THE 3 MAGIC WORDS
December 18, 2006
Tsong, feeling ko nasa Cloud 9 ako ngayon. My dear dyowa said "I love you" to me for the first time! Syet, ang sarap ng feeling! As in!
Hehe babaw ba ng kaligayahan ko? Di naman. Masaya lang talaga ako. Unexpected kase. And kung meron mang taong unang mag-i-I love you sa amin, feeling ko ako yun, not him. Not ever.
Kaya naman nung sinabi n'ya na love n'ya ako. Syet parang gusto kong mag-tumbling sa tuwa kahit di ako marunong, haha ang O.A. ko, syet!
Tandang tanda ko ang moment na yun. Saturday ng madaling araw. Mga 3am (tumakas ako sa amin). Noong hinatid na n'ya ako sa bahay, as usual, andun ang walang kamatayang hug at goodbye kiss. Adik kase ako sa kanya, hehe laging naglalambing. Nagpapa-baby.
Kala ko simpleng paalamanan lang yun. At nang anu-ano'y nag-"I love you" s'ya sa akin, syet feeling ko tumama ako sa lotto! Kilig na kilig ako nun, feeling daisy na naman, hahaha!
For some, odd siguro yung reaction ko. Pero tsong, iba kase ako pagdating sa mga relasyon. I don't follow rules. Di naman kinakailangang mag-I love you-han na kaagad for the sake of saying it. Or para sweet. Or for whatever.
Hate na hate ko kase yung mga guys na pucha, nuknukan ng bolero e sa totoo lang gusto lang ako tikman. Ako pa niloko nila e alangya, di ako nagpapadala sa ganyan. Tsaka as I've said, madali naman akong kausap. Kahit magkalimutan na tayo after, alang problema. Basta ang sa akin lang, wag na tayong magbolahan.
Kumbaga e kung seryoso, e seryoso tayo. Kung laro lang, go, game. Not to mention, di ako yung type na palasabi ng "I love you". Para sa akin kase, sagrado yun. Kaya naman rest assured ka na pag sinabihan kita na mahal kita, totoo yun. As in galing sa kaibuturan ng balumbalunan ko, di sa puson.
I remember nung bata-bata ako, I seldom say I love you sa mga dyowa ko. Di ako vocal sa feelings ko. May pagka-mahiyain kase ako. More of sa actions ako bumabawi.
Pero ganun yata talaga pag tumatanda na, mas willing na mag-risk. Mas natututo na. Mas nagiging affectionate at vocal sa feelings. Parang we never know kase, diba? Baka bukas or makalawa, break na pala kayo ng mahal mo or biglang may nangyaring di kanais-nais, atleast nasabi ko na kahit papaano na mahal ko s'ya.
Pero in the case of my dear dyowa, walang I love you-han agad na nangyari. Mas gusto ko nga yung ganun. I mean, di naman s'ya obligado na magsabi na mahal n'ya and vice versa. At di rin naman s'ya obligado na sumagot na mahal n'ya ako pag sinabihan ko s'ya ng I love you and vice versa.
Ang sa akin lang, kung ano yung feel namin, yun yung iparamdam namin. Di yung para kaming mga robot na naka-program na sunod lang sa agos na mag-I love you-han from time to time kahit ala naman pala sa amin yun. Mas masarap kase pag petiks lang. Alang pressure chuvanes.
In our case kase, nagsimula lahat sa attraction. Nag-aasaran nga kami kung sino yung unang nagpa-cute sa amin. S'yempre sa version n'ya, ako daw. Haha kapal ng mukha n'ya, hehe! Sinusulyap-sulyapan ko daw s'ya at siguro daw e sinabi ko sa sarili ko na someday e mapapasaakin at matitikman ko din s'ya. Haha hanep ang confidence, hehe!
Sabi ko nga feeling s'ya. S'ya kako yung bumuntot sa akin at di na ako pinakawalan, hehe! A few minutes after ma-meet ko kase s'ya e biglang nagulat ako't naka-buntot na pala s'ya sa akin. Ihahatid na raw n'ya ako. Naka-motor pa mandin s'ya nun e anak ng tokwa, di ako marunong sumakay sa motor. As in pang-third time ever ko pa lang sumakay ng motor buong buhay ko kaya naman pucha, nerbyos na nerbyos ako nun. Dami ko pa namang dalang shopping bags nun at nag-shopping spree ako, wow mali, sabay feeling ko e mahangin na sa labas yung buhok ko, hehe!
Sinabi ko din na s'ya talaga yung unang nagpa-cute sa akin dahil sa pinakuha n'ya yung cellphone number ko nun. Idagdag pa d'yan e dumating s'ya ng mabilis pa sa alas kuwatro nung tinawagan s'ya at sinabihan na nasa isang place ako. Buti naman at this time e yung auto na n'ya yung dala n'ya. S'yempre hinatid n'ya ulit ako nun.
At naman, sinabi n'ya mismo sa akin na he likes me. Kesyo nung unang kita pa lang daw n'ya sa akin e tinamaan na daw s'ya sa akin blah-blah-blah. Syet ang haba ng hair ko nun, hehe! Pero s'yempre di ko inamin right then and there na I felt the same way about him. Tama na yung pasulyap-sulyap daw ako sa kanya, haha!
Kuntento naman kase kami dun sa set-up na alam naming we like each other. No need to rush things din naman kase. Basta kung ano yung feel naming gawin, yun na yun.
Kaya naman nung nag-I love you s'ya sa akin nung Sabado, hay tsong, talaga namang nagulat ako. Napa-charing pa ako sa kanya, hehe! Sabay tanong ng, "Ows? Ot love muku?"(Ba't love mo ako?) Haha pa-cute ako nun, syet! Parang ayoko na ngang umuwi nun. Gusto ko na lang s'yang lambingin at kulitin ng katakot-takot, hehe!
In took me a long time nga bago ako sumagot ng, "I love you too" sa kanya. Parang di pa kase nagsi-sink in sa akin nun. Basta ang alam ko kilig na kilig ako nun. As in pagbaba ko ng auto n'ya, ngiting ngiti ako nun at ninanamnam ko pa ang 3 magic words na sinabi n'ya sa akin.
Ang sarap balik-balikan. Pag kase sinabi mo sa isang tao na you like him/her, tumataas yung lebel ng relasyon n'yo. Kaya naman pag nag-I love you-han, tumataas na naman ng panibagong lebel. Stages baga.
Hay basta ako, masaya ako ngayon. Ninanamnam ko kung anumang meron kami ngayon. Maghiwalay man kami bukas sa makalawa or sa kahit anong panahon, atleast nasabi ko na sa kanya na mahal ko s'ya at gayundin s'ya sa akin.
Sarap talagang ma-inlove, syet! Kilig to the bones talaga, hehe!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. renren left…
Wednesday, 20 December 2006 1:45 am
*umaabang ulit sa susunod na kabanata…
2. jr left…
Thursday, 21 December 2006 3:31 am
haha, i can relate to that kilig feeling…sana tuloy tuloy na magandang lovelife mo:-)
3. kat left…
Thursday, 21 December 2006 2:26 pm :: http://simplykat.blogspot.com
panalo ka sis! congrats sa very colorful lovelife!
you're right. minsa kasi, overused na yung 3magic words na parang nawawalan na ng meaning. but in your case, feel na feel talaga that it's sincere.. parang magiging merry na naman ang christmas mo!
4. K left…
Friday, 22 December 2006 2:08 am
here's wishing you a Merry Xmas and a very Happy New Year!
5. basangpanaginip left…
Saturday, 23 December 2006 1:00 pm :: http://basangpanaginip.blogspot.com/
6. redcomet left…
Tuesday, 26 December 2006 12:49 pm
love and roll ate, basta always remember…safe sex ahehehehe
7. laryuki left…
Tuesday, 2 January 2007 1:10 pm :: http://laryuki.blogdrive.com
wow tagal ko na rin d napasyal dito…
walang kakupas kupas etong blag mo ate…
tagal na rin akong walang balita sayo…
buti nalang at maayos na yang buhay mo ngayn…
i am very happy for you…
balitaan mo naman ako… chismis naman diyan…
sino ba yang dyowa mo ngayon? bago ba yan or siya pa rin?
balitaan mo naman ako… email mo nalang ako kasi mukhang d magpang abot ang mga landas natin sa net eh…
Happy New Year Ate!!!
laging tandaan… sa labas lang iputok bwhahahaha lol =P
8. islanghero left…
Friday, 19 January 2007 4:18 pm
nice blog here. masaya!
GETTING VAIN
December 14, 2006
Simpleng babae lang ako dati. Pero tsong, some kinda vain ako ngayon. Syet, dalaga na ako, haha!
I mean, simple pa rin naman ako hanggang ngayon. Pero conscious na conscious ako sa balat ko ngayon. Dati kase ala akong seremonyas sa aking face pero naman, di ako magkumahog kung anong beauty products ang bibilhin ko ngayon.
So far, so good naman ang aking pagpapa-derma. Every 2 weeks ang punta ko. Ala pa akong mintis so far. Yun nga lang, once pa lang ako nagpa-Diamond Peel. Dati kase once a month ang balak ko dun pero ngayon, puro cleaning at mud pack lang. Oks na yun for me, taghirap kase ako ngayon e, poor me. (Paging mga DOMs, lol!)
Dati kase ala akong paki sa skin ko. Swerte naman at di ako taghiyawatin (walastik, jologs ba term ko? lol!) Medyo naging conscious lang ako for awhile nung pagka-graduate ko ng college. For some reasons, bigla akong nagka-pimples nun. Ewan, sa stress siguro since graduating ako that time.
Nagpa-derma ako nun at dahil hamak na palamunin lang ako nun, syempre sagot nila Mommy mga ipinapahid ko sa mukha ko. Kung anu-anong cream at lotion nilalagay ko sa mukha ko nun pero tsong, kakatamad. Basically kase e tamad akong tao talaga (hehe) sabay kung anu-anong morning at night rituals bigla ang ginawa ko for my skin kaya naman kakapanibago talaga. Success naman at pagbalik ko ng LB to get my transript of recordns, napansin naman ng madlang pipol ang skin ko. Hehe thanks Doc! Haha!
Pero for awhile lang yun. Dapat talaga kase e may maintenance para maganda talaga ang skin. At yun nga, nung nag-clear na ang aking pimples e tinigil ko na rin ang aking mga seremonyas. So far, so good naman. As I've said, di naman talaga kase ako taghiyawatin.
Fastforward to now. Anak ng tokwa, kung kelan ako tumanda, ngayon ako nagbe-break out. S'yempre taranta ang beauty ko. Pucha, iba kase talaga pag maganda yung skin. Kaya naman eto't back to my morning and night rituals ako idagdag pa d'yan ang aking facial every 2 weeks.
Surprisingly, na-eenjoy ko na ang paglalagay ng kung anu-anong toner, moisturizer, sunblock, etc. sa mukha ko. Dati kase e talaga namang tamad na tamad ako't di mo ako maaasahan sa mga ganyang bagay. As in my make-up remover na rin ako ngayon at kung anik-anik. Kuntodo body wash at lotion din ako ngayon. Ibang-iba dun sa dating ako na alang paki sa mundo.
Ewan ko ba if it has to do with age or vanity. Walastik naman kase pag nagbabasa ako ng Inquirer, mga advertisements ng kung anu-anong pampa-beauty at pampapapayat ang nakikita ko. Hanep pag nakita mo yung Marie France ad ni Dawn Zulueta, parang dyosa ang putragis! Andyan pa ang Facial Care, Slimmer's World, etc. Hay naku, talaga namang parang gusto kong sumugod bigla sa Marie France at magpa-mesotherapy at kung anu-ano pang kalechehan.
Incidentally, I have a friend na sumali sa beauty contest. Marie France ang sikreto n'ya. From 30 na waistline e naging 24 s'ya, hanep diba? Nag-invest muna talaga s'ya sa pagpapa-beauty at voila, napasama naman s'ya sa top 10 ba yun or top 6 ng Mutya. (Pero reject s'ya sa Binibini). Andyan pa yung mga pampaputi ng kilikili at rebonding n'ya kaya naman gumanda talaga s'ya. In fairness to her, she's got nice skin, big boobs and high cheekbones. (Natural yun, ha? Hehe!). Kumbaga e inenhance na lang kung anumang meron s'ya at s'yempre inayos ang mga flaws n'ya.
Gusto ko tuloy magpa-mesotherapy ngayon. Pero ewan, bahala na. Poor ako ngayon e, ala din akong panggastos if ever, hehe wow mali!
Ok na ako sa ngayon na may mga seremonyas ako sa aking mukha at katawan. I take a multivitamin as well. Kuntodo lotion na rin ako at body wash chuva ang gamit sa paliligo. Dati, oks na ako sa Safeguard, hehe! Di rin ako nagski-skirt pag alam kon mahaba ang lakaran. Yoko mangitim legs ko. Tamad pa naman akong mag-sunblock sa katawan, mukha ko lang yung nilalagyan ko.
In fairness naman sa akin e mukhang effective naman ang ginagawa kong pag-aalaga sa balat ko. Maraming nakakapansin sa skin ko ngayon. Hehe good, dapat lang. Sayang naman ang pera ko kung nagkataon. O sya, hanggang dito na lang. Start your morning and night rituals, mga peepz! It doesn't matter kung girlaloo ka or barako. Pangalagaan natin ang ating skin at kung anik-anik.
Gtg na ako! Punta pa akong derma ko. (Tsong, seryoso ako, lalarga na ako papuntang derma, hehe!).
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. JOHN MARIE left…
Thursday, 14 December 2006 3:10 pm
You should drink a lot of water too… lots lots of water!
2. graymalkin left…
Friday, 15 December 2006 12:09 pm
uy, padalhan mo naman ako ng updated pics! hehehe.
3. renren left…
Saturday, 16 December 2006 12:45 am
Nakakapagpa-blooming daw ang sex hehehe…
4. sachiko left…
Saturday, 16 December 2006 2:17 pm :: http://sachikojp.com
haha! enjoyable talaga itong blog mo,aliw!
happy blog anniversary,im one of your readers,i like your style!
ive changed url na,kindly update your link pls.
http://sachikojp.com
Monday, 18 December 2006 3:42 pm
@johnmarie, ay oo, kasama din yan.
isang swimming pool ang iniinom ko, hehe!
@graymalkin, hay naku, tsong, gusto ko man pero alang means. sira ang digicam namin at ala din akong cp. new look pa naman ako ngayon, naka-bangs na, hehe tsaka medyo maigsi na hair ko. next time, sige.
@renren, ay, di ako maka-relate, hahaha!
@sachiko, hehe thanks dear.
sige, update ko link mo.
BARENAKED TURNS 2
December 12, 2006
Hi fans! (Lol kapal!) 2 years na ang kagalang-galang at kapita-pitagang blog ko, hehe kapal ulit! Happy anniv sa aking lulubog lilitaw na blog, hehe!
Btw, salamat sa mga nagtatyagang magbasa at makitsismis sa aking napaka-boring na buhay, sa pakikitawa sa aking mga adventures at misadventures sa buhay, sa pakikisimpatya at pakiki-join sa samu't saring emosyon ko.
Umasenso na nga rin pala yung nasa mailing list ko. Apat na, haha! Dati isa lang, lol!
Nadagdagan kahit papano, hehe!
Ayos din ang pagba-blog. Kakaaliw. Para s'yang diary na not-so-secret dahil binubuyangyang ko yung kaluluwa ko for the whole world to read. Kaya naman iba't ibang mga comments din ang nare-receive ko. Minsan may naaliw, nang-ookray at kung anu-ano pa. But just the same, alang pakialaman ng trip, mga tsong!
I intend to blog forever. (kaya ko kaya?). I mean, hangga't kaya ng powers ko, magba-blog ako. It's one way of knowing thy self din kase. Lalo na ako, minsan tatahi-tahimik lang ako. Pero pag nagblog na ako, ala na…Kapalmuks na. La na ako pakialam sa sasabihin ng iba. Bottomline, nakikibasa lang yung iba kaya kung di nila feel ang mga isinusulat or desisyon ko, labas na sila dun.
Nweiz, salamat sa self-confessed number 1 fans ko (daw!). Ayos, kulang na lang autograph, hehe!
Salamat din sa lahat ng mga nagpi-pm, nag-eemail at kung anik-anik. Medyo delayed reaction lang minsan ang mga replies ko't sira na naman ang pc namin, olats!
Di na rin ako makapag-blog nang maayos minsan dahil nga sa net cafe lang ako nagta-type. Kakabuwiset minsan yung mga katabi ko sa pc na nakiki-usyoso din. One time nga, may asungot na silip nang silip sa kung ano'ng ginagawa ko, tinititigan ko na nga nang masama, wa epek pa rin. Sabi ko last time na, pag di pa tumigil ito, makikipagpalit na ako ng lugar sa kanya. Haha buti na lang at di na sumilip ang gago kung hindi, yari s'ya sa akin, hehe!
Minsan naman kakatamad magblog. S'yempre miss ko na ang Friendster at pagcha-chat, hehe! Kaya naman minsan nakakaligtaan ko nang magblog at inuuna pa ang kung anu-ano. Pero kahit ganyan lang, naisip ko na rin na what if mapadpad ako sa China? Dati kase e restricted ang mga blogs dun. As in dapat ipa-register mo muna ang blog mo, walastik ang corny noh? Buti na lang at nasa Pinas pa rin ako, hehe!
O sya, hanggang dito na lang, dear Diary, este dear blog, hehe! More years to come, Barenaked!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. JOHN MARIE left…
Tuesday, 12 December 2006 3:48 pm
Hi Ms.Piad (honestly, i can't remember your first name… i am sorry)! First, congratulations on your second year of blogging! Second, it's nice to be back… I have experienced technical/computer difficulties that was why i was unable to write comments about your blog posts. Anyway, hmmmm, what can i say.. just seize the day! (shempre with your ex-model boyfriend ba yun?) and be happy!whatever your emotions are, happy or sad, just write it. Don't be bothered on the reactions (especially your critiques) of your readers. After all, they are entitled of doing such (rights that are enshrined in our Constitution, hehehe)… and never forget the fact that this is YOUR blog… you are also entitled to write anything about your emotions, how good, bad, positive or "nega" it would be. Until then… Just write, write and write…
2. Sandz left…
Wednesday, 13 December 2006 9:17 am
Hi. Been following your blog for some time now, and what can I say? Reading your entries is a fun experience, since you're just being you and you speak whatever is on your mind. Congratulations on your second year! Looking forward to more colorful entries, and I hope you go a long, long way. God bless!
3. graymalkin left…
Wednesday, 13 December 2006 12:34 pm
uy, congratz!
kasama ako sa mga #1 fans ng blog mo, hehehe! :p
4. airwind left…
Thursday, 14 December 2006 1:44 am :: http://killerpatatas.blogspot.com/
maligayang anibersayo … nawa'y di ka magsawa…. hehe
Thursday, 14 December 2006 2:20 pm
@johnmarie, wow! u remember my last name, hehe!
btw, maraming salamat. oks lang naman sa aking yung mga "nega" comments kaya lang yung iba kase nagmamarunong ang mga putragis, kala mo naman kilala nila ako. as if, hehe!
@sandz, wow salamat! nawa'y di ka magsawa sa kababasa sa blog ko.
@graymalkin, kingsterrrrr, there you go… hehehe nice! salamat!
@erwin, salamat din. nawa'y di ka rin magsawa sa kaka-blog.
6. JOHN MARIE left…
Thursday, 14 December 2006 2:26 pm
Hi! Yah, i remember na… jonnah jill (i hope 'di mali yung spelling.. hehehehe). pardon my ignorance, pero ano ibig sabihin ng btw? Is that an electronic chat "jargon"?
Thursday, 14 December 2006 2:29 pm
hi there, john! ang galing ah, tama nga spelling ng name ko.
and oh, BTW means by the way.
8. JOHN MARIE left…
Thursday, 14 December 2006 2:57 pm
Ayos! Happy second year anniv. ha!
9. basangpanaginip left…
Saturday, 16 December 2006 6:40 pm :: http://basangpanaginip.blogspot.com
Galing, galing. Congratulations Jonnah. Pasensiya ka na kung hindi ako nakapag-comment madalas. Regular reader mo pa rin naman ako. Congrats ulit! =)
Monday, 18 December 2006 4:30 pm
@BP, maraming salamat!
Alam ko naman na andyan ka lang lagi sa tabi-tabi.
WHY, OH WHY???
December 7, 2006
Syet, yoko nang ma-inlove!
Puro na lang pagsasakripisyo (hay), kagagahan (hay ulit), kamartiran (hay to the nth power)at kalibugan (hay sarap, lol!)
Gusto ko nang mabagok ang ulo ko pero wahhhh, ayaw ng puso ko. Syet gaga talaga ako, bwiset!
Pero tama nga si friend, whether yung utak ko or yung puso ko yung paiiralin ko, a part of me still loses…wahhhhh! Para akong tangengotz kase, syet! Iiyak sa tabi-tabi. Seselos. Pero isang tawag o hawak lang n'ya sa akin, bigla akong umaamo, tanginaaa!
May nabibili bang pampauntog??? Ginayuma yata ako ng kolokoy na yun, grrr! Di ko s'ya matiis. At talaga namang ako yung unang humalik sa kanya dati noh? Haha wow mali!
Buwiset pa kase nuknukan pa s'ya ng busy. As in ang dalang lang naming magkita. Tawag ko nga dun, senator, hehe! Lagi na lang kase may istorbo pag magkasama kami. Laging nagri-ring yung fone n'ya, grrr kakasira ng momentum ang putragis!
Kailangan ko ng lalake, syet! Kapalit n'ya. Pero dapat ka-level din n'ya, hehehe ang arte ko pa kase e, tsk tsk tsk…Hay hanggang kelan na naman kaya itong kagagahan kong ito??? Ba't kase nakilala ko pa s'ya nang di inaasahan??? Why, oh why??? Ginulo n'ya ang nananahimik kong mundo.
Going straight na pa naman ako ngayon. My short lived party girl days are over. Gusto ko na umaayos-ayos. Gusto ko na magkaroon ng direksyon ang buhay ko. Gusto ko na magseryoso. Pero wahhhh, bakit pa s'ya dumating sa buhay ko???
Sabi ko nga, he's so right but oh so wrong for me at the same time. Labo ba? Basta.
Kitakits nga kami nito sa Sunday. Yari na naman ako nito, tsk tsk tsk…
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. jaesonpwet left…
Friday, 8 December 2006 11:03 pm :: http://www.geocities.com/jaesonpwet/loba
sa nabasa ko, kung usapan seryoso lang talaga. Masasabi kong "nalilito" ka lang sa buhay. Siguro, maari mong tanungin ang sarili mo kung ano ba talaga ang gusto mo?
Sigurado ka bang Inlove ka? o gusto mo lang ng kasama? o gusto mo lang ba ang may nangungulit sayo? o gusto mo lang bang may inu-uto ka lang? o tag-libog ka lang talaga?
ngayon, pag naisip mo na at sigurado ka na kung ano problema, siguro instinct mo na lang ang magsasabi kung anong dapat mong gawin.
ibang usapan: yun sinasabi mong busy? walang lalaking busy pag mahal talaga nya ang isang babae, lalo na kung girlfriend nya. Kung ako ang lalaki, sasabihin kong busy ako, dahil malamang wala akong pera, wala akong panahon, wala akong oras para makipagkulitan, at siguro wala pa akong ganang makipag-kantutan.
at pang-huli, hindi mo kailangan sabihin na gusto mong mag-seryoso, dahil kung gusto mo talagang mag seryoso ay hindi mo na kailangan sabihin ito, kung baga ay automatic na talagang mag-seseryoso ka.
sa nakikita ko lang talaga, masaya ka sa buhay mo, at pinag-lalaruan mo lang ang sariling damdamin para wala lang….may magawa lang.hehehehe. masaya naman diba?
-jaeson
2. JR left…
Saturday, 9 December 2006 7:17 am
TAMA si jaeson pwet:-)
Monday, 11 December 2006 7:39 pm
@jaeson, i know what you mean…pero di mo kase gets e. at yoko din magbigay ng details sa blog ko. sa akin na lang yun. basta long story…but definitely, mali yung mga assumptions mo.
about the seryoso thing, kanya-kanya lang siguro tayo ng pananaw ukol dito. and prerogative ko yun kung gusto ko ipangalandakan sa mundo kung nagseseryoso ako or nagloloko lang. to each his own, my dear.
"sa nakikita ko lang talaga, masaya ka sa buhay mo, at pinag-lalaruan mo lang ang sariling damdamin para wala lang….may magawa lang.hehehehe. masaya naman diba?
", oh geez! di mo ako kilala. at bat ko naman lolokohin ang sarili ko, aber??? kung alam mo lang…
4. airwind left…
Monday, 11 December 2006 8:15 pm :: http://killerpatatas.blogspot.com/
Advanced merry christmas sa iyo … my barenaked lady.
5. renren left…
Tuesday, 12 December 2006 2:23 am
*aabangan ko na lang ang susunod na kabanata…
6. redcomet left…
Tuesday, 12 December 2006 5:59 am
ganito lang yan mga repapips, mahal nya ang lalaki pero yung lalaki di sya ata sineseryoso. At itong si sis e umaassa na one day, in the course of the many intercourses hehehe joke lang pero part yan, and the many sacrifises, that he change his ways and be the better man. Taste yan ni mis J e, mga badboy cutiepie, and its turns her on, it exhumes the woman in her and partly its a challenge. We all hope that the one that comes is the last and the one we would grow old with, but alas, life is full of everchanging moods. And it complicates matters and sometimes you end up on the losing end of the stick. Life doesnt end up as we would want it to be, and who says life is perfect? if it was, were in utopia and not earth hehe. Id say play your cards, and true, youd lose a few hands pero u could always deal again, as long as you have chips left
Tuesday, 12 December 2006 1:14 pm
@erwin, salamat. merry xmas din.
@renren, hehehe!
@redcomet, hehe nice! basta ang labo kase ng mga bagay-bagay…basta ako, sabay lang sa agos ngayon, bahala na. mauuntog din naman ako eventually (or baka sya, hehe!).
and oh, he doesn't look badboy naman pero yep, guapito talaga, hehe!
and of course, panalo ang height, hehe natupad din ang pangarap kong magka-dyowa ng 6'2, hehe!








