Home » Archives » April 2007

STELLA’S NOTCH

April 30, 2007

 

Syet, nagreply sa Myspace email ko ang Stella's Notch (ang bagong banda ni Melody del Mundo of Sugar Hiccup). Grabe! I'm still reeling! Hehe! Embarassed

 

Kinilig ako na ewan, haha! First time ko lang kase mag-email sa fave artist ko. Usually kase e silent fan lang ako. Laging on the side lang kung humanga.

 

Pero dahil sa kaka-Google ko sa Sugar Hiccup e kung saan saan ako napadpad at  napunta ako bigla dun sa Myspace account nila. Ako pa naman e Friendster lang ang kinakarir talaga at naglo-log in lang ako sa Myspace ko pag may nag-message or nagpapa-add lang sa akin. 

 

But just the same, when I came across  their Myspace account, alangya lumabas bigla pagka-fan ko, di ko mapigilan ang sarili ko't email galore kagad ako, hehe! :P Eto sabi ko:

 

From: Jonnah Jill
Date: Mar 23, 2007 6:36 PM

damn, you're here in myspace! i'm a big fan of sugar hiccup. and seeing you with your new band is just sooooo overwhelming. :)

i just love you haunting voice. i just went gaga when i searched for sugar hiccup clips in youtube. i googled more info about you until i landed here.

listening to your stella's notch's songs, wow, im really impressed! good job, guys! keep it up!

p.s. can i add you as a friend? pls???

 

——————————————————-

 

Alangya, fan na fan noh? Hehe! :P  

 

Inadd naman nila ako kagad. Kaya lang nadisappoint ako kase ni ha, ni ho, ala akong narinig from them. Tampururot ang dakilang fan. Tsk tsk tsk…

 

But of course,  patuloy na umikot pa rin ang buhay ko. E wala e, sino ba naman ako compared sa kanila? Dakilang nobody. Alangya, drama queen, haha! :P

 

Kaya naman nagulat ako nung makita ko Gmail inbox ko: New message from Stella's Notch on MySpace sent on 4/29/2007 8:05 PM

 

Grabe! Excited ako na di mawari. And to think na mail lang yun, ha? Hehe!  

 

Eto reply ni Melody:

 

HI Jonnah,

Thank you so much for your message below. I apologize for not responding to you right away as I may have overlooked your message. I'm glad that you like my new band Stella's NOtch. Some Sugar Hiccup fans didn't really like the new sound. Anyway, we are currently recording our new album right now so hang in there to listen to more of our songs. Thanks again for your lovely note.

Regards,

Melody

==============================

 

March 23 ako nag-email kase kaya di ko ineexpect na makaka-receive pa ako ng reply from her after 48 years, hehe! Pero kahit late yung sagot n'ya e oks lang. Kinilig pa rin ako, hehe! :P

 

Hay nadagdagan na naman ako ng good karma. Hehe great!  

 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (3)

1. redcomet left…

Wednesday, 2 May 2007 12:59 am

well, based from my conversations with czandro, melody would rather not talk bout s.hicccup days, he didnt elaborate more on it

2. barenaked left…

Wednesday, 2 May 2007 6:44 am

uy close kayo ni czandro? pakilala mo naman ako hehe! :P

oh well, i understand na iba na ang mundo n'ya ngayon. shemps, yung bagong banda na n'ya ang focus n'ya. moving on baga. hehe!

3. redcomet left…

Thursday, 3 May 2007 12:41 am

inde naman masyado kapatid :D lets hope na lng na one day they would settle their differences and play for old-times sake

Posted by barenaked at 4:11 pm | permalink | comments[5]

GOOD KARMA

April 29, 2007

Everything's going pretty well so far. Kaya yung revenge plan ko ke badboy e pinapa-stop ko na.

Kung anuman kase ang mga kamalasang inabot ko sa kanya e tila natabunan ng magagandang blessings. :)

Una, nagkaroon ako ng raket sa skul ngayong summer. Nagbakasyon kase sa Korea yung ilang students ko kaya matumal ang kita ko ngayon. Pero after my misadventures with badboy e bigla akong nabigyan ng sked ngayon. Mabilisang pera. Magaan na trabaho pati. What more can I ask for?

Supposed to be kase e English Department ang magha-handle sa mga students ngayong summer but for some reasons e napunta sa akin ang sked. Great! Kala ko pa naman e poor ako ngayong bakasyon, hehe!

Pangalawang blessing, na-feature sa Inquirer yung article ko about piercings na Dec. 2004 ko pa ginawa. Wow astig! Dati e nakatiwangwang lang yun sa mga files ko pero nakalusot s'ya in print and of all columns e sa Youngblood pa na-publish. Nice! 

At pangatlo, naambunan ako ng grasya ng Tita ko na nasa Pinas for a vacation. Unexpected din yun dahil s'yempre nagwo-work nako't lahat kaya naman akala ko e yung 2 kapatid ko lang yung bibigyan n'ya ng datung. Nagulat tuloy ako ng inabutan ako ng dolyar, hehe great!

Sakto pa naman e magbi-bday na ako this Wednesday. Nataon pa namang inutang ang pera ko ng kung sinu-sino kaya tuloy ako yung nagigipit ngayon. Or rather, mahirap silang singilin kaya eto, dukha ako ngayon. Tsk tsk tsk…

Dami pa manding nangungulit sa akin na manlibre dahil nga bday ko. E nagkataon pa namang na-publish din yung artik ko kaya kinakantwayan din ako na manlibre. Buwiset, as if naman may bayad yung ginawa ko noh? TY lang yun kako. Honor lang yun habol ko dun. 

Balak ko na ngang magtago sa bday ko, hehe! Alangya naman kase, ang daming ililibre e walastik, kung ako na lang kaya ang ilibre ng mga friendly friends ko? Mas oks pa yun kase nag-iisa lang ako, hehe! E sila sandamakmak sila na palalamunin ko, hehe wag na! :P

But nevertheless, so far, so good naman ang aking buhay ngayon. Nananahimik na simula ng mawala sa landas ko ang worst nightmare ng buhay ko. Yoko na s'ya patira. Actually, wala sa personality ko yung ganun pero gawa siguro ng inis ko sa kanya nun, alangya, gusto ko talaga s'ya pabugbog sarado. As in may mga kinausap na ako na tatrabaho sa kanya at wag ka, humihingi pa kamo ako ng pictures as evidence.

Pero dati pa yun, naisip ko rin kase na ano naman ang mapapala ko dun after? Baka habambuhay ko pang dalhin sa kunsensya ko yun, syet wag na. At so far nga e good karma naman ang nangyayari sa akin so kanya-kanya na lang talaga kami ngayon. Basta ako, parang di na s'ya nag-eexist sa buhay ang there's no way in the world na makikipagkita pa ako ever sa kanya. Hell no! Never ever! At nagsasalita na ako nang patapos. 

Bahala na ang karma sa kanya. Basta ako, pinagpapala naman so far.

Isa lang talaga yung napatunayan ko sa chapter ng buhay ko na 'yun…that I'm a sugar mommy in the making! Nyahaha! It sucks! But it's true, mga tsong! Kadiri talaga ako, tsk tsk tsk…Imagine papag-aralin ko sana s'ya???!!!…Ewwwwwww! Titi n'ya noh!

Buti na lang talaga at nauntog na ako, hehe! Wish ko lang ngayon e magtuloy-tuloy ang blessings…At yun nga, na ok naman sana ang bday ko. Syet, pwera usog! Wish me luck, mga friendly friends! 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

Posted by barenaked at 4:08 pm | permalink | Add comment

INVADING INQUIRER’S YOUNGBLOOD

April 26, 2007

I just got a nice, advanced bday gift! My piercing article was published in Inquirer's Youngblood! Nice!

Ibang level na, hehe! Imagine my shock nung makita ko yung by-line ko, hehe astig! Di ko kase ine-expect na mapa-publish s'ya sa fave Opinion column ko sa Inquirer.

At the most siguro e mababasa ko s'ya sa website. Pero makita ko s'ya dyaryo? Hell no.

Kita mo naman kase mga articles sa Youngblood…Mostly e mga kadramahan chuva at may mga lessons learned. Tapos napansin ang piercing artik ko? Wow men!

Pangarap ko pa mandin talaga ang makita ang by-line ko sa Youngblood. Inquirer baby kase talaga ako. At avid followers kami ng Ate ko ng Youngblood.

Ewan pero something different naman kase ang piercings. Not to mention, di gaanong napapag-usapan ang reasons behind them. Basta ako,  personal experience ko  yun.

Pagkabasa ko nga kanina dun sa artik ko e nagdadalawang isip ako kung ipapakita ko sa family ko. Di kase nila alam yung istorya ko na yun. Basta ang alam lang nila, weird ako. That's it.

Pero naisip ko, pucha, Inquirer yun, tsong. Ibang level. Pwede ipagyabang, hehe! :p

Kaya yun, pinakita ko na rin sa kanila yung artik ko. Yung sis ko na isa, alangya, nabasa na daw n'ya yun. Walastik, nakikichismis pala sa files ko at nakikibasa, wow mali! Nabuking tuloy s'ya, hehe!

Yung isang ate ko naman, tinext ko kagad. Fave din n'ya kase ang Youngblood at talaga namang inaabangan namin lagi yun. Dali-dali tuloy n'yang pinakuha sa pamangkin ko yung dyaryo at binasa n'ya. Tinext din n'ya mga friendly friends n'ya na ka-Friendster ko at pinamalita na ang good news. Hehe proud na proud!

Ako naman e excited din at may-I-UNLITXT20 kagad ang drama para ise-send ko na lang sa mga groups ko ang good news. Walang tigil tuloy sa pagtunog ang cp ko dahil maraming nag-congratulate sa akin.

Late na rin tuloy ako naligo nun kahit may 10am class pa ako. Di bale kako, lagi naman ding late yung ka-one-on-one kong student, hehe! Ipapakita ko na lang yung artik ko sa kanya para maging proud naman s'ya sa Writing teacher n'ya, hehe! :p

Di naman ako na-late. 10minutes earlier pa pala ako, hehe! Pagdating tuloy ni student e pinabasa ko kagad yung published article ko. Kinuwento ko ang background nung artik na yun blah-blah-blah. Kinilabutan nga s'ya at s'yempre pa, sobrang proud s'ya sa akin. :)

Tuwang tuwa pa naman sa akin ang batang yun. Gandang ganda s'ya sa akin, hehe! Tapos she admires me so much kase nagagawa ko daw lahat ng gusto ko, etcetera etcetera. Amen to that! Hehe!

Pati sis ko who works in Makati, tinawagan ako kagad sa cp pagkabasa n'ya sa artik ko. Kasalukuyan pa naman akong nasa skul at nagtuturo nung time na yun. Naka-silent lang ang cp ko pero nakita kong umiilaw kaya nasagot ko ang phone call n'ya.

 

Ayun, maganda nga raw, hehe! Natawa pa ako nung nag-react s'ya na, "Si ano ba yung ex mo na tinutukoy mo dun?"  Oo, kako. Si _________." Haha! :P Napahalakhak tuloy kami, hehe!

Tinext ko rin yung kapatid ko na nasa NY. S'yempre pa, as expected, gusto makita nila Mommy at Daddy ang ginawa ko. As if naman makak-relate sila dun sa artik ko, hehe!

E si Mommy nga numero unong kumokontra sa piercings ko yun, hehe! Pati nga email add ko, pinapakialaman n'ya, hehe pero dedma lang ako. Wala naman akong ginagawang masama at ala naman akong napeperhuwisyo kaya oks lang, hehe pasaway noh?

Pero since Inquirer yun, sige, go. Nagpabili pa tuloy ako ng 5 copies, haha OA ba? Hehe oks lang, paminsan-minsan lang naman yan at di lahat ng tao e nabibigyan ng chance para makita ang pangalan nila sa Inq.

Yung ibang mga nagtext nga sa akin, manlibre daw ako. Haller! As if naman pinagkakitaan ko yung artik ko noh? TY lang yun kako. Oks na sa akin yung honor na minsan sa buhay ko e meron akong na-publish na artik sa Inquirer, at sa Youngblood pa, hehe astig!

What a nice bday present for me. In fairness, the Inquirer never fails to surprise me. The first time, nafeature ako sa website nila, unexpected din. Great, sabi ko sa sarili mo. Next time, dyaryo naman ang ii-invade ko, sa loob loob ko.

At heto nga, nangyari na. Hehe nice! Incidentally e bday ni bunso ngayon. Kaya never ko makakalimutan ang date na 'to. At eto pa, turning 29 na ako on May 2. E ang Youngblood e contributions ng mga twentysomething and below…sumaklit pa tuloy ako, hehe! Nakahabol bago mag-29…Galeng talaga!

Heto tuloy at lumakas ang loob ko na mag-submit pa ng ibang articles. Kaya lang, pucha, ma-eexpose na naman ang mga ka-weirduhan ko sa pamilya ko nito, haha wow mali! Dyahe!

E yun ngang piercing artik ko, nagrereact na sila. What more pa kaya sa iba noh? Sabi ko nga sa kanila, masyadong safe at bland ang pagkaka-edit nung artik ko. Mas gusto ko kako yung orig version…Ma-palabok. Mas exciting, hehe!

But I perfectly understand kung bakit ganun yung pagkaka-edit. Broadsheet kase e. Iba ang style of editing. E ako, creative writing chuva ang drama, hehe! Pero really, good enough na yun for me. Atleast, nakita ko ang by-line ko, hehe!

Nung kaseng sinend ko yung artik na yun nung March 1, as it is lang. As in kung paano ko s'ya sinulat noong December 2004. La ako binago dun. Hehe tamad!  Kahit yung picture ng ear piercings ko, andun din, hehe!

Eto yung orig version.

At eto yung published version.

 

Sensya na ito lang ang nakayanan ng 7610 ko, hehe!

 

 

 

 

 

Piercings

 

 

 

I LOVE PIERCINGS—ANYTHING EXCEPT A NOSE RING.

I'm often asked about my piercings. I got 11 right now: six on my right ear, five on my left. I have been called "punk", "cool", "weird", "hardcore", "gothic", etc. because of my piercings. Well, I don't really give a damn. This is me, so love me or hate me.

To others, they may look like ordinary piercings. But to me, they're not just ornaments, they're a part of who I am. They speak so much about what I've gone through in life. Witout them, a part of who and what I am today will be taken away.

I only got three piercings when I was in college: the usual one on each ear, plus another in the uppermost part of my right ear, which really hurt, by the way. It got infected, so I had to remove my earring after awhile.

My love for piercings began after I finished college. A few months after graduation, I had my haid dyed light brown. It was a drastic change since I had always been known for my long, straight, silky, black hair. After that, I got two more piercings just above the usual place where earrings are placed.

Then came job hunting. When I trained as a customer service representative trainee for an American call center company, I was chosen as one of the batch leaders. That meant responsibility on my part, in addition to lots of things to memorize, quizzes, etc.

I was also enrolled in a driving school at the same time. My schedule required me to head straight for my driving lessons after the training sessions. It was so hard to concentrate on driving when I had so many thing to do when I got home (I also happen to be the treasurer in our house, so I handle money matters, jeez!). Training and driving lessons added up to hell.

To release the tension, I decided to go to a mall and have myself pierced. I got two more ear piercings and it seemed to me that the physical pain eased the pressure off my mind. It sure did hurt a bit but it was worth it. (That's my opinion, so don't give me a violent reaction, silly!).

From then on, piercings have become my outlet for anger, pressure, angst, etc. They mark the twists and turns my life has taken. Without any of my earrings on, I feel indifferent. It's as if something is missing.

Let me share a story about my ex-bf and me. He's four years younger. In 2003, he was still a university student while I was already working. We fought a lot about his drinking. I mean, I didn't mind his going out with his beer buddies, but I wanted him to give his studies a greater priority than anything or anyone else.

One day, I got tired of his childish acts, and the rebel in me wanted to spite him. So off I went to a mall to have uppermost part of both of my ears pierced. Boy, did it hurt! I had to sleep with a ponytail so that no stray hair would touch the sides of my ears. It was torture! For about a week or two, I couldn't sleep on my side.

I also had a Chinese character henna-tattoed on my left hand. In short, I did all the things he didn't approve of. I knew then that things were not going to work between us.

True enough, we broke up after a few months. And I found myself being pierced again. I could endure any physical pain but the emotional pain was killing me. I didn't mind being pierced over and over again to take away my attention from the pain that was piercing my heart.

My ears have been pierced probably 15 more times. Does that make me a masochist? I don't care! To each his own.

Me and my piercings—that it me. Welcome to my world!

P.S. I can't pierce myself. It scares the hell out of me.

———————-

Jonnah Jill R. Piad 28, is an ESL teacher in a university, and would love to have a tongue and/or a navel ring, too.

*There you go, what a nice bday present!*

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (6)

1. basangpanaginip left…

Thursday, 26 April 2007 6:54 pm :: http://basangpanaginip.blogspot.com

Astig. Congrats Jonnah. Kumusta ka na? (I mean tungkol doon kay badboy)

2. airwind left…

Thursday, 26 April 2007 11:52 pm :: http://killerpatatas.blogspot.com/

CONGRATULATION PO!!!!

3. laryuki left…

Friday, 27 April 2007 2:34 am :: http://laryuki.blogdrive.com

congratz ate =P

keep up the good work and not the piercings hehehe =P

4. barenaked left…

Friday, 27 April 2007 7:37 am

@BP, erwin and koya larr, maraming salamat! :D

about the badboy? ayun, hayup pa rin s'ya, hehe! la na ako paki sa kanya. bahala na s'ya sa buhay n'ya!

5. redcomet left…

Wednesday, 2 May 2007 1:05 am

wow, kelan kaya mapupublish ang gawa ko? siguro after kong maging 40 and inde na sa youngblood haaayy

6. barenaked left…

Wednesday, 2 May 2007 6:37 am

pwede ka humabol dun sa highblood. pang-60yo and up yun, hehe! kaya lang di mabenta. madalang lang ako makabasa nun sa PDI. :P

kidding aside, try lang ng try. who knows, diba? sinuwerte lang ako't napublish kagad kaunaunahang article na sinubmit ko sa kanila. :)

Posted by barenaked at 4:05 pm | permalink | comments[18]

MR. NICE GUY

April 18, 2007

Syet, bakit ganun? Merong willing mahalin ako nang buong puso pero bakit alang sparks on my part?

 

We're poles apart din pero he just likes (loves?) me just the same.  I mean, marami din kaming similarities pero geez, feeling ko e mas marami kaming differences.

Dun muna tayo sa pagkakapareho namin. We both graduated from UPLB. He's into music, writing and art as well.

S'yempre dun sa music aspect pa lang, natuwa na ako. He plays 7 instruments lang naman. Piano, guitar, drums, sax, clarinet, flute at harmonica. Nasapawan ako kase guitar at piano/keyboard lang alam ko, hehe! And oh, marunong ako nung bamboo flute, haha counted ba yun? Lol.

He started playing the piano when he was 7. Yung sax at clarinet churva n'ya, sa music school n'ya natutunan and the rest, sa church na.  Ako naman, I had a piano teacher when I was 9. Had guitar lessons naman when I was 12. 

Dream din naming pareho makapag-aral sa UP College of Music. Piano yung gusto n'ya sanang major while classical guitar naman yung sa akin. Pero just like my mom, kumukontra din ang nanay n'ya. Kesyo libangan lang daw ang music, di kinakarir. :(

Isa din s'yang writer by profession. Ako naman ay isang writer-writeran, hehe! Kung ang forte n'ya e technical writing, ito naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Pero in fairness naman sa akin, fan s'ya ng Friendster blog ko, hehe! :P (Pero di n'ya alam itong Barenaked blog ko, hehe yoko ipabasa sa kanya 'to).

He loves art as well. Pero di naman s'ya nagda-draw unlike me. Ako kase mahilig sa manga at mga geisha (basta Jap art). S'ya naman e hanggang pag-appreciate lang, hehe! Good enough na rin kahit papano, hehe! Pero artistic din naman s'ya in some ways pagdating sa mga designing chuva.

Mapunta naman tayo sa mga differences namin.

Napaka-seryoso n'ya. Masyadong logical. Madaming kaeklatan. Kailangan may explanation lahat ang mga bagay-bagay.

Ako naman e self-confessed na happy-go-lucky. Maraming kagagahan sa buhay na di ko ginagamitan ng logic. Puro spur of the moment chuva baga ang drama.

Ewan. Feeling ko napaka-intellectual n'ya. Perfectionist. De numero ang kilos.

Ako naman e isang hamak na cowgirl. Dedma sa mundo. Tamad.

In terms of personality talaga e magkaibang magkaiba kami. Ang term nga n'ya sa akin ay "crazy beautiful". Kakaiba daw ako.

He finds me so witty, charming, etc. Dream girl daw ako. Ewwww! Kakapangilabot. Exagg, hehe!

Sabi ko nga sa kanya di naman ako domesticated na tao. Ala akong alam sa household chores at kung anik-anik. Pero ang greatest dream ko e di maging successful businesswoman or what-have-you but maging isang ulirang asawa at ina. Labo ba? Alam ko parang ala sa personality ko yun pero really, yun talaga ang gusto ko.

S'ya naman e talagang tyinaga ako ever. Dineretso ko na kase s'ya at sinabihan na nagsasayang lang s'ya ng panahon sa akin. To the point pa nga na kung anu-ano na sinabi ko para ma-turn off s'ya sa akin.

Una, sinabi ko sa kanya na I'm sort of a party girl. Mahilig ako sa nightlife. Tipong very carefree. S'ya naman kase e alang kahilig-hilig sa ganun. Mas gusto pa n'yang sa bahay lang s'ya.

Pangalawa, sinabi ko sa kanya na I don't wanna get married. Live-in lang kako. Dati kase gusto ko rin magka-asawa pero nagbago na isip ko ngayon. Siguro dahil na rin sa mga past relationships ko kaya ganito na ako mag-isip ngayon.

On the other hand, family man naman s'ya. As in ulirang anak at kuya. So malamang e gusto rin n'ya ng tipikal na family na may blessing ni Lord.

Pangatlo, I also told him na I don't even know if I still believe in God. You see, Born Again kase ang lolo n'yo. Matagal na kako akong di nagsisimba. Sinabi kong I lost faith in Him na. I mean, di naman totally dahil may times din naman na pag ala na talaga akong makapitan e sa Kanya pa rin ang bagsak ko.

Kala ko tuloy e aatras na s'ya sa laban. Kase very honest ako sa kanya na kakaiba mga trippings ko…Na I'm very moody…That T'm this and that, etc. Mabuti na yung alam na n'ya from the start para di na s'ya magsayang ng panahon sa akin.

E ang lolo n'yo, matibay pala. Kung ako e attracted sa mga badboys, s'ya naman pala e attracted sa mga "bad girls". Napa-"Bad girl ba ako?", tuloy sa kanya, hehe!

I mean, yun kaseng pagiging "badgirl" or "badboy" kase e iba-iba yung connotation. Pwedeng bad lang sa aura. Or bad talaga as in hayup, etcetera, etcetera. 

On my part, di ko alam kung maka-classify ako as "badgirl". Depende na yun sa tao kung anuman ang tingin sa akin. Kanya kanya lang naman tayo ng perceptions. So be it.

Basta ang alam ko, di ko s'ya type. Alang kilig. Alang sparks. In short, ala kaming future.

Dumating pa sa point na very cold na ang treatment ko sa kanya para lang ma-turn off s'ya sa akin. Wishing and hoping kase s'ya na someday e matataypan ko din s'ya. But to no avail.

Kaya naman imagine his shock nung malaman n'ya ang naging kapalaran ko kay adik. Di n'ya ma-take na s'ya ang pinili ko over him. And to think daw e good looks lang ang lamang nung isa sa kanya.

Ok lang daw sana if adik treated me well blah-blah-blah. Kaso hindi daw e. Kung s'ya lang daw sana ang pinili ko e buhay reyna na daw ako ngayon.

Sana nga ganun lang yun e. Pucha kung may nabibili lang love potion na pwedeg gamitin  para lang ma-transfer yung love from one person to another e ginawa ko na sana. Kaso hindi naman kase ganun yung buhay e.

Darating talaga yung point na kailangang mag-take ng risks. Ilang beses na akong sinabihang tanga dahil sa lintek na pagmamahal na yan pero sige lang, go lang nang go. Ganun naman talaga kase ang love e. Trial and error. Sorry na lang pag olats ka.

 

Pero in fairness naman dito kay Mr. NG (Mr. Nice Guy), magkaibigan pa rin naman kami. Lagi pa rin naman s'yang nakaalalay sa akin. Di ko alam kung nag-eexpect pa rin s'ya na someday e magiging kami din.

Basta as of now e ok na sa akin ang friendship. Di rin naman ako nagsasalita nang patapos. Who knows, diba?

Pero pucha, dapat nga yatang magkaroon naman ako ng Mr. Nice Guy as a bf next time. Pucha, deserve ko naman yun. Mabait naman ako.

Ang tanong na lang siguro ngayon is kung sino yun at kung kelan kaya mangyayari yun. Ewan basta as of now e petiks lang muna ako.

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (8)

1. Robbie left…

Friday, 20 April 2007 3:06 pm

I say, why not try MNG? Malay mo, diamond in the rough pala.

2. aiwind left…

Friday, 20 April 2007 10:25 pm :: http://killerpatatas.blogspot.com/

its good that your are both attracted to each other. sometimes having differnces makes the relatioship much more exciting…. my blessing are yours whatever decision you would lile to take ….

3. barenaked left…

Saturday, 21 April 2007 10:05 am

@robbie, hay ewan…

@airwind, naka! s'ya lang ang attracted sa akin, dear! hehe wow mali!

4. liz left…

Monday, 23 April 2007 11:35 am :: http://lizette.i.ph

good choice na hindi muna maging kayo. dapat yung talagang gusto mo yung tao para hindi kayo magkasakitan sa huli di ba? tingin ko you made the right decision…besides, you can always wait it out, and if the feelings come, then and only then should you make a go for it. _

anyways, visit me sometime ha? link ex?

5. redcomet left…

Monday, 23 April 2007 2:00 pm

tama, wag pilitin ang ayaw :) nakow ang hirap ng pinipilit, sakit sa puson nyan hehehe

6. barenaked left…

Monday, 23 April 2007 9:03 pm

@liz, nga e. wait and see lang muna ang drama ko ngayon. bahala na si batman. :)

sure, link exchange tayo. :)

@redcomet, petiks mode lang muna ako, hehe! pero sa tingin ko, ala talagang chance. pero who knows, diba?

7. marco left…

Tuesday, 24 April 2007 9:37 am :: http://busalshots.blogspot.com

ayus tuloy pa rin ang adventure! at ang gara ng layout ah…

8. graymalkin left…

Wednesday, 25 April 2007 12:13 am

ayaw pa kasing sabihin na pangit yung manliligaw eh, hehehe :p

Posted by barenaked at 4:03 pm | permalink | Add comment

EMOTIONALLY DRAINING

April 12, 2007

song, it's over. Tapos na ang isang linggong istupidong pag-ibig ko. As in the end na.

At men, sisiguraduhin kong ala ng part 3 this time. Nuknukan na talaga ako ng tanga pa nagpabola pa ako sa hinayupak na yun.

Di ko alam kung matutuwa ba ako or magluluksa sa isang emotionally draining na ending ng aking kagagahan. But definitely, na-hurt ang ego ko. Di ko ma-take na ginamit lang ako ng isang patapon na adik, alcoholic, undergrad forever, etc. And an 18-year-old at that!

Puta diba? As in P-U-T-A! Wala akong kasing gaga, kasing tanga, at kasing manhid! And I hate myself for giving him another chance.

Ba't kase nagpadala pa ako sa tamis ng dila n'ya? Sa boka n'ya. Sa good looks n'ya.

Actually, I met him the same week as I met my dear ol' ex-model. Kung si model e inintroduce kami sa isa't isa. Ito namang si worst nightmare ng buhay ko e very straightforward at he introduced himself to me.

Wow pwedeeee, kako sa sarili ko. I knew for a fact that he's younger than me but just the same, di s'ya na-intimidate sa akin so pogi points yun for me.

I like guys kase na confident. Yung mga willing mag-take ng risks. Yung wala ng kaeklatan. And he was just that.

First meeting namin, we hit it off. He told me he's 24 but tantya ko e 20 anyos lang s'ya. So ako namang si cradle snatcher e na-excite sa lolo n'yo.

Maangas e. Badboy. Just like my type.

Eventually e nalaman ko bits and pieces ng kanyang pagkatao kaya ako na mismo yung umiwas sa kanya. Di s'ya pasado sa standards ko kung over-all impact ang pag-uusapan. At mas lalong di s'ya matatanggap ng pamilya ko. Not ever.

So yun, back to normal na naman ang buhay ko nung mawala s'ya sa buhay ko. Si model ang kinarir ko. (Pero s'ya ang unang kumarir sa akin, promise!). Looking back, better choice talaga si model between the two of them.

Then fastforward to now. Ala na kami ni model. Nauntog na s'ya. Ako naman e nag-try na rin mag-move on dahil alam kong ala na kaming chance kahit ano pang gawin namin.

Dito na pumasok sa eksena itong si mokong. Actually, never naman s'yang nawala. Ako lang talaga yung umiwas by choice at tinataguan ko s'ya pag tumatawag s'ya sa house namin(at the same time e tinatago din ako ng family ko sa kanya sa tuwing tatawag s'ya sa akin). Obviously e di s'ya pwede makatuntong sa house namin.

Until one day e ako tyempo ang nakasagot ng fone nung tumawag s'ya. Dun na ako nagpakatanga. Nagpadala ako sa tamis ng dila n'ya.

Kala ko kase e nagbago na talaga s'ya. As I've said in one of my entries, I always give people the benefit of the doubt. Lahat naman kase tayo e pwedeng magbago for the better basta ginusto natin.

In short, pinaniwalaan ko s'ya. Pero nung nasa kanto na nila ako, ewan ko ba pero may part sa akin na parang gusto ko umatras the last minute. I just shrugged it off. Pucha, andun na kase ako. Alangan namang umatras pa ako. Sayang ang porma't make-up ko, hehe charing!

Ang totoo n'yan gusto ko kase maging parte ng pagbabago n'ya. He said sorry to me. He admitted all of his mistakes. Ako namang si pusong mamon e nagpaniwala sa mga sinabi n'ya. My bad.

Dun na nagsimula ang kalbaryo ko. Dun sa more than a week na some kinda dyowa-dyowahan kami e talaga namang na-drain ako emotionally. Ala akong peace of mind.

Kabado ako sa tuwing naririnig kong mag-ring yung landline namin. Baka kase lasing s'ya at gumawa na naman s'ya ng eksena sa amin. Mayayari talaga ako. Baka itakwil ako ng pamilya ko pag nalaman nilang nakikipagkita pa ako sa kanya.

Nagmumurahan kami. Tsong, nagmumura ako pero di ako nagmumura ng lalakeng mahal ko. Pag nag-aaway e pwede kong murahin yung sitwasyon pero never akong nagmura ng bf ko. Pero sa case ng walang future na relasyon na ito e nagmumurahan talaga kami.

Nagbubulyawan din kami sa daan. Nag-aaway kami't naririnig ng Mommy n'ya mismo mga sigawan namin. Maya't maya  e umiiyak din ako. Bummer noh?!

Nagsayang ako ng panahon sa isang lalakeng alang K pag-aksayahan ng panahon. Sa isang lalakeng alang sinasanto. Sa lalakeng alang ka-future-future sa buhay.

Eto pa ang height ng katangahan ko. Nag-offer pa ako na ako na magpapaaral sa kanya?! Beat that?! Anak ng tokwa, napakabatang sugar mommy ko naman. Pero men, sincere talaga ako nung sinabi ko sa kanya yun.

I mean, sobra-sobra yung sweldo ko sa univ at yakang yaka ko naman talaga s'yang papag-aralin kung saka-sakali. Nahihiya kunwari ang kolokoy. Kesyo ibigay ko na lang daw sa pag-aaral ng mga nakababatang kapatid ko yung pera. Ako naman e feeling Mother Theresa talaga't wala s'yang dapat ipag-alala kako.

Ang hinihingi ko lang sa kanya, magbagong buhay na s'ya. Sayang kase s'ya. Batambata pa. Magandang lalake pati. Di pa naman huli ang lahat kako.

Ang lolo n'yo naman, may-I-promise lagi sa akin na kesyo magbabago na nga raw s'ya at wag ko s'yang iiwanan at i-guide ko daw s'ya. Ako namang si tatanga-tanga e nagpapaniwala lagi sa kanya thinking na ganun talaga ang plano n'ya. But boy was I wrong.

Front lang pala n'ya yun. Alam n'ya kase di ko s'ya matitiis. Alam n'ya kaseng baby ko s'ya. As in baby na supposed to be e pag-baby sa isang dyowa.

Pero in our case e parang nag-iba ang definiton ng "baby" bigla. Double purpose ako, tsong. Bine-baby ko s'ya sa paglalambing. At baby ko rin s'ya in the sense na parang nanay na nga n'ya ako sa pangangaral sa kanya. Sa panenermon sa kanya. Sa pagiging over-protective sa kanya. 

But to no avail, mga tsong. Wa epek ang presence ko. Doble kara s'ya sa akin.

Lagi ko nga s'yang sinasabihan na kinakabahan ako pag nilalambing-lambing na n'ya ako. Feeling ko kase e may kapalit lagi yung mga halik at yakap n'ya sa akin. Parang dun s'ya bumabawi sa lahat ng katarantaduhan n'ya.

Pero, tsong. Di ko naman priority ang romansa. Pwede namang maghintay yun e. Umaayos-ayos muna s'ya dapat.

E ang gago, maharot talaga. Ako namang si gaga e type yung mga ganun, hehe bwiset! Pero ako pa rin naman ang nagkokontrol ng sitwasyon.

Ewan ko ba pero na-eexcite kase ako sa kanya. Malandi kase yun. He makes me feel young (Arrrrg, mga kababawan ko nga naman, oo). Kinky pati kase ang kolokoy na yun. Pareho kami ng trip, hehe!

Na-weirduhan nga yung friend ko when I told him na lagi kaming nagpapasahan ng candy(using our mouths) ng kolokoy na yun. Nagpapasahan din kami ng usok (again, using our mouths) pag nagyoyosi ang isa sa amin. Imbes na maki-puff e ganun yung ginagawa namin. Wala lang, trippings lang namin. Men, kalibugan nga naman, oo. Grrrr!!! Weird daw kami. Sabi ko hindi, sexy nga e, hehe!

But of course, di lang naman yun yung mga ginagawa namin. Basta super baby ko yun. E sa age gap pa lang naman namin e obvious naman bakit ganun na lang yung pag-aalaga ko sa kanya. 10 years, pare! 10 years!

All along e kala ko ok na kami. Kaya naman imagine my shock nung tumawag s'ya sa akin around 7am kahapon sa cellphone ko. Inaaway ako. Kesyo bakit daw ako tumatawag sa kanya e ang aga-aga pa daw.

Sabi ko, huh? E nagising nga lang ako dahil sa tawag n'ya sabay ako pa daw ang tumawag sa kanya. Tantya ko e lasing na naman yun or bangag na naman.

Nabuwiset tuloy ako. Sabi ko na mag-usap kami for the last time tapos kanya-kanya na kami. Nairita talaga kase ako nung tumawag s'ya sa landline namin at nag-boses babae pa ang gago at ginamit pa ang pangalan ng sis ko from NY. May sakit daw s'ya blah-blah-blah. Nataranta tuloy lahat sa amin dahil madaling araw sa Pinas nun.

I mean, who in his right mind would do that? Di lang ako ang napeperwisyo n'ya. Nadadamay na pati pamilya ko. And men, pag pamilya ko na ang pinag-uusapan, nangengelam talaga ako. Simula tuloy nun e hina-hang ko na ang phone pag madaling araw. Baka kase mambulabog na naman s'ya. Yoko na ng gulo.

Kaya naman nagulat ako nung sinabi n'ya sa akin na na ala na daw kaming dapat pang pag-usapan. Kesyo mag-ano daw ba kami. Blah-blah-blah shit.

Feeling ang gago. E alam ko naman from the start na di naman kami magdyowa. And men, never akong nag-"I love you" sa kanya at alam n'ya yun. S'ya nga itong nag-a-"I love you" sa akin pero dedma lang ako.

Alam ko kase na di naman s'ya sincere so ba't ako magpapaapekto? Ang sa akin lang, gusto ko lang s'yang magbago. Labas na sa pagtulong ko sa kanya kung love ba n'ya ako or hindi. Di naman ako naghihintay ng kapalit.

Ako naman kase itong pakialamera, ginawa kong misyon sa buhay ko na magbago s'ya. Kinarir ko talaga ang pagtulong sa kanya. And to think di naman kami magka-level.

Sabi ko nga sa kanya, ang positive lang sa kanya e yung kagandahang lalake n'ya at yung boka n'ya. Other than that, ala na. Lahat na ng negative, nasa kanya na. Pero tsong, andun pa rin ako sa tabi n'ya. Never ko s'yang iniwan. Kahit pag lasing na yan at medyo nagiging violent s'ya e nilalambing-lambing ko pa rin s'ya.

Damn! Super jackpot na s'ya sa akin kung tutuusin. Ano pa bang kulang? Puta, di ko talaga s'ya ma-gets.

Gusto n'ya yung magulong buhay. Yung nagtatago lagi. Puro goodtime. Alak. Shabu. Barkada. Sex trip. Frat. Yun lang yung buhay n'ya. At di ko maintindihan kung bakit di pa s'ya sawa sa ganung buhay.

Mommy nga n'ya gusto s'ya dalhin sa psychologist or psychiatrist or whatever para malaman kung ano yung problema n'ya pero ayaw naman n'ya. Di naman daw s'ya siraulo so why bother daw. Labo, tsong!

Lahat ginagawa na namin pero matigas ang ulo n'ya. Yung mga patapong friends n'ya ang inaatupag n'ya na ala nang ginawa kundi gumimik at mag-goodtime. Kaming mga tunay na nagmamalasakit e ineechapwera naman n'ya.

Nag-give up na Mommy n'ya sa kanya. Sawa na s'ya sa sakit ng ulo na binibigay n'ya dito. Kahit isang milyon nga raw e nawaldas na ng hinayupak na lalakeng yun.

Nag-give na rin ako sa kanya. I did try my best to hang on pero ako na mismo yung tinapon n'ya so bakit pa ako magpupumilit? So be it. Yoko isiksik ang sarili ko sa taong ayaw sa akin.

At sinabi ko rin naman sa kanya na once I turn my back on someone, there's no turning back. Kahit umiyak ka pa ng dugo, di na kita tatanggapin.

Tsong, sobrang pasensyosa kase ako. Kung meron man akong trait na pinaka-proud ako, yun yung pagiging pasensyosa ko. Kahit ipa-describe mo ako sa pamilya ko, sasabihin nilang ako yung pinakapasensyosa sa aming 7 magkakapatid.

Kaya naman pag ako yung sumuko, tsong, that means todo na yung ginawa mo sa akin. Di ko na talaga ma-take. Kaya wag s'yang mag-expect na dadamayan ko pa s'ya ever.

Yoko na, tsong. Isang malaking pagkakamali yung muling pagtanggap ko sa kanya. Na-drain ako ng husto.

Kahit mga ex-dyowa ko, di ako binigyan ng ganyan katinding mga problema. Pero s'ya, puta, isang nobody, ginulo ang nananahimik kong mundo. Pero the ever-pasensya me stuck it out with him.

Actually, may atraso pa s'ya sa akin. Yoko sana s'ya resbakan pero kailangan ko s'yang turuan ng leksyon. Sobra sobra na kase ang panloloko n'ya sa mga babae. Niloloko na nga n'ya, dinudugasan pa. Isa s'yang professional manggagantso. Pwede nga s'yang maging member ng isang bigtime na sindikato.

May nakausap na rin ako. Sila na bahala sa kanya. Basta wag nilang patayin kako. Gusto ko lang s'yang manginig sa takot. And higit sa lahat, magsisi sa lahat ng mga katarantaduhan n'ya.

Alam ko mali pero yoko din naman kaseng makulong s'ya. Choose the lesser evil baga. Once na nakulong kase s'ya, ala na, isang ex-con forever na s'ya kahit ano pang gawin n'ya. Mas lalo s'yang magiging patapon.

A part of me is still concerned with him. Pero may hangganan din ang lahat. Sinabi ko naman sa kanya, darating yung time na makakatagpo din s'ya ng katapat n'ya. Ang tanong na lang is kung sino at kung kelan.

Ewan. Nalilito ako. Di naman ako bayolenteng tao. Pero it's about time na turuan naman s'ya ng leksyon. Pero tsong, kaya ba ng powers ko yung malaman na bugbog sarado s'ya? I don't know either.

Men, ang labo ko talaga. Kahit puro kalechehan ginawa n'ya sa akin, nagmamalasakit pa rin ako sa kanya. I dunno if I should hate myself for that.

Wahhh, ewan, di ko alam kung ano'ng dapat kong gawin sa kanya. But one thing's for sure, gusto ko muna manahimik. Yung more than a week na umikot yung mundo ko sa kanya e feeling ko 10 taon ang katumbas. Basta tsong, yoko na mangyari ulit sa akin 'to.

Yoko na ng strike 4 pls. Wag naman. Baka mamatay na ako sa sakit ng loob.

LOrd…kahit alam kong di tayo close, wag N'yo naman po akong pabayaan. Bakit lagi na lang ako? Di ko naman kelangan ng limpak limpak na salapi, gusto ko lang naman maging masaya. :(

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (6)

1. graymalkin left…

Saturday, 14 April 2007 1:12 pm

times like these… you need a juicy :p

congrats, you can now move on with your life :)

2. Robbie left…

Monday, 16 April 2007 4:00 pm

"Hell hath no fury like a woman scorned" - ewan ko lang kung applicable 'to sa'yo bec I still feel your concern to this guy. Masyado ka lang kasing mabait, forget about him then move on. Easy to say, I know.

3. barenaked left…

Monday, 16 April 2007 11:31 pm

@kingster, hay pengeng juice, pare, hehe! :P

@robbie, ewan, confused pa ako. sa totoo lang, ala sa personality ko yung magpabugbog or something. di naman ako bayolenteng tao. at isa pa, alam kong mali yun or baka habambuhay kong dalhin sa kunsensya ko yun.

pag pinayari ko kase s'ya, as in yari talaga s'ya. gagamitan ko ng connections. as of now e petiks lang naman ako. but we never know…baka bigla ko na lang s'ya paatake. yoko sanang dumating sa ganung point pero di malayong mangyari yun. hay ewan. :(

4. redcomet left…

Monday, 23 April 2007 1:58 pm

well, theres just some people who wants the opposite of them, a "yin" ,for them "yang" . Maaring na-turn on ka sa looks nya, or sa bad boy attitude nya or his bed proficiency and thats natural for people to like something in a person. Thats attachment, good attachment.

And, my argument is, your in it because you want to change the person. You hope that your presence, your patience, your…to state it paradoxically or corny "love", will change him. That purpose in life to change a person with your feelings is what keeps you in it.

But i always believe that change should always come from within. If you want him to change…i dont need to tell you what to do, malaki ka na, at malaking bulas pa :D

anyway, ang haba ng litanya mo, nakakangawit ng leeg :)

5. barenaked left…

Monday, 23 April 2007 9:07 pm

haha amen to that! :P

alangya, bed proficiency naman. anak ng…hahaha! :P

pero tama ka, nasa kanya naman talaga kung gusto n'yang magbago. ako naman e aantanbay lang sana sa kanya. kaso ala e, wa epek ang presence ko, tsk tsk tsk…

6. redcomet left…

Tuesday, 24 April 2007 4:18 pm

aw cmon sis, as if naman…as if hahaha kelangan merong ganun talaga para umabot sa highest level ika nga :)

in short inde kaya ng powers mo na baguhin sya. Kahit yung natutunan mo sa kama sutra wa epek? manhid nga ang lokong yan hehehe joke

Posted by barenaked at 4:00 pm | permalink | Add comment

     

April 2007
M T W T F S S
« Mar   May »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments