ALA-PARIS HILTON
July 25, 2007
"All you have to in ife is go out with your friends, party hard and look twice as good as the bitch standing next to you." -Paris Hilton
Spoken like a pro, hehe! Nadale ni Paris Hilton. Swak na swak, hehe!
Miss ko na talaga ang ganyang buhay, syet! Sabi ko nga sa mga friends ko, gusto kong humilata lang sa bahay, tumambay, mag-OL, go clubbing, get drunk, etc. etc. Haha patapong buhay pero pretty exciting for me, hehe weird!
Katext ko nga friend ko kagabi. She's hooking me out with her officemate. May date kami on Tuesday.
Actually, nagmeet na kami nung guy dati, hehe! Nagkataon kase na yung banda n'ya ang nagperform nun when my friends and I went out a day before my birthday. S'ya yung vocalist/guitarist.
Sakto pa naman e naghahanap kami ng lalake ni friend kay namention n'ya bigla ang officemate n'ya, hehe! As in talagang "naghahanap" yung term namin noh? Hahaha! We were talking about our types kase that time. Sabi ko mga musicians/writers/artists ang mga type ko. Bad boys. Inked and pierced, hehe! Basta I want somebody who has the same interests as me para naman nakakarelate kami sa isa't isa. Feeling n'ya e we'll hit it off. Naks, sana nga, hehe!
Ako naman tuloy ang biglang nagtanong sa kanya. Ano kako ang type n'ya. Alangya, preferably e doctor/lawyer daw. Anak ng…Ang taas ng standards, hehe! Saang lupalop naman kaya ako hahanap ng ganun? Hehe!
Gusto kase n'ya e intellectually stimulating ang conversations. Sabi ko nga sa kanya, oks na ako dun sa "stimulating" lang, haha!
Damn, nga doctors/lawyers siguro ang least likely na ide-date ko. Mas gugustuhin ko pa siguro na kanto boy na lang ang idate ko, hehe!
Ewan ko ba, feeling ko kase e ang hirap ma-reach ng mga doctors/lawyers. Like kailangan e may sense lagi ang usapan, hehe! Ako pa naman e nonsense kausap, hehe charing!
I mean, alam ko misconception yun sa mga doctors/lawyers but then, oks na ako sa mga musicians/writers/artists. Atleast itong si boylet e mahilig sa music at nagsusulat din at the same time. We both sing and play the guitar kaya ok na ok. Maggigitarahan na lang kami literally and figuratively, hehehe!
At wag ka, may 2 published articles na s'ya sa Youngblood, nice! Pwede, hehe!
Ewan ko lang kung ano ang magiging kapalaran namin ng date ko sa Tuesday. Basta ako e sasabay lang sa agos, hehe! Anak ng tokwa naman kase, napaka-boring ng buhay ko. Kailangan bigyan ng thrill, hehe!
Syet, goodluck sa akin sa Tuesday. Sana naman e mag-enjoy kaming lahat para everybody happy, hehe!
1. redcomet left…
Friday, 27 July 2007 11:22 pm
so what happened?
any afternoon delights?
Wednesday, 1 August 2007 7:49 pm
3. redcomet left…
Thursday, 9 August 2007 6:15 pm
ha!!! tuyo??? hard to believe
Thursday, 9 August 2007 7:11 pm
BAD GIRL
July 17, 2007
Isang forwarded text sa akin:
"Good girls get peace and quiet, bad girls get what they want. Good girls just get their desserts, bad girls hit the jackpot. Good girls fly low under the radar, bad girls steal the spotlight. Good girls have the last laugh, bad girls laugh the hardest. Good girls got o heaven, bad girls have been to hell and back. Good girls get mad, bad girls get even. Nothing bad about being good, but sometimes bac girls have it better."
In fairness, naka-relate ako. Tulad ngayon, napaka-dry ng buhay ko, hehe! That means good girl mode ako ngayon.
Miss ko na ang patapong buhay. Miss ko na ang umuwi ng madaling araw gabi-gabi. Miss ko na ang excapades ko. (Take note, excapades yan, ha? Hehe!)
Miss ko na ang maging uninhibited ng konti. (Konti lang naman). Miss ko na yung dedma sa mundo at go lang ng go.
Kaya nga yata nag-click kami ni adik the first time I met him e. Nawala inhibitions ko sa kanya. Wala akong paki kung anuman ang maging dating ko sa ibang tao. Basta ang alam ko lang that time, type ko s'ya.
Yung tipong nagkakilala pa lang kami e nakaakbay na s'ya sa akin. Ako naman si gaga, di pumapalag. Yung tipong pinakilala n'ya ako sa mga brods n'ya as his gf pero smile lang din ako at nakiki-ride lang. Feeling magdyowa agad kami.
Yung tipong nagtititigan lang kami e nagkakaintindihan na kami. Naghahalikan at naglalampungan din kami kahit maraming tao sa paligid namin. In short, para kaming may mga sariling mundo. Yeah, masyadong mabilis ang mga pangyayari pero la na ako paki nun. Sabay lang ako sa agos nun. Dedma mode. Good time lang ang inatupag.
Kelan ko kaya ulit ma-eexperience yun? Gusto ko e good time lang. Yoko na ng problema this time.
Hmmm… I wonder, ano kaya ang kapupuntahan ko nito? Good girl or bad girl? Na-experience ko na pareho pero mas masarap nga maging bad girl for me. (basta wag lang sa drugs). Mas exciting. Unpredictable…Hay, tukso, layuan mo ako…
1. redcomet left…
Tuesday, 17 July 2007 10:14 pm
all those men you got titillated are excited to see this, i bet theyre desperately trying to get in you…ehem i mean, in touch with you right now hehehehe
Thursday, 19 July 2007 1:11 pm
hahaha! ang hirap ng nawawalan ng cp, nawawalan ako ng contacts e.
FAMILIA PIADES
July 12, 2007
Huhu, lalo ko na-miss ang mga kapatid ko nung makita ko baby pix nila sa Friendster. 
Tingnan n'yo naman si bunso. Batambata pa, huhu! Ngayon e pasaway na, hehe!


At eto na s'ya ngayon:

Eto pa pic n'ya with her gf. In fairness, baga sila.

Eto naman sis ko nung bulinggit pa s'ya. (Extra yung baby pic ng bf n'ya, di ko ma-edit, hehe!)

At eto na s'ya ngayon. Mukha silang mag-dyowa nila bro noh? 10 months lang kase ang pagitan nila, hehe!

Eto naman kaming dalawa ni sis. Kinunan namin ang mga pix sa kotse habang papunta kami sa skul para bumoto.



Ito naman ang pix nila bro and sis together with our other sis in NY. Huhu kakainggit!
Ako na ang bunso sa pamilya namin sa Pinas, hay…
Ito naman ang pic ng tatlo with our dad.

At eto naman ang maganda naming mommy, hehe wala pa ring kupas.

Hay, kaka-miss ang mga kapatid ko. Biglaan kase ang pag-alis nila kaya di kami prepared nung lumarga na sila pa-NY. Nweiz, pinagbilin ko na wag nila kakalimutan kako ang sustento nila sa akin pag kumikita na sila, hehe!
Ito ngang si bro e magmo-model daw pagbalik n'ya ng Pinas. Magpapalaki lang daw s'ya ng katawan at magpapakinis, hehe! In fairness, 6'2 s'ya. Pwedeng pwede, hehe!
Alangya, ang lungkot ngayon sa bahay. Ala akong kaagaw sa pagkain, gamit at kung anu-ano. Wala akong inaasar. Solo na lang ako sa kuwarto ngayon, hay… Kaka-miss silang lahat. Kelan kaya sila uuwi ng Pinas? Or kelan kaya ako makakapunta dun?
Monday, 16 July 2007 11:34 am
malay mo sis ikaw na ang sumunod na pumunta ng states. enjoy na enjoy sigurado ang mga siblings mo dun. sabihin mo sa parents mo, bilisan ang pag-sponsor sa'yo
ingatz
Tuesday, 17 July 2007 5:21 pm
SAVE HARRY POTTER CAMPAIGN
July 11, 2007
Just watched Harry Potter and the Order of the Phoenix with 5 of my students and my 7yo niece. Yun nga lang, feeling ko e di naintindihan ng mga students ko yung movie, hehe! Di na pati nila inumpisahan unlike kami ng pamangkin ko na nag-stay para mapanood ulit s'ya from the start and to think e 5 minutes late lang kami nun sa screening, hehe!
Nweiz, ang fave scene ko sa movie e nung nambulabog ang Weasley twins na sila Fred and George during their Ordinary Wizarding Level (OWL) exams. Kakagigil si Dolores Umbridge. Sarap upakan, hehe ma-carried away daw ba? Hehe!
Type ko din yung kissing scene nila Harry Potter at Cho Chang. In fairness, medyo matagal s'ya, ha? Hehe!
But of course, nothing beats the book series. Mas exciting. Sabi ko nga sa friend ko, napapaupo ako nang maayos pag nagpre-present ng ng twists si J.K. Rowling. Lagi na lang ako wow mali, hehe!
At since now showing na ang Harry Potter and the Order of the Phoenix e nakikibalita din ako ng latest chika about the movie at sa
soon-to-be released Book 7. Nabasa ko din sa Hogwarts Philippines ang Bloomsbury statement ni J.K. Rowling about her HP series at sa nasabing Save Harry campaign . S'yempre pa dali-dali akong nag-sign up kagad, hehe adik!
Dalawang characters na naman yata ang titigukin ni J.K. Rowling sa Book 7. Sino kaya mga yun? Isa kaya si Harry Potter dun?
Sana naman e i-resurrect n'ya si Harry if ever. Kaya mga Potter fans, sign up for the Save Harry campaign na.
Here's the link: http://www.saveharrypotter.co.uk/
1. graymalkin left…
Friday, 13 July 2007 2:43 pm
maganda nga yung movie, hehehe.
Tuesday, 17 July 2007 5:24 pm
pero mas maganda ang book, syempre, hehe!
Friday, 20 July 2007 10:19 am
sis malagu, bukas ko na kukunin yun book mo
9am daw ang bukas nung bookstore dito sa'min. makikipila ako para naman ma-experience ko kung anong ambiance meron *hehehe*
Monday, 23 July 2007 4:34 pm
wow! nice! excited na rin ako. nagdidiskusyon na nga kami ng mga HP adik friends ko kung anong mangyayari sa book 7. excited na kami sobra.
tnx talaga, sis!
THE LORD OF THE RINGS , THE INCREDIBLE HULK AND YOUNGBLOOD 2.0
July 6, 2007
Nice. Nakabili ako ng Youngblood 2.0 sa National Bookstore kahapon. Nagulat ako dahil Youngblood3 ang pino-promote ng
Inquirer ngayon pero naka-iskor ako ng Book 2 kahapon for 175 bucks.
Dunno if lumang stock ang mga yun or what. For the longest time kase e ala naman akong nakikitang Youngblood 2.0 sa NBS dahil nga Book 3 na ang bagong labas. Last week din e nagawi ako ng NBS pero ala pa din nito that time. Kaya naman nagulat ako ng bigla kong nakitang may naka-display na Book 2 ng Youngblood.
Astig nga kase na-feature ang article ng college friend ko Youngblood 2.0 entitled "Tips From A Loser" . In fairness, maganda talaga s'ya at ka-feature feature. Ako kaya kelan mafe-feature dun? Hehe!
Although na-feature na yung "Piercings" article ko nung April 26, 2007 e ibang level pa din pag na-feature ka dun sa book version. Pag na-publish ako dun, syet todo na 'to! Heaven on earth yun, mga tsong!
Sabi ko nga, I don't care about the money when my friends were asking me kung may bayad daw ba yung published article ko. Kahit ma-assign pa ako sa Inquirer to write for free, I'll gladly accept it. Wala ng tanong tanong pa, hehe!
And oh, I wonder if makakabili pa ako ever ng The Best of Youngblood para kumpleto na mga Youngblood books. Sana…pero malabo na siguro yun. Sa ngayon e Youngblood 2.0 ang pinagkakaabalahan kong basahin. Page 101 pa lang ako, hehe!
Tyempo din at nakabili ako ng Books 1 and 2 ng The Lord of the Rings sa Booksale nun bago ako dumiretso ng NBS. Sa wakas at kumpleto na ang LOTR ko at mauumpisahan ko na s'yang basahin. Book 3 lang kase ang meron ako dati kaya wishing and hoping ako na sana e makumpleto ko na s'ya. Galing talaga ng Booksale, nakakatyempo ako ng Harry Potter, Narna at LOTR books, hehe nice!
Nagulat nga ako nung sinabihan ako sa Booksale na kino-kontak nila ako sa cellphone since may LOTR series sila ngayon. Nagpa-reserve kase ako dati. Nabanggit ko nga na nawala ang cp ko at ang kapal ng mukha nung sino mang nakakuha ng cp ko't ginagamit pati ang sim card ko. Hampaslupa ang putragis, grrrr!
Sumagot daw kase yung may sim card ko't (pati phone malamang) may LOTR series na s'ya. Tingnan mo nga naman, oo. Tsk tsk tsk…
Nweiz, nag-move on na ako since nawala ang cp ko . Inisip ko na lang na kawanggawa ko na lang yun, hehe! Mapagbigay kase ako't 4-5 times na ako nawawalan ng cp…But tapos na yun…Ang importante e nakumpleto ko ang LOTR series, hehe!
Incidentally e nakabili din ako ng hardcover ng The Incredible Hulk:What Savage Beast for 90 bucks. As in maganda pa ang condition ng book. Mukhang bago pa talaga, hehe!
Nahuhumaling pa mandin ako sa mga fantasy books ngayon. Feeling nasa make-believe world din yata kase ang drama ko ngayon, hehe! (Btw, sa Amazon galing ang image nito, di ko ma-edit e.).
Basta sa ngayon e wait mode lang ako. Wait ko ang Harry Potter and the Deathly Hallows book ko staight from Australia. Wait ko din ang hardcover ng The Chronicles of Narnia ko na ibibigay sa akin, hehe! Ang saya naman, puro hardcover, hehe nice!
Parang nakakatamad tuloy magbasa ng paperback ngayon. Puro hardcover kase mga binabasa ko lately, hehe yabang! Di na ma-reach, hehe!
I wonder kelan ko kaya mababasa ang HP Book 7? Excited na ako. Sino na naman kaya ang titigukin ni J.K. Rowling nito? Wait ko pa kase copy ko nito. In the meantime e tatapusin ko muna ang Youngblood 2.0 at pagkatapos e Incredible Hulk naman ang aatupagin ko.
Hay…ang sarap talaga ng feeling pag nakaka-iskor ako ng books at a cheaper price. Lalo na pati pag bigay lang ang mga books, hehe wala ng tatalo pa dun. What a beautiful life, hehe nice.
Tuesday, 10 July 2007 9:52 am
lokahretz ka talaga sis malagu *lol*
ilan tulog na lang. kakausapin ko pa nga yun gf ng pinsan ko kung pwede ko maipadala sa kanya yun hp book. sa july 28 daw uuwi ang bruha. sana nga madala nya. otherwise, i'll send it thru post
Wednesday, 11 July 2007 10:03 pm
ay, sana maisingit mo sa bagahe n'ya yung book para menos gastos. excited na ako.
kadarating ko lang…just watched Harry potter and the order of the phoenix sa sinehan.








