FRUSTRATED MUSICIAN
May 10, 2007
Hay mananatili na lang talagang nakaburo ang talent ko sa music forever. So sad.
Kung tutuusin e maswerte nga ako't marami-rami akong nasalo nung nagpaulan ng talento ang Diyos. Pero ewan ko ba…Di ako confident sa sarili ko lalo na when it comes to music.
Nanumbalik na naman ang frustration kong ito sa buhay when I went out with my co-teachers a day before my bday. Soundtrip kami.
Nagkataong officemate pala ni co-teacher sa bago n'yang work yung bokalista nung bandang nag-perform that day. Nainggit na naman ako…
Sa loob loob ko, buti pa s'ya he's got a regular job (na I suppose he enjoys) at the same time e may banda pa s'ya. Naririnig ko nga kuwentuhan nila ni friend, may trip na naman daw s'ya sa China anytime soon gawa ng work n'ya.
Nainggit ako, wahhhhhh! Yung talent ko kase sa music yung di ko mai-flaunt. Lahat ng nag-invite sa akin nung kabataan ko na magbanda, tinurn down ko…Ewan ko ba…Di ako confident kahit alam ko deep inside na yakang yaka ko naman.
Pag nga kinakantyawan ako na maki-jam, nahihiya ako kahit gusto ko sana. I have an ear for music pa naman. Matalas yung tenga ko sa pagtugtog ng instruments. Pero syet, nakatiwangwang pa rin ang talent ko sa pagkanta at pagtugtog till now…Hay…
Lalo pa akong nainggit nung malaman ko na yung drummer nila ay graduate ng UST Conservatory of Music major in Guitar, minor in Piano pero drums ang hawak n'ya ngayon. Syet, ang galing! Inggit na inggit ako…
Kinakantyawan pa naman si co-teacher na maki-jam pero nahihiya kuno din s'ya. Yun pala may banda pala dati si co-teacher. Ewan ko kung bokalista s'ya or gitarista or whatever. Pero pucha naman, narinig ko s'yang kumanta, di hamak na mas magaling naman ako sa kanya.
Basta alam ko she plays the guitar too. Ewan ko lang kung magaling s'ya. Kase nung nabanggit ko sa kanya na gusto ko mag-classical guitar sa UP, tuturuan na lang daw n'ya ako.
E tsong, classical guitar yun, di naman yung mga tipikal na paggigitara na pa-chords chords lang. Ibang level yun. Kase kungpaganun-ganun lang, syet, baka mas magaling pa ako sa kanya. Haha kapal!
She's got a violin too pero nung one time na dinala n'ya yung violin n'ya dahil may presentation mga students namin e kinantyawan ko s'ya na tumugtog, wag na daw. Limot na daw n'ya. Alangya, kahit do-re-mi man lang sana, hehe! Mahilig pa mandin ako sa strings at violin ang isa sa gusto kong matutunan kaya gusto ko sana s'yang makitang tumugtog.
Alam ko I sound mayabang sa blog ko when I write about my talent in music. But of course, I have to be blunt about it kase naman written words lang 'to or else ala kang mababasa, hehe! Pero tsong, sa personal, nuknukan ako ng hiya pagdating sa ganyan.
Low profile lang ako. Di ko fio-flaunt na marunong (or magaling? hehe!) akong kumanta at maggitara (damay mo na piano at keyboard, hehe!). Kaya naman pag naririnig ako ng iba, naa-amaze sila na ewan. Hehe di kase nila ine-expect siguro.
I remember nung college ako may musical presentation kami sa Hum II class ko so yun, nagpapraktis kami ng mga groupmates ko. Ako yung naggigitara at one time after practice, may klase ako pagkatapos. Ang ginawa ko pinadala ko muna gitara ko sa dorm ng groupmate ko dahil ayokong makita ako ng mga classmates ko sa next class ko na may dala-dalang gitara.
Naiimagine ko na kase na kakantyawan akong tumugtog or kumanta. Syet, no way. Dyahe. Mas gugustuhin ko pang maging hidden na lang yung talent ko sa kanila. Sobrang mahiyain pa mandin ako nung college. Pagka-graduate ko na lang ako unti-unting lumabas sa shell ko.
Ewan ko ba…Sobrang nadyadyahe ako. Pero yung mga housemates ko nung college, idol ako ng mga yun pagdating sa music. Sa pamilya namin, ganun din. Ako yung pinaka-musically inclined sa aming magkakapatid. Pakapa-kapa lang sa piano/keyboard. Pagdating naman sa gitara, pambato ako sa plucking. May mutual admiration kami lagi ng mga lead guitarists na kakilala ko, hehe! Syet, sorry, magbubuhat muna ako ng sariling bangko, hehe! In writing ko lang naman naipagyayabang ang talent ko sa music kaya pagbigyan mo na ako, hehe!
Nagkataon pa namang may mga dumating pa na mga journalists from Pampanga habang naka-break sila bokalista. As expected tinuro ako nila co-teachers kay bokalista. Writer/Journalist chuva daw ako. Tapos binanggit pa nilas sa kanya na kalalabas lang ng Youngblood article ko sa Inquirer.
He asked me kung ano yung topic na sinulat ko. Tinuro ko lang kanang tenga ko, gets na n'ya na piercings obviously, hehe! Nabanggit n'ya tuloy na twice na s'yang na-publish sa Youngblood. Syet, ang galing naman nito sa loob-loob ko. May music na s'ya, may writing chuva pa s'ya, lalo tuloy akong nainggit, hay…
E pucha bakit ako nakatiwangwang lang mga talents ko? I know kasalanan ko rin naman. Di ko rin kase pinu-pursue. Kaya lang yun nga e, la ako guts. La ako confidence sa sarili ko. Feeling ko lagi I'm not good enough…Blah-blah-blah…
Syet, magigng frustrated musician na lang yata ako forever. Dinadaan ko na nga lang sa 7yo niece ko lahat ng alam ko. Ineexpose ko s'ya sa music/writing/art ngayon pa lang.
Tinuturuan ko s'yang mag-keyboard at kumanta. As in mga Evanescence songs mga dinadale nun pag nagvi-videoke kami, hehe kakaaliw! Sinabihan ko rin s'ya na bawal mag-trace pag nagdadrawing pero wag n'yang kakalimutang mag-trace pag nagco-color. Tapos binibili ko s'ya ng mga educational books para basahin. (In fairness, magaling s'yang mag-drawing ng Manga. Daig pa nga ako, she can draw Manga characters even without a copy, hehe astig!)
Alangya, sa ibang tao ko na lang dinadaan mga frustrations ko. E since ala pa ako anak, sa pamangkin ko na lang muna, hehe! As for me, mananatili na nga lang sigurong nakatiwangwang ang talent ko sa music. Di pa naman huli ang lahat pero ewan, la talaga ako confidence sa sarili ko.
Nun nga lang bday ko, lumabas kami ni Mr. Nice Guy. Gusto n'ya akong maki-jam sa bandang nagpe-perform nun pero pusang gala, nahihiya talaga ako kahit deep inside e gusto ko nga sana. Pucha, acoustic pa mandin ang tugtog. Yun pa naman ang forte ko.
Grineet pa mandin ako nung bokalista ng banda dahil bday ko, nag-freak out ako't kala ko e makakantyawan akong maki-jam. Syet, dyahe! As in napapamura na ako dahil ang gulo nga ni Mr. Nice Guy at gustong ipangalandakan sa madlang pipol na kumakanta ako. Buti di s'ya narinig, hehe! Kung hindi, mamamatay siguro ako sa hiya nun.
Hay…Kelan ko kaya ma-oovercome ang hiya ko? Kelan kaya ako magkakaroon ng confidence sa sarili ko? Foever na lang yata talaga ako magiging undiscovered talent. Tsk tsk tsk…Pang-Hollywood pa naman sana ako, haha jk!
Pero syet, sayang talaga ako. Anak ng…ang gulo ko talaga, syet! Ewan, duwag kase ako e. Natatakot akong ma-reject. Kaya eto, I just have to live with it na lang.
Sisiguraduhin ko na lang na magkaroon ako ng future Pinoy Pop Superstar na anak at ala-Ryan Cayabyab in the making. Pag ganun e solb na talaga ako.
Pero sa ngayon e, makukuntento na lang siguro ako sa pagiging silent observer. Yun lang kase ang kaya ng powes ko. Olats. Syet, isa akong malaking olats. Frustrated musician forever. Sigh.
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. puliskalawakan left…
Sunday, 13 May 2007 3:10 pm
ang first time ang pinakamahirap sa magpe-perform.. andyan sa manginginig ka, makakalimutan ang lyrics/chords at mawala sa tono..pero sa mga susunod magiging ok na..praktis lang naman lagi..isipin mo na lang contestant ka sa wowowee pag nagkataon..
Sunday, 13 May 2007 10:23 pm
ewan ko ba…may stage fright yata ako…pero di rin e…kase teacher ako…sanay ako nagsasalita sa harap ng mga students ko…nagdidiscuss and all…pero pagdating talaga sa music, sobrang dyahe ako, ewan ko ba…
3. Moneh left…
Sunday, 10 June 2007 1:02 pm :: http://psstlikadito.blogdrive.com
Pareho tayo! Ganyan na ganyan din ako.. Nagulat nga mga kaklase ko nung nahuli nila kong tinutugtog yung gitara ng seatmate ko. Nakantyawan tuloy ako. Tapos, ayun nga, sobrang dyahe talaga.. Pero talagang pangarap ko maging bokalista man lang ng isang banda. Alam ko na kaya ko talaga kaso, alam mo yun, may mga nauna na. Mahirap gumawa ng pangalan at mapansin man lang kahit minsan lalo na kung mukha ka talagang inosente. Ganun kasi ako eh.. Haha. College na pero mukhang bata kaya madalas nahuhusgahan. Katae lang ng ganun..
Previous Comments
@moneh, hay pareho tayo, sobrang shy type. nagpapakitang gilas lang pag nakakantyawan, tsk! pero yun nga, lakasan lang ng loob talaga.
@joylyn, salamat sa nobela este sa pag-comment, hehe!
sa una nga lang daw mahirap magtayo ng banda. guts at talent ang puhunan.
and oh, fave ko din ang “evanescence”. “my immortal” naman ang masterpiece ko sa videoke, hehe!
ei.. long tym n.. musta?
nga pala
may nwes aq
lam mo ba ng audition aq last year for our christmas party, duets.. hehe.. kakahiya nga kc ndi aq nkuha.. lam mo kung bakit? hayz.. sobrang hiya,, ayun.. saka ndi q alam ung kantang kinanta q.. musta naman?? hehe.. sana tlga ma overcome q ung hiya.. hehe.. ingats po
hi joylyn! nice to hear from you again. ok naman ako. eto, frustrated musician pa rin, haha!
shytype pa rin as ever. ewan ko ba…ganito na lang yata ako forever…sayang di ako nakapagpakitang gilas dun sa mandarin teacher ko na type na type ko. hiya talaga ako kumanta at maggitara nun, hay… sana man lang e nakapagpakitang gilas man lang nung last day kahit papano, hay…:(
pareho tayo..parang may “stage fright” ako na ewan…as in nanginginig ang boses ko ko pag kakanta ako infront of many people lalo na pag strangers…nangangatog yung tuhod ko na ewan tapos nanlalamig mga kamay ko at pinagpapawisan ako ng malapot, huhu!
nweiz, sana ma-overcome din natin yung hiya natin eventually. goodluck sa atin.
hi po.. uLit..
sna nga maovercome ntin ung pggng mahiyain ntin noh.. ndi natin nppkinabangan ung talent ntin pg plging gnyan.. hehe
ngpunta kmi s topgrill last month.. kumnta q in front of many people.. mejo shy nung una pero nging ok n nung ngpalakpakan n cla.. knanta q ung out of reach ni gabrielle..
ndi naman stagefright mxdo un.. hirap kc nung filing n pag may ngwa kng mali while singing, malamang s malamang may lalait sau.. lam mo naman ang mga tao, khit knting mali, pinapansin kgad.. tru?
eniweiz.. ingat ingat nlng po..
ei, chikazu is me, joylyn.. hehe.. name q s friendster yan e.. ingats uli..
Posted by chikazu at June 26, 2009, 10:18 pmAdd a comment










Lam mo ba, ako din gusto ko magkabanda
Posted by joylyn villavicencio at December 27, 2007, 11:47 pmMejo naiinggit nga ako ngaun sa frenship ko
n merong banda e. Iniisip ko rin na magtayo ng sariling banda kaya lang wala aman akong masyadong kilala na marunong tumugtog ng instruments e.. variety ang forte ko. anything goes. basta alam ko, at kung hindi man pwede namang pagaralan. nga pala, ang alam ko lang ay kumanta, dehins q oa kasi natututunan ang gitara e, langya naman kasi ung letche kong pinsan, hiniram lang ung bago kong gitara, ni isang kwerdas man lang hindi na binalik! asar talaga. i’m planning to study how to play piano. ang father ko kasi is currently a choir member sa church namin. sa kanya ko namana ang hidden talent ko. mejo nakakarelate nga ako sayo kasi never ko rin namang ineexpose ung talent ko sa pagkanta as in wag lang makantyawan talaga kasi baka ihampas ako ng mga kaibigan ko sa dingding kapag di ako kumanta. i like evanescence a lot. nagvivideoke kami ng mga barkada ko always at mostly akong nsa spotlight! hehe.. (ako ung spot!) malamig daw kasi ung voice ko kapag kumakanta. favorite nilang kantahin ko ung almost over you. ewan ko ba kung bakit… pero once nung kinanta ko ung bring me to life ng evanescence, hay naku, all praise talaga ang nakuha ko. mas nagustuhan nila ung pagkakakanta ko. kuhang kuha ko daw, pero sobrang shy talaga ako nun ha! filing ko bigla nalang akong mawawalan ng ulirat nung time na yun. first time ko kasing kinanta un sa videoke.. hehe, pero nagustuhan din aman nila un.. pag nga may videoke silang nakikita (kahit sa tabi tabi lang) pinapakanta ako, kaya lang ako si tanga pag kumanta na, nawawala na ako sa tono sa sobrang kahihiyan! haha.. sabi nila may potential daw ako, pero ewan ko, ndi kc ako nagagandahan sa boses ko, para lang akong tanga pag kumakanta.. pero minsan pag naririnig kong maganda naman ung pagkakakanta ko, hayz, sobrang tuwa talaga as in ung ngiti ko e umaabot na sa batok ko! (exag) gusto kong maranasan na kumanta sa banda. lam mo yun, pag nangyari un, ilalagay ko un sa list ko ng greatest achievement! wooohooo.. first time in the history kung mangyayari un. pwede na kong mamatay on the spot. pero wag naman sana, malay mo may makadiscover sakin, paano na? well, sobrang haba na ng koment ko, nobela na ata to e. hehe, un lang.. gue, time to go…