AND THE MEMORIES LIVE ON…
May 15, 2007
Arrrgggg, tulungan n'yo ako pls. Sinusumpong na naman ako ng katangahan ko…Kani-kanina lang e pinalitan ko ang settings ng Friendster profile ko. Naka-yes na yung "View Profiles Anonymously" ko. Ang reason? Bakasakaling ma-access ko yung Friendster profile nila adik at ng ex-live-in partner n'ya.
Pero tsong, bigo ako. Naka-restrict yung profiles nila sa mga friends lang nila. Olats. Kaya yun, wa epek ang pagpapalit ko ng settings…Hay…
It sucks pero nami-miss ko si adik. Kahit ganun lang yun, minahal ko s'ya for who he is. Tinanggap ko s'ya nang buong buo. Kaso ala din e…Bigo pa din ako…
Nakaka-frustrate na nabalewala lahat ng sakripisyo ko para sa kanya. Kung nalaman lang siguro sa amin na nakipagkita pa rin ako sa kanya despite their disapproval, mayayari talaga ako. Itatakwil ako ng pamilya ko. Or hihigpitan ako. Malamang e hatid sundo ako sa lahat ng lakaran if ever.
Pero wahhhh, miss ko na s'ya. Gusto ko na lang alalahanin yung good ol' times namin. I don't even know if totoo lahat ng pinakita at sinabi n'ya sa akin pero gusto ko na lang isipin na sana minahal din n'ya ako kahit papano. Hay wish ko lang…
Sweet yun e. Alam n'ya kiliti ko. Konting lambing at patawa lang, solb na ako, hehe! At ganun nga s'ya sa akin.
Miss ko na yung agawan namin ng mic pag nagvivideoke kami…The way he would look at me…The way he would touch my face when he kisses me. Wahhhh, ang tanga ko, syet!
Pero tsong, bakit ganun? Kulang pa rin lahat ng pag-iintindi ko sa kanya. Nagpakagaga na ako sobra para sa kanya pero ala pa rin…Napaka-unfair naman ng love.
Puta, bakit yung mga puke ng inang mga lalaki't babae na ala ng inatupag kundi maglaro e bakit tila yata e sila pa yung sarap buhay? Yung mga di marunong magmahal sila pa yung laging masaya at nagpapakasasa…Pucha, Bakit ganon???
Gusto ko s'yang i-save…Gusto ko s'yang mahalin…Gusto ko s'yang alagaan…Pero paano?
S'ya na lang ba lagi ang iintindihin ko? Paano naman ako? Marami na ako ginawang kagagahan dahil sa kanya. Kundi pa talaga ako mauntog e sarap ko talagang jombagin. Kailangan ko na talaga mag-move on.
Tangina, pare, be strong! Kaya mo yan!
Yeah, I know. Lilipas din ito. I'm getting by not because I want to but because I have to. Kailangang mahalin ko naman ang sarili ko.
Have faith, Jonnie! Everything's gonna be alright. Sigh…
links: digg this del.icio.us technorati reddit
Wednesday, 16 May 2007 5:02 pm
sis malagu, sorry di kita matutulungan sa friendster prob mo. wala din kasi akong alam dyan unless may mutual friend kayo na naka-add kay addik labs mo. kasi pwede mo tingnan yun profile nya. o kaya naman kung marunong ka mag-hack ng profile, pwede mo malaman lahat *lol* gawa ka na lang ng another friendster account with a different name tapos add mo sya. baka yan ang way para ma-access mo account nya
good luck sis! ingatz
Thursday, 17 May 2007 10:25 am
actually, yung HS batchmate ko e friend nung ex-live-in partner n'ya kaya nakikita ko lagi primary pic nung ex n'ya. kaso naka-restrict kaya di ko ma-access. pati yung kay adik, ganun din. pinalitan n'ya pati email add n'ya simula nung pinalitan ko password n'ya. katangahan ko, dapat pinalitan ko na lang yung primary email add n'ya para di na n'ya ma-access or dapat dnelete ko na lang yung friendster n'ya.
nweiz, alam ko yung isa pa n'yang addy kaya nakikita ko kagad friendster n'ya by searching using his 2 email adds. yung isa nga, inangkin ko na, hehe! pinalitan ko email add n'ya dun sa inactive account n'ya, alam ko kase mga passwords n'ya.
ala na talaga akong balak magparamdam or whatever sa kanya. kaso pag sinusumpong ako ng katangahan ko e biglang namimiss ko s'ya kaya dinadaan ko na lang sa friendster. natutukso din akong tawagan s'ya sa phone pero pinipigilan ko na lang sarili ko. hay…
3. airwind left…
Thursday, 17 May 2007 7:19 pm :: http://killerpatatas.blogspot.com/
"Sweet yun e. Alam n'ya kiliti ko" hindi ko alam pero natawa ako sa linyang eto *evil laugh*
4. redcomet left…
Thursday, 17 May 2007 8:14 pm
@airwind hmm…your right airwind, medyu double edged yung phrase, unless iklaro ni johnna sa atin kung what exactly is that "kiliti", although i believe she wouldnt reveal a different color of the meaning.
Well one doesnt need to know rocket science to figure that one out,
Thursday, 17 May 2007 9:05 pm
@airwind and redcomet, alangya kayo! naging green pala interpretation n'yo dun, lol! pero honestly nung ginagawa ko yung entry e talagang yung wholesome na sweetness yung tinutukoy ko but yeah kaka-miss din yung ibang kiliti, nyahaha!
6. lokita left…
Tuesday, 22 May 2007 12:03 pm :: http://lokita.i.ph
omg! same situation ayo. na miss ko na blog mo. i think dapat nga tayo naman ang intindihin natin, hindi lagi sila. be strong.
Tuesday, 22 May 2007 2:02 pm
hay dapat sa atin e tuktukan noh? hehe!
basta ako, ayoko na talaga. masisira buhay ko sa kanya. pinilit ko s'yang abutin pero ala din. it's about time na mag-let go na talaga ako. sigh.
8. dotep left…
Friday, 25 May 2007 4:49 pm :: http://www.dotep.blogspot.com
kakalungkot naman… alak lang yan… at yosi.. at kasama.
9. redcomet left…
Saturday, 26 May 2007 5:07 pm
"talagang yung wholesome na sweetness yung tinutukoy ko"
uhhuuhh, yeah right.
parang gasgas na yung sagot na yan
10. arvin left…
Saturday, 16 June 2007 3:07 am :: http://gofilipino.blogspot.com
oist san na nga URL ng bagong blog mo?








