THE 3 MAGIC WORDS
December 18, 2006
Tsong, feeling ko nasa Cloud 9 ako ngayon. My dear dyowa said "I love you" to me for the first time! Syet, ang sarap ng feeling! As in!
Hehe babaw ba ng kaligayahan ko? Di naman. Masaya lang talaga ako. Unexpected kase. And kung meron mang taong unang mag-i-I love you sa amin, feeling ko ako yun, not him. Not ever.
Kaya naman nung sinabi n'ya na love n'ya ako. Syet parang gusto kong mag-tumbling sa tuwa kahit di ako marunong, haha ang O.A. ko, syet!
Tandang tanda ko ang moment na yun. Saturday ng madaling araw. Mga 3am (tumakas ako sa amin). Noong hinatid na n'ya ako sa bahay, as usual, andun ang walang kamatayang hug at goodbye kiss. Adik kase ako sa kanya, hehe laging naglalambing. Nagpapa-baby.
Kala ko simpleng paalamanan lang yun. At nang anu-ano'y nag-"I love you" s'ya sa akin, syet feeling ko tumama ako sa lotto! Kilig na kilig ako nun, feeling daisy na naman, hahaha!
For some, odd siguro yung reaction ko. Pero tsong, iba kase ako pagdating sa mga relasyon. I don't follow rules. Di naman kinakailangang mag-I love you-han na kaagad for the sake of saying it. Or para sweet. Or for whatever.
Hate na hate ko kase yung mga guys na pucha, nuknukan ng bolero e sa totoo lang gusto lang ako tikman. Ako pa niloko nila e alangya, di ako nagpapadala sa ganyan. Tsaka as I've said, madali naman akong kausap. Kahit magkalimutan na tayo after, alang problema. Basta ang sa akin lang, wag na tayong magbolahan.
Kumbaga e kung seryoso, e seryoso tayo. Kung laro lang, go, game. Not to mention, di ako yung type na palasabi ng "I love you". Para sa akin kase, sagrado yun. Kaya naman rest assured ka na pag sinabihan kita na mahal kita, totoo yun. As in galing sa kaibuturan ng balumbalunan ko, di sa puson.
I remember nung bata-bata ako, I seldom say I love you sa mga dyowa ko. Di ako vocal sa feelings ko. May pagka-mahiyain kase ako. More of sa actions ako bumabawi.
Pero ganun yata talaga pag tumatanda na, mas willing na mag-risk. Mas natututo na. Mas nagiging affectionate at vocal sa feelings. Parang we never know kase, diba? Baka bukas or makalawa, break na pala kayo ng mahal mo or biglang may nangyaring di kanais-nais, atleast nasabi ko na kahit papaano na mahal ko s'ya.
Pero in the case of my dear dyowa, walang I love you-han agad na nangyari. Mas gusto ko nga yung ganun. I mean, di naman s'ya obligado na magsabi na mahal n'ya and vice versa. At di rin naman s'ya obligado na sumagot na mahal n'ya ako pag sinabihan ko s'ya ng I love you and vice versa.
Ang sa akin lang, kung ano yung feel namin, yun yung iparamdam namin. Di yung para kaming mga robot na naka-program na sunod lang sa agos na mag-I love you-han from time to time kahit ala naman pala sa amin yun. Mas masarap kase pag petiks lang. Alang pressure chuvanes.
In our case kase, nagsimula lahat sa attraction. Nag-aasaran nga kami kung sino yung unang nagpa-cute sa amin. S'yempre sa version n'ya, ako daw. Haha kapal ng mukha n'ya, hehe! Sinusulyap-sulyapan ko daw s'ya at siguro daw e sinabi ko sa sarili ko na someday e mapapasaakin at matitikman ko din s'ya. Haha hanep ang confidence, hehe!
Sabi ko nga feeling s'ya. S'ya kako yung bumuntot sa akin at di na ako pinakawalan, hehe! A few minutes after ma-meet ko kase s'ya e biglang nagulat ako't naka-buntot na pala s'ya sa akin. Ihahatid na raw n'ya ako. Naka-motor pa mandin s'ya nun e anak ng tokwa, di ako marunong sumakay sa motor. As in pang-third time ever ko pa lang sumakay ng motor buong buhay ko kaya naman pucha, nerbyos na nerbyos ako nun. Dami ko pa namang dalang shopping bags nun at nag-shopping spree ako, wow mali, sabay feeling ko e mahangin na sa labas yung buhok ko, hehe!
Sinabi ko din na s'ya talaga yung unang nagpa-cute sa akin dahil sa pinakuha n'ya yung cellphone number ko nun. Idagdag pa d'yan e dumating s'ya ng mabilis pa sa alas kuwatro nung tinawagan s'ya at sinabihan na nasa isang place ako. Buti naman at this time e yung auto na n'ya yung dala n'ya. S'yempre hinatid n'ya ulit ako nun.
At naman, sinabi n'ya mismo sa akin na he likes me. Kesyo nung unang kita pa lang daw n'ya sa akin e tinamaan na daw s'ya sa akin blah-blah-blah. Syet ang haba ng hair ko nun, hehe! Pero s'yempre di ko inamin right then and there na I felt the same way about him. Tama na yung pasulyap-sulyap daw ako sa kanya, haha!
Kuntento naman kase kami dun sa set-up na alam naming we like each other. No need to rush things din naman kase. Basta kung ano yung feel naming gawin, yun na yun.
Kaya naman nung nag-I love you s'ya sa akin nung Sabado, hay tsong, talaga namang nagulat ako. Napa-charing pa ako sa kanya, hehe! Sabay tanong ng, "Ows? Ot love muku?"(Ba't love mo ako?) Haha pa-cute ako nun, syet! Parang ayoko na ngang umuwi nun. Gusto ko na lang s'yang lambingin at kulitin ng katakot-takot, hehe!
In took me a long time nga bago ako sumagot ng, "I love you too" sa kanya. Parang di pa kase nagsi-sink in sa akin nun. Basta ang alam ko kilig na kilig ako nun. As in pagbaba ko ng auto n'ya, ngiting ngiti ako nun at ninanamnam ko pa ang 3 magic words na sinabi n'ya sa akin.
Ang sarap balik-balikan. Pag kase sinabi mo sa isang tao na you like him/her, tumataas yung lebel ng relasyon n'yo. Kaya naman pag nag-I love you-han, tumataas na naman ng panibagong lebel. Stages baga.
Hay basta ako, masaya ako ngayon. Ninanamnam ko kung anumang meron kami ngayon. Maghiwalay man kami bukas sa makalawa or sa kahit anong panahon, atleast nasabi ko na sa kanya na mahal ko s'ya at gayundin s'ya sa akin.
Sarap talagang ma-inlove, syet! Kilig to the bones talaga, hehe!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. renren left…
Wednesday, 20 December 2006 1:45 am
*umaabang ulit sa susunod na kabanata…
2. jr left…
Thursday, 21 December 2006 3:31 am
haha, i can relate to that kilig feeling…sana tuloy tuloy na magandang lovelife mo:-)
3. kat left…
Thursday, 21 December 2006 2:26 pm :: http://simplykat.blogspot.com
panalo ka sis! congrats sa very colorful lovelife!
you're right. minsa kasi, overused na yung 3magic words na parang nawawalan na ng meaning. but in your case, feel na feel talaga that it's sincere.. parang magiging merry na naman ang christmas mo!
4. K left…
Friday, 22 December 2006 2:08 am
here's wishing you a Merry Xmas and a very Happy New Year!
5. basangpanaginip left…
Saturday, 23 December 2006 1:00 pm :: http://basangpanaginip.blogspot.com/
6. redcomet left…
Tuesday, 26 December 2006 12:49 pm
love and roll ate, basta always remember…safe sex ahehehehe
7. laryuki left…
Tuesday, 2 January 2007 1:10 pm :: http://laryuki.blogdrive.com
wow tagal ko na rin d napasyal dito…
walang kakupas kupas etong blag mo ate…
tagal na rin akong walang balita sayo…
buti nalang at maayos na yang buhay mo ngayn…
i am very happy for you…
balitaan mo naman ako… chismis naman diyan…
sino ba yang dyowa mo ngayon? bago ba yan or siya pa rin?
balitaan mo naman ako… email mo nalang ako kasi mukhang d magpang abot ang mga landas natin sa net eh…
Happy New Year Ate!!!
laging tandaan… sa labas lang iputok bwhahahaha lol =P
8. islanghero left…
Friday, 19 January 2007 4:18 pm
nice blog here. masaya!
Add a comment









