Home » Archives » 27. January 2007

HOSTO BAR, CLUB AT CASINO

January 27, 2007

Tsong, napaaga ang pagpunta namin sa gay bar. Imbes na Sunday e ginawa na lang naming Friday night. 10pm kase ang curfew ng mga students sa dorm pag Sunday while 12midnight naman pag Friday and Saturday.

Nagkukumahog tuloy akong makauwi nung Friday. 8:15pm na ako nakauwi ng bahay samantalang 9pm ang usapan naming magkitakits. S'yempre naligo ulit ako pag-uwi ko galing work para fresh naman ako. Ang siste tuloy e na-late ako ng 10minutes yata yun.

Pagdating ko tuloy sa meeting place namin ay ala sila. Kala ko tuloy e di na kami matutuloy. Yun pala e lumipat sila sa kalapit na Ministop at dun muna tumambay. 

 

Pagkakita nila sa akin e sinabihan nila akong "sexy", haha glitter-glitteran kase ang eyeshadow ko nun at kita ang balikat ko sa suot kong blouse. Natawa pa ako dun sa isang estudyante ko, sabi n'ya nung makita ako, "No, you're not Jonnah." Nanibago yata sa akin. E kase something different naman ang suot ko nun at di kagalang-galang na pormang teacher na naka-blazer madalas, hehe!

Pero ewan ko ba sa mga estudyante ko, lagi nila akong sinasabihan ng "sexy" pag nakikita nila mga damit ko sa skul. Di ko tuloy alam kung sexy ako sa paningin nila or sexy manamit. Haha whatever! Feeling ko kase my butt is too big. Etcetera etcetera samantalang "slim" usually ang mga tipo nila e di naman ako ganun.

Nweiz, mabalik naman tayo sa hosto bar na pinuntahan namin. 9 lahat kaming pumunta. 7 bebot tapos 2 kaming teachers nila. After an hour e dumating naman yung isa pang estudyante ng co-teacher ko na take note e lalake. Curious daw s'ya kaya naki-join sa amin.

Aliw nga kase first time naming lahat pumunta sa ganung klaseng bar. Lahat kami ay walang idea kung ano ang mangyayari. Tipong anything goes although s'yempre may mga idea na kami more or less kung pano ang ambience sa ganung bar dahil sa napapanood namin sa TV at movies.

Pagpasok namin sa bar e napansin kagad namin na very engaging yung mga ilaw na kumikislap-kislap sa loob, hehe! Kami palang din ang mga customers nila. Mga past 9 na yun. Inexplain naman nung some kinda "Mamasan" kung pano yung sistema sa bar.

Kanya-kanya kaming order ng mga drinks. May mga nag-beer at Cali. Yung iba naman ay Tequila Sunrise, Long Island Iced tea habang "Screaming Orgasm" naman yung akin. Walastik, dinadaan ko na lang sa drink, hahaha! :P

10pm pa daw ang showtime. Kami naman ay inip na inip na. At dahil nga may curfew sila, "Time is gold" baga ang drama namin. Minamadali na naman sila.

At nang sa wakas ay pinatay na nila ang mga ilaw at inanounce na mag-uumpisa na, kanya-kanya na kami ng mga sigaw. Lahat excited. Lahat di alam kung ano ang mararamdaman. Ako man e excited na di ko mawari. Pinapanalangin ko na lang na sana e may "K" naman yung mga macho dancers nila. As in ok ang face value at katawan.

True enough, di kami na-disappoint. Mga "barako boys" nga sila. Especially yung first batch. P'wedeng pwede sila, hehe! :P Kapansin-pansin na magkakaiba ang mga "beauty" nila. May mukhang "kanto boy", merong mukhang Hapon, merong boy-next-door type, etc.

Pagdating naman sa attire nila e ala-striptease ang dating. Habang tumatagal e paunti-unti na nang paunti ang mga suot nila. Gayundin ang sayaw nila, pa-sexy na nang pa-sexy.

Kami namang nasa audience e kanya-kanya ng pili kung sino ang tipo namin. Kami ni co-teacher e pareho ang type namin. Yung guaping na ala-Piolo Pascual ang katawan. Yung mga Koreana naman e type nila yung mukha ng type namin ni co-teacher pero pagdating sa katawan e yung mukhang Japanese naman yung type nila.

Hanep silang gumiling. Lumiliyad, hehe! :P Kanya-kanya sila ng paseksihan sa sayaw. Aliw nga kase dati napapanood ko lang sa TV at movies yun pero ngayon, nasa audience ako't nakikisigaw na natatawa na ewan sa napapanood ko.

Si "mukhang kanto boy" e talaga namang emote to death. Talagang nang-seseduce. As in binabasa-basa yung lips n'ya habang nagsasayaw. Yung iba naman e pagiling-giling lang.

Natawa pa ako dahil sinayaw nila yung "First Love" (basta yung Jap song) e yun pa naman ang paborito kong kantahin sa videoke ngayon. Tinugtog din yung "Because of You" ni Kelly Clarkson, isa sa mga fave songs ko at isa sa mga all-time fave ko ring kinakanta sa videoke. Sinabayan din nila yung "Breathless" ng The Corrs na s'ya namang "trademark song" ni co-teacher sa videoke. Tawa tuloy kami ng tawa ni friend. Saktong sakto yung mga kanta, hehe! :P

After ng isang set nila e mga bading naman ang next na nag-extertain sa amin. In fairness, magaling din sila. Yung isa e kakatakot talaga yung mukha pero matindi ang presence. Ang ganda pa ng legs kamo, mala-Tina Turner, hehe! :P

Habang nagpe-perform yung mga bading e pumuwesto na sa side yung mga hosto. Naghihintay ng magpapa-table sa kanila. Nilapitan naman ako nung isang ewan dun at kino-convince na mang-table ng hosto.

Ako naman e tanong nang tanong din sa kanya nang kung anu-ano. Sino kako yung pinakamabenta sa mga hosto nila. Si "kanto boy" at si Jap-looking guy daw. As in matagal daw nilang niligawan si Jap-looking guy para maging hosto nila.

Tinanong ko rin kung paano yung rate pag nag-table. Kung anything goes ba o kung all the way o kung anuman. Ako talaga yung kinukulit na mang-table. Feeling yata nila e bigtime ako, hehe!

Sabi ko nga kung ako lang sana e gusto ko, haha pucha matronic beauty na rin yata ako, syet! Kaya lang ayaw nung mga students at isa pa, dagdag pa yun sa bill namin kaya next time na lang kako.

Chinika rin sa akin nung receptionist (?) o kung anuman ang tawag sa kanya, yung mga celebs na kumukuha ng VIP room sa kanila. Na-shock ako nung nag-name names s'ya. Yung iba kase e barakong barako at pantasya ng mga kababaihan pero badingers pala. Yung iba naman e nagtatago pala sa mga "closet" nila.

Samantala, salitan naman ang performance ng mga hosto, gay impersonators at nung mga "bagets" na rumarampa. Ang ku-cutie nung mga bagets, parang ang sarap alagaan, haha matronang matrona yata ang labas ko, syet! Natawa nga ako't kinindatan pa ako nung isang bagets, sa loob loob ko, "Siguro nangangailangan ng Mamasan ito. Kahit pang-tuition lang baga, hehe!"

Sa second set naman nung mga hosto e lalong nagiging wild ang palabas. Talagang giling at liyad galore sila. Ibang guys din ang nagpe-perform this time. Aliw yung part na parang kino-contract nila yung tyan nila habang nakasayad yung ulo nila sa sahig. Ang lalambot ng katawan, hehe! Flexible, hehe! :P

Nagulat na lang kami nang sa kalagitnaan nung kanta e lumapit yung dalawang hosto dun sa dalawang estudyante namin ni friend. Nginig na nginig yung dalawa habang tinututok nila hosto yung mga "manoy" nila sa pagmumukha nung mga Koreana. (Very skimpy yung suot nila that time).

As in yung isa pa nga daw e kinuha yung kamay ni student at ipina-feel si Manoy sa kanya. Shocked na shocked sila. Sa Korea daw kase e no touch ang mga hosto dun. E sa Pinas pa e anything goes dito. Pwede pa nga daw mag-request ng "all the way", hehe! :P  

Sabi nga ni co-teacher e ramdam na ramdam n'ya yung panginginig ni student. As in di nila alam ang gagawin nila nun. Ako naman e watch mode lang nun, hehe! :P

Ewan ko ba pero feeling ko e na-offend yung dalawa sa mga estudyante namin (di yung mga nilapitan though) e walastik naman kase, nuknukan yata ng conservative yung mga yun e sasama-sama pa sila sa amin. As in  certified na "never been kissed, never been touched" yung ilan sa kanila.

Nagyayakag na tuloy umuwi yung dalawa sa kanila after the "kapaan blues". Sakto naman e malapit ng mag-alas dose kaya kailangan na rin naming umuwi.

Kung ako lang sana e yoko pang umuwi, hehe! :P Pero since married na si co-teacher e kailangan na rin n'yang umalis nun. That means kaming dalawa na lang nung kaisa-isang Koreano na kasama namin ang pupuwedeng magstay.

As expected, alam kong gusto na rin n'yang umalis dun sa hosto bar. What do you expect e lalake rin naman kase s'ya. Wa epek baga yung mga pagiling-giling at paliyad-liyad ng mga hosto. Curious lang din s'ya kung kaya't naki-join s'ya sa amin.

Paglabas namin ay picture taking galore muna yung ibang mga estudyante dun sa mga bakla at hosto. Si Koreano naman e ayaw pa ring umalis at gusto pang uminom. That means kaming dalawa lang ang magkasama kung saka-sakali.

Nung una e ayoko sana. Nahihiya kase ako. Nun ko lang kase s'ya na-meet. He's 26yo, btw. Short at pang-Close Up ang ngipin. Pero since yoko pa ring umuwi nun e napagdisisyunan namin to go clubbing.

Nagre-react naman yung ibang mga students. Pano na daw si "Egi"? Haha walastik! Ako naman e nakiki-ride lang at sinabi na di ko naman ipagpapalit si "Egi" ko, hehe! S'ya pa rin kako ang one and only "Egi-ya" ko, hehe! :P

Pag-alis tuloy ng mga estudyante at ni co-teacher e humayo na rin kami ni Koreano. Dun na lang kami kako sa dun sa club na di ko pa napupuntahan ever sa buhay ko. Curious lang din kase ako kung ano ang makikita dun.

Kakaiba kase ang image ng club na yun. Malapit kase sa red light district ng Angeles yun kaya naman sandamakmak ang makikita mong foreigners dun na kasama mga bebot nila.

Pagpasok namin e puno na yung club kaya ala kaming choice kundi umupo dun sa tapat nung American at nung bebot n'yang kasama. Nakakailang kase naglalampungan sila at ala silang paki sa mundo. Kami naman ni Koreano e pabulong kung magkuwentuhan dahil di kami magkarinigan.

Watch mode din ako sa paligid ko as usual. Wild magsayaw yung mga tao dun. Kulang na lang e magsex na sa dancefloor, hehe! Very open kase maglambing yung mga foreigners dun sa mga kasayaw nila. Ako naman e natatawa na naeeskandalo na ewan.

Samantala, tig-isang beer lang kami ni Koreano at nagsayaw ng isang beses lang. Wow mali pa dahil natapunan pa ng beer yung bandang hita ng pants ko. May lasing kase na lumpagpak dun sa table namin kaya natapon yung beer ko sa akin. Oks lang naman sa akin pero yung Kano e di maipinta yung mukha sa galit. Gustong lusubin yung lasing. Pinakalma na lang s'ya nung kasama n'yang bebot.

After a few minutes naman e nagyaya si Koreano sa place na medyo tahimik para magkarinigan kaming maigi. Oks lang naman sa akin kaya umalis na rin kami sa club after nun. Tinanong n'ya ako kung saan ko gusto pumunta. Nag-suggest naman ako ng mga places sa kanya.

Habang naglalakad kami't nag-iisip kung saan pupunta e sakto namang nasalubong namin ang mga classmates n'ya. Mga anim na barako din yata yung mga yun. Alam mo yung kahit di ko maintindihan yung usapan nila e alam kong parang tinutukso nila s'ya sa akin.

Expected ko na yun since late na rin yun at kaming dalawa lang ang magkasama nung time na yun. Pinakilala n'ya ako as a teacher nga. (Sa ibang skul nag-aaral si Koreano, btw). Nadyahe tuloy ako't baka mas gusto n'yang kasama yung mga classmates n'ya kesa sa akin kaya sinabi ko sa kanya na samahan na lang n'ya yung mga classmates n'ya at uuwi na lang kako ako.

Sinabi naman n'ya na ok lang daw s'ya at susunod na lang daw sa kanila pag tapos na kami. Supposed to be kase e iinom pa kami nun. Ng all of a sudden e na-suggest ko sa kanya ang Casino Filipino. Sakto naman at never pa daw s'yang nakakapunta dun kung kaya't dun na lang kami pumunta.

Kahit di ako sugalera e tinour ko s'ya sa loob ng casino. Lahat ng floors at games e pinuntahan namin. Baccarat, slot machine, etc. Sa totoo lang e di talaga ako maalam sa mga laro sa casino. NUn ngang matalo ako ng 2,500 sa baccarat e pinalaro ko lang yun.

Gusto sana n'yang mag-slot machine pero sabi ko e parang nagtatapon lang s'ya ng pera dun. Mas ok kung baccarat o black jack na lang ang laruin n'ya kako. Nagdesisyon na lang din tuloy s'ya na next time na lang tumaya.

Saglit lang kami sa casino at umuwi na rin ako. Gusto pa n'ya akong ihatid pero wag na lang kako. Kinukuha din n'ya yung cellphone number ko pero sinabi ko na nawala yung cp ko't hanggang ngayon e di pa rin nakakabili. Tatawagan na lang daw n'ya ako dun sa cp ni co-teacher (teacher n'ya ito). Ewan ko lang kung totoo o sabi-sabi lang n'ya yun, hehe!

Sumatotal ay ok ang aking Friday night. Nakapag-unwind kahit papano. Sulit na sulit, hehe! :P

Sana next week e gumimik ulit kami. Syet, bawal ang KJ dun. Sabi ko nga sa kanila, "If you're just going to watch us dance, just watch TV at home." Hehe ang taray!

Kakabuwisit naman kase yung mga sobrang shy type. Yoko nang ganun. Pag sayawan, sayawan dapat. wag lang maging audience, olats yun!

Matuloy nga kaya kami next week? Baka naman kase madala na yung iba dun sa hosto bar na pinuntahan namin. Hmmm, let's see.

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (3)

1. aiwind left…

Sunday, 28 January 2007 9:57 pm :: http://killerpatatas.blogspot.com/

malupit ka talaga …. minsan na nga lang ako makadalaw. Super Exciting ang story kasi kahit ako hanggang tv lang. Hahaha …. iba ka talaga. Namiss ko mga post mo.

2. Obi Doo left…

Monday, 29 January 2007 8:29 am :: http://boyhalohalo.blogspot.com

mama jell, rumarampa ah. di mo ko nakita? :D

3. laryuki left…

Wednesday, 31 January 2007 12:47 pm :: http://laryuki.blogdrive.com

walang kupas ang ate ko…

katulad ng sabi ng animal na si airwind…

minsan na nga lang maka dalaw dito eh siguradong tatayuan ka talaga bwhahahaha lol =P

tatayo ang mga balahibo mo sa aliw…

na miss kita ate… buti ka pa nakakapag blog pa rin…

ako hindi na eh =(

pero try ko lang ulit minasan…

email mo nga pala sakin cp number mo para makapag porward ako ulet sayo ng mga kachuvahan…

Posted by barenaked at 3:43 pm | permalink | Add comment

     

January 2007
M T W T F S S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments