Home » Archives » 21. January 2007

SI BABY AT SI HONEY

January 21, 2007

Bago ang lahat, di ko na nga pala tinanggap yung scholarship ko sa Korea. If ever e mag-aaral at magtatrabaho sana ako dun. Bago New Year dapat ang alis ko at "Winter Sonata" mode na sana ako ngayon.

 

Pero oks lang kahit di natuloy. Ok naman kase ang work ko sa Pinas. So far, so good. Daming blessings.

As in I'm working my ass off now. Laging pagod pero enjoy din naman kahit papano. Oks din kase ang mga students ko.

S'yempre fave ko yung advisory class ko. At ehem, fave din nila ako, hehe! 5 students sila dun. 2 guys at 3 bebot.

Tinutukso pa naman ako dun sa isa sa kanila. In fairness, cutiepie yung 26yo student ko na yun. Yun nga lang, di gaanong magaling mag-English.

He looks Pinoy, actually. Makapal ang kilay. Malaki ang mata. Matangos ang ilong. Moreno. Nakasalamin. Yun nga lang, mas matangkad ako sa kanya at medyo payat s'ya. Pero over-all impact, pasado na s'ya sa akin, hehe! (Nga pala, ala na kami ni model).

At dahil binubuyo kami ng mga kaklase n'ya, Egi-ya(Baby) ang tawag ko sa kanya at Chagi-ya(Honey) naman ang tawag n'ya sa akin, hehe nice one! Sounds cute though kaya di ako pumapalag, hehe!

One time nga binuhat n'ya yung bag ko for me, sabi ko sa kanya, "Egi-ya, kumawo. Saranghe." (Baby, thank you. I love you.) Aliw na aliw naman mga estudyante ko s'yempre, haha!

May moments na sweet s'ya sa akin. Ipinambubura ako ng board. Ipinagbubukas ako ng pintuan. Sinusuklay yung buhok ko. Etcetera etcetera.

One time nga bubuksan ko na lang yung Mountain Dew ko na naka-can, tumayo pa s'ya para s'ya mismo yung magbukas for me sabay inabutan pa ako ng straw, hehe how sweet!

Minsan naman halos magkapalit na mga mukha namin nung dine-demo n'ya kung pano yung "Bingo" na lalaruin namin. Kantyawan sa room nun, "too close" daw s'ya sa akin. Ako naman e nagba-blush, haha feeling daisy ulit, syet, hehe!

Nung naglalaro naman kami ng "Truth or Dare" e kung anu-anong questions ang mga tinatanong sa amin. First Q sa kanya, "Do you love her?" Sumagot naman s'ya nang alang kagatol-gatol, "Yes, I love her." Kinikilig lahat ng mga estudyante ko, haha! (pati ako, syet! Haha!).

Nung turn ko tuloy e, "Do you love him?" naman ang tanong sa akin. S'yempre yes na rin ang sagot ko, haha gaya-gaya. Behave nga sa pagtatanong at pagsagot dahil some kinda conservative sila at baka di na nila ako igalang, haha wow mali! (Daring kase kami maglaro ng Truth or Dare pag mga friends ko ang kalaro ko, hehe!).

Pero nawindang talaga ako minsan na nag-flying kiss s'ya sa akin. As in napayuko ako't feeling ko e blush to death ang beauty ko. Unexpected kase talaga kaya naman na-conscious ako ng todo. Ako pa naman, natyotyope ako pag type din yung tinutukso sa akin. Palibhasa kase may malisya ako e, hehe! :P

Kabe-break lang din nila ng gf n'ya kaya ewan, kung type ba talaga n'ya ako o nakiki-ride lang s'ya sa mga pambubuyo ng mga classmates n'ya. Ako naman e I find him handsome talaga. Lalo na pag nag-smile s'ya, ang cutiepie n'ya. Ang ganda pa naman ng ngipin n'ya. Parang ang sarap n'yang halikan, hehe! ;)

Pilyo din ang mokong na yun. Gusto pa akong kunan ng pic nung medyo sexy yung top ko. Naka-halter ako nun pero naka-blazer. Nakikisigaw din s'ya ng "Take it off"! Haha salbahe! Pero s'yempre mas aliw ako sa kanya pag sweet s'ya sa akin.

Aliw yung "Egi-ya" at Chagi-ya" chuva namin. Parang totoo. (Pero sana totoo na nga lang talaga, haha!).

Petiks lang ako as of now. Sumasabay lang sa agos. Ang sarap talaga pag feeling "daisy". Feeling bagets ako, hehe!

Sana Monday na para kitakits na ulit kami ng Egi-ya ko. ;)

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

Posted by barenaked at 3:34 pm | permalink | Add comment

     

January 2007
M T W T F S S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments