Home » Post Item » EGI-YA AND THE SUPER FRIENDS

EGI-YA AND THE SUPER FRIENDS

January 22, 2007

Success! Improving na ako sa pagbabasa ng Korean writing, hehe! Nagbunga ang pagrereview ko nung weekends.

Putragis kase na mga dipthongs na yan, pampagulo ng buhay! La akong problema sa mga vowels, consonants at double consonants nila pero pag dipthongs na, syet lost na lost ako dati sa pagbabasa.

Pero kanina sa Korean class namin, aba, kaya ko nang makipagsabayan. Buti naman kase dyahe sa mga classmates ko kung nagkataon na slow pa rin ako, hehe!

Last day na nga rin pala namin sa Thursday. Supposed to be e sa Friday pa sana pero may aasikasuhin si Sir kaya yun, mapapaaga ng konti ang bigayan ng certificates sa amin.

Hirap talaga ako nung una na magbasa ng Korean characters dahil napakabilis ng pagtuturo sa amin. Imagine 10 days lang tapos tig-isang oras lang kaya dapat alerto lagi at memorize galore kapag may natututunang bagong letra. At ngayon nga, 9 days na lang pala kami.

Nasa construction kami ng sentences ngayon. So far, so good naman. Actually, alam ko na yung ibang expressions dun dahil naging "interpreter kuno" na ako dati. Sa totoo lang, di ko alam kung paano ko nalampasan yun with flying colors, hehe!

Nga pala, binigyan ako ng Korean name ng mga students ko. "Han Sul Gi". Bale last name yung Han tapos "Sul Gi" naman yung first name ko kuno. "Sul Gi" means wisdom daw at according to them, it's a nice name.

Marami silang mga sinuggest na pangalan sa akin pero nire-reject ko. Gusto ko ko kase cute yung tunog, hehe! S'yemre itinodo ko na ang demands ko, hehe! Ayos din daw yung "Sul Gi" dahil it sounds "Egi-ya" , hehe nice one!

As usual tinutukso pa rin nila kaming dalawa ni "Egi". Nakiki-ride naman kami para masaya naman sa klase, hehe! As in I don't call him by his English name anymore, consistent na "Egi-ya" pag kausap ko s'ya or "Egi" pag pinag-uusapan namin s'ya. Di rin "Teacher" ang tawag n'ya sa akin, "Chagi-ya" na talaga, hehe pinanindigan na. ;)

Ayos lang naman sa akin dahil cutiepie s'ya. Mas ok na yun kesa sa swangit ako i-partner, hehe! At talagang enjoy ako sa klase nila dahil parang magbabarkada lang kaming lahat dun. Excited nga daw silang lahat lagi pag MWF dahil may klase kami. Kung pwede lang daw e ako na lang yung teacher nila everyday, hehe ehem!

Parang artista pa naman ako sa klase na yun, hehe! Kakaaliw minsan mga adjectives nila, feeling ko dyosa ako, haha! Yung mga tipong, "You're so glamorous", "yepuda"(pretty in Korean), "Ang ganda mo", "Ang sexy mo" comments nila, hehe! Meron pa ngang "You're bag is so provocative!"(referring to my glossy red leather bag with crocodile skin). Haha what a term!

Talagang they check me out from head to toe pag papasok na ako sa klase nila. Inaabangan na nila kung ano yung damit at accessories ko. Lahat pinapansin. Palibhasa mapoporma din yung mga bebot sa klase ko kaya particular sila sa damit.

Naiilang lang ako pag nag-a-"I love you" sila sa akin. I mean, ok lang sa akin pag sinasabi nila na "We love you" pero pag sinasabihan nila ako ng "I love you" individually (including the guys), di ko alam kung ano isasagot ko. Ngumingiti na lang tuloy ako, hehe! :P

Palibhasa kase very strict yung mga teachers nila sa Korea. Kaya siguro parang nagugulat sila na posible palang maging dabarkads mo rin ang teacher mo sa Pinas. But anyway, that's just my style. Di rin kase ako yung tipong stiff sa klase. I'm a cool teacher. (feeling ko lang yun, haha sana tama ako, hehe!).

Basta sa ngayon, gusto ko lang maging mas close sa kanila lalo na kay "Egi". Olats naman kase ang lalakeng yun, pucha, di marunong mag-English. Minsan nga in Korean pag kinakausap n'ya ako. Slow na slow baga, hehe wow mali!

Maging dyowa lang ako nun, libre na tutorial n'ya sa akin, haha sugar mommy ang putragis, hehe! Kung nagkataon, Korean BBQ na naman pala ang putahe nito, haha! Pero oks lang din para maiba naman, hehe! ;)

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

Posted by barenaked at 3:36 pm | permalink

Add a comment








     

January 2007
M T W T F S S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments