SYET, IM IN LOVE AGAIN!
March 8, 2007
Yes, baby! I'm in love again…with this song…"Dying in the Sun" by the Cranberries.
Syet, ngayon ko lang ulit napakinggan 'tong kantang 'to, ang ganda talaga n'ya. Para akong dinuduyan sa alapaap. Ito ang assignment ko sa keyboard ngayon, hehe! Kapa galore na naman ako nito, hehe! (Kaninang umaga, "My Immortal" ng Evanescence yung tyinaga kung kapain).
Love na love ko ang Cranberries. I remember nagpapa-print pa ako lagi noong college ako ng kung anik-anik tungkol sa banda nila. Alam ng mga close friends ko na idol ko ang lead vocalist nilang si Dolores O'Riordan. Halata naman sa piercings noh? Hehe!
I just love her voice…The best! Trip na trip ko pa naman ang mga boses na haunting yung dating.
Buti at nakita ko sa YouTube yung itong pagpi-piano ng kung sinuman. Imbes tuloy na mag-surf ako ng porn (hehe) ay brinowse ko na lang yung mga vids ng Cranberries. Hehe sulit naman! As in pati yung mga cover versions na kinanta nung ibang nagpost sa YouTube e nakipanood din ako, hehe! Parang trip down memory lane baga. Kase mga Cranberries din yung mga tinutugtog ko sa gitara back in college.
S'yempre yung "Dying in the Sun" vid yung fave ko sa lahat, hehe! Nilagay ko na sa Friendster profile ko. Sabi ko nga baka mapagkamalang ako yung tumutugtog sa piano at kumakanta nito, hehe! Di kase kita yung mukha. Alam kase ng iba na I play the piano/keyboard by ear and I sing kaya yun…pero oks lang kase maganda naman, hehe! Yun nga lang, mahina yung boses nung kumakanta at medyo sumablay s'ya dun sa huli pero good enough pa rin s'ya. Basta panalo para sa akin yung pagtugtog n'ya.
Eto yung orig version minus the FF theme, of course. Hay kakainlab talaga ang kantang 'to…Kakapangilabot na ewan or OA lang ba ako? Haha!
Dying in the Sun (The Cranberries)
Do you remember
The things we used to say?
I feel so nervous
When I think of yesterday
How could I let things
Get to me so bad?
How did I let things get to me?
Like dying in the sun
Like dying in the sun
Like dying in the sun
Like dying x2
Will you hold on to me
I am feeling frail
Will you hold on to me
We will never fail
I wanted to be so perfect you see
I wanted to be so perfect
Syet, kakapain ko talaga sa keyboard yan maya. Kailangan matugtog ko yan, hehe! Maiinlab ako sa sarili ko nun pag tinugtog ko, hahaha!
Goodluck sa akin! Sana matugtog ko s'ya.
links: digg this del.icio.us technorati redditt
BON VOYAGE, SIS!
March 7, 2007
Habang tina-type ko ang entry na ito ay kasalukuyang nasa flight n'ya papuntang NY ang 25yo sis ko. In short, nasa akin na naman ang trono sa pagha-handle ng pera sa pamilya namin.
Kala ko pa naman e graduate na ako sa mga ganyang bagay. Yoko na kase humawak ng pera, kaka-stress ang putragis! On the other hand, heto't magbubukas ulit ako ng bank account so that means mukha akong may pera kahit di ko naman talaga pera yun, hehe! Ita-transfer din yung autong nakapangalan sa sis ko sa akin. Again, parang may pera na naman ako kahit ala, hehe!
Pero kahit some kinda may properties ako of some sort, di naman sa akin yung mga yun per se. But then, good enough na rin kahit papano. Para naman mukhang may na-achieve na ako kahit papano pero japeyks lang, haha!
In fairness, mami-miss ko ang sis ko. Mami-miss ko ang katakawan n'ya, hehe! Ang pagbe-bake n'ya at kung anik anik.
Pinahiram ko nga s'ya ng bag at coats ko. Ala naman kaseng kaporma-porma ang babaeng yun, alangya, beinte singko anyos na e sporty look pa rin sya't lahat. Sabi ko sa kanya mag-ayos ayos naman s'ya.
Kaya yun pinahiram ko sa kanya ang fave bag ko of all time, yung red leather croc bag ko na laging nako-compliment. Kaya pucha, wag s'yang mag-TNT, haha kailangan n'yang ibalik ang bag ko at mga coats ko, hehe!
Aliw nga kase ako yung natataranta sa pag-aayos ng maleta n'ya. Ako yung nagsasabi sa kanya na magdala s'ya ng ganito ganyan at pumorma porma naman s'ya at baka magmukha s'yang basang sisiw na ewan pag sinundo s'ya nila Mommy at Daddy sa airport.
Pati yung kikay kit n'ya e chineck ko rin. Inookray ko, haha! Ang yabang ko palibhasa ang dami kong branded na make-up ngayon, hehe! Mukhang busabos tuloy make-up n'ya sa paningin ko, hehe but that's just me. Of course kapatid ko yun, ang sarap asarin e, hehe! Karinyo brutal baga, hehe!
Di na namin s'ya hinatid sa airport. Yung bf n'ya yung kasama n'yang lumuwas ng Manila kahapon. Kami naman sa bahay e bilin na nang bilin ng kung anu-ano sa kanya. Basta sabi ko alam naman n'ya ang taste ko't wag n'yang kakalimutan ang pasalubong ko, hehe! Special mention ang brand na "Physician's Formula" sa kanya dahil mahirap makahanap ng ganung brand sa Pinas at medyo mahal. Tawa lang naman ng tawa ang gaga, hehe!
Hay…ako kaya kelan makakalarga paalis ng Pinas? Kakabagot na dito. Ala ng challenge ang buhay…Buti pa si sis. Pero happy talaga ako for her.
So, to my sis, Bon Voyage!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
YOUNGBLOOD3
March 5, 2007
Yehey, malapit na ako matapos sa pagbabasa ng Youngblood3 ng Inquirer.Ito yung fave opinion column ng INQ na
sinusubaybayan ko. Contribution ito ng mga twentysomething and below.
Pangarap ko ngang may mai-publish na article dun. Buti pa si Pareng Arvin, na-publish na ang kanyang work of art. In fairness, maganda naman talaga yung pagkakasulat n'ya ng artik n'ya at ka-publish publish naman talaga.
Binili ko yung book ko last week. May newsprint(P150) at bookcover(P395) versions s'ya. S'yempre yung newsprint yung binili ko, hehe kurips.
At since malapit na ako matapos sa pagbabasa, ipapahiram ko sa Ate ko yun. Fave din n'ya ang Youngblood. Pareho nga kami ng style sa pagbabasa. Una naming binabasa yung by-line sa may bandang ibaba at tsaka namin babasahin yung artikulo.
Pagbili ko nga ng book na yun e excited ako sa pagbabasa. Nag-browse muna ako dun sa "Contents" at pinili ko yung mga gusto kong basahin based on the titles.
May mga artikulo dun na pucha, swak na swak sa akin. Parang feeling ko e kuwento ng buhay ko, hehe! Relate na relate ang lola n'yo. As in feeling ko din e ako yung nagsulat, haha feeling ko lang naman.
May mga faves na artiks ako dun pero meron din namang mangilan-ngilan na nagtataka ako ba't napasali dun sa compilation. Supposed to be kase e best essays yun ng Youngblood from 1999-2004 at may "extra strength formulation" compared sa mga previous Youngblood compilations. But just the same, nabawi naman yun ng ibang essays na astig naman talaga ang pagkakasulat.
Hay kelan kaya ako magkakaroon ng published artik sa Youngblood? I'm turning 29 this year, pucha baka di ako makahabol. Remember contributions yun ng twentysomething and below. Pag di ako nakahabol, sa "Highblood" ang bagsak ko nito, hehe wow mali!
Yung Highblood e for the sixtysomething and above yata if I'm not mistaken. Basta for the oldies sila. Pero compared sa Youngblood e masyadong intellectual yung mga topics dun. Di ako maka-relate minsan, hehe wow mali! Madalang lang din ang pagpu-publish ng Highblood artiks, usually e Youngblood talaga ang fini-feature sa PDI.
Wish ko lang talaga e makita ko ang pangalan ko sa Youngblood someday. Pengeng topic. Seryoso ako, uy!
Nagagamit ko pati yung book sa pagtuturo ko ng "Writing" sa mga advanced students ko. Easy reading naman kase yung mga essays dun. Easy reading na may sense.
Kaya naman tsong, kung di mo pa nababasa yung Youngblood3 ng Inquirer e pumunta ka sa nearest bookstore at bilhin mo na 'to. Sulit ang pera mo.
links: digg this del.icio.us technorati reddit
Tuesday, 6 March 2007 10:34 am
meron din palang "Highblood." Di ko alam yun eh. Now i know
Tuesday, 6 March 2007 3:06 pm
yep. siguro mga twice or thrice pa lang ako nakakabasa ng "highblood". youngblood pa rin ang focus nila.








