BONDING TIME WITH THE SUPER FRIENDS AND COMPANY
January 23, 2007
Syet, nasira yata ang image ko sa ibang estudyante ko. Olats naman kase yung co-teacher ko na close friend ko rin, akalain mo ba namang naikuwento n'ya na pumunta ako sa isang bar na nag-o-all the way ang mga bebot?!
I mean totoo naman talaga yun not to mention, I was super drunk then. Pero it's not something that I'm proud of. Di planado yun. Charge it to experience baga.
E ang gaga biglang naikuwento na nakapasok na ako sa ganung bar, putragis, gulat na gulat ang mga estudyante ko. Di kase talaga sila makapaniwala't I look so "pure" daw, hehe! Kala lang nila yun, hehe!
Kasalanan ko ba kung mukhang maamong tupa ako? Hehe ewan ko ba, I look so wholesome talaga. Di makabasag pinggan. (basta wag lang lilitaw sandamakmak kong ear piercings, of course).
But then again, impression lang nila sa akin yun, s'yempre. Lalo na pag nasa iskul ako. Alangan namang magkalat ako dun noh! Hehe!
Pero yun nga yung nakakabuwisit din minsan, as if naman kase ala akong karapatang gumawa ng mga bagay na di kanais-nais. Sabi ba naman kase nung estudyante ko sa akin, "I'm so disappointed with you." Naloka ang beauty ko s'yempre, I mean pag nasa skul ako, "teacher" nila ako, pero pag nasa labas na ako ng skul, "ordinaryong tao" lang ako. May puso't kaluluwa din naman, haha! May mga pangangailangan din, haha charing!
Nweiz, di ko kase gaanong ka-bonding yung klase nila "disappointed student" sa akin. Palibhasa, "Academic Reading and Writing" ang itinuturo ko sa kanila kaya medyo seryoso baga ang pagtuturo ko dun. Walang gaanong chikahan unlike dun sa class nila "Egi".
Sa kabilang banda naman, natawa ako dun sa student ko na isa kase sinabihan n'ya ako na kanina lang daw n'ya nakita yung "other side" ko. Pinagsama kase namin nung isa pang teacher yung mga klase namin at "conversation" lang ang ginawa namin kanina.
Aliw kase yung topic namin kanina. First bf/gf. First kiss chuvanes, hehe! E ako pa naman game ako pagdating sa mga ganyang usapan. Mga Koreans kase sobrang shy type pag medyo private ang usapan.
E "Academic Reading and Writing" pa mandin ang itinuturo ko sa isang klase ko na yun kaya writing galore ang inaatupag namin most of the time. Kumbaga e "seryoso" baga ang image ko sa kanila. Di nila alam na gaga din pala ako, hehe!
Kanina lang nila na-discover na kengkay din pala ako, hehe! Sira-ulo. Wild.(?). Haha whatever!
Magbo-bonding ulit kami nito sa Thursday, hehe nice one!
Siguradong alaskado na naman kami ni "Egi" nito, hehe! Pero this time sa labas kami magka-klase. Dun sa house nung isang teacher, actually.
Akalain mo ba namang nagyayayang uminom ang mga students sa classroom. Oks lang sana sa akin kaso mahirap na. Baka makarating kung kani-kanino at masuspindi pa kami, olats yun kung nagkataon.
Syet, sana Thursday na. Everybody happpy na naman nito, hehe!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. jr left…
Tuesday, 23 January 2007 11:54 pm
haha, mukhang in love ka na a:-) sabagay masarap din yang mga kilig feelings…hehehe
2. JOHN MARIE left…
Wednesday, 24 January 2007 8:40 am
You don't have to be serious in teaching (although sometimes you must be). A teacher is not just a mentor, but also a friend.
3. redcomet left…
Wednesday, 24 January 2007 12:34 pm
well alam mo nman cguro kung san ka lulugar, basta alam ko you know better
and if it goes somewhere else, hehehe, safe sex lang, be cultured and be responsible.
cheers
Wednesday, 24 January 2007 8:57 pm
@JR, haha nope! libog lang 'to, nyahaha charing!
@johnmarie, korak!
@redcomet, hahaha sira!
5. redcomet left…
Thursday, 25 January 2007 3:34 pm
naks matured na si ate, nadedecipher na lust from love hehe kudos
Thursday, 25 January 2007 6:50 pm
haha sira! joke lang yun. ala akong pagnanasa sa kanya. payatot e. pero pasado sa akin ang face value n'ya.








