SUGAR HICCUP
March 23, 2007
Men, di ko ineexpect na mase-search ko sa Youtube ang fave song ko na "Moden De" mula sa fave Pinoy band kong Sugar Hiccup. Ewan ko ba bigla ko lang naisipang i-search out of the blue ang kantang yun. Papalitan ko na kase ang Friendster profile ko. Di ko naman ine-expect na makikita ko ang love na love kong Moden De kaya naman feeling ko e naka-jackpot lang naman ako, hehe! Kaya naman dali-dali ko na s'yang nilagay sa media box ko sa Friendster, hehe sabik na sabik e, hehe!
Sayang nga lang at disbanded na sila. Pero mukhang ang orig vocalist nilang si Melody del Mundo nga ang kumakanta dyan sa vid na yan. Hanep ang babaeng yan. Ang tindi ng boses. Mga tipong haunting, female vocals pa naman ang trip na trip ko. Panalo sa taste ko.
Naalala ko ang college days ko, syet! Nawi-weirduhan kase mga housemates ko sa akin at bakit ganyan daw ang trip kong music. Pero nung napakinggan nila yung "Moden De", ang mga bruha, kinakanta na rin nila. Fave ko din tugtugin sa gitara at kantahin yan. Naala ko din tuloy si Ex-file. Fave din n'ya yan e, hehe! At pagdating sa Sugar Hiccup e talaga namang nagkakasundo kami.
Fave ko din ang "Five Years". Kaya lang sablay yugn pagkakanta sa Youtube ng bagong vocalist nila. Nawawala boses n'ya, hehe wow mali!
Kaya lipat na lang tayo sa "Mikaela". Walastik, naalala ko tuloy yung cassette tape ko ng Sugar Hiccup, haha di pa kase uso yung CD nun e, hehe! Putragis kaka-miss ang orig na Sugar Hiccup.
Eto pa isa, si pare kong "Charlie", hehe!
Eto naman ang isang cover version ng "Womb".
Eto pa isang cover version ng "Womb" pero this time, di nagpakita ng mukha yung girlaloo. Nasa Media Box ko rin ito kaya ewan, baka mapagkamalang ako yan. Pero yung mga nakakakilala sa akin, mahahalata naman di ako yan dahil feeling ko e di naman kami magkaboses. In fairness, maganda yung boses n'ya.
Dami pa sa Youtube. Napansin ko nga na mas maganda pa yung version ng mga cover versions kesa sa bagong Sugar Hiccup. Iba talaga ang orig. Melody del Mundo is simply the best. Pamatay ang boses!
Hay miss ko na sila. Kelan kaya ulit sila mabubuo? Alangya, para ko na rin sigurong pinangarap na magkabalikan din ang orig na Eheads, hehe pero who knows, diba?
Basta sa ngayon e soundtrip muna ako.
links: digg this del.icio.us technorati reddit








