BABUSH, MGA DABARKADS! :(
February 15, 2007
Huhuhu, babalik na ng Korea ang mga dabarkads kong estudyante sa Saturday. So sad naman.
Kanina nga sa graduation nila e naiiyak na ako. Fave ko kase ang batch nila. Magaan turuan pati especially my advisory class. Love na love ko ang mga anak kong yun.
It probably helps din siguro na I'm just a few years older than them. Parang magkaka-berkz lang tuloy kami. At in fairness, di nila ako nakakaligtaang i-invite pag may gimik sila. Aliw yung "hosto bar" escapade namin, hehe!
Too bad ala kaming scanner. Di ko tuloy ma-share yung mga pix namin. Meron akong 4 na pix na bigay nila mismo sa akin.
Wow mali at sira kase ang digicam namin kaya yun, may-I-silip na lang ako sa mga kodakan galore nila. Di bale, papa-send ko na lang sa email yung mga pix namin para masaya, hehe!
Kakatuwa nga kase talagang pina-print na nila kagad yung ibang pix kanina para mabigyan nila kaming mga teachers nila. Kaya pala biglang may mawawala na lang na estudyante in the middle of their closing ceremonies, yun pala nagpapa-develop sila sa labas.
May mga messages pa sa likod yung mga pix na ibinigay nila sa amin. Kaka-touch. Plus palitan din kami ng email adds kanina.
Mami-miss ko talaga ang mga anak ko. Good thing di nagbago yung tingin nila sa akin. Galit na galit kase ako sa kanila last week, pasaway kase sila nung araw na 'yun.
Pucha, first time nila akong nakitang nagalit nun. In fairness, nag-sorry naman sila sa akin kagad at na-realize nilang mali sila. Nilagyan tuloy nila ng sorry note yung "invitation" na ipinagawa ko sa kanila.
Matindi pa mandin akong magalit. As in lumayo-layo ka sa akin ng limang kilometro pag nabuwisit ako sa 'yo. Talagang maghahalo ang balat sa tinalupan pag ako yung nag-alburuto.
Kaya naman, ayun, nilambing-lambing nila ako na mag-smile na daw ako. Ayaw daw nila yung "angry face" ko't miss na raw nila ang "cutie smile" ko, hehe sabay bola pa noh? Hehe!
Buti naman at nagkaayos din kami nung araw ding 'yun. I mean, "dabarkads" kami pero sabi ko "teacher" pa rin nila ako. Pag may activity e sumunod sila't wag mag-inarte. Pero oks na lahat ngayon. Buti naman, hehe!
Eto tuloy at mami-miss ko ang samahan namin. Ang mga kantyawan. Ang mga gimik namin at kung anik-anik…Hay…
Babush, mga anakis ko…Till we meet again… Manaso bangab subnida (Nice to meet you). Anyong hi gaseyo (Stay in peace). Saranghe (I love you).
Wahhhh, huhuhu…Mami-miss ko sila, promise.
Sana i-email kagad nila sa akin yung mga pix namin.
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. mark left…
Friday, 16 February 2007 2:23 pm
ang lungkot naman ng last 2 entries mo. pero naeentertain akong basahin lahat kc kwela (halos) lahat. (I've been reading youre blog for quite a while) walang halong pretentions. more power!
Friday, 16 February 2007 3:33 pm
3. JOHN MARIE left…
Friday, 16 February 2007 5:25 pm
Sana may pictures!
Friday, 16 February 2007 9:41 pm
as i've said, wait ko email nila. pag nasend na sa akin yung mga pix, post ko na lang.
5. JOHN MARIE left…
Friday, 16 February 2007 9:58 pm
Wait ko ha… okei ka lang ba na wala na mga korean friends mo? Hindi ka naman siguro nag-iisa na noh? I just hope na makatagpo ka na ng lalake na makakasama mo for life!
6. redcomet left…
Monday, 19 February 2007 6:33 pm
oo pasend din ako pics yahuuuu
Monday, 19 February 2007 10:28 pm
asus, pasimple pa kayo dyan e naghahanap lang din kayo ng koreanovela beauties, hehe aminin!
8. redcomet left…
Thursday, 22 February 2007 11:49 am
oo naman, me koreans din dito sa office kaya lang kung me koreanovela mga stunt double mga kamada nito hehehe
Add a comment








