DAMN IT! I LOST MY CP FOR THE NTH TIME!
June 20, 2007
Grrrr! Nawala ko na naman ang cp ko! Nuknukan talaga ako ng malas pagdating sa cp. As in almost lahat ng mga naging cp ko e nawala ko. Patentado yun, hay…
Diperensyang ilang minuto or segundo lang yun, bakasakaling nakita ko pa cp ko, hay…Tinulungan ko kase friend ko na mag-apply sa call center. As in on our way there, tiningnan pa n'ya cp ko at he checked out my pics. Pareho kaming naka-7610.
Tandang tanda ko na dala ko pa s'ya sa jeep nun. Pagbaba namin e tumambay muna kami dun sa waiting shed malapit sa call center at kinakabahan daw si friend. So yun, umupo muna kami dun habang inaayos n'ya paraphernalia n'ya.
Malamang e naiwan ko s'ya dun sa upuan sa may waiting shed or sa jeep pero feeling ko e sa waiting shed nadale yun. Most probably kase e naiwan ko yun sa may upuan dun. Usually kase e sa bulsa ko nilalagay yung cp ko or sa bag ko or hawak-hawak ko. Pero dahil may dala din akong pamaypay kanina sa right hand ko e baka naiwan ko nang di sinasadya sa upuan yun.
Na-realize ko na lang na nawawala s'ya pagpasok namin sa office at tinanong ni friend kung ano'ng oras na at meron s'yang sinasagutan na time chuva dun sa may guard. Pagkapa ko sa bulsa ko e ala cp ko. Pagtingin ko din sa bag ko e ala rin ito. Pagbalik naman namin dun sa dinaanan namin at sa waiting shed e ala na rin s'ya.
May dinatnan pa nga kaming 2 ppl of the world dun sa may waiting shed at nagre-relax lang din muna dun. Tinanong namin if may nakita silang cp pero ala nga raw. Tinanong kami pagkatapos kung anong unit daw, sabi namin ni friend 7610. Pero deep inside e alam ko din na kung sinuman ang nakapulot or nakakuha ng cp ko e di na ibabalik ang cp ko panigurado. Swerte na lang talaga pag may nagmagandang loob which I doubt will happen.
Tigas kase ng ulo ko e. Matagal na akong sinabihan ni Mama na mumurahing cp na lang daw ang bilhin ko't lagi ko kaseng nawawala ang mga ito. Ako naman e dedma lang at pera ko naman yun kako kaya I'll buy whatever I want. Eto tuloy at parang nagtapon ako ng 7K. Hay…
Buti na lang at nag-offer na ipahiram sa akin ng friend ko yung 6510 n'ya. Yun na muna ang gagamitin ko in the meantime. Poor pa mandin ako ngayon.
Parang nawawalan tuloy ako ng ganang bumili ng medyo mamahaling cp ngayon. Balak ko pa naman e itotodo ko ang budget ko sa cp sa pagsweldo ko. Pero dahil sa paulit-ulit na pangyayari na nawawalan ako ng cp e baka sa ever reliable 6210 na lang ang bagsak ko nito. In fairness, fave ko ang cp na yun nung di pa nauuso ang mga polyphonic at colored chuva. Grrr, nakakainis!
Pag tinatawagan ko pa mandin ang number ko e lagi s'yang busy, weird! Nagpapakasasa na yata yung nakakuha ng cp ko. Buti na lang at di ako nakabili ng cell card kanina. I usually buy 300 load kase pero dahil ala akong pwedeng mabilhan kanina na malapit sa amin e nagpa-load na lang ako ng 50 dun sa may sari-sari store malapit sa amin.
Ala yata talaga akong swerte sa cp. Lagi kong nawawala. Napakaburara ko din kase e…Pero itong cp ko na nawala kani-kanila lang ang pinakakinabubwisitan ko. Gamit ko pa kase s'ya sa jeep nun tapos pagdating ko dun sa call center e parang bula na lang s'ya na biglang naglaho, hay…
Poor me…Low tech na cp na nga lang yata ang bibilhin ko next time. Syet! Puta! Badtrip talaga, grrrr!
links: digg this del.icio.us technorati reddit
1. redcomet left…
Thursday, 21 June 2007 7:47 pm
sa totoo lng, pinipigilan ko ang halahak ko dude kaya pasensya na dun sa friendster. E kasi nmn aanga anga ka pala kahit anong ganda mo
anyway, pasalamat ka na lng at di holdap
Thursday, 21 June 2007 7:53 pm
bwiset na 'to, pang-asar talaga, grrr! tuktukan kita d'yan e! puta badtrip na nga ako na nawalan ako ng cp, $#%^&!








