Home » Post Item » HAPPY V DAY!

HAPPY V DAY!

February 14, 2007

Happy Kapuso Day, mga friends! Walastik, senti mode ako kagabi. Feeling ko pa mandin e sobrang overrated ang V day and I even wrote a poem about it 2 years ago pero olats, tinamaan ako ng lungkot kagabi. :(

Naalala ko bigla si model. Pucha naman kase, ang daming hassle sa amin e. Love na love ko yun, promise. Pero ala, di talaga kami para sa isa't isa. 

S'ya lang yung lalakeng minahal ko ng buong puso't kaluluwa pero wala din…Sawi pa rin ang ending. Hay bakit kaya ganun? Lagi na lang palpak ang lovelife ko. Miss ko na yung magmahal at mahalin din in return. Puro na lang panandalian yung mga nakukursunadahan ko, hay…

Kagabi pa lang sa jeep e mangiyak-ngiyak na ako. Miss ko na si model, wahhhhh! Bakit dumating pa s'ya sa buhay ko kung mawawala din pala s'ya. :( Why, oh why???

Syet, kakayod na lang kako ako sa V day. Ordinary daw naman talaga s'ya kung tutuusin pero wahhhhh, bakit affected ako na ala akong lovelife? :'(

Kanina tuloy sa class e namigay na lang ako ng chocolates sa mga students ko.  (Pero sa Korea, ang mga girls ang nagbibigay ng chocs sa mga guys pag V day.) In fairness, binigyan din kami ni "Egi" ng chocs pati na rin yung mga female classmates n'ya. Maganda yung packaging nung akin, hehe nice! Unexpected yun, huh! Sweet talaga nung lalakeng yun, promise! 

Samantala, for our activity today, pinagawan ko ng V cards ang mga estudyante ko. Sa opposite sex nila ibigay kako.  Binigyan ko din sila ng extra chocs para ibigay dun sa ginawan nila ng card. 

Ok naman at ginawa naman nito ito ng maayos. Pinabasa ko rin aloud sa kanila ang mga ito. As expected, alam kong mahihiya silang lapitan yung mga taong sinulatan nila pero no choice sila, hehe!

Ginawan din nila ako ng V card at sumulat lahat yung advisory class ko ng V Day message for me. Aliw kase may mga "I love you" message kahit yung mga guys sa akin, hehe! Dyahe lang when they say "I love you" to me, kase nahihiya akong sumagot, hehe! 

Yung ibang message din nila for me e tipong, "You're so friendly" chuva at "You're so sexy". Actually, "sexy girl" ang tawag nila sa akin. Sa totoo lang, di ko alam kung sexy ako sa paningin nila o sexy ako dahil teacher nila ako, hehe! Di ko alam kung bola ba yun o seryoso sila. Sinasabihan kase nila ako ng, "I envy you", ewan ko ba charing lang yata yun. Hehe whatever! 

Normally kase e "slim" ang mga type nila samantalang di naman ako ganun. But just the same, na-appreciate ko yung mga sinasabi nila about me, s'yempre.  Type din nila akong manamit. Hehe nice one! :)

Natuwa naman ako dun sa card nila for me. Sweet. Hehe! :)

After class tuloy e dumiretso ako sa mall para bumili ng regalo for one of my students. Ala kase s'yang absences kahit kaninong teacher at nag-promise ako sa kanya na bibigyan ko ng "token" of some sort. Ayaw daw n'ya ng food kaya yun, sumugod tuloy ako sa mall para bilhan ko s'ya ng kahit ano lang.

Kung saan saan ako pumunta para bumili ng regalo for him. Keychain na lang daw sabi ng mga co-teachers ko pero yoko nun, puro na lang kase keychain yung pinamimigay sa mga foreigners kaya gusto ko e something different naman. Napadpad tuloy ako sa Papemelroti.

Habang nagbabayad ako nung binili ko for my student e merong isang foreigner before me na nagbabayad din. Mukha s'yang Indian. Nag-strike s'ya ng conversation with me and oks lang naman sa akin yun. Very friendly din naman ako sa kanya. Out of the blue e niyaya n'ya akong mag-coffee.

Ako naman si babaeng kaladkarin e sumama sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Available naman ako nung time na yun at libreng kape din yun kako sa sarili ko, hehe! Ok naman s'ya. Malaysian pala s'ya. And mukhang very educated. Alang mintis din ang English n'ya, in fairness. As in yung di nauutal.

Nung nakaupo na kami't nag-uusap over coffee e sinabi n'yang "very sexy" daw ako. Ayan na naman, kako. Bola ba yan or hindi sa loob loob ko, hehe! Naka-miniskirt pa mandin ako ngayon. I've got "big buns" daw, hehe walastik, porn na porn ang dating, hehe! At yun nga, "voluptuous" daw ako. Nice one, I love that word, hehe! :P

Halata kong tinatantya n'ya ako kung game ba ako or hindi. Gusto akong i-take home ng putragis. Naka-hotel s'ya at tomorrow afternoon na ang balik n'ya sa Malaysia.  Nagpaparamdam sa akin.

Ako naman si gagang ever tactful, di ko s'ya madiretso na di ko s'ya type. Hihintayin daw n'ya ako sa hotel n'ya maya. Nagpalusot na lang ako't sinabi kong may "date" ako maya with my friends. Pag ala pa kako ako ng 10pm, di ako darating. Pero sa totoo lang talaga e ala na akong balak magpakita sa kanya ever. Tama na yung nagkape kami, oks na yun. Nothing more than that.

Di ko s'ya type. Ulikba s'ya. Pucha, ang sama ko, syet! At naman, 44yona pala s'ya at separated. He's got a 14yo son daw. Alangya, tatay ko na lang talaga s'ya. Di ko type yung mga ganun. In fairness, maganda yung ngipin n'ya. Yun lang yung nakita kong maganda sa kanya plus yung brains n'ya, hehe!

Ang ending tuloy e umuwi na ako after naming magyosi. S'ya naman e magpapa-bodyscrub daw muna. Alangya, mukhang magpi-prepare yata s'ya ng todo for me ah. As in ayaw na an'ya kong paalisin.  Baka di na raw n'ya ako makita ever. Tsk tsk tsk…

Ewan, baka feeling n'ya e type ko rin s'ya. Or I probably gave him the wrong signals. But then again, hindi rin e. Halatang paiwas ako sa mga personal questions n'ya kanina. Ah ewan, basta ako, di ako pupunta sa hotel n'ya, period. Mamya dambahin pa ako nun noh! Hehe! :P

Hay, kelan kaya magiging matino ang V Day ko? :( :(:(  Di bale, habang may buhay, may pag-asa. Sana makita ko rin ang "match" ko someday. Sana…sana…sana…

O pano, HAPPY VALENTINE'S DAY na lang sa lahat kahit di happy yung akin, huhuhu! :'( 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (5)

1. jr left…

Thursday, 15 February 2007 1:10 am

hahaha, antindi pala ng sex appeal mo:-)

2. puliskalawakan left…

Thursday, 15 February 2007 3:25 pm

hey what happened to model?..you never mentioned what the cause of break up after those 3 magic words..nice blog really..

3. barenaked left…

Thursday, 15 February 2007 8:43 pm

@jr, hehe di naman. nakakabulag lang, hehe! :P

@puliskawalan, wahhhhh long story…huhuhu! :'(

4. mark left…

Friday, 16 February 2007 2:17 pm

Hi happy valentines. lungkot naman ng V day mo. dont worry malay mo nxt time mas ok na. I've been reading your blog for quite sometime now and I find it very entertaining. fans mo na ata ako hehehe. more power!

5. barenaked left…

Friday, 16 February 2007 3:34 pm

happy V day, mark! sana nga umaayos-ayos naman next time. :)

Posted by barenaked at 4:01 pm | permalink

Add a comment








     

February 2007
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728  

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments