Home » Post Item » ONE VOTE MAKES A DIFFERENCE

ONE VOTE MAKES A DIFFERENCE

May 13, 2007

Mga tsong, bumoto tayo bukas. Magpaka-Pilipino naman tayo kahit paminsan-minsan. Ito na ang pagkakataon natin para mamili ng mga mamumuno sa bansa natin, wag sana nating sayangin ang karapatan nating ito. 

 

Kagabi nga habang nanonood ako ng dokyu ng ABS-CBN entitled "Bumoto Kami Noon, Boboto Ba Kayo Ngayon?", napapailing na lang ako habang nanonood. Nagulat ako na 29 years na pala since huling bumoto ang aktor/stage actor na si Pen Medina. E tsong, "tibak" yun e. Parang di ako makapaniwala na ang isang katulad n'ya ay pinapalampas at di nakikilahok sa halalan.

 

Kita n'yo naman kase ang mga tibak na 'yan. Laging nasa kalsada at ala nang ginawa kundi magreklamo sa gobyerno tapos di naman pala bumoboto yung iba. Ano ba namang klaseng kalokohan yan?!

 

All throughout the dokyu nga e sumasang-ayon ako kay Christian Monsod. We have the same thinking na walang karapatang magreklamo at pumutak nang pumutak ang mga di bumoboto. Walang karapatang mag-rally sa kalsada ang mga di nakikilahok sa eleksyon.

 

Yung iba kase feeling ko ginagawa nalang nilang excuse yung pagsasabi na di sila bumoboto dahil pare-pareho lang ang mga pulitiko…Na bulok ang sistema natin…Blah-blah-blah shit. Feeling ko e tamad lang talaga ang mga iba sa atin at inaasa na lang sa milagro ang kapalaran ng ating bansa.

 

Pero wag ka, pagkatapos naman ng eleksyon e sila ang mga numero unong reklamador…And to think andun lang sila sa harap ng TV at nakahilata habang ang iba sa atin e nagpapakahirap pumila para lang makaboto. Ain't that shit?!

 

Buti na lang at nung patapos na ang ABS-CBN dokyu e ininterview ulit si Pen Medina. Sinabi n'ya na boboto s'ya sa halalan bukas. Thank God, sa loob loob ko. Naliwanagan na s'ya sa wakas.  

 

Kahit isang boto lang s'ya kung tutuusin e malaking impact yun yung pinagsama-sama ang mga boto ng mga non-voters. Bawat boto ng bawat isa sa atin ay mahalaga. Wag nating isipin na di tayo kawalan kung di tayo boboto.

 

Gawin natin kung ano ang nararapat. Gamitin natin ang karapatan at obligasyon nating humalal ng mga lider na sa paningin natin ay nararapat paluklukin sa ating gobyerno. Ipakita natin ang pagka-Pilipino natin. Wag nating sayangin ang boto natin.

 

Dito nga sa Pampanga e exciting ang gubernatorial race namin. Sino daw ba ang iboboto ko? Si Among Ed Panlilio. Bakit? Obvious naman siguro kung bakit.

 

Nweiz, let's get our butts off to our precincts tomorrow. Bawal ang tamad. Maglaan naman tayo ng kahit konting panahon para sa bansa natin bukas. 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

Posted by barenaked at 11:10 am | permalink

Add a comment








     

May 2007
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments