Home » Post Item » HARRY POTTER AND THE DEATHLY HALLOWS (YEAR 7)

HARRY POTTER AND THE DEATHLY HALLOWS (YEAR 7)

June 29, 2007

 

Yeba! May magbibigay sa akin ng hardcover ng Book 7 ng Harry Potter! Nice! Straight from Australia pa, hehe! ;)

Bumili ako last month ng box set ng HP Books 1-6 for 5k. Kala ko pa mandin e nakamura ako dahil sa Scholastic Inc. ako mismo bumili. Ngayon pala e napamahal pa ako. 4k+ lang s'ya sa mga bookstores. Ang tanging consuelo de bobo ko na lang e sold-out lagi ang mga 'to maging sa Manila kaya good enough na rin siguro yung 5k na ginastos ko. 

 

 

Nilustay ko naman ang cheque ko nun, hehe! Nagpapalit lang ako sa bank sabay bili kagad nung books.  Sulit naman s'ya, in fairness. Masaya na ako na nakikita ko mga books ko.

 

As for Book 7, dapat e oorder din ako sa Scholastic at 900 na lang ibibigay sa akin since bumili ako ng box set nila. Kaso nawala yung cp ko kaya ala akong kontak sa kanila ngayon. According to them e makukuha ko daw ng a week before the July 21 worldwide release nito pero baka charing lang yun. Parang malabo yata yun kahit sila pa ang exclusive publisher at distributor ng HP Books.

Nweiz, ang balak ko sana e magpapa-order na lang sana ako OL sa Amazon kina Mommy. $17.99 lang ang presyo n'ya dun as opposed to the P1450 price nito sa Pinas. Kahit kase magiging P1305 na lang ang presyo nito dito dahil may 10% discount pag nagpa-reserve e namamahalan pa rin ako.

Para tuloy ang sarap mag-shopping galore sa Amazon, hehe! Kasali kase ang HP Book 7 nila sa Super Saver chuva. That means, libre ang shipping pag above $25 ang order mo within US. Kaya yun, nagbrowse na ako ng ibang book na isisingit ko sana sa order ko. I was thinking of C.S. Lewis's "The Screwtape Letters" sana or any Manga book para may kokopyahin ako pag nagdo-drawing ako. Ang mamahal kase ng Manga books sa Pinas.

Pero ang ending e inooffer na ng OL friend kong si Jaleesa na s'ya na daw ang sasagot ng HP Book 7 ko. Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya? Haha lol! Pero sa totoo lang, nahihiya din ako s'yempre. Pero slight lang, lol masarap kase ang libre e, haha! :P

Nataon lang namang naitanong ko sa kanya kung nakapag-order na ba s'ya ng book OL. Di naman ako nagpaparinig or ewan dahil pabibili ko nga sana kay Mommy yung book. Kaso yun, s'ya na daw bahala. Di kase kami nakapag-meet nung umuwi s'ya ng Pinas last time. Pambawi daw, hehe!

According to her nga e nagpa-reserve na s'ya sa bookstore. At may free na owl na softie toy pa daw ako, hehe nice! Yan yata talaga ang kainaman pag abroad, may mga freebies. I know somebody kase na binenta yung HP metal bookmark chuva n'ya. Free daw yun sa HP book n'ya na galing US naman. In fairness, naibenta n'ya ng 300 ang bookmark n'ya. Ayos noh? Hehe! 

Incidentally e ipapalabas na rin ang Harry Potter and the Order of the Phoenix nito. May usapan na kami ng friend ko na kaming dalawa ang manood magkasama. HP fanatic din kase yun, hehe! Kaka-excite! But for me, nothing beats a good book pa rin. Mas nakaka-excite magbasa kesa manood ng movie version nito. 

S'yempre pa kumpleto din ako ng vcd's ng HP. Orig lahat sila, in fairness, lol! VCD na lang binili ko kase mahal DVD e, hehe! I make sure kase na pag nabasa ko yung book version ng movie e dapat orig din ang cd ko, hehe! Otherwise, pirated lang talaga binibili ko, hehe ang biased ko, syet!  

Sa wakas nga e nanumbalik na ulit ang love ko for reading. Nung bata kase ako e mahilig akong magbasa pero ewan ko ba't nung tumanda ako e nawala naman hilig ang ko dito, weird! Lately na lang na-revive. Thank God for Booksale at sa "The Lion, the Witch and the Wardrobe" book ni C.S. Lewis, dahil sa kanila e basa galore ulit ako. Di ko pati ine-expect na magugustuhan ko ang mga fantasy chuva. Feeling ko kase dati e pambata lang ang mga 'to. Pero ngayon e kung pwede lang na fantasy lahat basahin ko e gagawin ko, hehe! :P

Eto nga tuloy at excited ako sa paglabas ng HP Book 7. At mas lalong kaka-excite kase bigay lang ang copy ko, hehe! May book na, may owl softie toy freebie pa, hehe! Thanks, sis !  

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

comments (9)

1. jaleesa left…

Saturday, 30 June 2007 7:31 am

ay, extra ako dito *hihihi* kahit taga australia lang yun minention mo, ok na yun. pati name ko kasali *hehehe*

kagaya mo, i used to read a lot also back in primary (fables, fantasy etc) and highschool. ginanahan lang ulit ako magbasa nung hiniram ko yun "the da vinci code" sa sis ko. yan kasi ang nagmotivate sa'kin magbasa ulit. therapy kumbaga :)

anywayz, natutuwa naman ako at super excited ka sa hp 7. sana nandito ka para kunin yun book sa bookstore kasi 9am daw yun pick up ng book sa july 21 (released date). makikita mo kung gaano karaming fans ng hp *hihihi*

happy wkend sis. ingatz

2. barenaked left…

Saturday, 30 June 2007 10:19 am

hehe thanks a lot ulit, sis! :D

as i've said, masarap ang libre, haha! :P kahit nga december ko pa mabasa, oks lang sa akin, hehe!

may da vinci code din ako pero di ko pa nababasa. tambak pa kase books ko, hehe! napanood ko yung movie though at nagandahan ako sa kanya…so i guess, maganda talaga yung book…bookswill always be the better versions kase as opposed to the movie versions.

nabili ko rin s'ya sa booksale. P195 na lang yata. madalas ako makatyempo sa booksale ng magagandang books. harry potter, narnia, etc. :D

3. kat left…

Tuesday, 3 July 2007 10:35 am :: http://simplykat.blogspot.com

uy swerte naman ni ate jill! bait ni sis jaleesa ah! =) oo excited tayo mga fans nyan. kaya lang di ko pa nababasa yung book6. i'll buy the 7th kapag tapos ko na yung prequel. sana by that time eh cheaper na yung presyo.

4. barenaked left…

Tuesday, 3 July 2007 3:30 pm

hi ate kat! feeling ko e after two years pa magbababa ng presyo ang book 7, hehe! around 700-900 ang hardcover ng HP pag tumagal-tagal.

pinapabili ko nga ng HP paperback boxed set si sandy sa amazon. addict din sya sa HP. cute nga kase binabasa n'ya HP book 1 ko, hehe! she's in grade 2 right now. siguro tapos na n'ya kako ang books 1-7 pag grade 6 na s'ya, hehe! :P

5. kat left…

Tuesday, 3 July 2007 8:01 pm :: http://simplykat.blogspot.com

lol! know what? kapag na "hooked" si sandy after reading HP1, kahit di na abutin ng isang taon, tapos nya na til book 7. kaka-addict din yan sobra!

6. redcomet left…

Tuesday, 3 July 2007 8:17 pm

pasikat si mekeni a, nakahardbound lahat :D well, cheers to the last part of rowlings series.

7. barenaked left…

Tuesday, 3 July 2007 9:21 pm

@kat, hehe super addict yun. dala nga n'ya yung HP buk ko sa skul. nagyayabang sa mga classmates n'ya lol. naka-paperback lang daw kase sila na gutay-gutay na, hehe!

ang mahirap lang kay sandy, hirap s'ya maintindihan yung ibang terms…maya't maya e tanong ng tanong ng meanings ng words…one time nga, she was asking her dad kung ano meaning ng "gibber". di alam sagutin ng tatang n'ya kaya ang sabi n'ya e apelyido daw ito, haha lol! :P plus hirap din s'yang intindihan yung ibang fantasy terms…but aliw, kase at a young age e nagbabasa na s'ya ng HP. as in memorize na n'ya yata lahat ng HP movies tapos aliw s'yang pakinggan ako when i speak with a british accent tapos pinapagaya ko sa kanya, hehe!

@redcomet, wala e…mayaman ako, lol jk! one time big time na naglabas ako kagad ng 5k nun. pero sulit naman. :D

8. kat left…

Wednesday, 4 July 2007 2:32 am :: http://simplykat.blogspot.com

haha! ang galing! nakakatuwa naman si sandy!

9. barenaked left…

Wednesday, 4 July 2007 7:15 pm

aliw nga e…cutie talaga…mas gusto n'ya HP ngayon kesa mga barbie n'ya. nice. :D

Posted by barenaked at 11:24 am | permalink

Previous Comments

BOOK 1-7 4K n lng bago.. txt 0915-9919404

Posted by gyn at October 9, 2008, 12:07 pm

huhu meron na ako e. i bought mine for 5000, hay…mas mura sa NBS. kala ko pa naman makakamura ako sa deal na yun since sa scholastic ako mismo bumili, hmpp! ngayon pala napamahal pa ako, grrr!

Posted by barenaked at October 10, 2008, 11:48 am

Add a comment








     

June 2007
M T W T F S S
« May   Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments