Home » Archives » March 2007

SUGAR HICCUP

March 23, 2007

Men, di ko ineexpect na mase-search ko sa Youtube ang fave song ko na "Moden De" mula sa fave Pinoy band kong Sugar Hiccup. Ewan ko ba bigla ko lang naisipang i-search out of the blue ang kantang yun. Papalitan ko na kase ang Friendster profile ko.  Di ko naman ine-expect na makikita ko ang love na love kong Moden De kaya naman feeling ko e naka-jackpot lang naman ako, hehe! Kaya naman dali-dali ko na s'yang nilagay sa media box ko sa Friendster, hehe sabik na sabik e, hehe!

 

 

Sayang nga lang at disbanded na sila. Pero mukhang ang orig vocalist nilang si Melody del Mundo nga ang kumakanta dyan sa vid na yan. Hanep ang babaeng yan. Ang tindi ng boses. Mga tipong haunting, female vocals pa naman ang trip na trip ko. Panalo sa taste ko. :)  

 

Naalala ko ang college days ko, syet! Nawi-weirduhan kase mga housemates ko sa akin at bakit ganyan daw ang trip kong music. Pero nung napakinggan nila yung "Moden De", ang mga bruha, kinakanta na rin nila. Fave ko din tugtugin sa gitara at kantahin yan. Naala ko din tuloy si Ex-file. Fave din n'ya yan e, hehe! At pagdating sa Sugar Hiccup e talaga namang nagkakasundo kami. :)

 

Fave ko din ang "Five Years". Kaya lang sablay yugn pagkakanta sa Youtube ng bagong vocalist nila. Nawawala boses n'ya, hehe wow mali!

 

Kaya lipat na lang tayo sa "Mikaela". Walastik, naalala ko tuloy yung cassette tape ko ng Sugar Hiccup,  haha di pa kase uso yung CD nun e, hehe! Putragis kaka-miss ang orig na Sugar Hiccup. 

 

 

 

Eto pa isa,  si pare kong "Charlie", hehe!
 
 


 
Eto naman ang isang cover version ng "Womb".
 
 

Eto pa isang cover version ng "Womb" pero this time, di nagpakita ng mukha yung girlaloo. Nasa Media Box ko rin ito kaya ewan, baka mapagkamalang ako yan. Pero yung mga nakakakilala sa akin, mahahalata naman di ako yan dahil feeling ko e di naman kami magkaboses. In fairness, maganda yung boses n'ya. :)

 

 
Dami pa sa Youtube. Napansin ko nga na mas maganda pa yung version ng mga cover versions kesa sa bagong Sugar Hiccup. Iba talaga ang orig. Melody del Mundo is simply the best. Pamatay ang boses! 
 
Hay miss ko na sila. Kelan kaya ulit sila mabubuo? Alangya, para ko na rin sigurong pinangarap na magkabalikan din ang orig na Eheads, hehe pero who knows, diba? ;)
 
Basta sa ngayon e soundtrip muna ako.  

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments

Posted by barenaked at 3:37 pm | permalink | comments[4]

GRADUATE STUDIES

March 22, 2007

Damn it! Late na naman sa submission ng requirements sa UPOU. Feb 28 pa pala ang deadline. Grrr lagi na lang.

Napakgulo pa ng website nila. Di ko alam kung ano ang susundan ko. Iba-iba kase sinasabi ng mga friends ko na currently enrolled dun. Kesyo di ko na raw kelangan ng recommendation letters since UP grad na ako. Blah-blah-blah..

Nag-email naman ako sa kanila, sumagot sila after 48 years tapos di rin sinagot maigi mga tanong ko. Kulang-kulang. Hay…

Mukhang Diliman na siguro ang bagsak ko nito if ever. Saturday classes. Alangya, kakatamad na mag-travel. Pero di pa rin sure yun, anak ng tokwa, baka late na rin ako dun. Pag na-late ako dun pareho, made-delay na naman ako nito..Hay sayang ang panahon…

San kaya ang bagsak ko nito? Regular classes talaga sana ang gusto ko as much as possible kaya mas oks pa rin na mag-UPD ako. But then again, baka may dumating na mas ok na opportunities kaya gusto ko rin sanang mag-UPOU na lang para pwede ako mag-aral anytime, anywhere. Alang hassle. 

Weird nga kase yung 3 friends ko na nag-UPOU, hirap na hirap. Yung isa, nag-LOA na. Yung isa, tumigil na. Yung isa, undecided pa rin. Pati tuloy ako e nawawalan ng gana kahit papano.  

Haye ewan, bahala na. Kung sinuman ang unang mag-reply sa email ko at very encouraging, dun na lang ako. Goodluck to me! 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

Posted by barenaked at 3:35 pm | permalink | comments[3]

LIPAT-BAHAY

March 14, 2007

Jusko, Lord! Help me! Nauubos na ang energy ko sa pagta-transfer ng mga entries ko sa bagong haybols ko. Manu-mano…Yell

Nasa December 2004 entries pa lang ako…Wahhhh! Cry

Olats kase dito sa blog-city. Hanggang December 2007 na lang ang palugit sa mga free accounts nila at made-demolish na kami. Alangya, kinarir ko pa mandin ang new look ng blog ko dito sa blog-city with matching help pa from Ate Kat pero ala din palang kuwenta ang pagpapakahirap namin, hay. Frown

Pero no choice e. Kailangan ko ng lumipat ng haybols. Greener pasture baga. Wink

So long, blog-city. Mag-aalsa balutan na ako once maayos ko na ang bagong condo ko. Cool

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (3)

1. jaleesa left…

Tuesday, 20 March 2007 12:46 pm :: http://thesearemyconfessions.blog-city.c

hi sis malagu, musta? kelan mo nalaman na mawawala na ang free account sa blog-city? nag-member kasi ako last month since may 1/2 price deal sila. mura lang naman… lumalabas na AUD$27 for the whole year. kaya i took advantage of it.

sige, update mo na lang ako sa new blog site mo ha.

ingatz palagi.

2. kat left…

Wednesday, 21 March 2007 10:01 pm :: http://simplykat.blogspot.com

wow, ayos, buti pa si sis jaleesa.. :) mahilig lang talaga kaya tayo sa libre, ate jill? hehe

3. barenaked left…

Thursday, 22 March 2007 9:17 am

@jaleesa, ah premium acct na pala yung sa 'yo. good for you. :)

@ate kat, di available sa pinas ang premium acct if im not mistaken. i can't seem to find te info sa website e. kung anu-ano na clinick ko pero la akong makitang membership chuva sa pinas. but just the same, masarap talaga ang libre, hehe! :P

Posted by barenaked at 3:33 pm | permalink | comments[10]

GREENER PASTURES CHUVA

Hay…Bakit tila yata e nag-aabroad ang mga ppl of the world all of a sudden? Sabay-sabay pa kamo. 

 

My sister is in NY right now. Tapos yung cuz ko pupunta ng Cali sa Friday. Tapos yung isang co-teacher ko, pupunta ng Korea next week. Yung isang friend ko, pa-Canada. Tapos yung isa pang friend ko, mukhang paalis din anytime soon.

 

Ako? Wala lang. Haha olats! I'm stuck here in Pinas. I'm stuck in Pampanga, hehe!

 

Minsan naiisip ko kung tama ba yung desisyon ko na tinurn down ko yung offer sa akin sa Korea. If ever kase e mag-aaral at magwo-work ako at the same time. Scholar sana ang lola n'yo dun, hehe! Pero ewan ko ba, ang gulo naman kase ng kontrata kaya yun, tumanggi ako. Before New Year sana e "Winter Sonata" na sana ang drama ko.

 

But then again, I'd like to think na may magandang oppurtunities pa na darating sa akin in the future. Oh geez, sana tama nga ako. Yoko din naman kase ng pabara-bara tapos pagsisisihan ko lang pala.

 

Gusto ko lang kase ng challenge sa buhay ngayon. Kakabagot na. Gusto ko yung independent ang drama ko, hehe arte ko noh? Hehe! 

 

Yung tipong far away from home. Parang college days baga. Yung ala akong aasahan kundi yung sarili ko lang. Kanya-kanyang linis, luto, etc.

 

Dito kase sa bahay nakahain na lahat. Kain, tulog, work, chat kachorvahan lang ako. O baka naman tamad lang talaga ako, hehe! Tongue out

 

Wish ko lang ma-achieve ko yung mga goals ko for this year. Kung anuman yung mga, sa akin na lang muna. Dyahe kase pag di natupad, hehe wow mali ako. Embarassed

 

Basta ngayon, nakikiramdam muna ako sa paligid. Oks lang kahit one step at a time. Petiks mode, hehe! Basta kailangan kong mag-aral uli. Tapos as usual, kayod pa rin. Magbe-babymaker na lang yata ako e, haha charing! Money mouth (Alangya, epekto ito ng panonood ng "Palimos ng Pag-ibig", hehe). Cool

 

Pero seriously, gusto ko mag-abroad para maiba naman. Sama n'yo ako sa mga raket n'yo, hehe! Ililibre ko kaya sa unang sweldo ko, hehe deal yan promise! Cheap ba? Haha! 

 

Dapat makalarga ako bago ako mag-trenta. Men, malapit-lapin na yun. Undecided

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (3)

1. jr left…

Thursday, 15 March 2007 3:55 am

masarap mag abroad, aim for greener pasture talaga pero mahirap pag dinapuan ka ng homesick.sariling kayod, sariling buhay, walang nag aalaga, independent ka talaga.kaya sacrifice talaga.:-) apply ka na dito sa qatar.ganda dito…hehehe or sa dubai:-) pero dapat me agency ka para sure kasi yung iba visit visa, umuuwi din sa pinas dahil hirap kumuha ng work kaya dapat me work ka na talaga before ka lumarga try mo to monstergulf.com bayt.com at yung agency ko, me korea din silla eastwest.com.ph top awardee yan ng poea… gudluck kabayan… kabayan tawag ng mga pinoy sa isa't isa dito.. masarap ang feeling, mas napi-feel mo na pinoy ka, yung patriotism mo mas nararamdaman mo kasi mas nakikita mo ang pilipinas pag nasa abroad ka na…sya mahaba na to.hehehe

2. kat left…

Wednesday, 21 March 2007 10:05 pm :: http://simplykat.blogspot.com

ako rin, gusto ko mag abroad at maging independent. may alam ka ba mga opportunities sa singpore sis? gusto ko sana dun eh. para kasing malabo mag-states ang layo tas wala pa ako msyado experience..

hay buhay..

3. barenaked left…

Thursday, 22 March 2007 9:19 am

@jr, ay ayoko dyan. hehe suplada ka noh? baka kase i-stalk mo ako dyan, nyahaha jk! :P as much as possible, gusto ko sa asia. if may chance nga, gusto ko china. fascinated kase ako sa chinese culture. :)

@ate kat, sa singapore, maraming opportunities dun sa mga hotels chuva at cust serv.

Posted by barenaked at 3:30 pm | permalink | Add comment

BRUCE ALMIGHTY

March 13, 2007

 

Syet, ang yummyyyyy ni Bruce! Pwedeng pwedeeee! Hehe!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Alangya, pag nanonood ako ng PBB Season 2, s'ya yung iniispatan ko dun, hehe!

Guaping. Bruskong brusko ang dating. Parang ibabalibag ka sa kama anytime, nyahaha! :P Feeling ko pati e mapipisa ako pag niyakap n'ya ako, hehe!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ganyan yung mga type ko. Lalakeng lalake ang dating. Yoko sa mga prettyboys like Sam Milby. Mas maganda pa kase s'ya sa akin e, baka masapawan ako, hehe! :P  

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kelan kaya ulit ako magkaka-dyowa ng ganyang level? Pangarap kong magka-bf na basketball player para magaling mag-shoot, haha jk! But really, type ko magkaroon ng dyowang basketball player or chef, hehe!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Pati nga itong si Asia Agcaoili e kilig na kilig kay Papa Bruce. Hehe expected ko na naman yun anyweiz. Type din n'ya si Dionne. Bi na bi noh? Hehe!

Incidentally, si Dionne din ang fave ko sa mga girls. Gandang Pinay. At bagay sila ni Bruce, my love. Kinikilig ako sa kanila, hehe!

 

 

 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (1)

1. MARK left…

Wednesday, 13 June 2007 11:41 pm

HELLO.HEHEHEHEHEHEHEHE

Posted by barenaked at 4:38 pm | permalink | comments[1]

     

March 2007
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments