Home » Archives » January 2007 » Page 2

KOREAN LANGUAGE CLASS

January 20, 2007

Tsong, nag-aaral ako ng Korean ngayon. As in the works ha? Meaning kasali ang Korean writing, reading et al. Kakaloka! As in!

Actually, I could learn on my own naman. May Korean book ako for beginners pero just the same, nakatiwangwang lang s'ya dati. Di kase ako ganun ka-eager mag-aral ng Korean writing.

Okay na sa akin dati yung marunong akong magsalita ng Korean kahit papano pero mag-aral ng Korean writing? Never mind na lang kako. E puro bilog at lines ang makikita dun. Nakikita ko pa lang e parang di na kaya ng powers ko.

Tyempo naman at may free Korean Language class kaming mga ESL teachers kaya yun, I grabbed the opportunity na rin. Kung susumahin, parang di rin libre yung class ko. Inadjust ko kase yung sked ko at kailangan kong i-give up muna yung ibang tinu-tutor ko sa labas.

Nweiz for 2 weeks lang naman yun. Ang importante e may matutunan naman akong bago. Naks, growth level chuva, hehe! (At yun din ang sabi ng horoscope ko, haha no kidding!) And oh, may certificate pa kami sa completion. Yakang yaka kako.

Native speaker ang teacher namin at NYU grad. Not bad. (At talaga namang not bad daw, ha? Haha charing!). 4-5pm, Mon-Fri ang sked namin.

Anak ng tokwa, windang na ako by that time. Imagine 9-4pm ang sked ko sa university tapos 5-6, Korean Language class ko naman. Tapos 6pm onwards may tutorial pa ako sa labas. Waahhh di na ako makapag-concentrate maigi. Lumilipad na ang utak ko kung saan-saan. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga.

Nakakahiya pa kase slow learner ako sa Korean writing, haha wow mali! Buwiset kase ang alphabet nila, napaka-complicated. Di ako makasunod sa pagbabasa ng dipthongs, hanggang basic vowels at consonants lang ako. Lost na lost ako pag dipthongs galore na ang usapan.

Thank God at nakakasabay naman ako pag recitation, hehe! Binibigyan baga kami ng partida ng teacher namin. As in yung mga easy lang basahin yung napapapunta sa aming mga slow learners, haha! Gets kase ni Sir kung sino yung mga slow sa pagbabasa ng Korean characters, haha wow mali, syet!

Yung ibang classmates ko, pucha, ang bibilis magbasa. Lalo tuloy akong natuturete. Napapaisip tuloy ako, baka di pala pang-Linguistics ang beauty ko't feeling lang ako, hehe!

Kung kukuha kase ako ng second degree, Linguistics ang balak ko sana. Pero at the rate my Korean Language class is going, parang di yata kaya ng powers ko. Baka maloka ako bago pa matapos ang isang semestre.

Pero in fairness, enjoy mag-aral ng Korean writing. Ang sarap ng feeling pag nababasa ko ng tama yung mga characters na puro bilog-bilog at linya. Astig! Hehe!

Eto nga't mag-aaral ako nang maigi ngayong weekend para naman umasenso naman ng konti yung pagbabasa ko. Till next Friday na lang kase ang klase namin. Kailangan kong makahabol at dyarannnn, may certificate pa ako, hehe!

Lord, help me! Sana di na ako ma-lost sa klase next week, hehe!

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

Posted by barenaked at 3:32 pm | permalink | comments[1]

PAALAM, TITO!

January 5, 2007

Kaninang pagdating ko ng mga 8:15pm sa bahay, tila may kakaiba akong nararamdaman sa di malamang kadahilanan. Maraming tao sa labas ng bahay ng tito ko. Pagdating ko naman sa bahay namin ay ala akong taong nadatnan sa sala.

Tinanong ko kagad ang kapatid kong babae kung nasaan ang iba pa naming kapatid at dun n'ya ibinalita na patay na pala si Tito. Gutom na gutom ako noong mga panahong yun pero dali-dali akong pumunta sa kabilang bahay para makita ko ang tito ko. 8pm daw s'ya namatay.

52 anyos lang s'ya. Single. Nakababatang kapatid ni Mommy. Lung cancer ang ikinamatay.

Di kami close pero nahabag ako nung makita ko ang bangkay n'ya. Payat na payat s'ya. Half closed ang mga mata. Nangingitim na ang mga labi.

Samu't saring diskusyon ang naririnig ko sa paligid ko habang tinititigan ko ang bangkay n'ya. Isa-isa ding dumagsa ang mga kamag-anak namin.

Sa isang banda ay pinag-uusapan ang mga huling sandali n'ya bago s'ya tuluyang mawala. Walang nakakita sa kanya sa huling hininga n'ya. Nanonood ng TV ang pinsan ko habang nasa labas naman ang ilang malalapit na kamag-anak namin nung pumanaw s'ya. Napansin na lamang na di na s'ya humihinga't nakatanggal na ang oxygen n'ya.

Kung tutuusin ay medyo tumagal pa nga ang buhay n'ya. Kapuna-punang pahina na s'ya nang pahina at papayat na nang papayat sa pagdaan ng mga araw. Kala nga namin ay di na s'ya aabot ng Pasko at Bagong Taon.

Nitong mga nakaraang araw nga ay naghihingalo s'ya. Kung anu-anong nakikita n'ya. Kaninang hapon nga raw ay pinapasuot n'ya ang mga sapatos n'ya at uuwi na raw s'ya sa bahay nila. Sinusundo na raw s'ya. (Patay na sila Lolo't Lola).

Kagabi naman daw ay nag-request s'ya ng San Mig Light. Marahil ay gusto n'yang matikman ito sa huling sandali ng buhay n'ya. Malakas kaseng uminom at magyosi si Tito. Gusto s'yang bigyan ni Mama (lola ko) pero kumontra ang ibang kamag-anak namin.

Sari-saring emosyon ang makikita kanina. Pinagtatalunan kung saan s'ya ibuburol. Gusto ni Tito na sa "maragul a bale" (malaking bahay in Kapampangan) s'ya iburol. Dun kase sila lumaki nila Mommy at ng mga kapatid n'ya. Dun din ibinurol sila Lolo't Lola nung mamatay. Asungot lang yung asawa ng Tito (Kapatid nila Mommy) ko, ayaw iburol si Tito sa bahay nila. Sila kase ang nakatira sa bahay nila Lolo't Lola. Nag-iinarte ang bruha, grrrr! Di naman pumapalag si Tito, olats!

Di naman makontak sila Mommy at ang bunso nilang kapatid na pawang nasa Amerika. Pero nang makontak si Tita, nagbilin na s'ya na sa magandang punerarya ilagak ang mga labi ni Tito. Basta piliin daw yung the best yung service. Samantala, missing in action pa rin si Mommy hanggang ngayon. Di pa rin makontak.

Ngayong namatay si Tito, ang daming naglalarong tanong sa isip ko. Marami kaseng issues ang pamilya nila Mommy. Awayan, tampuhan, dedmahan, etc. Ang ugat? Pera. Galing sa mayamang pamilya kase ang nanay ko.

Totoo pala yun, pag pera na ang usapan, walang kapa-kapatid. Daming nasisilaw sa pera. Ang daming mga relasyong nasisira. Imbes na magtulungan, naghihilahan pababa. Lahat gusto maging bida. Lahat gusto maging bigtime.

Pinapanalangin ko na lang na sana di namin maranasang pitong magkakapatid yun. Sana walang inggitan at magtulungan kami lagi. In the first place, ang kapatid, kapatid. Baligtarin mo man ang mundo, kapatid mo pa rin yan. Mag-away man kayo, kapatid mo pa rin yan. Di naman natin mapipili kung sino ang magiging kapatid natin. Kaya imbes na magpataasan ng ihi e nawa'y magmahalan kami ng mga kapatid ko kahit na ano pang mangyari.

Sa totoo lang, di ko alam kung paano iha-handle nila Tita at Mommy ang pagkamatay ni Tito. Although bati na sila, alam kong marami pa ring mga issues na dapat iresolba. Sana lang maging maayos na ang lahat ngayon. Alang-alang man lang kay Tito. Alang-alang man lang kina Lolo't Lola.

Masaya na siguro si Tito kung saan man s'ya ngayon. Kasama na n'ya sina Lolo't Lola. Di nga ba't uuwi na raw s'ya?

Kinilabutan nga ako nung ma-realize kong pareho pala ang araw ng kamatayan nila Tito at Lola. Jan. 4, 1989 nung pumanaw si Lola. After 17 years, sinundo na n'ya si Tito. Marahil ay kasama din n'ya si Lolo sa pagsundo sa kanya.

Sana sa pagkamatay ni Tito, makita ng bawat isa sa pamilya nila Mommy ang kahalagahan ng bawat isa sa kanila di lang bilang tao, kundi bilang isang kapatid. Sana'y magkapatawaran na at maghilom na ang mga sugat. Pag nangyari yun, alam kong matutuwa sina Lolo't Lola maging si Tito.

PAALAM, TITO!

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (3)

1. rose left…

Tuesday, 16 January 2007 7:07 pm :: http://seekingdeliverance.blogspot.com

My condolences, my friend. Halos pareho tayo ng pamilya, pero sa father side ko naman. *sigh* Minsan ang hirap makisama sa mga kamag-anak. Ang sarap na lang minsan manuod jung sino ang susunod na mag-aaway o magsasagutan. Kaya lang when it happens, papipiliin ka pa kung kanino ka kakampi. Peste.

2. renren left…

Wednesday, 17 January 2007 10:46 am

condolence.

3. redcomet left…

Saturday, 20 January 2007 10:30 am

condolence kapatid

Posted by barenaked at 3:29 pm | permalink | Add comment

     

January 2007
M T W T F S S
« Dec   Feb »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments