SYET, I NEED TO UNWIND!
January 25, 2007
Last day na ng Korean class namin kanina. May certificate na ako, yehey!
Aliw nga kanina't binabasa ko on my mind yung mga Korean writing sa mga Korean establishments na nakikita ko. Hehe astig!
But of course, mabagal pa rin ako magbasa. Pero good enough na yun as of now. Magpa-praktis na lang ako on my own ngayon.
BTW, namigay nga din pala kanina ng "gim" (dried seaweed) si Sir. Pinamigay din n'ya yung 2 books from Seoul-de University (ito yung number 1 univ ng Korea).
Actually, tinanong n'ya kung sino yung may gusto sa book. Di na ako nagtaas ng kamay at may Korean book na ako for beginners. Ang siste tuloy e "gim" yung napapunta sa aming di nabigyan ng book.
Bago din ipinamigay yung mga certificates namin e ni-require n'ya kami na magsalita in Korean. Ang linya ay, "Anyong Haseyo? (How are you?). Jo-ui irumon Jonnah ibnida. (My name is Jonnah.) Jonun yong-o sunseng ibnida. (I'm an English teacher.). Manaso banggab supnida. (Nice to meet you.).
In fairness, ako lang yung nasabihan ng "very good" kanina. I sound like a real Korean daw, hehe nice one! Kahit limited kase ang Korean vocab ko e very familiar ako sa accent nila kaya naman nagagaya ko ito.
I wonder ano naman kaya ang next language na matututunan ko. Ayos din kase ang Mandarin Chinese pero baka maloka na ako nito. Mas complicated kase ang Chinese characters kesa sa Korean. At isa pa, baka malito ako.
Basta as of now, ok na sa akin ang Korean. Ang concern ko ngayon ay kung paano i-polish ang pagbabasa ng writing nila at kung paano palalawakin ang Korean vocab ko. But just the same, open pa rin ako sa pag-aaral ng ibang lengguwahe mapa-Asian man yan o European.
Kakapagod lang talaga't drained ako araw-araw at nuknukan ako ng busy ngayon. Pucha, ang hirap talagang maging artista, haha charing!
As in la na akong night life. Puro trabaho lang ang inaatupag ko ngayon. Ni hindi na nga ako nakapagbabasa ng dyaryo sa umaga, usually sa gabi na lang ako nagbabasa. Stop muna din ako sa pagbabasa ng mga novels ngayon.
Magkakaroon na rin ako ng Saturday at Sunday TOEFL tutorial starting this week. Presyong kaibigan na nga lang ang ibinigay ko. Kabarkada kase ng younger sis ko yung tuturuan ko. Idol pa mandin ako ng batang yun, hehe baka madismaya na s'ya sa akin ngayong magiging tutor n'ya ako, lol!
Kayod kalabaw ako ngayon. Di ko na talaga s'ya maisingit sa sked ko pag weekdays kaya sa weekends na lang daw. Tapos meron pang doktor na gustong magpaturo sa akin ng gitara.
Ewan ko lang kung TY yun kase "dyowa" yata s'ya ng tito ko. 500/hr kase ang alam kong singil ngayon sa ganyan. But then again, feeling ko din I'm not the right person para gawing "guitar teacher" dahil di talaga ako pinagpala pagdating sa pagbabasa ng mga nota. (Ibang nota lang ang alam kong basahin, nyahaha!).
Ang kapal pa ng mukha ko, gusto kong mag-aral ng "classical guitar" e puro note reading kaya yun, hehe! Parang di yata ako magsu-survive, hehe! Pero ewan ko ba, "fans" ko kase mga kamag-anak ko, hehe! Kamag-anak Incorporated baga, hehe!
Alam kase nila matalas-talas ang tenga ko pagdating sa music. Bata pa lang kase ako, nakikita nila akong tumutugtog ng piano on my own. "Oido". Pakapa-kapa lang. (Ibang kapaan na ang alam ko ngayon, haha!).
At yun nga, alam din nilang naggigitara ako kaya feeling ng mga kamag-anak ko e "gifted child" yata ako, haha exagg ako, syet! Basta, yun na yun. As I've said, Kamag-anak Incorporated nga, hehe!
Ewan ko lang kung nasa Manila si Doc ngayon o nasa ibang bansa. Kase the last time na nakausap ko Tita ko, turuan ko daw ng gitara yung anak n'ya pag may time ako. Electric guitar pa ang kanila. Walastik, daig pa ako e classical at acoustic lang mga gitara ko sa bahay, hehe!
Sabi ko nga puntahan na lang ako pag weekends dahil yun lang ang time na pwede ako. TY lang yun sigurado pero ala namang problema sa akin yun. Ang concern ko e kung paano ko tuturuang magbasa ng nota yung pinsan ko e di ko naman forte yun.
Hate na hate ko ngang magbasa ng mga nota nung time na 12 anyos ang ako. Kung pwede nga lang e sabihan ko ko yung guitar teacher ko na mag-chords na kami, hehe!
Di hamak na mas mahirap pa namang mag-nota sa gitara kesa sa piano. Laktaw laktaw kase ang pagtipa.
Ah ewan, basta ang gusto ko ngayon e mag-unwind! Miss ko na ang gimik days ko. Inuman. Sayawan. Etc. Putragis naman kase, ang hirap maging careerwoman! Haha charing!
Incidentally, niyakag ako kanina ng isa kong estudyante na mag-gay bar this weekend. In fairness, ako yung niyaya, di ako yung nagyaya. Ako yung bini-B.I. nila, haha!
I wonder bakit ako lang yata yung ininvite nila sa mga teachers. Napaka-dry naman kase ng ibang co-teachers ko. Di ko gaanong ka-bonding yung mga yun.
Matagal ko na pa namang gustong mag-gay bar pero for some reason, di natutuloy lagi yung plano namin. Ayos na rin itong nagyaya si student kanina. Kasama daw namin yung iba pang mga students. Di ko nga kilala yung iba dun dahil di ko sila estudyante but just the same, oks lang sa akin yun.
Sabi ko nga sa kanila, "clubbing" naman kami next time. Ewan ko lang kung sasayaw yung mga yun, mukhang ala sa personality nila e. Walastik, mamya ako lang yung sumayaw, olats! Yoko ng mga KJ! Alkohol lang ang katapat n'yan para medyo lumakas ang loob, hehe!
Sana din di sila "drawing". Mamya mag-back out yung mga yun bigla. Paplanuhin namin bukas kung saan ang aming tagpuan.
Syet ano kayang feeling pag nasa gay bar? Hehe abangan!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. redcomet left…
Saturday, 27 January 2007 1:13 pm
wag na per hour msJ, kung ako sa u hingan mo na lng ng fundador hehe
2. au left…
Tuesday, 30 January 2007 7:53 pm
wow ang galing naman marunong ka na magbasa ng korean! di ako marunong non, pero nag-attempt ako mag-aral ng mandarin chinese. awa ng dyos, nung nagpunta kaming singapore e ang naalala ko lang na mandarin e ang pagtanong kung nasan ang toilet. wheheheh. i saw your latter post on your visit to the gay bar — inggit ako.. di pa ako nakakapunta sa ganun.








