa akin ng allowance in the meantime. Gusto kase nila e nasa bahay lang ako as much as possible or uuwi ako nang maaga. Till 8pm pa mandin ang class ko kaya pinapa-give up ni Daddy sa akin yun.
Ala na akong evening classes ngayon dahil suspended yata ako. (yata, Ibang issue na naman ang putragis na 'to, grrr!). Ala tuloy akong gimik lately. Pucha, kakabagot nga. Sa work at sa bahay lang ako ngayon. Tapos di pa ako in good terms sa mga kapatid ko. Parang torture nga pag nasa bahay ako. Nasanay kase ako na madaling araw umuuwi lagi.
Naka-monitor lagi ang mga kilos ko. Alam nila sked ko sa bahay namin kaya di ako pwedeng magpagabi ngayon. Anak ng…kung kelan tumanda e dun ako binantayan, hehe! Feeling ko nga e "problem child" ako ngayon. Tumatandang paurong. Walang future. Nega (as in negative).
Kung anu-ano pang issue ang naglalabasan. Feeling nila nagda-drugs ako. Lalo pa silang nagduda dahil ang laki ng ipinayat ko. Pucha, buti naman at di nila ako pina-drug test nung mga panahong yun dahil olats, kakatikim ko lang ng shabu nung time na yun. Lilitaw akong positive kung nagkataon, syet! Pero tsong, yoko nang tumikim ever nun. Napakamahal na bisyo at di ko trip.
Andyan pa yung "casino" issue. Feeling nila nagsusugal din ako. Negative yun. Isa pang di ko trip yun. Sayang lang ang hard-earned money. I mean, I go to the casino pero di ako sumusugal per se. Tambay tambay lang ako dun.
Feeling pa nila nanlalalake or may bf ako ngayon. Pucha naman. Ako pa? Basta definitely, di ko gumagastos para lang sa lalake. Ala din akong bf or else inuwi ko na yun at ipinakilala ng pormal.
Basta. Napakaraming isyung naglalabasan ngayon. Buwiset kase exagg yung iba. As in out of this world. OA na.
Eto tuloy at nananahimik muna ako ngayon. Pa-goodshot muna ng konti. Konti lang naman. Tapos back to (ab)normal, haha jk!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. Subtle left…
Tuesday, 10 October 2006 3:32 pm
good ramblings..
2. Direk left…
Tuesday, 10 October 2006 11:53 pm
Ngayon lang yan…remember this,walang permanenteng problema,kahit ano pa sya.Bukas…next week..next month…matatawa ka due maiisip mo,yun lang pala yon.
regards, Direk
3. jr left…
Wednesday, 11 October 2006 1:16 am
lahat naman dumadaan sa ganyan.like me, kahit lalake ako, hinigpitan din ako sa min, puro exagg na issues at bintang, nagrebelde din ako, sinubukan lahat ng kalokohan at bisyo pero one time naisip ko parang mali ata mga ginagawa ko.and at the same time, nainlove ako sa ex-wife ko(kakakilala ko pa lang sa kanya nun.parehas kami president ng org.) kaya nagtuloy tuloy pagbabagong buhay ko, eto ako ngaun, medyo ok naman career ko, di nga lang ang lovelife.just email me or chat wid me.palitan tau ng mga kuro kuro sa buhay,hehehe. my ym is jamiroquai_29@yahoo.com jr here
4. redcomet left…
Wednesday, 11 October 2006 10:34 am
ampotah, ano na namang kagagahan ang pinasok mo ate?
naku, iwasan mo yang drugs na yan at marami akong barkada ang nasira kinabukasan dyan, mapalalaki man o mapababae. You must be escaping from something, kung inaakala mong nagiisa ka, tumingin ka lang sa paligid mo, actually yang bahay nyo at makikita mo me kakampi ka. Kaw naman e, napaka-introverted pag me problema. Mali pang barkada pa ata ka nasasali
. Sensya na kung ito lang masasabi pero, kelangan sagad sa buto.
Grow up. Act like your age.
Wednesday, 11 October 2006 6:08 pm
@direk, sana nga…sana nga…talagang di kami in good terms ng mga kapatid ko. feeling ko di ako nag-eexist sa bahay namin. parang "others" na ako…hay pero i know, lilipas din ito. not now though, magulo pa ang mga bagay-bagay.
@jr, nakakabuwiset kase parang bigla akong "nilaglag" ng mga kapatid ko. kala ko kakampi ko sila all along, kala ko lang pala yun. pero just the same, it doesn't change the fact na ako pa rin yung mali at yun nga, deserve ko naman yung pagtrato nila sa akin ngayon.
nweiz, unti-unti ko na namang inaayos yung buhay ko ngayon. sana tuloy-tuloy na.
and oh, i added you sa YM ko. chat chat na lang. tnx!
@redcomet, alangya, nadagdagan na naman ang sermon sa akin, tsk tsk tsk…parang naririnig ko mga ate ko sa dialogue mo, hehehe!
actually, same pa rin naman ang mga friends ko. ako lang talaga yung pasaway ngayon, feeling ko nakawala ako sa hawla. tumatandang paurong na ewan, olats!
about the shabu thing, first time ko lang makatikim ever nun. at natikman ko out of desperation. yun yung time na ang gulo ng mundo ko kaya napatikim na rin ako. anyhow, di ako nag-enjoy nun. parang wa epek nga sa akin. dami ko kaseng iniisip that time. yoko na tumikim ever.
6. BNL left…
Thursday, 12 October 2006 6:23 am
Reminds me of the movie Virgin Suicide.
Love is what you need..(and money)
7. basangpanaginip left…
Thursday, 12 October 2006 10:27 am
Kumusta ka na? Matagal-tagal na rin akong di nakapag-comment dito. Gusto lang kitang pasalamatan, dahil isa ka sa kauna-unahang nag-comment sa blog ko one year ago:
http://basangpanaginip.blogspot.com/2006/10/one-year-of-blogging-whew.html
8. John Marie left…
Thursday, 12 October 2006 4:02 pm
Hi, i just want you to know that i enjoy reading your entries in your blog… it is as if i'm reading a great work of literature (this is not bola ha). Anyway, here is piece of advice from your "great" fan… cheer up… move on… and enjoy life. Carpe Diem, Ms. Jonnah. Life is so short. I learned that you are from Pampanga or Dau??? Kapampangan? Hehehe! Cabalen!
Im looking forward for your future blog entries… please don't hesitate to reply on this message so that i know that I have successfully convey my appreciation to the person who I admire so much because of her openness and talent to "write." Ciao!
Friday, 13 October 2006 8:02 pm
@BP, wow, nabuhay ka, hehe! sup? no problem, dear.
@john marie, wow! ang sarap naman. you made my day!
sana wag kang magsawa magbasa.
yep, im from dau. ikaw ba?
and oh, salamat sa advice. ganun nga ginagawa ko ngayon…trying to move on…and learn from my mistakes, etc.
10. JOHN MARIE left…
Monday, 16 October 2006 11:41 am
It is my honor to always make your day. Query: Are you a teacher? Or a writer? You know, we have something in common. I write in order to make a living. I research in order to, you know, just to survive. However, there is still something that i want to fulfill, that is, to be exposed in the academe… maybe to be a college instructor in Political Philosophy or Social Science? Anyway, just want to reiterate, I'm always here to read your never ending stories… Just to be honest, JOHN MARIE is just my "cyber" name… hope you understand. Ciao!
Monday, 16 October 2006 3:31 pm
@john marie, magkabaligtad pala tayo ng gusto, hehe!
im an ESL (english as a second language) teacher sa isang univ at language center. am i writer? feeling writer lang, haha!
journ major ako but never ko prinaktis yun. pero gusto ko naman i-try na karirin ang writing this time. ewan pero undecided pa ako kung san ko talaga gusto mag-focus.
gusto ko rin magturo ng college. yun nga lang, ala pa akong master's degree kaya di pwede. i wanna teach speech comm, expository writing, etc.
12. jaleesa left…
Tuesday, 17 October 2006 5:31 pm
hi malagu, i can relate to your stories. long time ago, di ako kinausap ng parents ko tapos kinuha nila kotse ko. pati siblings ko, kumampi kina mama't papa. reason? lovelife ko! as in nagbu-bus ako papunta sa trabaho at ganun din papauwi. pati nga sweldo ko, kinuha ng bro ko at sya daw hahawak nun para di ako gumimik. shet talaga! as if naman pala-gimik ako. most of the time, sa bahay lang ako after work. that was hell! it'll be ok. nandyan naman si lord to guide you. pray ka lang. keep smiling malagu
Wednesday, 18 October 2006 6:53 pm
KJ talaga mga kapamilya, hehe!
pero ako talaga, lately lang ako gimikera although almost a month na akong alang gimik dahil nga binabantayan ako, tsk tsk tsk…buti na lang, medyo ok na ang atmosphere sa house namin ngayon. so far, so good. 6pm na lang din yung last class ko kaya maaga na ako nakakauwi lately.
14. jr left…
Friday, 20 October 2006 12:24 am
tnx sa pag add mo.:-) Basta payo ko na lang, wag ka na magrebelde at magloko, dami kasi sa tin, late na nagloloko, gusto maranasan ano ang feeling…Basta masasabi ko lang, maayos na buhay mo, sana wag mo na paguluhin pa.hehehe.
Friday, 20 October 2006 7:08 pm
latebloomer kase ako e. pucha, tumatandang paurong tuloy. nweiz, di naman talaga ako nagrerebelde, mukhang ganun lang yung dating dahil ang daming mga issues sa akin sa bahay. buti na lang medyo ok na sa amin ngayon kahit papano.









