Home » Archives » 23. November 2006

TYOPE

November 23, 2006

Tsong, naranasan n'yo na ba yung tipong may nakasakay ka sa jeep or sa bus na cutiepie pero hanggang tinginan na lang kayo? Yung tipong sulyap dito, sulyap doon na lang kayo pero walang words na namamagitan?

Tsong, na-experience ko lang yun last week. Olats! May macho guapito akong nakasakay sa jeep pero titigan galore na lang kami. Dyahe naman (yata) kaseng makipagkilala sa jeep or any public transpo, diba?

May point pa nga na magkatapat kami ng upuan sa jeep, kabababa lang kase nung katabi n'ya kaya yun…Anak ng…Parang torture…Kase sulyapan lang kami. As in yun lang ang kaya naming gawin all throughout…

Tapos pagbaba pa n'ya ng jeep, sumulyap ulit s'ya sa akin for the last time maging nung nakatawid na s'ya ng daan…hay…sayang, baka s'ya na pala ang soulmate ko, hehe!

Para pa akong tangengotz kase naisip ko what if abutan ko na lang s'ya ng number ko? Sabay naisip ko na pucha, wala pa rin nga pala akong cellphone hanggang ngayon, hehe wow mali! Landline lang ang kaya kong ibigay kung saka-sakali, hehe! Wala din akong calling card, hehe lowtech, aabutan ko na lang s'ya ng papel with my name and landline number kung nagkataon, hehe!

Olats talaga. Pwede sanang pamalit kay model yun, hehe macho guapito e. Tapos matangkad pa. Mukhang kagagaling lang din mag-gym ni boylet…Pero yun nga, ala ding nangyari…Pasulyap-sulyap…Patingin-tingin na lang…At ala talagang mangyayari sa ganoon.

Nung minsan namang naglalakad ako pauwi sa amin, may cutiepie din sa kabilang lane na nag-hello sa akin. Medyo inaayos n'ya auto n'ya nun at biglang sumulpot na lang yung ulo n'ya kaya nagulat ako at biglang natyope. Imbes na mag-hello din tuloy ako e umurong ang dila ko. Nag-smile na lang ako pero feeling ko e ang asim ng ngiti ko nun, haha wow mali!

Sa loob-loob ko, pucha, bumaba ka d'yan sa kotse mo, kunin mo number ko (landline lang ulit ang kaya kong ibigay if ever, hehe!). Pero olats. Hanggang hello lang s'ya sa akin at hanggang smile lang ako sa kanya nun.

Wahhhh puro mga cutiepie na napunta lang sa wala. Tsk tsk tsk poor me…

Yoko talaga kase kay model as much as possible kaya naman I'm not closing my doors to anyone…Actually, hanggang ngayon ganun pa rin naman. Ala naman kaming "solid" na commitment kaya oks lang kung makipag-date ako sa iba.

Putragis na mga cutiepie naman kase, hanggang tingin na lang sa akin…Yun namang mga olats ang lalakas ng loob at halos ipagsiksikan ang sarili sa akin, geez di laging magtugma, hay…

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (8)

1. Jeremiah D. Gaddi left…

Thursday, 23 November 2006 5:52 pm

hhhghjgjhgh

2. redcomet left…

Friday, 24 November 2006 11:47 am

ciao ate :) hahaha, e kung bumile ka na lang kasi ng selepano e di mas napadali ang buhay mo diba? pero malay mo mga snatcher naman ang sumulyap sa u wahehehehe :D E di gawin mo yung bangga technique, me sinabihan ako nun na kaberks, aba ang loka! lagi yun na lang ginagamit para makadagit hahahaha even using it once on me.

well its going to take more than butt contact to get my attention hahahaha cheers :P

3. airwind left…

Friday, 24 November 2006 7:20 pm :: http://killerpatatas.blogspot.com/

naks naman!!! lakas ng appeal ng lola mo ….. :)

4. nice left…

Saturday, 25 November 2006 10:30 am

can i ask 4 a date?

5. barenaked left…

Monday, 27 November 2006 9:59 am

@redcomet, naku, poor ako ngayon, dear. dami ako binabayarang mga utang kaya nakikitext lang ako…

and oh yung bangga effect? may gumawa na ng ganung style sa akin sa casino. as in sinundan-sundan ako kahit saan ako pumunta with matching titig sa akin mula ulo hanggang paa. at yun, nagulat ako nasa 2nd floor na at sinundan din pala ako sabay binangga ako't kunwari e nagtatanong ng oras sa akin e alangya, di naman ako naka-relo nun at nawala na cp ko nun. ang mokong biglang nagpakilala hehe sabay tanong ng, "magaling ka ba?" haha titi n'ya! :P

@erwin, nakakabulag lang, tsong, hehe! ;)

@nice, taralets, hehe! ;)

6. redcomet left…

Monday, 27 November 2006 7:46 pm

kaw nakikitext? kapalmuks o ginagamit yung mukha para maka-free text hehehe. And people, this is the reason why i always check this blog… "titi nya" hahahahaha, candor and grace. And she would pull it off nonetheless

other than that? nakakabulag? utut mo hahahahaha

7. jaesonpwet left…

Saturday, 2 December 2006 12:16 am :: http://www.geocities.com/jaesonpwet/loba

hmm, naranasan ko na ang nikwekwento mo…..tinginan, sulyapan, minsan pa nga makikipag matigasan yun babae, gusto nya ay una akong umiwas ng tingin, pero sadyang matindi ako eh… pero alam mo yun pakiramdam na parang nagbabasahan kayo ng iniisip..

ewan ko kung nababasa nya iniisip ko, sana hindi…. kasi kabastusan lang naman iniisip ko eh… heheheh

anyway, minsan pakiramdam namin mga guys, gusto namin kilalanin yun babae, pero sa amin experience kasi, binabastos kami ng babae o sinusupladahan, minsan nakakalungkot kasi badtrip eh… kaya yun dala na kami, kung ayaw gumawa ng paraan nun babae para magkaroon ng communication. e wala ng kikilos pa… tinginan na lang talaga… :)

-jaeson

8. barenaked left…

Sunday, 3 December 2006 7:59 pm

@redcomet, promise, almost 3 months na akong alang cp. baon pa ako sa utang kaya di ako makabili till now. nakaka-survive naman kahit papano, salamat sa unli texting ng globe, hehe! nakikitext ako dun sa younger sis ko. as in kapalmuks ako, di ko niloadan ever, haha! :P

"And people, this is the reason why i always check this blog… "titi nya" hahahahaha, candor and grace. And she would pull it off nonetheless

other than that? nakakabulag? utut mo hahahahaha" -naku, dear, you should read one of my friendster testi about me pulling off any indecent words that come out of my mouth, hehe! :P

btw, salamat. :)

@jaeson, nga e. tantyahan na lang, tinginan…puro kaeklatan lang…haha kahit nga minsan e kahalayan lang,lol! :P

may mga suplada talaga pero di ako ganun, hehe! minsan wrong timing lang talaga, olats!

Posted by barenaked at 3:18 pm | permalink | comments[1]

     

November 2006
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments