BI CURIOUS
February 26, 2007
Nananatili pa ring million dollar question ito hanggang ngayon: "Bi kaya ako?"
Noong time na nabuwiset ako sa kapalaran namin ni model, tinext ko yung close friend ko na bi. Nag-aalburuto ako sa kanya. Sabi ko na panggulo talaga ang mga lalake sa buhay. Hanap n'ya lang kako ako ng babae.
Alangya, tunog desperada talaga ako nun pero ala akong paki. But just the same, may part din sa akin na curious kung pano naman kaya kung bebot ang kalambutsingan ko.
Nag-reply naman kagad si bi friend. (girlash s'ya btw). Ano daw ba ako? Top or bottom.
Ako naman si tangengot, nagreply ng, "Position or body part?" Ang pagkakaintindi ko kase sa question n'ya ay kung ano'ng position ba ang gusto ko if ever, kung top ba or bottom or kung ano'ng body part ba ng girls ang mas trip ko, kung boobs or the ass.
Natawa s'ya sa sagot ko. Ngayon pala she's asking kung "top or bottom" ako meaning aling gender ba ang mas nangingibabaw sa akin: pagiging girlaloo sa relationship or pagiging barako. Wow mali, yun pala yun. Haha malay ko ba, hehe!
Excited tuloy si friend for me. Naaamoy n'ya kaseng "bi" ako kahit dati pa kahit daw napaka-feminine kung manamit at lahat. Di ko pa lang daw siguro na-eexplore…Yaiks sa loob loob ko kako.
On the other hand, ako naman yung tanggi ng tanggi sa kanya. Di kako. Pang-hotodog 'to noh, haha!
But just the same, sinabi ko sa kanya kung ano yung tipo ko sa babae. Napaka-demanding ko nga e. Ang taas ng standards ko, hehe!
Sabi ko gusto ko makinis. It doesn't matter kung maputi or morena basta ang importante flawless ang balat. Gusto ko rin kako ng pa-girl. As in mukhang babae kung manamit at kumilos. Alam naman n'ya kako kung pano ako pumorma't nagme-make up, heels at miniskirt ako't lahat. Mamya kase e mas maganda pa ako dun at mas pa-girl sa ipapakilala n'ya, syet wag na lang.
Gusto ko rin ng partygirl kako. As in yung game. Gimikera. Yung pwede kong makasama sa lakaran. Yoko kase ng KJ when I go clubbing. Gusto ko gumigiling-giling, hehe!
I mean, first timer ako kaya dapat e itodo ko na ang demands ko diba? Hehe para sulit naman. Tsaka naman, something different yun for me kaya siguro naman e may karapatang akong mag-inarte. Hehe i-jsutify daw ba?
Ito namang si friend ay di nagsayang ng panahon. Naghanap na ng mga kabaro n'ya. May nireto s'ya sa akin.
Sakto naman at ala pa akong cellphone nung time na yun kaya di ako makadiskarte maigi. Undecided pati ako kaya petiks lang ako nun. Ito namang si friend ang dumiskarte for me.
Nagulat na lang ako nung malaman kong may mga sinabi na pala s'ya about me. I mean, positive naman yung mga yun but just the same, ang hirap din on my part dahil mahihirapan akong kumilos nito pag nasa harap ko na yung girlash. Nawindang tuloy ang beauty ko. Umatras ako.
Tinanong din ako ni friend kung seryoso ba ako. Sabi ko na curious lang ako. At di ko alam kung mate-take ng powers ko.
Tinanong ko din s'ya kung mag-click kaya kami nung nirereto n'ya sa akin. Sumagot ba naman ang gaga, "Siguradong magli-click daw kami." Anak ng tokwa, lalo tuloy akong nawindang. Na-imagine ko tuloy ang kung anu-ano.
I mean, kaya ko kaya ang alam n'yo na…From hotdog to tahong? Masarap kaya ang paksiw? And so on and so forth. Haha alangya ang dami kong concerns at s'yempre kasama na yun, hehe!
Ang ending tuloy e di ko nameet yung girl. Siguro takot din si friend na baka umatras ako bigla pag nandun na. Di na rin napag-usapan yun ever. Oh well, di pa kase kami nagkikita since December. Pero we're planning to meet up soon, matanong nga sa kanya, hehe!
In fairness, binigay ni friend yung friendster addy nung nirereto n'ya. Oks lang naman s'ya. Mukhang babae naman. I mean, ala akong masyadong basis dahil naka-restrict kase yung profile n'ya. In short, yung primary pic lang n'ya yung nakita ko.
Urong sulong pati ako pagdating sa ganyan. More of curious lang kase ako. Tsaka pucha, all things equal, anak ng tokwa, di hamak na mas maganda naman ang katawan ng babae kesa sa mga lalake. Mas exciting kase mas maraming ma-eexplore, hehe!
Na-aappreciate ko ang female form pero ewan ko kung kaya ng powers ko magromansa ng girlaloo. Kung pornstar quality siguro yung bebot, hehe dadambahin ko kagad. Pero kung ordinaryo lang, ewan ko lang din. But then again, baka pag lasing siguro ako, yaka na malamang, hehe!
Weird nga kase na-appreciate ko na yung mga lesbo actions sa porn ngayon. Dati kase hindi. Or baka naman di lang kase talaga ako exposed dun dati kaya dedma lang ako sa mga ganung bagay nung kabataan ko. (Naks, kabataan daw oh, haha!) Or baka naman latebloomer lang talaga ako, hehe as always!
Mga hottie kase ang mga putragis na pornstars na yan. Anak ng…Nakakalimutan ko na ring babae ako kung minsan, haha! Or siguro maganda lang yung pagkaka-execute ng mga scenes. Hehe whatever!
Ah ewan. Ang labo. Pati ako nalilito sa sarili ko. Ala pa kase akong close encounter sa ganyang mga bagay. I mean, meron na nagyaya sa akin na magkiss na girlash din pero tumanggi ako. Bata pa kase ako nun. Tipikal na "conventional" chuva. Or takot siguro ako. Or baka di ko lang siguro s'ya type, hehe!
Pero as of now, ala pa naman akong encounter sa mga ganyang bagay. Kung mangyari man, mas ok siguro kung lasing ako para malakas ang loob ko. Or better yet, tipsy. Nawawala kase lahat ng lbog sa katawan ko pag lasing ako, hehe wow mali!
Labo ko noh? Ah ewan. Siguro, I'll just cross the bridge when I get there. Syet, baka iba ang ma-cross ko nito, haha! :p
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. Budoy left…
Monday, 26 February 2007 1:00 pm :: http://boyhalohalo.blogspot.com
hehe kakanood ng daily motions yan mama jell.
2. laryuki left…
Monday, 26 February 2007 5:59 pm :: http://laryuki.blogdrive.com
ate email mo naman sakin yung friendster nung nirereto sayo para makita ko rin hehehe…
malay mo… you know…
bwhahahaha lol
siya naman ang patawirin natin ng tulay nyahahahaha lol =P
3. Buday left…
Monday, 26 February 2007 6:00 pm :: http://laryuki.blogdrive.com
kasalanan nga talaga ng daily motion yan bwhahahaha lol
Monday, 26 February 2007 8:41 pm
hm.. wala akong masabi, except na aabangan ko ang curiosity na 'to.
Monday, 26 February 2007 9:00 pm
@koya obi, walastik ka koya, ibuking daw ba ako?! nyahaha!
@koya larr, naku isa ka pang ma-L ka. yoko nga, baka masira buhay nun sa 'yo, hehe peace!
buwiset kase yung taong nag-introduce sa akin sa dailymotion na yan, binuhay ang dugo ko, nyahaha!
@kat, haha ewan ko lang kung may part 2 yan, hehe we'll see…
6. jr left…
Tuesday, 27 February 2007 12:40 am
hahaha, parang royal rumble sa gulo…hehehe
7. BNL left…
Tuesday, 27 February 2007 1:17 am
Try mo please!! hahaha
Tuesday, 27 February 2007 7:20 am
9. airwind left…
Thursday, 1 March 2007 9:46 am :: http://killerpatatas.blogspot.com/
di ko lam pero i feel hot after reading you entry …. wahahahha
Thursday, 1 March 2007 10:12 am
FIRST LOVE (Hikaru Utada)
February 17, 2007
Syet, adik ako sa kantang 'to. Fave ko s'yang kantahin sa videoke. At di lang yun, naaalala ko yung "hosto bar" escapade namin pag naririnig ko s'ya. At since famous din s'ya sa Korea, ni-request namin s'ya ng mga students ko when we went clubbing . (Music bar/club yung pinuntahan namin).
At ngayon, music video ko na rin s'ya ngayon sa Friendster, hehe adik! At s'yempre tinodo ko na ang profile ko, Final Fantasy yung theme ko ngayon, hehe! At since I'm into "manga", na-aappreciate ko yung mga ganitong visuals. Ang ku-kyut nila.
Heto nga't paulit-ulit kong pinapakinggan yung kanta while watching the clip. Medyo jumpy lang yung clip from time to time pero oks na rin. So far kase e ito yung pinaka-romantic na version ng vid na na-search ko kaya ito yung pinili ko. Check it out!
FIRST LOVE (Hikaru Utada)
Saigo no kisu wa ka ba tabako no flavor ga shita
Nigakute setsunai kaori
Ashita no imagoro ni wa
Anata wa doko ni irun darou
Dare wo omotterun darou
You are always gonna be my love
Itsuka darekato mata koi ni ochitemo
I'll remember to love you taught me how
You are always gonna be the one
Ima wa mada kanashii love love songu
Atarashii uta utaeru made
Tachidomaru jikan ga
Ugoki dasouto shiteru
Wasuretakunai kotobakari
Ashita no imagoro niwa
Watashi wa kitto naite iru
Anatawo omotterun darou
You will always be inside my heart
Itsumo anata dake no basho ga aru kara
I hope that I have a place in your heart too
Now and forever you are still the one
Ima wa mada kanashii love love song
Atarashii uta utaeru made
You are always gonna be my love
Itsuka darekato mata koi ni ochitemo
I'll remember to love you taught me how
You are always gonna be the one
Mada kanashii love love song
Now and forever
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. airwind left…
Wednesday, 21 February 2007 11:00 am :: http://killerpatatas.blogspot.com/
sana may translation?
Wednesday, 21 February 2007 11:30 am
ala akong translation, di ako haponesa e, hehe!
kidding aside, meron translation yung isang vid na nakita ko pero panget yung quality kaya yan na lang yung nilagay ko.
3. redcomet left…
Thursday, 22 February 2007 11:50 am
saang final fantasy kaya to ginamit? advent children o FFX? hmm
4. graymalkin left…
Friday, 23 February 2007 4:48 pm :: http://www.xanga.com/the_commuter
wow, nice new look ng blogsite!
BABUSH, MGA DABARKADS! :(
February 15, 2007
Huhuhu, babalik na ng Korea ang mga dabarkads kong estudyante sa Saturday. So sad naman.
Kanina nga sa graduation nila e naiiyak na ako. Fave ko kase ang batch nila. Magaan turuan pati especially my advisory class. Love na love ko ang mga anak kong yun.
It probably helps din siguro na I'm just a few years older than them. Parang magkaka-berkz lang tuloy kami. At in fairness, di nila ako nakakaligtaang i-invite pag may gimik sila. Aliw yung "hosto bar" escapade namin, hehe!
Too bad ala kaming scanner. Di ko tuloy ma-share yung mga pix namin. Meron akong 4 na pix na bigay nila mismo sa akin.
Wow mali at sira kase ang digicam namin kaya yun, may-I-silip na lang ako sa mga kodakan galore nila. Di bale, papa-send ko na lang sa email yung mga pix namin para masaya, hehe!
Kakatuwa nga kase talagang pina-print na nila kagad yung ibang pix kanina para mabigyan nila kaming mga teachers nila. Kaya pala biglang may mawawala na lang na estudyante in the middle of their closing ceremonies, yun pala nagpapa-develop sila sa labas.
May mga messages pa sa likod yung mga pix na ibinigay nila sa amin. Kaka-touch. Plus palitan din kami ng email adds kanina.
Mami-miss ko talaga ang mga anak ko. Good thing di nagbago yung tingin nila sa akin. Galit na galit kase ako sa kanila last week, pasaway kase sila nung araw na 'yun.
Pucha, first time nila akong nakitang nagalit nun. In fairness, nag-sorry naman sila sa akin kagad at na-realize nilang mali sila. Nilagyan tuloy nila ng sorry note yung "invitation" na ipinagawa ko sa kanila.
Matindi pa mandin akong magalit. As in lumayo-layo ka sa akin ng limang kilometro pag nabuwisit ako sa 'yo. Talagang maghahalo ang balat sa tinalupan pag ako yung nag-alburuto.
Kaya naman, ayun, nilambing-lambing nila ako na mag-smile na daw ako. Ayaw daw nila yung "angry face" ko't miss na raw nila ang "cutie smile" ko, hehe sabay bola pa noh? Hehe!
Buti naman at nagkaayos din kami nung araw ding 'yun. I mean, "dabarkads" kami pero sabi ko "teacher" pa rin nila ako. Pag may activity e sumunod sila't wag mag-inarte. Pero oks na lahat ngayon. Buti naman, hehe!
Eto tuloy at mami-miss ko ang samahan namin. Ang mga kantyawan. Ang mga gimik namin at kung anik-anik…Hay…
Babush, mga anakis ko…Till we meet again… Manaso bangab subnida (Nice to meet you). Anyong hi gaseyo (Stay in peace). Saranghe (I love you).
Wahhhh, huhuhu…Mami-miss ko sila, promise.
Sana i-email kagad nila sa akin yung mga pix namin.
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. mark left…
Friday, 16 February 2007 2:23 pm
ang lungkot naman ng last 2 entries mo. pero naeentertain akong basahin lahat kc kwela (halos) lahat. (I've been reading youre blog for quite a while) walang halong pretentions. more power!
Friday, 16 February 2007 3:33 pm
3. JOHN MARIE left…
Friday, 16 February 2007 5:25 pm
Sana may pictures!
Friday, 16 February 2007 9:41 pm
as i've said, wait ko email nila. pag nasend na sa akin yung mga pix, post ko na lang.
5. JOHN MARIE left…
Friday, 16 February 2007 9:58 pm
Wait ko ha… okei ka lang ba na wala na mga korean friends mo? Hindi ka naman siguro nag-iisa na noh? I just hope na makatagpo ka na ng lalake na makakasama mo for life!
6. redcomet left…
Monday, 19 February 2007 6:33 pm
oo pasend din ako pics yahuuuu
Monday, 19 February 2007 10:28 pm
asus, pasimple pa kayo dyan e naghahanap lang din kayo ng koreanovela beauties, hehe aminin!
8. redcomet left…
Thursday, 22 February 2007 11:49 am
oo naman, me koreans din dito sa office kaya lang kung me koreanovela mga stunt double mga kamada nito hehehe
HAPPY V DAY!
February 14, 2007
Happy Kapuso Day, mga friends! Walastik, senti mode ako kagabi. Feeling ko pa mandin e sobrang overrated ang V day and I even wrote a poem about it 2 years ago pero olats, tinamaan ako ng lungkot kagabi.
Naalala ko bigla si model. Pucha naman kase, ang daming hassle sa amin e. Love na love ko yun, promise. Pero ala, di talaga kami para sa isa't isa.
S'ya lang yung lalakeng minahal ko ng buong puso't kaluluwa pero wala din…Sawi pa rin ang ending. Hay bakit kaya ganun? Lagi na lang palpak ang lovelife ko. Miss ko na yung magmahal at mahalin din in return. Puro na lang panandalian yung mga nakukursunadahan ko, hay…
Kagabi pa lang sa jeep e mangiyak-ngiyak na ako. Miss ko na si model, wahhhhh! Bakit dumating pa s'ya sa buhay ko kung mawawala din pala s'ya.
Why, oh why???
Syet, kakayod na lang kako ako sa V day. Ordinary daw naman talaga s'ya kung tutuusin pero wahhhhh, bakit affected ako na ala akong lovelife? :'(
Kanina tuloy sa class e namigay na lang ako ng chocolates sa mga students ko. (Pero sa Korea, ang mga girls ang nagbibigay ng chocs sa mga guys pag V day.) In fairness, binigyan din kami ni "Egi" ng chocs pati na rin yung mga female classmates n'ya. Maganda yung packaging nung akin, hehe nice! Unexpected yun, huh! Sweet talaga nung lalakeng yun, promise!
Samantala, for our activity today, pinagawan ko ng V cards ang mga estudyante ko. Sa opposite sex nila ibigay kako. Binigyan ko din sila ng extra chocs para ibigay dun sa ginawan nila ng card.
Ok naman at ginawa naman nito ito ng maayos. Pinabasa ko rin aloud sa kanila ang mga ito. As expected, alam kong mahihiya silang lapitan yung mga taong sinulatan nila pero no choice sila, hehe!
Ginawan din nila ako ng V card at sumulat lahat yung advisory class ko ng V Day message for me. Aliw kase may mga "I love you" message kahit yung mga guys sa akin, hehe! Dyahe lang when they say "I love you" to me, kase nahihiya akong sumagot, hehe!
Yung ibang message din nila for me e tipong, "You're so friendly" chuva at "You're so sexy". Actually, "sexy girl" ang tawag nila sa akin. Sa totoo lang, di ko alam kung sexy ako sa paningin nila o sexy ako dahil teacher nila ako, hehe! Di ko alam kung bola ba yun o seryoso sila. Sinasabihan kase nila ako ng, "I envy you", ewan ko ba charing lang yata yun. Hehe whatever!
Normally kase e "slim" ang mga type nila samantalang di naman ako ganun. But just the same, na-appreciate ko yung mga sinasabi nila about me, s'yempre. Type din nila akong manamit. Hehe nice one!
Natuwa naman ako dun sa card nila for me. Sweet. Hehe!
After class tuloy e dumiretso ako sa mall para bumili ng regalo for one of my students. Ala kase s'yang absences kahit kaninong teacher at nag-promise ako sa kanya na bibigyan ko ng "token" of some sort. Ayaw daw n'ya ng food kaya yun, sumugod tuloy ako sa mall para bilhan ko s'ya ng kahit ano lang.
Kung saan saan ako pumunta para bumili ng regalo for him. Keychain na lang daw sabi ng mga co-teachers ko pero yoko nun, puro na lang kase keychain yung pinamimigay sa mga foreigners kaya gusto ko e something different naman. Napadpad tuloy ako sa Papemelroti.
Habang nagbabayad ako nung binili ko for my student e merong isang foreigner before me na nagbabayad din. Mukha s'yang Indian. Nag-strike s'ya ng conversation with me and oks lang naman sa akin yun. Very friendly din naman ako sa kanya. Out of the blue e niyaya n'ya akong mag-coffee.
Ako naman si babaeng kaladkarin e sumama sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Available naman ako nung time na yun at libreng kape din yun kako sa sarili ko, hehe! Ok naman s'ya. Malaysian pala s'ya. And mukhang very educated. Alang mintis din ang English n'ya, in fairness. As in yung di nauutal.
Nung nakaupo na kami't nag-uusap over coffee e sinabi n'yang "very sexy" daw ako. Ayan na naman, kako. Bola ba yan or hindi sa loob loob ko, hehe! Naka-miniskirt pa mandin ako ngayon. I've got "big buns" daw, hehe walastik, porn na porn ang dating, hehe! At yun nga, "voluptuous" daw ako. Nice one, I love that word, hehe!
Halata kong tinatantya n'ya ako kung game ba ako or hindi. Gusto akong i-take home ng putragis. Naka-hotel s'ya at tomorrow afternoon na ang balik n'ya sa Malaysia. Nagpaparamdam sa akin.
Ako naman si gagang ever tactful, di ko s'ya madiretso na di ko s'ya type. Hihintayin daw n'ya ako sa hotel n'ya maya. Nagpalusot na lang ako't sinabi kong may "date" ako maya with my friends. Pag ala pa kako ako ng 10pm, di ako darating. Pero sa totoo lang talaga e ala na akong balak magpakita sa kanya ever. Tama na yung nagkape kami, oks na yun. Nothing more than that.
Di ko s'ya type. Ulikba s'ya. Pucha, ang sama ko, syet! At naman, 44yona pala s'ya at separated. He's got a 14yo son daw. Alangya, tatay ko na lang talaga s'ya. Di ko type yung mga ganun. In fairness, maganda yung ngipin n'ya. Yun lang yung nakita kong maganda sa kanya plus yung brains n'ya, hehe!
Ang ending tuloy e umuwi na ako after naming magyosi. S'ya naman e magpapa-bodyscrub daw muna. Alangya, mukhang magpi-prepare yata s'ya ng todo for me ah. As in ayaw na an'ya kong paalisin. Baka di na raw n'ya ako makita ever. Tsk tsk tsk…
Ewan, baka feeling n'ya e type ko rin s'ya. Or I probably gave him the wrong signals. But then again, hindi rin e. Halatang paiwas ako sa mga personal questions n'ya kanina. Ah ewan, basta ako, di ako pupunta sa hotel n'ya, period. Mamya dambahin pa ako nun noh! Hehe!
Hay, kelan kaya magiging matino ang V Day ko?
:(:( Di bale, habang may buhay, may pag-asa. Sana makita ko rin ang "match" ko someday. Sana…sana…sana…
O pano, HAPPY VALENTINE'S DAY na lang sa lahat kahit di happy yung akin, huhuhu! :'(
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. jr left…
Thursday, 15 February 2007 1:10 am
hahaha, antindi pala ng sex appeal mo:-)
2. puliskalawakan left…
Thursday, 15 February 2007 3:25 pm
hey what happened to model?..you never mentioned what the cause of break up after those 3 magic words..nice blog really..
Thursday, 15 February 2007 8:43 pm
@jr, hehe di naman. nakakabulag lang, hehe!
@puliskawalan, wahhhhh long story…huhuhu! :'(
4. mark left…
Friday, 16 February 2007 2:17 pm
Hi happy valentines. lungkot naman ng V day mo. dont worry malay mo nxt time mas ok na. I've been reading your blog for quite sometime now and I find it very entertaining. fans mo na ata ako hehehe. more power!
Friday, 16 February 2007 3:34 pm
KISS AND TELL
February 9, 2007
Nag-shot kami kahapon ng HS batchmate ko at ng Physics instructor ko nung HS. Actually, di kami close. Ngayon na lang kami bumabawi.
Biglaan lang din ang paglabas namin kahapon. Just the same na nagkitakita lang kami by accident and from there e nagkuhanan na ng cellphone numbers. (Nakasalubong ko sa skul si batchmate samantalang ESL teacher na rin si Sir just like me).
Nweiz, alang problema kay batchmate at kay Sir, dabarkads na kase sila dati pa. Si batchmate kase ang pambato namin sa Physics at Math. Samantalang ako ay hamak na patapon sa Physics at Math nung HS (at for life na rin siguro, hehe!) at iba din ang aking set of friends.
Oks lang naman dahil nung nagbonding kami e parang magkakaedad lang kami't matagal na magkakaibigan na. Reminiscing the good ol' HS days tuloy ang drama namin. At since alam nila batchmate at ni Sir ang baho ng isa't isa mula pa nung HS, nagbubukingan din sila ng mga pinakatatagong sikreto nila.
Kakagulat dahil nun ko lang nakita ang ibang side ni Sir. Professional kase kaming mag-usap ni Sir pag nasa university at di ko akalain na sobrang pilyo din pala s'ya.
Kala kase ng karamihan sa batch namin ay bading si Sir, hehe! Na-chismis pa nga silang dalawa ni batchmate once upon a time. Pero kala lang pala namin yun. Ngayon ay married na si Sir at mukhang ok naman ang family life n'ya. Si batchmate naman ay hiwalay sa asawa at may isang anak.
Kung saan-saan napunta ang usapan naming tatlo. Nung una nga e parang nadyadyahe si Sir mag-usap ng mga maseselang bagay lalo pa't alam n'yang dalaga pa ako. Ito namang si batchmate e sinabing alang dapat alalahanin at aktibo daw ang aking sexlife, haha buwiset! Tama ba namang mag-isip ng ganun? Hehe!
Zero nga e. As in triple X este triple zero, hehe!
Napakadaldal ni batchmate. Kiss and tell. As in nagugulat din ako sa mga isini-share n'ya sa amin. Pero oks lang kase enjoy namang makichismis, hehe!
Kinuwento n'ya yung barakong crush ng bayan batchmate namin na ka-close n'ya. Marami kaseng inggit dun dahil nuknukan ng ganda ang gf n'ya. Crush ng bayan din ang gaga. Ka-level n'ya.
May pagnanasa pa mandin at one point si batchmate dun sa ex ni crush ng bayan batchmate. Pero ito daw ang sinabi nito sa kanya, "Wag mo nang pag-interesan si ________. Parang bangkay s'ya sa kama". Walastik, mga lalake talaga, oo.
Kilala pa mandin ni batchmate ang mga ex nung girl na 'yun. Yung isa nga daw yung nagpadugo dun. Tapos bumanggit pa s'ya ng iba't ibang names. Nawalan na rin tuloy s'ya ng gana kay crush ng bayan girl lalo na dun sa "bangkay" comment na sinabi sa kanya. Wawa naman si pretty girl, tsk tsk tsk…
Nabanggit din n'ya yung nakainuman n'yang ka-batch namin na humantong sa kung saan-saan. Lasing na lasing daw si girlash at sinamantala naman n'ya kako, hehe! Oh well, whatever. Matatanda na naman sila. Buhay nila yun, katawan nila yun, labas na ako dun kung anuman ang gusto nilang gawin.
Kung susumahin si batchmate, "kiss and tell" nga s'ya. Pero as I've said, pucha, masarap makichismis talaga sa buhay ng ibang tao kaya tolerable naman yung ginagawa n'ya.
Pero teka lang, ano nga ba ang definition ng "kiss and tell"? Para sa akin kase ok lang naman ikuwento sa iba yung ginagawang kabulastugan provided na "close" naman kayo nung shine-shayran mo. Pwedeng umabot sa "naming names" but of course dapat alam mo ding mapagkakatiwalaan kahit papano yung sinasabihan mo ng sexlife mo o kung anupaman.
S'yempre di naman maiwasan minsan na excited ka at gusto mong i-share na natikman mo si ganito ganyan. Pwedeng masaya ka, pwedeng "mission accomplished", pwedeng "ego trip", pwedeng kung anupamang rason but bottomline, masarap makichismis. Kumbaga e absorb lang ako ng absorb ng info pag ganun.
Yun nga lang, what if ikaw naman ang biktima ng "kiss and tell?" Ako nga minsan, dinadaan ko na lang sa biro ang sagot ko. Ang sabi ko, "Ok lang basta positive naman sana ang sabihin n'ya about me. Kase kung negative, dyahe naman, hehe!"
But then again, malalaman mo pa ba yun kung na-kiss and tell ka na pala? We never know kase diba? Yung iba kase, exagg naman ang kuwento. Yung iba naman, imbento lang talaga. Kaya oks na rin siguro yung pabiro kong laging sagot na sana "positive" na lang ang feedback. Labo ba? Hehe ewan. Nalalabuan din ako sa sarili ko, hehe!
Di ko nga alam kung nabiktima na ba ako ever ng "kiss and tell" na yan. O baka naman ako pala yung nambibiktima noh? Haha atta girl! Hehe jk!
Pero yun nga e, natural lang na maintriga tayo sa iba whether sexlife man nila o hindi ang usapan. Basta ako tagapakinig lang, hehe!
Pero kiss and tell ba ako? Ewan. Di ko rin alam, haha ang labo ko talaga. Oo. Siguro. Ay ewan, di rin ako sure. Try me na lang, haha charing!
*Syet, ang gulo ng entry ko na 'to. Alang kuwenta, olats! Pero sana nga "positive" naman ang feedback sa akin kung ma-kiss and tell man ako, haha humirit pa e, hehe!*
links: digg this del.icio.us technorati reddit








