GOOD KARMA
April 29, 2007
Everything's going pretty well so far. Kaya yung revenge plan ko ke badboy e pinapa-stop ko na.
Kung anuman kase ang mga kamalasang inabot ko sa kanya e tila natabunan ng magagandang blessings.
Una, nagkaroon ako ng raket sa skul ngayong summer. Nagbakasyon kase sa Korea yung ilang students ko kaya matumal ang kita ko ngayon. Pero after my misadventures with badboy e bigla akong nabigyan ng sked ngayon. Mabilisang pera. Magaan na trabaho pati. What more can I ask for?
Supposed to be kase e English Department ang magha-handle sa mga students ngayong summer but for some reasons e napunta sa akin ang sked. Great! Kala ko pa naman e poor ako ngayong bakasyon, hehe!
Pangalawang blessing, na-feature sa Inquirer yung article ko about piercings na Dec. 2004 ko pa ginawa. Wow astig! Dati e nakatiwangwang lang yun sa mga files ko pero nakalusot s'ya in print and of all columns e sa Youngblood pa na-publish. Nice!
At pangatlo, naambunan ako ng grasya ng Tita ko na nasa Pinas for a vacation. Unexpected din yun dahil s'yempre nagwo-work nako't lahat kaya naman akala ko e yung 2 kapatid ko lang yung bibigyan n'ya ng datung. Nagulat tuloy ako ng inabutan ako ng dolyar, hehe great!
Sakto pa naman e magbi-bday na ako this Wednesday. Nataon pa namang inutang ang pera ko ng kung sinu-sino kaya tuloy ako yung nagigipit ngayon. Or rather, mahirap silang singilin kaya eto, dukha ako ngayon. Tsk tsk tsk…
Dami pa manding nangungulit sa akin na manlibre dahil nga bday ko. E nagkataon pa namang na-publish din yung artik ko kaya kinakantwayan din ako na manlibre. Buwiset, as if naman may bayad yung ginawa ko noh? TY lang yun kako. Honor lang yun habol ko dun.
Balak ko na ngang magtago sa bday ko, hehe! Alangya naman kase, ang daming ililibre e walastik, kung ako na lang kaya ang ilibre ng mga friendly friends ko? Mas oks pa yun kase nag-iisa lang ako, hehe! E sila sandamakmak sila na palalamunin ko, hehe wag na!
But nevertheless, so far, so good naman ang aking buhay ngayon. Nananahimik na simula ng mawala sa landas ko ang worst nightmare ng buhay ko. Yoko na s'ya patira. Actually, wala sa personality ko yung ganun pero gawa siguro ng inis ko sa kanya nun, alangya, gusto ko talaga s'ya pabugbog sarado. As in may mga kinausap na ako na tatrabaho sa kanya at wag ka, humihingi pa kamo ako ng pictures as evidence.
Pero dati pa yun, naisip ko rin kase na ano naman ang mapapala ko dun after? Baka habambuhay ko pang dalhin sa kunsensya ko yun, syet wag na. At so far nga e good karma naman ang nangyayari sa akin so kanya-kanya na lang talaga kami ngayon. Basta ako, parang di na s'ya nag-eexist sa buhay ang there's no way in the world na makikipagkita pa ako ever sa kanya. Hell no! Never ever! At nagsasalita na ako nang patapos.
Bahala na ang karma sa kanya. Basta ako, pinagpapala naman so far.
Isa lang talaga yung napatunayan ko sa chapter ng buhay ko na 'yun…that I'm a sugar mommy in the making! Nyahaha! It sucks! But it's true, mga tsong! Kadiri talaga ako, tsk tsk tsk…Imagine papag-aralin ko sana s'ya???!!!…Ewwwwwww! Titi n'ya noh!
Buti na lang talaga at nauntog na ako, hehe! Wish ko lang ngayon e magtuloy-tuloy ang blessings…At yun nga, na ok naman sana ang bday ko. Syet, pwera usog! Wish me luck, mga friendly friends!
links: digg this del.icio.us technorati reddit








