UNCLE SAM
June 16, 2007
Huhuhu, hinatid na namin sa airport ang bro at sis ko kanina. Kala ko nga e di na ako iiyak when we bid one another goodbye.Mali pala ako. Parang eksena sa isang drama movie ang nangyari kanina.Hay…
Nakakalungkot pati kase sunod-sunod na pumunta ng States mga kapatid ko. Nauna yung 25yo sis ko nung March. Naka-tourist visa s'ya pero nagpa-extend na s'ya so around September yata ang balik n'ya ng Pinas if I'm not mistaken.
At kanina nga e yung 21yo sis ko at 20yo bro ko namang ang lumarga pa-NY. Huhuhu! Ako na ang bunso sa pamilya namin ngayon, ang weird ng feeling. So 4 na lang kaming magkakapatid sa Pinas.
Rollercoaster ride ang pag-aasikaso namin ng immigrant visa ng mga kapatid ko. Last week e nag-stay kami ng Manila fromTues-Sat sa pag-aasikaso lang ng mga docs nila. Kakapagod sobra.
Nariyan na yung nagkakainitan na ng ulo when something goes wrong. Nagkakasisihan pag pumalpak, etc. Pero di naman puro negative yung nangyari, of course, bonding din kami ng mga kapatid ko.
Yung tipong habang nagpapa-medical check-up ang mga kapatid ko sa St. Luke's e nasa mall naman kami ni Ate habang hinihintay naman sila. Tapos biglang tatawag naman si Ate from Pampanga, ina-update kami from time to time ng mga docs namin na dapat pa naming asikasuhin.
Kami naman ni Ate e shopping galore naman. Dapat mag-unwind, hehe! One time nga e tumawag si Ate from Pampanga, nabubuwiset kami kase istorbo s'ya sa pagsha-shopping namin, haha ayos!
Makulay yung stay namin sa Manila. 4 days kami sa condo ng bf ni Ate. Pag alang ginagawa e andun lang kami at lamon nang lamon, hehe! Or DVD marathon kami.
Andyan pa yung pina-praktis namin sila kung ano yung isasagot nila sa interview ng consul. Natawa kase ako sa payo ni Ate sa mga kapatid namin. Sabi n'ya kay bro, wag daw n'yang sisigawan yung consul. Ang lakas kase ng boses n'ya, parang bingi yung kausap, hehe! Payo naman n'ya dun sa isa e wag maging mahiyain at lakasan n'ya boses n'ya. Hehe extremes sila ni bro e.
Kaya naman nung interview na nila e kabado lahat kami. 7am-12noon lang namin kami nag-stay ni Ate sa Starbucks. At nawindang pa kami nung di pa pala sila tapos at pre-screening pa lang pala yung lagay na yun.
Sabay-sabay tuloy kaming nag-lunch sa isang Chinese restaurant na malapit sa Embassy. Sabi nga ni Ate e kailangang masulit yung 2,500 na bill namin sa pagkain, hehe! In fairness, sulit nga kase na-approve nga visa nila, hehe!
Habang wait galore namin sila dun sa 1pm sked nila e nanood muna kami ng sine ni Ate. Ang guapo ni Papa Piolo, syet! Yummy! Hehe!
Yun nga lang e nagkainitan na ng ulo pagkatapos naming manood ng sine. Ang gulo kaseng kausap ng mga kapatid ko. Di nila alam if na-approve sila or na-deny, hehe!
Kabilin-bilinan kase sa kanila e kunin yung name ng consul if may aberyang mangyayari at yung lawyer nila Mommy sa States ang kokontak. E yung mga kapatid ko e ang gugulong kausap kaya yun…Nagka-badtripan. Ako naman e cool lang nung time na yun. Si Ate kase e mabilis uminit talaga ang ulo.
Naubos lang yung lakas ko nung pabalik na kami sa condo. Nag-taxi lang kase kami nun dahil coding si Ate. Nangalay ang pwet ko sa kauupo, syet! Kakapagod ang byahe, traffic galore! La na rin tuloy akong lakas na makipagtagpo sa mga friendly friends ko from Manila nung gabing yun. K.O. ako. Pabalik na rin kami ng Pampanga kinabukasan kay may-I-tulog na rin ako.
Saturday morning naman e nag-decide na kaming bumili ng maleta ng mga kapatid ko. Tutal e naka-CRV si Ate at kasyang kasya ang mga yun sa auto n'ya. Dapat e diretso uwi na kami ng Pampanga nun pero as usual, shopping muna kami, hehe! Around 4pm na tuloy kami nakauwi nun.
Pag-uwi ko nga ng bahay e parang nanibago ako. Parang na-miss ko s'ya na ewan, hehe! As usual, paulit-ulit mga kuwento namin about our stay in Manila and the US Embassy interview chuva.
Nung na-confirm na na-approve sila at wait na lang namin ang visa e nag-decide na kami na magpa-despedida. Actually, 2 ang despedida nila. Yung isa ay para sa family and relatives at yung isa naman e for their friendly friends.
Pag nga na-iimagine ko na aalis na ang 2 kapatid ko ay naiiyak na ako ala pa man. Masaya ako na malungkot na ewan. Maging si Mommy e tensyonada. Nag-collapse s'ya. Lalo tuloy kami nag-worry.
Napaiyak tuloy ako nung tumawag younger sis ko sa akin at nakibalita. Umiiyak din s'ya sa kabilang linya. Samu't saring emosyon na ang nararamdaman namin nun.
Kaya naman nung dumating na yung visa nila e nakahinga na kami ng maluwag. But then again, nagra-rush pa rin kami. June 15, Friday,3pm kase namin na-receive yung visa nila. After that e pinapa-book na sila ng flight. Turning 21 na kase si sis on the following day, June 16, at ayaw naming magkaproblema sa pagtapak nila sa US port of entry.
Friday night ang target naming flight nila pero ala ng available seats. June 16, Saturday, 7:50am na ang earliest. Yun na lang ang pinili ni sis from NY. S'ya ang nagpa-book sa kanila.
Nagkukumahog tuloy ang lahat nung Friday night. As in dun pa lang sila nag-imapake. Inayos nila mga damit at docs na dadalhin nila. For the past 2 weeks kase e di magkandaugaga ang lahat. June 30 pa ang deadline ng interview nila pero dahil turning 21 na nga yung isa nung June 16 e ni-rush namin ang lahat.
Panigurado ngang mataas ang phone bill namin nito. NY-Pampanga-Manila kase ang pag-aasikaso namin. Nariyan yung pinaulit namin lahat ng cedula, barangay/police/NBI clearance nila dahil magkaiba address nila sa docs.
Kalilipat lang kase namin ng bahay nung June 2006 at para alang problema at maging consistent ang mga docs e yun na lang ang ginamit naming address instead of sa new address namin para ala na lang gulo.
All's well na though. Aba dapat lang noh! Hehe! Kaka-drain ang pag-aasikaso ng mga docs.
At kaningang umaga nga e hinatid namin sila sa airport. Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ako sa kanila pero naisip ko na ganun din naman ang effect kaya yun, nag-decide na akong sumama sa paghatid sa kanila. As in nakapantulog nga lang ako at tsinelas, hehe!
2am kami umalis ng Pampanga. Bago 4am e nasa airport na kami. Alangya, ala pang signal dun, huh?! Of all places, tsk tsk tsk! Di na tuloy nakatawag si bro sa gf n'ya.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari…Parang di pa namin ma-absorb ang lahat. Kaya naman nung nagpapaalam na ako sa bro at sis ko e talaga namang umiiyak ako.
Sabi ko nga sa sis ko, ala na akong katabing matutulog.
Surprisingly, nung ke bunso e speechless ako. Tahimik lang akong umiiyak habang magka-hug kami. S'ya naman e maya't mayang sinasabi na "Magpapakabait na ako dun." Hehe kumita na yan noh! Hehe pasaway!
Si Mama(lola namin) naman e di umiyak. Happy daw s'ya para sa mga kapatid ko. But I know, masakit for her. Alaga n'ya kase kaming lahat mula pa kay Mommy. Kaya naman nagulat na lang ako nung biglang umalis s'ya at pinuntahan ulit one last time sila bro at sis habang nakapila sila sa labas. Tapos na kase ang 2 minute parking namin at sinasaway na kami nung guard (but in fairness, matagal din kami naka-park dun, di lang yun 2minutes, hehe!). Umikot na lang ulit kami at binalikan ulit si Mama.
Around 6pm e nakabalik na kami ng Pampanga. As in dinrap-off lang talaga namin mga kapatid ko. Kala ko nga e ok na ang lahat. Pero kaninang nagluluto si Mama e sinumpong yata s'ya ng lungkot at nagulat na lang ako nung may marinig akong humihikbi sa likod. Nagkaiyakan tuloy kami ni Mama. :'(
Ewan. Ganito lang siguro sa una. 3 na kase sa mga kapatid ko ang nasa States and it all happened this year. Isa nung March at kanina nga lang e dalawa naman. Ako na kaya ang susunod? Tsk, tsk, tsk…di malayo…Pero sa Asian country muna balak ko. Sana nga matuloy. Yun nga lang…malulungkot lalo si Mama nito, hay…tsaka ko na lang iisipin yun…
Basta ngayon, happy na ako para sa mga kapatid ko. Pwede naman silang umuwi ng Pinas anytime. Sustentuhan na lang nila ako, haha! At wag nila kakong kalilimutan package ko, hehe! Kabisado nila taste ko e, kakaiba daw mga gusto ko, haha!
Hasta la vista, Cha/Bo/Tey! Love you, guys! Take care of Mom and Dad!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
Sunday, 24 June 2007 1:30 pm
ayaw mo ba sumunod sa usa? perhaps give it a chance? malay mo magustuhan mo dun. daming magagandang shops dun *hehehe* kung di mo naman magustuhan ang stay mo dun, you can always come back sa pinas.
sorry to hear about your fone. next time sis, isabit mo na sa neck mo para di mawala. bili ka nung strap para sa fone mo
ingatz
Sunday, 24 June 2007 1:39 pm
hi sis! actually, naka-petiton kaming lahat na magkakapatid but it would take long, over-age na kase kami…basta as of now, bawal mag-asawa, hehe!
as for my cp, yan lahat advice sa akin ng family and friends ko. i've lost around 4-5 cellfones na kase. mapagbigay ako e, lol!
Tuesday, 26 June 2007 9:43 am
yup, kasi dapat before you turn 21 dapat makaalis ka na papuntang usa. that time ba, ayaw mo umalis? don't worry sis, ipagdadasal kitang makapunta ng amerika. i've my friend's sis in law. 3yrs ago sya nakapunta ng usa with her kids. di nga sila married nung hubby nya kasi nga daw bawal. pero papunta na this yr yun hubby nya this yr. approve daw kasi yun petition.
sis, ayaw mo ba talaga magbigay ng demo?
nabanggit ko na naman yan sa'yo last time di ba? try mo lang…
hwag ka na bibili ng expensive cp ha. sayang naman kasi yun pinaghirapan mo. kahit 3thou na lang. basta pwede ka talk and txt
ingatz sis malagu.
Tuesday, 26 June 2007 9:52 am
about the petition, di lang kase naasikaso maigi kaya yung 2 kapatid ko na lang na below 21 yung nakalusot. yung isang sis ko, naka-tourist visa pero babalik s'ya around september yata.
sa demo naman, ayyy la ako guts, hehe! shytype ang lola mo, hehe! mananatiling frustration ko na lang yata yun forever, hay…
im using my ate's cp right now. buti may bago syang cp from globe, nagpa-line kase s'ya plyus yung blackberry pa n'ya. too bad nga lang for 7yo niece, sandy, kase imbes na sa kanya mapunta yung cp e ipinamana muna sa akin. takot na ako mag-cp na medyo high tech, huhu sobrang careless ako.
Add a comment








