Home » Archives » May 2007 » Page 2

STUPID LOVE

May 5, 2007

Men, kala ko ok na ako. Anak ng tokwa, di pa pala, wahhhhhh! Stupid love!

 

Biglang sumulpot sa YM ko si adik. Nagkataon pa namang nakita ko kanina yung Mommy n'ya sa mall. S'yempre kinumusta ko kuno ang worst nightmare ng buhay ko. Pero ang totoo n'yan e nagfi-fish lang ako ng info. I wanna know kase if dun pa rin s'ya sa bahay nila nagste-stay or nagkabalikan na sila ng patapon din n'yang ex-live in partner.  

 

Dati nga kase e pinapatira ko s'ya nung galit na galit pa ako sa kanya. Pero ayon sa source ko e madulas nga raw ang mokong. Mahirap hulihin.

 

Pero nung tinanong ko Mommy n'ya e nasa bahay daw si kolokoy bago s'ya umalis. Tulog pa daw. Tinanong ko kung nagbago na ang anak n'ya pero sabi nga n'ya e dating gawi pa rin daw. Nagbababad sa fone. Malamang e naghahanap yun ng magogoyo.  

 

Pero kaninang naka-chat ko s'ya, alangya biglang nanumbalik ang lahat sa akin. Miss ko na s'ya, wahhhh! Kahit ganun lang yun e ewan ko ba, ang lakas pa rin ng dating n'ya sa akin. I hate to admit it but yes, patay na patay pa rin ako sa kanya. Sigh. :(

 

He's very charming. He has his own unique way of making me laugh.  Basta iba yung nararamdaman ko when I'm with him kahit alam kong nagsasayang lang ako ng panahon sa kanya. 

 

Kaya naman nung niyaya n'ya ako na magkita kami e parang tanga na naman akong pumayag. Pucha, nuknukan talaga ako ng engot. Napaka-dangerous n'ya and yet, wishing and hoping pa rin ako deep inside na magbabago na s'ya for the better.

 

In short, nakipagkita ako sa kanya. As in tumakas lang ako sa amin. Mga alas dose na yun ng gabi kagabi. Kasehodang mapagalitan ako e go pa rin ako.

 

Of course di na ako nagpaalam sa mga ppl of the world sa amin. Bukod kase sa tulog na sila nun e pinagbawalan na nila akong makipagkita pa sa kanya ever. Kaya yun, kabado tuloy ako sa pagbukas ng pinto at gate at baka mahuli ako. Yari ako pag nagkataon.

 

Success naman at nakalabas ako nang alang aberya. Di ko na lang sinarang maigi yung gate at imagine, iniwan kong di naka-lock ang pinto ng bahay? Beat that! Alangya talaga, kung anu-anong kalechehan ang ginagawa ko para lang sa kanya.

 

Ok naman ang pagkikita namin at first. Parang alang nangyaring bad blood between us.  Ako naman kase si gaga, nagpapakabayani pa rin for him. Pikitmata pa rin s'yang iniintindi kahit ang dami na n'yang atraso sa akin. 

 

At dahil medyo late na yun, hirap kaming makahanap ng puwesto na kakainan. Gusto raw kase n'yang kumain ng kanin. Ako naman e busog that time.

 

Ang ending tuloy e sa tabi tabi na lang kami kumain. Patusok tusok na lang ng kikiam, pugo at kung anu-ano. Busog ako pero ayaw n'ya pumayag na di ako kumain ng kahit na ano kaya yun, kumain ako ng isang hotdog. So far, so good, kako sa sarili ko. 

 

Basta sinabihan ko na s'ya from the start na bawal uminom at  mag-behave s'ya dapat. Iiwanan ko s'ya kako pag nagpumilit s'yang uminom. Oo naman s'ya ng oo.

 

Pero there are times na kinukulit n'ya ako from to time na uminom kami pero tumanggi talaga ako kahit deep inside e gusto ko magpakalasing. He's very evil when he's drunk kase. As in ala s'yang sinasanto.

 

Ok lang sana kako kung ala s'yang pineperwisyong tao kaso hindi e, kung anu-anong katarantaduhan ang ginagawa n'ya pag lasing s'ya. Ako kase e laugh trip lang pag lasing at walang paki sa mundo. Pero di naman katulad n'ya na nambubulabog.

 

Niyaya pa n'ya ako na matulog na lang sa bahay nila. Ayoko sabi ko. Dyahe kase sa Mommy n'ya. Yoko kase mawala tiwala n'ya sa akin. Kesyo pupunta daw ng Manaoag ang Mommy n'ya ng around 3am at solo daw namin ang bahay nila kaya oks lang. Tumanggi pa rin ako.

 

Nako-kontrol ko pa naman ang sitwasyon nung time na yun. Pero nung papunta na kami sa next destination namin nagkandagulo ang lahat.  Videoke dami kami blah-blah-blah. Di rin naman natuloy.

 

Dun na s'ya nagstart magdemand ng kung anu-ano. Dun na s'ya naging very bossy na ewan. Basta nag-ibang anyo na lang s'ya out of the blue. 

 

Ang siste pa e bina-blackmail pa ako ng gago. Ako naman e di natakot at sinabi ko na matagal na n'ya akong siniraan sa pamilya ko kaya wala na akong dapat ikatakot pa sa gagawin n'yang moves. Ang magiging issue lang if ever nito e pag nalaman nila na nakikipagkita pa rin ako sa kanya despite their disapproval.

 

I mean, ano pa bang sisirain n'ya sa akin? Matagal na n'yang sinira ang reputasyon ko sa pamilya ko. Pati Daddy ko kinausap ako nang masinsinan pa ukol dun.  

 

Gusto akong huthutan ng gago. Kala yata n'ya e may pabrika ng pera ang pamilya ko at namumulot lang ako pera sa tabi-tabi. Pero di ako nagpasindak sa kanya kahit deep inside e takot na takot ako. Sinasaktan na kase n'ya ako. 

 

Buti na lang at nung malingat s'ya e nakahanap ako ng tyempo at tinakasan ko s'ya. Para nga kaming eksena sa pelikula na naghahabulan.  Feeling ko nga e madudulas na ako na ewan sa bilis ng pagtakbo ko. Medyo mataas pa naman yung wedge shoes na suot ko nun. Grabe yung adrenaline rush ko nung sandaling yun.

 

Nagsisisigaw ako't humingi ng tulong sa mga tao sa paligid ko para protektahan ako. Luckily e tinulungan naman nila ako. Wag nila akong iiwan kako.

 

Nginig na nginig ako sa takot nun. Nun ko lang naramdaman yung takot na yun buong buhay ko. Naiinis ako sa sarili ko't nakipagkita ulit ako sa kanya. Ang tanga tanga ko talaga, grrrr! Di na ako nadala! 3rd time na 'to, tsong! 3rd time na!!!

 

Ang kapal pa ng mukha n'ya, ha? Binaligtad pa n'ya ang kuwento. Kung anu-anong sinabi n'ya against me. Buti na lang at ako yung pinaniwalaan ng mga tao sa paligid namin. 

 

Inadvice nila ako na i-report ko nga daw s'ya sa barangay. Ako naman e in shock pa rin nung panahong yun at di makapag-isip ng mabuti kaya umupo muna ako sa tabi nun. Nag-iisip ng magandang diskarte.  

 

Natatakot pati akong umuwi dahil baka abangan n'ya ako sa kanto namin. It seems to me na nag-research s'ya about me. Ang alam ko kase e alam lang n'ya kung saang subdivision ako nakatira. No more, no less.

 

Pinapanalangin ko pa nga na sana e ma-confuse s'ya where I really live.  Nakita n'ya kase yung lisensya ko't yung dating address pa namin yung gamit ko dun. Pero nagulat na lang ako nung dinescribe n'ya kung saan ako nakatira. Pati yung puting Sentra namin ay alam din n'ya. Pero ako e nag-make face lang at di ko cinonfirm na tama nga s'ya.

 

Natatakot kase ako't baka kung anong eskandalo na naman ang gawin n'ya. Tama na yung ako yung perwisyuhin n'ya. Ang sa akin lang, yoko na madamay pamilya ko.

 

Buti na lang at bago ako nakipagkita sa kanya e I hung up our landline bago ako umalis. Prinotektahan ko rin yung sarili ko kahit papano. I just wanted to make sure na di s'ya tatawag sa bahay namin at mag-imbento na naman ng kung anu-anong kalechehan.

 

Atleast kahit papaano e assured na ako na di s'ya makakatawag sa bahay namin habang nag-iisip ako ng next move. T'yempo naman at dumating yung trike driver na sinakyan n'ya pauwi. Sinabi n'ya sa akin kung saan bumaba si adik. Positive, sa kanto nila yun. That means, umuwi s'ya ng bahay nila.

 

Dahil windang na rin ako nung time na yun e nagdesisyon na rin akong umuwi. Nag-trike na lang din ako hanggang sa amin kahit medyo malayo. I just wanted to be home safe. Pinara ko rin yung trike a few blocks from our house para di maingay.

 

Pagdating ko tuloy sa bahay e dahan dahan ulit ako sa pagbubukas ng gate, success naman. Pero pagbukas ko ng pinto e ala na, nabuking ako. Naalimpungatan si Mama (lola ko) na sa sala natutulog dahil sa sobrang init. Nalaman tuloy na umalis ako ng bahay ng alang paalam at iniwan kong bukas ang pinto. 

 

In fairness e di na n'ya ako tinanong ng details. Good, kako sa sarili ko. Sigurado kaseng magsisinungaling lang ako. Mabuti na yung manahimik na lang ako para alang gulo.

 

Pag-akyat ko tuloy sa kuwarto e di ako mapakali. Hirap akong makatulog. Ala akong peace of mind. Naaalimpungatan ako from time to time. Napa-paranoid din ako sa tuwing maririning kong tumutunong yung cp ko. Feeling ko kase e s'ya yun at guguluhin na naman n'ya ako.

 

Nakapag-desisyon na tuloy akong magpapalit na ng landline number. Aasikasuhin ko sa Martes. Atleast makakampante ako na di na n'ya ako magugulo sa landline ever.  

 

Hanggang ngayon e di pa rin ako makapaniwala sa katarantaduhan n'ya at sa katangahan ko. Pilit ko s'yang iniintindi pero wa epek lang sa kanya. I promised myself the last time na di na ako makikipagkita sa kanya nor form ng any communication with him pero ala din. Pucha kase, buti pang di ko na s'ya nakita sa webcam. Bigla ko kase s'ya namimiss pag nakikita ko s'ya. Sigh. :(

 

Samantalang I declined the first time na ininvite n'ya ako to view his webcam kagabi. Pero di ko rin s'ya matiis. Eventually e ako na mismo yung nagsabi na sa kanya na i-invite n'ya ako to view his cam. My bad. Wrong move. Nagkandaleche-leche nang tuluyan. Biglang lumambot na naman ang puso ko. 

 

Geez! Ano bang pinanggagagawa ko sa buhay ko?! Kahit alam kong ala s'yang magandang maidudulot sa akin e pilit ko pa ring inaabot yung mundo n'ya. Lahat na ginagawa ko para sa kanya. As in lahat lahat! Kung kulang pa yun e ewan ko na lang. 

 

Tinanggal ko na s'ya sa bokubolaryo ko't nag-move on na pero eto at tinanggap ko na naman s'ya ng buong buo kagabi…Only to be disappointed.  Di na ako natuto. Ang sarap kong sapakin!!!

 

I'm sure reresbakan ako nun. Napahiya kase s'ya kagabi at natakasan ko s'ya. Ako naman kase si pusong mamon, ayaw s'ya ipa-blotter or something.  Umaasa pa ring magbabago s'ya eventually. Pero pucha, kelan? Pag huli na ang lahat?! Pag baldado na s'ya? Pag patay na s'ya? Hanggang kelan pa ako maghihintay???

 

I dunno what it is about him. Pero grabe talaga yung concern at pag-aalaga ko sa kanya. Dunno kung dahil 10 years younger lang ba s'ya sa akin or mas may malalim pa na reason. Basta ang gusto ko e magbago na s'ya for the better. Kaso pano ko naman tutulungan ang isang taong ni ayaw tulungan ang sarili n'ya?!

 

Grrrr! Bakit nagpapakabaliw ako sa kanya? Karami namang lalake d'yan pero bakit s'ya pa rin yung pinagtutuunan ko ng pansin?  Stupid me. Stupid love. :(  

 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (2)

1. Robbie left…

Monday, 7 May 2007 6:36 pm

Two words for you - Stockholm syndrome. Lookup mo 'yan…

2. barenaked left…

Monday, 7 May 2007 7:53 pm

damn! I googled it kaagad pagkabasa ko. syet, tama ka nga yata. :(

naiinis ako sa sarili ko. I know mapapahamak ako sa kanya and yet, willing ako to beat the odds for him. as in whatever…just for him…i live in a make believe world and a part of me is still hoping (or hallucinating) na magbabago din s'ya someday. :(

Posted by barenaked at 10:59 am | permalink | Add comment

     

May 2007
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments