Home » Post Item » KISS AND TELL

KISS AND TELL

February 9, 2007

Nag-shot kami kahapon ng HS batchmate ko at ng Physics instructor ko nung HS. Actually, di kami close. Ngayon na lang kami bumabawi.

 

Biglaan lang din ang paglabas namin kahapon. Just the same na nagkitakita lang kami by accident and from there e nagkuhanan na ng cellphone numbers. (Nakasalubong ko sa skul si batchmate samantalang ESL teacher na rin si Sir just like me). 

 

Nweiz, alang problema kay batchmate at kay Sir, dabarkads na kase sila dati pa. Si batchmate kase ang pambato namin sa Physics at Math. Samantalang ako ay hamak na patapon sa Physics at Math nung HS (at for life na rin siguro, hehe!) at iba din ang aking set of friends. 

 

Oks lang naman dahil nung nagbonding kami e parang magkakaedad lang kami't matagal na magkakaibigan na.  Reminiscing the good ol' HS days tuloy ang drama namin. At since alam nila batchmate at ni Sir ang baho ng isa't isa mula pa nung HS, nagbubukingan din sila ng mga pinakatatagong sikreto nila.

 

Kakagulat dahil nun ko lang nakita ang ibang side ni Sir. Professional kase kaming mag-usap ni Sir pag nasa university at di ko akalain na sobrang pilyo din pala s'ya.

 

Kala kase ng karamihan sa batch namin ay bading si Sir, hehe! Na-chismis pa nga silang dalawa ni batchmate once upon a time.  Pero kala lang pala namin yun. Ngayon ay married na si Sir at mukhang ok naman ang family life n'ya. Si batchmate naman ay hiwalay sa asawa at may isang anak. 

 

Kung saan-saan napunta ang usapan naming tatlo.  Nung una nga e parang nadyadyahe si Sir mag-usap ng mga maseselang bagay lalo pa't alam n'yang dalaga pa ako. Ito namang si batchmate e sinabing alang dapat alalahanin at aktibo daw ang aking sexlife, haha buwiset! Tama ba namang mag-isip ng ganun? Hehe! :P Zero nga e. As in triple X este triple zero, hehe! :P

 

Napakadaldal ni batchmate. Kiss and tell. As in nagugulat din ako sa mga isini-share n'ya sa amin.  Pero oks lang kase enjoy namang makichismis, hehe! :P

 

Kinuwento n'ya yung barakong crush ng bayan batchmate namin na ka-close n'ya. Marami kaseng inggit dun dahil nuknukan ng ganda ang gf n'ya. Crush ng bayan din ang gaga.  Ka-level n'ya. 

 

May pagnanasa pa mandin at one point si batchmate dun sa ex ni crush ng bayan batchmate. Pero ito daw ang sinabi nito sa kanya, "Wag mo nang pag-interesan si ________. Parang bangkay s'ya sa kama".  Walastik, mga lalake talaga, oo.

 

Kilala pa mandin ni batchmate ang mga ex nung girl na 'yun. Yung isa nga daw yung nagpadugo dun. Tapos bumanggit pa s'ya ng iba't ibang names. Nawalan na rin tuloy s'ya ng gana kay crush ng bayan girl lalo na dun sa "bangkay" comment na sinabi sa kanya. Wawa naman si pretty girl, tsk tsk tsk…

 

Nabanggit din n'ya yung nakainuman n'yang ka-batch namin na humantong sa kung saan-saan. Lasing na lasing daw si girlash at sinamantala naman n'ya kako, hehe! Oh well, whatever. Matatanda na naman sila. Buhay nila yun, katawan nila yun, labas na ako dun kung anuman ang gusto nilang gawin.

 

Kung susumahin si batchmate, "kiss and tell" nga s'ya. Pero as I've said, pucha, masarap makichismis talaga sa buhay ng ibang tao kaya tolerable naman yung ginagawa n'ya.

 

Pero teka lang, ano nga ba ang definition ng "kiss and tell"? Para sa akin kase ok lang naman ikuwento sa iba yung ginagawang kabulastugan provided na "close" naman kayo nung shine-shayran mo. Pwedeng umabot sa "naming names" but of course dapat alam mo ding mapagkakatiwalaan kahit papano yung sinasabihan mo ng sexlife mo o kung anupaman. 

 

S'yempre di naman maiwasan minsan na excited ka at gusto mong i-share na natikman mo si ganito ganyan. Pwedeng masaya ka, pwedeng  "mission accomplished", pwedeng "ego trip", pwedeng kung anupamang rason but bottomline, masarap makichismis. Kumbaga e absorb lang ako ng absorb ng info pag ganun.

 

Yun nga lang, what if ikaw naman ang biktima ng  "kiss and tell?" Ako nga minsan, dinadaan ko na lang sa biro ang sagot ko. Ang sabi ko, "Ok lang basta positive naman sana ang sabihin n'ya about me. Kase kung negative, dyahe naman, hehe!"

 

But then again, malalaman mo pa ba yun kung na-kiss and tell ka na pala? We never know kase diba? Yung iba kase, exagg naman ang kuwento. Yung iba naman, imbento lang talaga. Kaya oks na rin siguro yung pabiro kong laging sagot na sana "positive" na lang ang feedback. Labo ba? Hehe ewan. Nalalabuan din ako sa sarili ko, hehe! :P

 

Di ko nga alam kung nabiktima na ba ako ever ng "kiss and tell" na yan. O baka naman ako pala yung nambibiktima noh? Haha atta girl! Hehe jk! :P

 

Pero yun nga e, natural lang na maintriga tayo sa iba whether sexlife man nila o hindi ang usapan. Basta ako tagapakinig lang, hehe! :P Pero kiss and tell ba ako? Ewan. Di ko rin alam, haha ang labo ko talaga. Oo. Siguro. Ay ewan, di rin ako sure. Try me na lang, haha charing! :P

 

*Syet, ang gulo ng entry ko na 'to. Alang kuwenta, olats!  Pero sana nga "positive" naman ang feedback sa akin kung ma-kiss and tell man ako, haha humirit pa e, hehe!* 

 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

Posted by barenaked at 3:59 pm | permalink

Add a comment








     

February 2007
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728  

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments