FRIENDSTER TESTI (THE SEIKO FILMS VERSION)
April 11, 2007
Mga tsong, excited ako pagbukas ko ng email acct ko kanina. May Friendster testi daw ako from a certain "Ronaldo". Di ko s'ya kilala actually. Approve lang kase ako ng approve ng mga nagpapa-add sa acct ko.
Excited akong nag-log in sa Friendster ko at dyan, dyaraannn, ito ang kanyang nakakapagbagbag damdamin na testi:
Ronaldo Posted 10/4/2007
, ==.
/ 66\
\c -_)
) (
/ \
/ \ \
( ( /) )
\ \ \_))iiiiD - - . ..
/ / / / . ..
(_(___)
. . . . . . . . . . . . . . .
things that i really want to do with
you…
1. i want to take you to my house…
2.cook u some food…
3. let you take a shower…
4.remove your clothes…
5.tease you…
6.massage your breast and lick
dem!
7.kiss and lick your pussy!
8.mount you!
9.fuck you gently then a little bit
rough!
10. cum inside of you! and make
you
squeel with pleasure!
so wat wud you do…wanna meet with me and have a hot & wild sex
Wow pare! Kaka-touch! Alangan namang i-approve ko yan, haha wow mali! Olats naman ibang tao, oo. Napurnada testi ko, hehe!
P.S. Tinanggal ko yung link dun sa name n'ya. Dyahe naman sa kanya e, hehe!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
AND THE SAGA CONTINUES
April 10, 2007
Arggggggg!!! Di ko na alam ang gagawin ko. Puro na lang sakit sa ulo ang binibigay sa akin ng pasaway na lalakeng yun.
Ewan ko ba kung nagpapakabayani ba ako sa pagtulong sa kanya or naaawa ba ako. Or sadyang tanga lang ako.
Nag-usap na kami ng masinsinan kagabi sa bahay nila tapos kung anu-anong ka-lechehan na naman ang pinanggagawa n'ya.
Imagine tumawag ng alas-singko ng umaga sa landline namin?! Ok lang sana kung emergency kaso hindi e. Kesyo na-miss lang daw ako ng putragis!
Tama ba namang reason yun?! Ang siste pa e ginising pa ako ng mga people of the world sa house namin. Kala nila overseas call from my sis in NY.
Buwiset talaga nung malaman kong yung hinayupak lang na yun yung tumawag sa akin. Pucha, patay malisya tuloy ako bigla. Nag-pretend ako na di ko s'ya kilala. Pinalabas ko na lang na s'ya yung putragis na stalker ko na nabuhay na naman.
Kala ko ok na yung usapan namin kagabi. Sinabi ko pa nga na magkalimutan na lang kami. Kanya-kanya na lang.
Pagod na kako ako sa sakit ng ulo na binibigay n'ya sa akin. Sa pagpapapaalala ko sa kanya. Sa pagtulong ko sa kanya pag in trouble s'ya.
Pero ayun, dinramahan ako ng mokong. Kesyo ala na nga daw kuwenta yung buhay n'ya tapos iiwanan ko pa daw s'ya. Bigyan ko pa daw s'ya ng one last chance.
Di ko alam kung sincere ba s'ya pag sinasabi n'ya sa akin yun but just the same, di ko s'ya matiis. Baby ko kase yun. Ako lang yung nagtatyaga sa kanya sa kabila ng mga katarantaduhan n'ya.
Sabi ko nga sa kanya, magpakatino lang s'ya. Yun lang yung hihiningi ko sa kanya. Tutulungan ko s'ya pero kailangan din n'yang tulungan yung sarili n'ya.
Oo daw. Oo ng oo ang putragis, drawing naman pag kinalaunan. Ako naman si gagang ever pasensyosa, ever-loving at ever martir ewan, ala…lumalambot ang puso pag nilambing na n'ya ako.
Sinabi ko pati na wag na n'ya akong tatawagin sa landline. Ako na lang yung tatawag sa kanya if ever. Or dadalawin ko na lang s'ya sa house nila. (Di na s'ya pinapayan ng Mommy n'ya na tumanggap ng bisita sa kanila whether babae man or lalake pero welcome akong pumunta sa kanila anytime).
Basta wag s'yang magpaparamdam sa amin kako. Allergic sa kanya ang mga people of the world dito. At mas lalong di s'ya pwede tumuntong sa bahay namin. Magkakalintikan paniigurado.
Arggggg! Nanggigigil ako. Ipapahamak pa n'ya ako nito sa gawain n'ya e. Palpak s'yang dumiskarte.
Tapos kaninang tumawag ako sa house nila, anak ng tokwa, yung ex-live-in partner pa n'ya ang sumagot ng fone. Buwiset, lalo akong na-badtrip! Pero wala naman daw ako dapat ipagalburoto.
Pucha kase kung anu-ano naiimagine ko pag magkasama sila. Na-iimagine ko nagse-sex sila and all. Ewan, basta napa-paranoid ako.
Nawalan tuloy ako ng gana. Pupuntahan ko dapat s'ya sa house nila ngayon pero nagbago na isip ko. Supposed to be e bukas ko pa s'ya pupuntahan pero ewan, bahala na.
Gusto ko na mag-disappearing act sa buhay n'ya. Gusto ko na nga papalitan yung landline number namin at balak ko na ring magpalit ng sim para ala na kaming communication whatsoever. Di naman s'ya makakatuntong sa bahay namin for sure. Baka nasa gate pa lang s'ya e ipabugbog na s'ya.
Nag-promise s'ya sa akin na magbabago na s'ya pero with the way things are going, mukhang drawing lang s'ya. Sarap buhay pa rin s'ya. Nagpapalaki ng bayag. Nagyayabang.
Kesyo pinapakita n'ya kung kani-kanino yung pic ko at ng niece ko sa wallet ko. Ipinagkakalat n'yang gf n'ya ako at baby namin yung cutiepie niece ko. Feeling proud baga. E pucha, Chinese na Chinese ang pamangkin ko na yun e. Ako naman e talaga namang "kolehiyala look" dun at mukha akong "daisy", hehe! Ginawa kaming pang-display ng gago.
Hay ewan ko ba…Gusto ko na talaga mag-disappearing act sa buhay n'ya. Pero a part of me still hangs on dahil feeling ko e di pa tapos ang misyon ko sa kanya. Pero pucha, pano naman ako?
Gusto ko naman magka-peace of mind. Natatakot pati ako na baka imbes na s'ya ang mahatak ko sa mabuti e baka the other way around ang mangyari. Men, yoko nun.
Tsong, ano bang dapat kong gawin?
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. graymalkin left…
Tuesday, 10 April 2007 4:14 pm
kelangan mo lang ng isang batok sa ulo, hehehe :p
2. jamiroquai left…
Wednesday, 11 April 2007 12:57 am
tama si graymalkin left… kailangan ka mauntog at batukan…hehehe malay mo, katawan mo lang din habol nya sayo nabarkada na ko sa mga ganyan, pero nasayo pa rin huling desisyon kasi buhay mo yan. kung sincere talaga sya, talagang magbabago yun at hindi drawing…ganun ang mga lalake
3. Robbie left…
Wednesday, 11 April 2007 3:45 pm
Madaling sabihin kasing magbabago na. What you need to have from him is proof. Something tangible like kailangang i-enroll niya muna sarili niya (sa HS?). Ako man ang kuya mo, ni anino niyang lalaking yan ay di ko padadapuin sa lupa…hehehe. Being a guy myself, I can derive 3 conclusions from what you've written there. One, yes, whe's still having sex with her ex, and two, you're better looking than her ex that's why she's desperate to keep you, and lastly, she's having sex with her ex… (wow, rhyme).
4. barenaked left…
Wednesday, 11 April 2007 8:08 pm
wahhhhh ewan ko. yoko na, mga tsong. user s'ya. ang tanga ko lang kase nagpagamit ako. puta talaga, napakagatanga ko, grrrr!
STRIKE 3
April 6, 2007
Sinermunan ako ni pabling friend sa choice of guys ko. Bwiset, tama ba naman yun???!!! Of all people, s'ya pa ang manenermon sa akin???!!!
But then again, tama naman s'ya. Ewan ko ba, tsong. Sino ba naman ang gustong pumalpak, diba?
Strike 3 na ako, tsong! Dig that??? Strike 3!
Puro mga palpak ang sunod-sunod na lalakeng dumaan sa buhay ko. Sa Looks Department, la ako maipipintas. Lahat hottie, lahat pwede irampa. Iba iba lang looks nila pero panalo silang lahat sa face value.
Strike 1. Si Korean student na "Crush ng Bayan". 5'9, flawless, cutie mag-smile, gym freak. Ayun, drawing pala ang putragis!
Strike 2. Si model. Tall, dark and handsome. 6 years nag-model pero retired na ngayon sa modeling world. S'ya ang tumupad ng dream ko na magka-dyowa na 6'2" ang height. Ayun, isa pang ewan yun. (In fairness, tinanggap ko rin s'ya ng buong-buo).
At Strike 3. Ang pinakasakit ng ulo ko. Isang hamak na tambay, alcoholic, adik, undergrad forever at marami pang iba. He's 5'8, Fil-Am, makapal ang kilay at mahaba ang eyelashes. Badboy. Maraming nadadagit na chicks despite his negative profile.
Itong si adik talaga ang pinagsisisihan ko sa lahat. Matagal ko na s'yang tinanggal sa bokubolaryo ko pero ayun, dinaan ako sa tyaga kaya bumigay na naman ako. Tangina men, di na ako nadala! Ang sarap kong batukan, promise!
In fairness naman kase dito sa kolokoy na 'to, very charming s'ya. Maboka. Mala-Robin Padilla.
Parang reyna akong ituring pag magkasama kami pero pag lasing na, kung anu-anong katarantaduhan ang ginagawa. Para akong basahan na ewan na tinatapon na lang n'ya sa tabi pag sumasabit s'ya sa kung saan-saan. Pero tsong, pilit ko s'yang iniintindi.
Lahat ginagawa ko para sa kanya. Ilang beses na s'yang nagsinungaling sa akin pero tinanggap ko pa rin s'ya dahil akala ko e magbabago na s'ya. He laid out his cards on the table one day kaya yun, pinaniwalaan ko naman s'ya, only to be disappointed.
Imagine my shock nung nalaman kong 18 anyos lang pala s'ya! Tsong, 10 years ang age gap namin. Nawindang ako nun, promise!
Chineck ko cedula n'ya at yung birthday n'ya ang una kong tiningnan. He told me he's 24 when we first met pero di rin naman ako naniwala sa kanya nun. Tantya ko e 20 anyos s'ya. Yun pala, 18 lang s'ya. Anak ng tokwa, he's even younger than our bunso.
Nung pinakilala n'ya ako sa Mommy n'ya, dun s'ya nagsimulang umamin sa akin about his past. Labas masok nga raw s'ya sa rehab. Ilang beses s'yang nag-First Year HS pero ala ding nangyari. May nabuntis daw s'ya and he's got a 1 year old baby now. (Pero di sila kasal).
Tsong, sino ba naman ang matu-turn on sa mga ipinagtapat n'ya sa akin? Lahat negative. Kung tutuusin, pwede sana akong umuwi nun at di na magpakita ever sa kanya pero men, never ko s'yang iniwan. Andun lang ako sa tabi n'ya nun. Shocked na shocked pero pilit ina-absorb lahat ng kinonfess n'ya sa akin.
Ine-encourage ko pa nga s'ya to go back to skul at mag-work. Pilit ko s'yang iniitindi. Gusto kong iparamdam sa kanya na di ko s'ya iiwan just because he's this and that. And to think, I'm just one of his girls.
Oo, tsong. Alam ko naman yun. Pero ang sa akin lang, gusto ko namang may mai-contribute naman akong maganda sa buhay n'ya kahit papano. E yung ibang chicks n'ya e malamang romansa lang ang naiko-contribute sa kanya.
The fact kase na inamin na n'ya sa akin yung lahat lahat e malaking bagay na yun para sa akin. Yung ipakilala n'ya ako sa Mommy n'ya. Yung i-divulge n'ya sa akin yung mga bagay na di naman n'ya ishine-share sa iba.
Pero tsong, pag lasing na yun, ala na. Nag-iiba totally ang personality n'ya. Very evil.
Ako nga itong nagpapakabayani. Tumanggi ako mag-motel kasama s'ya. Tsong, tumanggi ako kahit gustong gusto ko sana. Gusto ko kase mag-start kami all over. Ayusin yung mga dapat ayusin.
Yung romansa kase, andyan lang yan e. Pwedeng gawin anytime. Ang gusto ko lang kase at this point e magbago s'ya for the better. Di ko priority yang putragis na romansa na 'yan! Umaayos-ayos muna s'ya.
Pero wala e. Tangina di ko mapatino kahit ano'ng gawin ko sa kanya. S'ya lang naman yung makakatulong sa sarili n'ya. Dapat n'yang i-rehab ang sarili n'ya.
Sawa na ako sa pagbibigay ng chance sa kanya. Sa una lang s'ya umaayos then back to abnormal na naman s'ya. Pagod na ako. Kahit ayoko s'yang bitawan, kailangan ko ng mag-let go.
Dun na lang s'ya sa ka-live-in n'ya dati na patapon din. Buwiset na yun, ginalaw yung Friendster ni adik. Syet, pinalitan ko nga yung password n'ya. Tablado na lang.
Ewan ko ba. I hate to admit it pero nagseselos ako dun sa lecheng babaeng yun. I mean, alam ko naman na may pinagsamahan sila nitong hinayupak na 'to kaya tinutulungan n'ya pag sumasabit s'ya. Pero buwiset kase, naeechapwera ako. Parang feeling ko e ako pa yung nagiging kontrabida. Puta, naiinis ako sa kagagahan ko, grrrr!
Ang gulo kase nitong lalakeng 'to. He laid out his cards to me. Pati Friendster password n'ya binigay n'ya sa akin kaya namo-monitor ko maging yung past messages n'ya kaya alam ko rin na di na s'ya tumitira ng shabu. (tsaka ala na s'yang pang-sustento sa bisyo n'ya). Inamin n'ya na lahat lahat sakin tapos pucha back to his ol' silly ways na naman s'ya, pucha nalilito na ako sa kanya.
Ok lang naman sa akin kahit magkabalikan sila nung ex live-in partner n'ya or kung sinumang Pontio Pilato ang makatuluyan n'ya. Ang sa akin lang, kung saan s'ya magtitino, dun s'ya. Kung sino yung makapagpapabago sa kanya for the better, dun s'ya.
Ako naman kase itong si gaga, ginagawa ko s'yang misyon sa buhay ko. Nagpipilit magpakabayani. Nagta-try maging anghel dela guardia n'ya. Pero wala e, wa epek pa rin ang presence ko sa buhay n'ya.
Tsong, ano pa bang kulang???
Pinilit kong abutin yung mundo n'ya kahit magkaibang magkaiba kami pero ala rin. Sawa na ako. Pagod na ako.
Gusto ko na s'yang talikuran pero I don't even know kung kaya ko. May part pa rin sa akin na pilit umiintindi sa kanya.
Matagal na akong di nagdadasal sa Diyos pero pag sumasabit s'ya, kasama s'ya sa mga prayers ko. S'ya lagi yung inuuna ko.
Ewan. Litong lito na ako. Ayoko na ng gulo. Gusto ko namang sumaya.
Eto nga't malapit na naman ang bday ko. I'm scared. Parang nakikinita ko na. May palpak na namang mangyayari.
Argggggggg!!!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. jr left…
Saturday, 7 April 2007 5:21 am
sa pangit na mabait ka na lang kasi…hehehe
2. dotep left…
Sunday, 8 April 2007 12:07 pm :: http://dotep.blogspot.com
ganun talaga buhay…
pero tama din yung isang comment. hehe.. peace man!
Sunday, 8 April 2007 5:03 pm
@jr, naku po, yoko sa swangit! hahaha ang sama ko talaga, syet! ayan kase, mahilig sa guapo, hehe!
@dotep, oh well….pero men, yoko talaga sa swangit.
4. Robbie left…
Tuesday, 10 April 2007 2:46 pm
panay kasi ang dikit mo sa hottie eh… pero kunsabagay, looks talaga ang nauuna sa isang potential relationship. pero in reality, overrated ang looks factor sa relationship hindi nga lang sya maiwasan. at the end of the day kasi, mas mahalaga yung nakakapag-communicate kayo. yun bang same frequency yung utak n'yo. with that in check, the rest will follow… kasama na ang romansa diyan… hehehe.
Tuesday, 10 April 2007 2:51 pm
i agree. basta plastik para sa akin yung mga taong nagsasabi na di importante ang looks, mga ipokrito't ipokrita! but of course, di lang naman yung ang importante. andyan na yung kung nasa same wavelength ba kayo, etc. etc.
JOYRIDE
April 5, 2007
Holy Week na Holy Week e problema ako't lahat. Panggulo na naman sa buhay ko ang putragis na lalakeng yun!
Tsong naman…Kulang pa ba yung concern na ipinapakita ko sa kanya? Kulang pa ba lahat ng pasensya, atensyon at pagpapalala ko sa kanya?
Gusto ko s'yang tulungang magbago pero ayaw naman n'yang tulungan yung sarili n'ya. Pucha, pano naman ako?!
Kagabi nga e joyride kami ng tito ko dun sa motor n'ya. Sarap ng feeling na habang humaharurot yung motor e lumilipad din ang isip ko. Gusto ko munang kalimutan lahat ng problemang binibigay sa akin ng lalakeng ewan ko ba kung mag-ano kami.
Yoko talaga sumakay sa mga motor dahil ninenerbyos ako pero motor ni Tito e swabeng swabe. Kahit di ako humawak sa kanya e safe na safe pa rin ako. Naka-miniskirt ako't lahat pero talagang bukaka galore ako nun, haha di naman kase halata, hehe kaya oks lang. (Nako-conscious lang ako pag bumababa ako dahil baka masilipan ako kaya sinisiguro namin na alang tao masyado sa paligid when I get off).
Therapeutic naman kahit papano. Pansamantala kong nakalimutan lahat ng problema ko. Kung pwede nga lang e maglakbay kami sa malayong malayong lugar habang pinapaharurot n'ya yung motor n'ya e pinagawa ko na sana.
Hay, ano na naman kaya ang magiging ending namin ng walang future na lalakeng yun? Sinasagad na n'ya ang pasensya ko. Pero pucha, kung di ko pa s'ya bibigyan ng chance at pagkakatiwalaan, sino pa makakaintindi sa kanya???
Lord, help me plssss…
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. Robbie left…
Thursday, 5 April 2007 11:55 am
Hi, matagal na akong di napadpad sa blog mo. Pero just the same, entertaining pa rin. I am a bit curious with your "bi" tendency from previous post tapos biglang guy-problem again. Bakit nga ba nai-involve ka palagi sa di mo ka-match? Wrong crowd association ba o minamalas ka lang? Basta aabangan ko ang "bi" experiment mo… kung masusundan… hehehe. Ingat lang.
Thursday, 5 April 2007 12:05 pm
hello! ewan, olats lang talaga ako sa mga guys. puro mga patapon lahat napupunta sa akin. pero just the same, tinatanggap ko naman sila ng buong buo but to no avail. bummer noh?
bi tendencies? inaabangan ko rin ang sarili ko, nyahaha! pinipilit na ako ni bi friend na mambabae. hehe!
WORST NIGHTMARE
April 1, 2007
Puke ng inaaaaaa!!!! Nuknukan talaga ako ng malas sa lalake! As in puro na lang palpak…
Tsong, di naman ako mahirap i-please e. Di rin naman kailangang nuknukan ka ng guapo para mataypan kita. Gusto ko lang e yung tipong kaya akong panindigan.
After my deal ol' ex model, nagkrus ulit ang landas namin nitong lalakeng naka-something ko before. Meaning parang kami dati pero hindi. Basta nothing formal.
Eventually e nauntog ako kaya't iniwasan ko rin s'ya at di ko inentertain calls n'ya sa akin. Pamilya ko din ayaw sa kanya kaya pag tumawag s'ya sa house e lagi s'yang sinasabihan na ala ako.
Nagparamdam na naman s'ya sa akin lately. In fairness naman sa kanya, never naman s'yang nag-give up sa akin kahit sinusupladahan at tinatarayan ko s'ya sa phone. Nitong linggo ko na lang s'ya kinausap ulit after a long time.
Pucha, sobrang understanding nga ako sa kanya. Tinanggap ko s'ya ng buong buo. Tangina tsong, ano pa bang mahihiling n'ya?
Kung tutuusin e isa lang naman s'yang hamak na adik, tambay at alcoholic. Ni hindi nga s'ya nakatapos ng HS. As in 5x s'yang nag-First Year HS but to no avail. Puro barkada, inom, drugs at frat na lang kase inaatupag n'ya. Labas masok din s'ya sa rehab. May baby na rin s'ya out of wedlock. He's way younger than me too. But just the same, tinanggap ko s'ya ng buong buo.
Ako nga 'tong nag-eencourage sa kanya to go back to skul at mag-work na rin at the same time. Pag ganyang di kase s'ya busy e bisyo lang ang inaatupag n'ya. Para din naman kako sa kanya yun.
Tangina, kahit mag-artista na nga lang s'ya e sigurado namang papasa yun. Mukhang barumbado kase s'ya. Malakas ang sex appeal. Fil-Am kase yun e.
Palibhasa kase ang dami n'yang issues sa buhay kung kaya't dinadaan na lang n'ya sa katarantaduhan sa lahat. Ampon kase s'ya.
Imbes na harapin yung realidad e tinatakasan n'ya. Ang dami n'yang insecurities sa buhay. Siga yun sa neighborhood nila e pero pag sober yun e umaaming duwag din s'ya. Sinisira n'ya yung buhay n'ya.
Boto yung Mommy n'ya sa akin pero pucha, kakasawa na. Binabalewala n'ya kaming lahat. Lalo na pag lasing s'ya, nag-iibang anyo s'ya. Ala na s'yang sinasanto.
Ako naman si gaga, feeling mission s'ya sa buhay ko. Gusto ko maging instrument ako para magbago s'ya. Pero pucha, sa una lang s'ya nakikinig pero eventually e he goes back to his evil ways.
Palibhasa maboka kase s'ya e. Sobrang sweet. Very charming. Pati ako di ko s'ya matanggihan pag naglambing na. Lumalambot na puso ko.
I always give people the benefit of the doubt kaya binigyan ko ulit s'ya ng chance. Pero tsong, kakasawa na. Tangina, tsong, pag di pa umaayos-ayos yun e sa kangkungan na talaga ang bagsak n'ya.
Lord, bakit naman ganito? Bakit lagi na lang ako napupunta sa alanganing sitwasyon??? Ayoko na, pls.
links: digg this del.icio.us technorati reddit
Monday, 2 April 2007 12:19 pm
sis malagu, isa yan sa mga trial na binigay sa'yo ni lord. sinusubukan ka niya kung hanggang saan mo kaya. i'm sure darating din yun lalakeng pinakahihintay mo. di ko nga lang alam kung kelan
god has a plan for all of us. malay mo, nandyan lang sya sa tabi-tabi. he'll come when you least expect it. good luck sis.
2. barenaked left…
Tuesday, 3 April 2007 10:59 pm
ewan ko ba sis. puro sa mga walang future na lalake ako napupunta. napakamalas ko talaga.
destined to be an old maid yata talaga ako.









