Home » Archives » 08. May 2007

FEELING DARNA

May 8, 2007

Hay…emote galore na naman ako kagabi. As in Drama Queen ang lola n'yo.

Wala lang…Iiyak-iyak mag-isa. Di ko pa rin kase ma-absorb ang lahat ng mga pangyayari. Ang engot ko sobra. 

Alangya, kinansel ko tuloy gimik ko nung Sabado. I was supposed to go clubbing with my student and a co-teacher of mine. Sayaw na sayaw na pa mandin ako nun. Miss ko na sobra ang club scene. 

Ayan tuloy, dinaan ko na lang sa playlist ko sa Friendster ang mga shake-your-booty tunes ko. No choice e. Di ko kayang magpakasaya habang lumilipad ang isip ko.

Nagkataon pa namang pareho kami ng kapalaran ni student. As in may isang patapon din s'yang ex-bf na Jap-Chi. Nakaka-relate tuloy kami sa kagagahan ng isa't isa. And mind you, she's only 15. 

Pinapaalalahanan ko tuloy s'ya na wag nang sumunod sa mga yapak ko. Matuto na s'ya sa akin. Wag matigas ang ulo.

Sabi ko nga dun sa friend ko, ang sarap kong tuktukan. Di daw. Dapat daw sa akin e basagan ng tatlong dosenang pinggan sa ulo, haha wow mali! :P  

But come to think of it, tama nga s'ya. Ang sarap kong sapakin, promise! Pati ako naiinis sa sarili ko.

Alam ko naman kaseng ginagamit lang n'ya ako. Ako naman si gaga, nagpapagamit.  Ain't that shit? 

Naalala ko tuloy yung mga sakripisyo ko for him. As in 2 months kaming di nag-usap ng Ate ko because of him. For awhile din e parang outcast ako sa bahay namin. As in parang di ako nag-eexist. 

Pinapag-stop na rin ako sa trabaho ni Daddy noon. Gusto n'ya e sa bahay na lang muna ako. Kahit daw bigyan na lang nila ako ng allowance.  Pero di ako pumayag.

Ang siste tuloy e diretsong bahay na lang ako lagi nun after work. Nasira ang nightlife ko. Feeling ko pati e binabantayan nila ako. Kailangan kong magpaalam san ako pupunta and all. Pucha, parang bata talaga ang turing sa akin nung panahong yun.

I also have this infamous line at home—"Don't give me that shit!" Alangya, napagalitan tuloy ako.

I mean, di ko naman binabastos si Ate nung time na yun pero gawa ng kung anu-anong problema ko nun e nasabi ko sa kanya yun sa text. Of course, di n'ya nagustuhan. Umaayos-ayos daw ako. 

Andyan pa yung gusto nila ako ipa-drug test. S'yempre deny to death ako. Buti na lang talaga di natuloy kung hindi magiging positive ako. Yari na naman pag nagkataon.

Nagkataon lang talaga na tumira ako ng shabu nun. Pero syet, yoko na tumikim nun ever. As in ni usok ng yosi yoko makaamoy after that. Naalala ko yung amoy.  Kapit talaga.

Kung susumahin talaga e puro kamalasan ang inabot ko sa kinababaliwan kong lalake. Nagkandaleche-leche ang lahat because of him. Nadamay pati pamilya ko. Ni hindi nga rin ako makapag-concentrate sa trabaho nun.

Awang-awa talaga ako sa sarili ko kagabi. Kala ko pa mandin e nasaid na mga luha ko sa mga past relationships ko. Di pa pala.

Kung tinanggap ko si model ng alang pag-aalinlangan, wala sa kalingkingan yun ng pagtanggap ko kay adik. Nilunok ko lahat ng pride ko para sa kanya. Tinanggap ko s'ya nang alang tanong-tanong. Taob lahat ng standards ko for him. 

Sabi nga ni friend, di daw ako si Darna para laging sumaklolo sa kanya pag nagipit s'ya. Ako naman kase si gagang bulag sa pag-ibig, feeling Darna sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanya.

Maraming beses na akong nalagay sa alanganing sitwasyos dahil sa kanya. At pag lasing s'ya, naku, talagang pahirapan sa pag-pacify sa kanya. Eskandaloso s'ya sobra. As in pati Mommy n'ya minumura at tinutulak-tulak n'ya.

S'yempre sasaklolo naman si Darna as usual. Aawat ako. Nandyan yung nasasaktan na rin ako dahil itutulak din n'ya ako. Or nasasabunutan ako nang konti. Nariyan nga yung kumakalong na lang ako sa kanya para mapirmi na lang s'ya sa upuan n'ya e. 

Tangina, natiis ko lahat yun…Alam ko gaga ako….tanga ako…Pero minsan, gusto na lang s'yang isipin on a positive note…Gusto ko na lang isipin na natiis ko'ng lahat nga mga yun dahil I'm a very loving person…na maalaga ako…Na I'm this and that…

Hell yeah, I'm justifying my actions…Putanginang kalechehan noh?! Grrr ewan…I'm nuts!

Tsong, ayoko na. Pagod na ako…

Alam ko sasabihin mo sa akin na nasa akin naman yun…Na kalimutan ko na lang s'ya…Na gumising na ako… Pero tsong, di naman kase ganun kadali yun….

Kahit ako, nagugulat ako sa katangahan ko e. Kala ko ok na ako…Pero pag nakita ko na s'ya or nakausap ko na…Ala na…Back to my silly self na naman ako, arggggg!

Nung huli na nga lang na magkasama kami, pucha, balak ko nun, di ako magpapahawak or magpapa-hug or magpapa-kiss sa kanya. E alangya, pagkakita pa lang n'ya sa akin, inakbayan na n'ya kagad ako. Ako naman si eng-eng, I put my arms around his waist kagad. Ganun lang kasimple. Ni alang words na dapat mamagitan. Alangya, lovey dovey na naman kami kaagad.

Kainis yung feeling na kayang kaya n'ya akong paikut-ikutin sa mga palad n'ya. Na aware s'ya na patay na patay ako sa kanya. Na konting lambing lang n'ya sa akin e bati na kami. It sucks!!! 

Pero tsong, I have to be strong. Sabi nga ni friend, wag daw akong sasama sa lalakeng di ako kayang sabayan sa future ko…Na gumising na ako sa kahibangan ko…Na kung di pa daw ako paaawat e magigiging patapon na rin akong katulad n'ya eventually…

Puta, kailangan ko na talagang umaayos-ayos. Tama nga s'ya, di ako si Darna. 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (6)

1. laryuki left…

Wednesday, 9 May 2007 6:54 am

tongeks ka hindi nga ikaw si Darna at wag na wag ka na titikim ng BATO ulit…

lagi mong tatanmdaan ang mga habilin ko sayo ate…

2. barenaked left…

Wednesday, 9 May 2007 1:32 pm

opo koya. pag bad girl ako, spank me, hahaha! :P

3. puliskalawakan left…

Wednesday, 9 May 2007 5:02 pm

para ka palang si kate moss patay na patay sa bf/ex-bf nyang adik..dahil sa ka-engotan nya naging adik din..tuknangan mo ne pin, ala kang kapupuntalan kaya…

4. barenaked left…

Wednesday, 9 May 2007 5:44 pm

uy kapampangan ka rin pala, hehe nice! :P

balakusa ika iya, hehe! katonu me pamong magsalita, hehe! :P

nweiz, ali ku adik. i just tried shabu once and ena ku bisa takam ever. iya, adik ya dati..ngeni, ali na, actually. alcoholic nemu. yaiks!

5. JP left…

Tuesday, 22 May 2007 4:57 am :: http://www.angelfire.com/ar3/ewan

Try listening to the lyrics of Easy's "Ambing". I feel you could easily relate to it. :D

6. barenaked left…

Tuesday, 22 May 2007 2:08 pm

haha nabasa ko na lyrics…mukhang tumpak nga, lol! :p

sayang di ko pa napapakinggan. la ako makitang mp3 e.

Posted by barenaked at 11:04 am | permalink | Add comment

     

May 2007
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments