Home » Post Item » TARAYAN SA ELEKSYON

TARAYAN SA ELEKSYON

May 14, 2007

Anak ng tokwa, umagang umaga, uminit kagad ang ulo ko ngayong araw na 'to. And all because of chat…Dahil sa mga lintek na taong di bumoboto…

 

Case Number 1, si college friend na nag-aral din sa UPLB pero di nag-grad dun. (di ko na-save yung unang conversation dahil ni-close ko kagad yung window dahil uminit ulo ko sa kanya) Nweiz, the conversation goes something like this: nasa office daw s'ya and I asked him if bumoto na s'ya…No need na raw…kesyo pare-pareho lang ang mga pulitiko blah-blah-blah shit…(Humirit pa s'ya na mamumundok na lang daw s'ya pero samahan ko daw s'ya, lol)…Tuktukan ko kaya s'ya kako sabay paliwanag ever pa rin na dapat bumoto tayo…Na di enough reason yun…Tapos nagreact s'ya, para daw akong di tiga-LB. 

 

S'yempre di ko pinalampas yun. Yun nga e dati s'yang Iskolar ng Bayan kako tapos kung umasta s'ya kala mo di big deal ang eleksyon…Anak ng…Tapos yun sermon ever na naman ako sa kanya…Eto the rest of our conversation:

 

HIM: serioso?!!!!
HIM: di bagay maam
ME: hell yeah
HIM: why!!!!
ME: haller
ME: ask yourself that question
ME: baka mas alam mo
HIM: bat ka galit?!
ME: di ako galit
ME: nagpapaliwanag lang sa mga taong katulad mo na alang paki sa bansa at baluktot ang paniniwala ukol sa eleksyon
HIM: ang serioso!!!
HIM: yoko ng ganian
ME: ay ewan
ME: kainis kase mga taong katulad mo
ME: di ko pinapalampas ang eleksyon
ME: im a strong advocate of elections kahit di ako tibak
HIM: ok ok…
HIM: enuf na
HIM: work n ko
ME: k
HIM: byers
HIM: sorry ha
ME: no, wag ka magsorry sa akin…sa bansa ka natin magsorry..i know it sounds corny pero totoo
HIM: ok..

 

Case Number 2, si OL friend na 18 anyos. Cutiepie. Bassist. SEB advocate, lol!

 

HIM: tps kna mgvote
HIM: ??
ME: maya pa
ME: u?
HIM: ah
HIM: d ako  ngkaregstered
ME: anak ng…
HIM: Y
HIM: ???
HIM: KKTMD HEHE
ME: bakit? kano ka ba???
ME: foreigner ka ba?
ME: haller pinoy ka
ME: buwisit ako sa mga taong di bumoboto esp. sa mga tamad na katulad mo
HIM: OK
HIM: BYE'
ME: yeah bye
HIM: ANG CORNY MO
ME: ulol
ME: kaw ang corny
ME: di ka marunong magmahal sa sarili mong bansa
ME: wag kayong magreklamo sa mga pulitiko, mga sarili nyo ang sisihin nyo sa bansa natin
ME: mga kabataang alang paki sa bansa
ME: corny?? kaw ang corny, tsong
HIM: HAHA
HIM: OK
ME: hahaha ka dyan
ME: baluktot ang paniniwala mo kase
HIM: KAUSPN MO MUNA SARILE MO KKGSNG KO LNG YN NA AGD INTRO MO SKN
ME: oh yeah kausapin mo sarili mo..kailangan mong magmunimuni..
ME: ang lakas ng loob mo magtanong kung bumoto ako tapos ganyan sasabihin mo sakin
ME: wag ka na magtanong next time para alang gulo
HIM: BHLA K NGA NPKABBW PRA MGWLA
######has signed out. (5/14/2007 9:58 AM)

ME: hahahaha mga kabataang alang kwenta,,tsk tsk di matanggap pag sinermunan…sorry lil boy
ME: talagang sesermunan kita…tsk tsk tsk

=================================

 

Alangya, napapasabak talaga ako sa pagtataray at panenermon pagdating sa eleksyon. Classic example itong si OL friend. Mga kung anu-anong kalechehan ang inaatupag kesa sa mga mas importanteng bagay. E kung papayag lang siguro ako na makipag-sex dun mabilis pa sa alas-kuwatro e pupuntahan ako nun e. SEB pala, ha? Syet, hinding hindi n'ya ako matitikman. Nevah!

 

Hay some people nga naman, oo…Ginagawa na lang nilang excuse yung alang kuwenta yung mga pulitiko…Pero ang totoo kase e tamad lang talaga sila. Ala silang paki sa Pinas.  Pag pinagsabihan mo naman, they take it against you…Masyado kang seyoso…Corny…Blah-blah-blah shit…E tsong, sa totoo lang ala silang kuwenta e. Mga ningas kugon.

 

Habang tina-type ko nga ang entry ko na ito e naririnig ko ring nagrereact si Ate habang nanood ng TV. Napapa-sarcastic na "Yeah right!"  na lang s'ya sa mga Man-On-The-Street interview na nagsasabing di nga raw sila boboto dahil ala naman daw nangyayari…Lahat kase kami sa pamilya namin strong advocate ng elections kaya napapa-react talaga kami sa mga taong pinapalampas ang halalan.

 

Ewan, bahala sila…Basta ako I'm just doing my part. Sarap naman kaseng tuktukan sa ulo ng mga taong alang paki, ggrrrr! Mga lintek kayo, wag kayong magreklamo sa kalalabasan ng mga mahahalal na pulitiko, alang kayong K! 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (5)

1. airwind left…

Monday, 14 May 2007 10:36 pm :: http://killerpatatas.blogspot.com/

i realyl want to vote kaya lang hindi ako nakapagparegister. Guilty ako! Di ko alam kung kelan yung registration, i just wish na may ads na tulad kay pichay almost every other show na nagsasabi na magparegister. So im ready. Pagalitan mo na ako. :)

2. redcomet left…

Tuesday, 15 May 2007 2:24 am

@airwind

dont ask for it dude, bad trip talaga yan sa inde ineexercise yung right of suffrage. Although medyo emotional sya sa outbursts nya, me premise for being upset nmn itong si sister. If you feel the weight of those taxes slapped on you, election day is my day, or anybodys day who shares this sentiment, for giving the beureaucracy the finger for screwing me and my hard earned taxes.

3. barenaked left…

Tuesday, 15 May 2007 6:23 pm

@airwind, naku, dadagukan na kita dyan, hehe! :P

pero in fairness, tama ka..kulang kase sa ads ang gov't pagdating sa ganyan kaya marami ang di updated. nweiz, pag di ka pa bumoto next time, walastik, pepektusan na kita dyan, lol! :P

@redcomet, ay, korek ka dyan! natawa nga ako dun sa reaction mo dun sa bulletin board post ko, hehe ineexpect mo na kase na di ko palalampasin yun…

pero tama ka, election day is your day or anybody else's day for that matter…pagdating sa mga taxes chuva na yan.

4. gbert left…

Friday, 18 May 2007 1:02 pm :: http://gbert.wordpress.com

hey, musta na? I couldn't agree more sa post na to… adik ang mga taong nagrereklamo na wala ngang mga ginawa para bumoto.. hanep, napabilib ako sau ng husto… ang galing… :)

5. barenaked left…

Friday, 18 May 2007 8:14 pm

hi gbert, long time, no comment ah, hehe! nice to hear from you. :) eto, bigo na naman ako sa pag-ibig…hay what else is new? hehe di na ako nasanay, lol! :P how about you? musta na?

i know i sound mataray minsan pag nanenermon ako sa mga taong di bumoboto pero ala akong choice e. pag dinaan mo sa magandang paliwanagan, ala epek sa kanila kaya dapat e sinisindak sila para magtanda. most of the time naman kase e mga tamad lang talaga sila, ang dami pa nilang ka-lechehan na kesyo pare-pareho lang ang mga pulitiko. haller! sila na kaya ang tumakbo para di sila magreklamo, hehe! :P

Posted by barenaked at 11:12 am | permalink

Add a comment








     

May 2007
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments