INSECURE
February 7, 2007
Syet, ang sakit ng mga paa ko. Daig ko pa yata ang nag-Alay Lakad ngayong araw na 'to. Malay ko ba naman kaseng aktibidades galore lang kami ngayong araw na 'to, tsk tsk tsk…
Nag-miniskirt pa mandin ako ngayong araw na 'to. Feeling ko kase e sitting pretty lang ako ngayon. Last day na kase ng isang grupo kong estudyante ngayon at supposed to be e maghuhuntahan lang kami sa loob ng 3 oras.
Ang mga hinayupak, biglang nagyaya sa labas at makisali na lang daw kami sa isa pang class. Napasabak tuloy ako ng ala sa oras sa alang katapusang paglalakad. Picture taking galore kase sila sa kung anu-anong mga kalechehan.
Kaninang umaga naman e dance galore din ang drama namin for our classes. Oks na oks sana yun kaso lang di talaga ako prepared ngayong araw na 'to. Ang taas pa mandin ng heels ko't naka-miniskirt at lahat. Kaninag umaga pa lang tuloy e latang lata na ako.
As in ang ingay pa ng heels ko pag nagsasayaw, hehe eskandalosa. Patulis pa mandin yung dulo kaya hirap ako sa ibang dance steps. E tapos mga oldies pa mandin na mga sayaw yung itunuro sa amin, di ko kapanahunan kaya di ko trip. Pambagets pa ako e, hehe feeling!
In fairness, enjoy naman yung dance chuva namin kanina. Kakapagod nga lang. Sobrang init pa mandin kanina.
Kinakantyawan na nga akong tanggalin yung blazer ko kanina pero nahihiya ako. Sobrang sexy naman kase yung panloob na suot ko, baka di na ako igalang ng mga estudyante ko, hehe!
Kaya yun, tinatanggal ko na lang from time to time yung heels ko't nagyayapak na lang pag di na kaya ng powers ko na sumayaw.
Surprisingly, kaninang nakayapak ako e parang hirap akong makasunod sa mga dance steps. Naks, feeling pang-"You Can Dance" ang level, haha!
Amazed pa mandin ako sa mga dancers na naka-stiletto heels pero hanep kung humataw. Kinarir ko na lang kanina at nagpaka-professional kuno sa pagsasayaw, hehe madalang lang naman yun.
Kaya naman kaninang hapon e hapong hapo na ang mga paa ko. As in feeling ko e puputok na ang mga ugat sa paa ko. Hehe exagg!
Anak ng tokwa naman kase, pusturang pustura ako kanina sabay kung saan saan ako napasabak. 3rd time ko pa lang magsuot ng skirt sa skul this year. Na-conscious kase ako nung 2nd day namin sa klase at nakita akong naka-skirt ng mga students at tinanong ako't bakit daw "sexy" yung suot ko samantalang sinabihan ko sila na bawal magsuot ng mga "sexy" clothes sa skul.
Ako tuloy yung napagdiskitahan. E as far as I'm concerned naman e di naman "sexy" yung suot ko that time. Sanay lang siguro sila sa Korea na mahaba-haba yung skirts ng mga teachers nila kaya naikukumpara kami kahit papano.
Sabi naman ng isang co-teachers ko e mukha daw akong flight attendant nun. Di ko alam kung compliment yun o insulto. Gusto ko na lang isipin na compliment kase di naman ako pormang FA nun. Sana compliment nga, hehe!
Simula tuloy nung masita ako ng mga students sa outfit ko e di na ako nag-skirt for the longest time. Idagdag pa d'yan e iniingat ingatan ko din yung legs ko't ayokong mangitim, hehe vain ang putragis! As I've said before, mukha ko lang yung nilalagyan ko ng sunblock. Di na lang ako nagski-skirt pag sobrang init at mahaba-haba ang lakaran.
Pero kanina, in fairness, type nila ang outfit ko. "Very sexy" daw. Yung mga bebot ko kaseng estudyante e masyadong generous sa pagbibigay ng compliments. Tipong they tell me directly pag type nila yung suot ko and all. Parang artista nga ako dun minsan e, hehe exagg ulit ako, haha!
At in fairness ulit, ang mga "Barako Boys" (6 na binatilyong lalaki sila sa class ko) kong estudyante e nahuhuli ko ding sinusulyap-sulyapan yung legs ko. Oks lang tumingin basta wag lang mandadakma, hehe!
Di naman din sila lugi sa view. Maputi at makinis ang legs ko kaya oks lang mag-sight seeing sila ngayong last day nila, hehe! Ang kapal ng mukha ko, syet! Yabangan na 'to, hehe!
Pero yung isang dyowa ng estudyante ko, binigyan ako ng aprub sign pagkakita sa akin. Coming from a guy's point of view, yun ang compliment for me. Mga Korean guys kase sobrang mahiyain sila pagdating sa opposite sex lalo pa't teacher ka nila. Kaya yung "ok" sign nung bf ni student(na na-introduce lang sa akin) ang oks na oks din for me.
One time nga pinag-uusapan namin ng male friend ko kung kaninong compliment ba ang mas matimbang:from the same sex or the opposite sex. Sa opposite sex kako. E putragis, di ko naman concern kung type ako ng mga babae or attracted ba sila sa akin.
Para sa kanya kase e mas matimbang yung compliment from the same sex. Sabi ko nga sa kanya, minsan ang mga kabaro natin(lalo na mga girls) ang dami pang kaeklatang sinasabi pero pag sa opposite sex(lalo na from the guys) nanggaling ang isang compliment lalo pa't a man of few words pa yung nagsabi sa 'yo nito e asahan mong sincere yun at galing sa puson, este, sa puso pala, hehe!
Ewan, basta ganun yung pananaw ko. Pucha, pakelam ko ba sa sa compliments ng mga babae? I mean, na-aaappreciate ko naman yun pero mas matimbang pa rin yung galing sa opposite sex. Alangya, napaghahalatang lalakero ako e, haha charing!
Sabi naman ni co-teacher na "bi" yata o "bading" or whatever, papayat na lang daw ako ng konti e pwedeng pwede na talaga ako, hehe! Magbo-boldstar na ako nun kako nga sa kanya, haha! And coming from him, compliment din yun. Numero unong laitero/a kase yun e, hehe!
Anak ng tokwa kase, tumaba na naman ako ngayon. Ang sarap lumamon kase, hehe! Mukhang siopao na naman yata ang aking mukha, olats!
Gustong gusto pa mandin ni co-teacher ang aking height, built at ilong. I wonder, tinitigasan kaya s'ya sa akin? Nyahaha! :p Ala lang…Pero di nga kaya? Hahaha ma at pa. Di kami talo, hehe!
Ewan pero these days, yung mga ganitong compliment e nakakatulong sa akin kahit papano. Sounds "mababaw" pero it's true.
I feel so "unpretty" lately. Tapos pucha, 28 na ako. Kung pwede nga lang forever 28 na lang ako e ginawa ko na sana, syet! Yokong tumanda. In fairness, di naman daw ako mukhang 28. Mukhang 30 na daw, haha charing! Kidding aside, I look younger than my real age daw. But just the same, "insecure" pa rin ako lately.
Labo noh? Ewan. Tunog kuwela lang ako dito sa blog ko or better yet, dinadaan ko na lang sa pakwelang pagsusulat pero deep inside, isa akong "lost soul" ngayon. Damn, I miss my old self.
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. Arthur/Nurikane left…
Friday, 9 February 2007 7:48 pm :: http://nurikane.blogspot.com
Kuimusta na? It's been a while! Uy, mga fanboys ka na pala ha! LOL! Bakit wala na yata ako sa links list mo?
Anyway, Just made some new entries on my blog so, check it out. TC!
PAMPAKILIG NA LETTER
February 6, 2007
May activity ang advisory class ko dun sa Writing teacher nila. Gagawan nila ng letter ang mga classmates nila. Wala lang, chienes churva lang. Paeklat.
Sakto naman at nasa ibang room ako nung time na yun at nanonood kami dun sa play ng kabilang klase. As in watch mode lang ako nun sabay biglang pumasok yung isa pang class at may binasahan ng letter dun sa isa sa mga students. Yun pala yung Writing ek-ek nila.
Naku yari kako sa sarili ko. Parang nararamdaman ko na ako yung sinulatan ni Egi. Kami ang sikat na loveteam dun e hehe!
True enough, di nga pumalya ang hinala ko. Nilapitan n'ya ako at inabutan ng Dewberry sabay binasa yung letter n'ya sa akin infront of me habang nakikinig lahat ng madlang pipol. Syet, parang gusto kong maglaho sa planet Earth, kaka-conscious!
Kinukuhanan pa naman kami ng video nun at lahat e talagang kilig na kilig na ewan. Ako naman e blush to death. Ramdam ko rin na nahihiya na ewan si Egi nun pero di na n'ya inalintana yung tuksuhan.
Eto ang kanyang buong letter. Unedited 'to, mga tsong! Sensya na kung palya sa grammar. Impromptu ito e, hehe!
"Dear Ma'am Jonnah,
Hello! Nice to meet you. I'm _______. When we first met, though we were estranged, it led to a good relationship.
You're very kind to your students. And I like it and your face always smile. So I'm very happy because you have a positive. I'm a lucky guy.
10 days left and I hope to have a more deeper relationship together. Finally I want say to you.
"Salamat you are maganda."
Good Bye Ma'am
From:_________"
Haha ayos ba?
Aliw yung letter. Kilig kahit papano, hehe!
Pati mga students, kilig na kilig. Lalo na dun sa part na "deeper relationship" chuva, nagre-react lahat. Ano'ng klaseng relationship daw ba? At bakit tunog magdyowa daw kami dun sa letter na ginawa n'ya, hehe!
Aba, malay ko, kako. Ala akong kinalaman dun. Tinanong tuloy ako kung may ka-date na daw ba ako sa Valentine's Day. Ala kako. Work mode lang ako nun. Sakto naman at MWF ang klase ko kila Egi. V Day falls on a Wednesday kaya siguradong umaatikabong kantyawan na naman ang mangyayari nito.
Sa akin naman e alang problema. Pero minsan talagang blush to death ang beauty ko. Gayundin si Egi. Sobrang mahiyain kase yung lalakeng yun. Limited pa naman ang English vocab nun kaya nako-conscious makipag-usap. Minsan nga in Korean s'ya makipag-usap sa akin, hehe olats!
Nakiki-ride din ako sa pambubuyo nila para naman masaya sa klase. Hehe feeling "Daisy" ako. Tsaka oks lang din kase cutiepie s'ya. Mas oks na yun kesa sa swangit ako tuksuhin, hehe ang biased ko, syet! Haha!
Type na type ko kase yung mukha ni Egi-ya ko. Naks Egi-ya ko kuno, haha charing!
Pinoy-looking kase s'ya tapos pang-Close Up pa ang smile, pwedeeee! Hehe! Sayang nga lang at ala akong pic n'ya para naman makita n'yo s'ya, hehe! Nahihiya akong magpasend sa email at siguradong kakantyawan na naman kami.
Nweiz, V Day na nga pala sa Wednesday. Mag-date nga kaya kami ni Egi? Hmmm we'll see. Parang di n'ya yata kase ako type at mukhang napipilitan lang, haha olats! But we'll see…If all else fails, pwede namang santong paspasan na lang e, haha charing!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. redcomet left…
Wednesday, 7 February 2007 11:32 am
aba! parang nawawala ang mga daily fans mo a
boring kasi kuwento, inde ko alam ko papacute ka lng o laglag-@#$% mo dyan ke egiya mo
anyway to each his, or better, her own hehehehe
Wednesday, 7 February 2007 7:27 pm
boring lang talaga ang life ko. yun lang yun, hehe!
fans? ala na. lumipat na sila ng ibang kulto, hehe!
3. JOHN MARIE left…
Thursday, 8 February 2007 10:54 am
Nope… Nandito pa ako, nagbabasa sa mga blogs mo… up to date kaya ako sa mga nangyayari sa buhay mo… gusto mo bigyan mo pa ako ng test? Hehehehe! I'm looking forward to meet you someday… Ciao!
CLUBBING ALA-BORING
February 4, 2007
We went clubbing nung Friday night. But as usual, Cinderella beauties na naman ang mga estudyante ko. Dapat nasa dorm na sila by 12 midnight.
Olats nga kase ang konti lang namin. Pagdating ko sa meeting place namin e tatlo lang na Koreana ang andun. Tinanong ko yung iba kung asan pero shytype daw yung iba kaya di na sumama. Yung iba naman e missing in action sa dorm.
Medyo hati din sana ang lakad namin nun dahil supposed to be e sa Korean videoke bar pupunta yung iba kasama si co-teacher slash close friend.
Ako naman e mas pinili ko yung club kesa sa videoke. May magic sing naman kase sa bahay at pwede ako kumanta dun anytime. Idagdag pa d'yan e mas ok na pag-uunwind yung pagsasayaw. Ewan, feeling carefree ba kahit papano.
Nalaman ko na lang kanina na di pala natuloy mag-videoke yung iba. Kami naman ng mga kasama ko e go pa rin kahit konti lang kami this time.
Kasama din namin yung Pinoy guy na nagpapalipad hangin sa isa sa mga estudyante ko plus yung guy friends n'ya at yung isang bebot friend n'ya na may syotang Koreano.
Di ko trip ang mga kasama ko kaya ala akong ganang sumayaw. Shytype pati ako nung time na yun unlike the last time I went clubbing, alangya, sumuko na sa akin yung ka-date ko nun, haha! (Naiwan na lang akong mag-isa sa dancefloor pero sayaw to death pa rin ako't alang pakialam, hehe!)
Pero kagabi, syet, di ako gaanong nag-enjoy. Ala kaseng mga future yung mga kasama ko. Mukhang gusto lang makatikim ng "Korean BBQ" ng mga yun.
Wow mali nga kase kala ko nung una cutiepie yung mga lalakeng kasama namin. The first time I saw them kase is nung nagkitakits kami sa Ministop ng mga students ko para mag-hosto bar. At since madilim nun, "guaping" sila sa paningin ko. Kala ko lang pala yun, hehe!
Sa malapitan pala e "never mind" sila, hehe olats! Matangkad pa mandin yung mga yun, sayang ang height, hehe! Pero syet, may silver yung ngipin nila, T.O. sobra yun for me.
Binoboladas galore pa mandin ako nung nagpapa-cute na guy kay student. Nung inintroduce n'ya ako sa kanya, sabi ni guy, "You're teacher is beautiful." Ulol, kako sana e, haha pero nag-smile na lang ako. Titi n'ya noh! Haha!
At ang hinayupak, busabos yata. Hampaslupa. Erehe. Pilibustero. KKB kami at nung pauwi e dinrap off na lang n'ya kami somewhere. Anak ng tokwa, ni hindi man lang hinatid sa dorm yung mga students e lampas curfew na sila nakauwi, tsk tsk tsk…
Humihingi pa kamo ng goodbye kiss kay student yung isa. Buti naman at di pinagbigyan. Ewwww kadiri!
Nweiz, mabalik tayo dun sa club. Ni-request ko yung Jap song na "First Love" dun sa live band. Tawanan tuloy kaming lahat at naalala namin yung mga hosto na gumigiling-giling. Hehe iba na tuloy yung sumasagi sa isip namin pag naririnig namin yung kantang yun, hehe!
Sa kabilang banda, "Sex on the Beach" yung inorder kong cocktail. Haha buwiset talaga, dinadaan ko na lang sa drinks lagi, lol!
Sila students naman ay Pina Colada, Strawberry Daiquiri at White Russian ang inorder. The last time kase e "Screaming Orgasm" na yung drink ko kaya this time naman ay "Sex on the Beach" naman para masaya, hehe!
Nag-comment tuloy yung isang estudyante ko at sinabing mahilig daw ako sa mga sexy drinks, hehe! Walastik, kung alam lang n'ya…Haha!
Sumayaw din naman ako pero ala akong kagana-gana. Pa-sway sway lang ako. E dati talagang I shake my booty pag nasa dancefloor ako. Pataas taas ng kamay. Pahiyaw-hiyaw. Carefree baga.
Pero kagabi, agad din akong umupo at pinanood ko na lang sila. Watch mode na lang din ako dun sa isang singer nila dun sa bandang kumakanta that time. Ang guapo ng putragis! Gusto kong i-take home, haha! Hottie!
My kinda guy talaga. Moreno. Skinhead. May goatee. Mukhang badboy. Bodilicious. Hehe! Yun nga lang, he's short.
Actually, kamukha n'ya si "kolehiyolo ex". Natatawa nga ako kase nahuhuli ako nung katabi kong student na nakatutok lang kay singer. As in la na akong paki sa ibang crowd. S'ya na lang ang pinapanood ko.
Pinapalapit nga nila ako sa kanya at sayawan ko daw. Syet di kaya ng powers ko. Dyahe.
Pero sa totoo lang, at the back of my mind, gusto ko talaga s'yang lapitan at sayawan. Yun nga lang, ala akong guts.
Pag pa naman nandun ako sa club na yun, maraming nagfi-flirt sa mga cutiepie singers nila at at talagang dinidikitan at sinasayawan ng mga girls. Pero syet, hanggang nood lang ako. Di ko kayang gawin yun.
Ako pa naman I admire gutsy women. Gusto ko bang ma-experience kahit minsan sa buhay ko yung tipong ako lahat yung gagawa ng moves for the guy. Yung tipong I'll introduce myself, flirt a lil tapos bahala na.
Pero ala e. Di ko kaya. Oh well, atleast for now, di ko kaya. Pero sana, eventually magawa ko din yun. Masarap magpaka-daring once in awhile para naman may thrill ang buhay. Syet, pengeng pick-up line. Hehe!
Buti na lang talaga at hottie si singer. Gumanda ang view kahit papano. Putragis kase yung mga kasama namin, di ko talaga sila feel. Mas mabuti pa nga sigurong kami na lang nila students yung pumunta, bakasakaling mas nag-enjoy pa ako.
Pero sila Koreana, gusto ulit nila bumalik sa club na yun. Tenbits kase sila. Syet, sana kami-kami na lang next time at di na sila magsama ng mga asungot na ala din namang silbi.
Sana din next time mas marami kami para naman di dry. Sila "Egi" pala pumunta na rin pala dati sa bar na yun kasama yung 3 pang guys pero shytype sila at di nagsayaw, watch mode lang daw sila nun, olats! Ang dry nila, huh!
Sumatotal, mas ok pa yung hosto bar escapade namin kesa sa gimik namin kagabi. Excited pa mandin ako to go clubbing kase ang tagal ko ng absent sa ganyang bagay at na-miss ko talaga. Imagine September pa yata yung huli kong punta dun. Tsk tsk my short lived party girl days are over na talaga.
Ala talaga akong kalatoy latoy kagabi. Ang boring kong magsayaw. Syet pucha, sana next time di na talaga sumama yung mga alang future na lalakeng mga yun. Sana din mas marami kami next time para masaya at sana din wag na lang sumama yung mga walang balak magsayaw, hehe!
Kung take 2 lang kase nung nangyari kagabi yung next gimik namin, mas gugustuhin ko pang mag-hosto bar na lang ulit.
Hmmm ano nga kaya? Mag-hosto bar or go clubbing? Kahit ano basta ok ang crowd. Or pwede ding both, hehe tinodo na!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
THE KILAY FACTOR
February 1, 2007
Syet, gusto kong magpa-tattoo ng kilay! Kung bakit naman kase absent ako nung nagsabog ng kilay ang Diyos, olats! Inggit tuloy ako sa makakapal ang kilay. (But of course, di naman yung mala-"Blusang Itim" na kilay ni Snooky Serna noh, hehe!).
Actually, ala akong kabalak-balak magpa-tattoo ng kilay. Parang di kase natural yung dating. Pero kaninang some kinda inayos yung kilay ko nung saleslady, syet parang feeling ko dyosa ako kanina, haha no kidding!
Di ko kase nililinyahan yung kilay ko. Ni hindi nga ako nagpa-pluck ng kilay dati. Siguro mga 25 anyos na ako nung nagpa-pluck ako ng kilay for the first time. But just the same, hanggang pluck lang din ako.
Takot baga akong galawin yung kilay ko't baka lalong magmukhang manipis. Kaya yun, dinadaan ko na lang sa dyowa ko ang frustration ko sa pagkakaroon ng makapal na kilay. Very particular ako sa mata. Yun yung una kong napapansin. Type na type ko baga sa guys yung makakapal yung kilay, malalaking mata at mahaba ang eyelashes.
Sabi ko kase sa sarili ko, syet, ala ng pag-asa ang kilay ko. Di talaga ako pinagpala pagdating d'yan. Kung bakit kase nagmana ako sa nanay ko e, tsk tsk tsk. Sa aming 7 na magkakapatid, kami lang ni bunso ang manipis ang kilay. The rest ng mga kapatid namin, namana kay Daddy ang mga kilay nila. Makapal at maganda.
Actually, niyayaya nga ako dati ni Mommy na magpatattoo ng kilay. Frustration din n'ya kase yun, hehe! Pero ni minsan di sumagi ever sa isip ko na remedyuhan sa ganoong paraan ang mga kilay ko. Parang feeling ko kase dati, pang-Bella Flores lang yun. Pang-kontrabida chuva. Syet, yoko nun! Scary ang dating kako.
Buti na lang pala at pumayag ako na pag-eksperimentuhan nung saleslady yung mukha ko kanina. I was checking out kase the beauty products sa mall kanina. Wala lang, patingin-tingin lang dun sa mga make-up pero ala talaga akong balak bumili that time.
E ako ang kulit ko. Tanong nang tanong tungkol sa mga products. Check nang check ng mga ingredients. Ito namang si saleslady, sine-sales talk ako s'yempre. Ako naman si gaga, nagpabola, hehe!
At dahil nadala na ako sa pagpapahid ng kung anu-ano sa mukha ko, I make sure na puro hypoallergenic lang lahat ng nilalagay ko sa mukha ko. Pag di hypoallergenic, di ko na pinapansin kahit ano pang sikat na produkto yan. (Leche naman kase kung anu-anong pinaglalalagay ko sa mukha ko dati, na-irritate yung skin ko, olats! Sensitive pa mandin ang balat ko.).
Sakto naman at hypoallergenic, noncomodogenic chuvanes ang mga produkto ni saleslady kaya swak s'ya sa akin. At in fairness, inaasikaso n'ya ako nang maigi. Aliw pa mandin ako sa mga saleslady na maayos ang service kaya naman mabait at friendly din ako sa kanya all throughout.
Tamad pa mandin akong magtry ng mga "tester" pero si saleslady talaga e di ako tinantanan. Matyagang ineexplain n'ya sa akin ang kung anu-ano. Pahid dito, pahid doon. Tapos binigyan pa ako ng mga brochures.
That time pa naman e mukhang ewan na ako. Kagagaling ko lang kase sa work nun at di pa naman ako yung tipong retouch ng retouch. Feeling ko pa naman ngayon e ang panget ko. Parang feeling ko e nalosyang ako. Ewan ko ba.
Magmula kase ng pumayat ako, natuyot yata ang beauty ko. Ewan ko ba kung guni-guni ko lang ba yun o ano. Pero basta feeling ko ala akong "glow" ngayon. I feel so old. I think I look old. Basta di ako confident sa sarili ko ngayon.
Tamad akong mag-make up. Dinadaan ko na lang sa pananamit. Ibang iba dun sa dating ako na pusturang pustura lagi mula ulo hanggang paa.
Di ko alam kung nagmemellow lang ba ako or something. (In short, gumugurang na.). Or tamad lang talaga akong mag-ayos ayos lately. Idagdag pa d'yan ang "stress", hay todo na 'to! I look so haggard lately. Kailangan ko nga yatang mag-Stresstabs!
Kaya kaninang inayusan ako ni saleslady, parang feeling ko ngayon lang ulit ako nagmukhang tao. Parang syet, ang ganda ko pala. Parang ang tagal ko nang di nakikitang ganun yung sarili ko. Yung naggo-glow baga. And last but not the least, syet, ang ganda ng kilay ko. (Haha kahit nilinyahan lang, hehe!)
Na-amaze pa mandin ako kung paano n'ya ginawa yun. Ala kase akong talent sa ganyan. Yung paglilinya ng kilay at paglalagay ng eyeliner. As in ala akong idea pagdating sa mga ganyang bagay. Hanggang eyeshadow lang ako. Yun yung expertise ko.
Kaya naman pag-uwi ko ng bahay e parang yoko ng tanggalin yung make-up ko. Feeling ko celebrity ako, haha! Feeling dyosa talaga ako, haha syet!
Exagg siguro ako pero ewan, matagal ko na kaseng di nararamdaman yun. Pucha, kasalanan yata lahat ni model 'to e. Simula nung nagkahiwalay kami, parang nawala yung confidence ko sa sarili ko. Samantalang puta, feeling ko nuknukan ako ng ganda dati. Mabenta. Napapansin ng kung sinu-sino then ooopsss, biglang feeling ko para akong basahan na ewan. Tsk tsk poor me.
Kaya yun, nalosyang yata bigla ang beauty ko. Surprisingly, yung "kilay" lang pala ang magpapabago ng lahat, haha how weird! Ewan it sounds mababaw pero that's the way it is. Umuwi tuloy ako na bitbit yung binili kong skincare regimen at lip gloss kay saleslady. Napagastos ako nang ala sa oras pero sulit naman.
And about the kilay thing? Gusto ko talagang magpa-tattoo kaya lang undecided pa ako. Kailangan ko munang ikunsulta. Oh well, we'll see…
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. redcomet left…
Thursday, 1 February 2007 1:33 pm
aynakow panget sa u yan artificial eyebrows, anyway opinyon ko lng cheers
2. DarkBlak left…
Thursday, 1 February 2007 8:01 pm :: http://juansolutions.net/forwardthis/
magandang kulay ng kilay na tatoo ay white…. para maiban naman di ba
hehehe
3. graymalkin left…
Friday, 2 February 2007 1:40 pm
go lang nang go! tutal matagal mo na gusto magpa-tattoo, eh di sa kilay na lang, hehehe :p
Saturday, 3 February 2007 12:55 am :: http://www.tildemark.com
ano ang mas masakit yung tatoo o yung nagpa-pluck ng kilay?
pero ganda ka naman tingnan dyan sa kilay mo ahh. wag nalang kaya, ang sakit siguro noon tapos baka may tetanus pa yung karayom, o kaya may aids ay nakakatakot. hehehe. pero pag white ang ipa kulay mo dyan mas ok din. !!
5. au left…
Monday, 5 February 2007 7:38 pm
girl, pareho kayo ng dilemma ng nanay ko kaya nagpatattoo sya ng kilay. kandaiyak daw sya. kung mataas ang pain tolerance level mo, sige go… pili ka rin ng gagawa ng service meron iba na maganda ang ink color na ginagamit at meron ding sablay. may kakilala kami parang laging gulat dahil sa tattooed eyebrows (and eyelids!) nya. wehehehe








