GETTING VAIN
December 14, 2006
Simpleng babae lang ako dati. Pero tsong, some kinda vain ako ngayon. Syet, dalaga na ako, haha!
I mean, simple pa rin naman ako hanggang ngayon. Pero conscious na conscious ako sa balat ko ngayon. Dati kase ala akong seremonyas sa aking face pero naman, di ako magkumahog kung anong beauty products ang bibilhin ko ngayon.
So far, so good naman ang aking pagpapa-derma. Every 2 weeks ang punta ko. Ala pa akong mintis so far. Yun nga lang, once pa lang ako nagpa-Diamond Peel. Dati kase once a month ang balak ko dun pero ngayon, puro cleaning at mud pack lang. Oks na yun for me, taghirap kase ako ngayon e, poor me. (Paging mga DOMs, lol!)
Dati kase ala akong paki sa skin ko. Swerte naman at di ako taghiyawatin (walastik, jologs ba term ko? lol!) Medyo naging conscious lang ako for awhile nung pagka-graduate ko ng college. For some reasons, bigla akong nagka-pimples nun. Ewan, sa stress siguro since graduating ako that time.
Nagpa-derma ako nun at dahil hamak na palamunin lang ako nun, syempre sagot nila Mommy mga ipinapahid ko sa mukha ko. Kung anu-anong cream at lotion nilalagay ko sa mukha ko nun pero tsong, kakatamad. Basically kase e tamad akong tao talaga (hehe) sabay kung anu-anong morning at night rituals bigla ang ginawa ko for my skin kaya naman kakapanibago talaga. Success naman at pagbalik ko ng LB to get my transript of recordns, napansin naman ng madlang pipol ang skin ko. Hehe thanks Doc! Haha!
Pero for awhile lang yun. Dapat talaga kase e may maintenance para maganda talaga ang skin. At yun nga, nung nag-clear na ang aking pimples e tinigil ko na rin ang aking mga seremonyas. So far, so good naman. As I've said, di naman talaga kase ako taghiyawatin.
Fastforward to now. Anak ng tokwa, kung kelan ako tumanda, ngayon ako nagbe-break out. S'yempre taranta ang beauty ko. Pucha, iba kase talaga pag maganda yung skin. Kaya naman eto't back to my morning and night rituals ako idagdag pa d'yan ang aking facial every 2 weeks.
Surprisingly, na-eenjoy ko na ang paglalagay ng kung anu-anong toner, moisturizer, sunblock, etc. sa mukha ko. Dati kase e talaga namang tamad na tamad ako't di mo ako maaasahan sa mga ganyang bagay. As in my make-up remover na rin ako ngayon at kung anik-anik. Kuntodo body wash at lotion din ako ngayon. Ibang-iba dun sa dating ako na alang paki sa mundo.
Ewan ko ba if it has to do with age or vanity. Walastik naman kase pag nagbabasa ako ng Inquirer, mga advertisements ng kung anu-anong pampa-beauty at pampapapayat ang nakikita ko. Hanep pag nakita mo yung Marie France ad ni Dawn Zulueta, parang dyosa ang putragis! Andyan pa ang Facial Care, Slimmer's World, etc. Hay naku, talaga namang parang gusto kong sumugod bigla sa Marie France at magpa-mesotherapy at kung anu-ano pang kalechehan.
Incidentally, I have a friend na sumali sa beauty contest. Marie France ang sikreto n'ya. From 30 na waistline e naging 24 s'ya, hanep diba? Nag-invest muna talaga s'ya sa pagpapa-beauty at voila, napasama naman s'ya sa top 10 ba yun or top 6 ng Mutya. (Pero reject s'ya sa Binibini). Andyan pa yung mga pampaputi ng kilikili at rebonding n'ya kaya naman gumanda talaga s'ya. In fairness to her, she's got nice skin, big boobs and high cheekbones. (Natural yun, ha? Hehe!). Kumbaga e inenhance na lang kung anumang meron s'ya at s'yempre inayos ang mga flaws n'ya.
Gusto ko tuloy magpa-mesotherapy ngayon. Pero ewan, bahala na. Poor ako ngayon e, ala din akong panggastos if ever, hehe wow mali!
Ok na ako sa ngayon na may mga seremonyas ako sa aking mukha at katawan. I take a multivitamin as well. Kuntodo lotion na rin ako at body wash chuva ang gamit sa paliligo. Dati, oks na ako sa Safeguard, hehe! Di rin ako nagski-skirt pag alam kon mahaba ang lakaran. Yoko mangitim legs ko. Tamad pa naman akong mag-sunblock sa katawan, mukha ko lang yung nilalagyan ko.
In fairness naman sa akin e mukhang effective naman ang ginagawa kong pag-aalaga sa balat ko. Maraming nakakapansin sa skin ko ngayon. Hehe good, dapat lang. Sayang naman ang pera ko kung nagkataon. O sya, hanggang dito na lang. Start your morning and night rituals, mga peepz! It doesn't matter kung girlaloo ka or barako. Pangalagaan natin ang ating skin at kung anik-anik.
Gtg na ako! Punta pa akong derma ko. (Tsong, seryoso ako, lalarga na ako papuntang derma, hehe!).
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. JOHN MARIE left…
Thursday, 14 December 2006 3:10 pm
You should drink a lot of water too… lots lots of water!
2. graymalkin left…
Friday, 15 December 2006 12:09 pm
uy, padalhan mo naman ako ng updated pics! hehehe.
3. renren left…
Saturday, 16 December 2006 12:45 am
Nakakapagpa-blooming daw ang sex hehehe…
4. sachiko left…
Saturday, 16 December 2006 2:17 pm :: http://sachikojp.com
haha! enjoyable talaga itong blog mo,aliw!
happy blog anniversary,im one of your readers,i like your style!
ive changed url na,kindly update your link pls.
http://sachikojp.com
Monday, 18 December 2006 3:42 pm
@johnmarie, ay oo, kasama din yan.
isang swimming pool ang iniinom ko, hehe!
@graymalkin, hay naku, tsong, gusto ko man pero alang means. sira ang digicam namin at ala din akong cp. new look pa naman ako ngayon, naka-bangs na, hehe tsaka medyo maigsi na hair ko. next time, sige.
@renren, ay, di ako maka-relate, hahaha!
@sachiko, hehe thanks dear.
sige, update ko link mo.








