THE LORD OF THE RINGS , THE INCREDIBLE HULK AND YOUNGBLOOD 2.0
July 6, 2007
Nice. Nakabili ako ng Youngblood 2.0 sa National Bookstore kahapon. Nagulat ako dahil Youngblood3 ang pino-promote ng
Inquirer ngayon pero naka-iskor ako ng Book 2 kahapon for 175 bucks.
Dunno if lumang stock ang mga yun or what. For the longest time kase e ala naman akong nakikitang Youngblood 2.0 sa NBS dahil nga Book 3 na ang bagong labas. Last week din e nagawi ako ng NBS pero ala pa din nito that time. Kaya naman nagulat ako ng bigla kong nakitang may naka-display na Book 2 ng Youngblood.
Astig nga kase na-feature ang article ng college friend ko Youngblood 2.0 entitled "Tips From A Loser" . In fairness, maganda talaga s'ya at ka-feature feature. Ako kaya kelan mafe-feature dun? Hehe!
Although na-feature na yung "Piercings" article ko nung April 26, 2007 e ibang level pa din pag na-feature ka dun sa book version. Pag na-publish ako dun, syet todo na 'to! Heaven on earth yun, mga tsong!
Sabi ko nga, I don't care about the money when my friends were asking me kung may bayad daw ba yung published article ko. Kahit ma-assign pa ako sa Inquirer to write for free, I'll gladly accept it. Wala ng tanong tanong pa, hehe!
And oh, I wonder if makakabili pa ako ever ng The Best of Youngblood para kumpleto na mga Youngblood books. Sana…pero malabo na siguro yun. Sa ngayon e Youngblood 2.0 ang pinagkakaabalahan kong basahin. Page 101 pa lang ako, hehe!
Tyempo din at nakabili ako ng Books 1 and 2 ng The Lord of the Rings sa Booksale nun bago ako dumiretso ng NBS. Sa wakas at kumpleto na ang LOTR ko at mauumpisahan ko na s'yang basahin. Book 3 lang kase ang meron ako dati kaya wishing and hoping ako na sana e makumpleto ko na s'ya. Galing talaga ng Booksale, nakakatyempo ako ng Harry Potter, Narna at LOTR books, hehe nice!
Nagulat nga ako nung sinabihan ako sa Booksale na kino-kontak nila ako sa cellphone since may LOTR series sila ngayon. Nagpa-reserve kase ako dati. Nabanggit ko nga na nawala ang cp ko at ang kapal ng mukha nung sino mang nakakuha ng cp ko't ginagamit pati ang sim card ko. Hampaslupa ang putragis, grrrr!
Sumagot daw kase yung may sim card ko't (pati phone malamang) may LOTR series na s'ya. Tingnan mo nga naman, oo. Tsk tsk tsk…
Nweiz, nag-move on na ako since nawala ang cp ko . Inisip ko na lang na kawanggawa ko na lang yun, hehe! Mapagbigay kase ako't 4-5 times na ako nawawalan ng cp…But tapos na yun…Ang importante e nakumpleto ko ang LOTR series, hehe!
Incidentally e nakabili din ako ng hardcover ng The Incredible Hulk:What Savage Beast for 90 bucks. As in maganda pa ang condition ng book. Mukhang bago pa talaga, hehe!
Nahuhumaling pa mandin ako sa mga fantasy books ngayon. Feeling nasa make-believe world din yata kase ang drama ko ngayon, hehe! (Btw, sa Amazon galing ang image nito, di ko ma-edit e.).
Basta sa ngayon e wait mode lang ako. Wait ko ang Harry Potter and the Deathly Hallows book ko staight from Australia. Wait ko din ang hardcover ng The Chronicles of Narnia ko na ibibigay sa akin, hehe! Ang saya naman, puro hardcover, hehe nice!
Parang nakakatamad tuloy magbasa ng paperback ngayon. Puro hardcover kase mga binabasa ko lately, hehe yabang! Di na ma-reach, hehe!
I wonder kelan ko kaya mababasa ang HP Book 7? Excited na ako. Sino na naman kaya ang titigukin ni J.K. Rowling nito? Wait ko pa kase copy ko nito. In the meantime e tatapusin ko muna ang Youngblood 2.0 at pagkatapos e Incredible Hulk naman ang aatupagin ko.
Hay…ang sarap talaga ng feeling pag nakaka-iskor ako ng books at a cheaper price. Lalo na pati pag bigay lang ang mga books, hehe wala ng tatalo pa dun. What a beautiful life, hehe nice.
Tuesday, 10 July 2007 9:52 am
lokahretz ka talaga sis malagu *lol*
ilan tulog na lang. kakausapin ko pa nga yun gf ng pinsan ko kung pwede ko maipadala sa kanya yun hp book. sa july 28 daw uuwi ang bruha. sana nga madala nya. otherwise, i'll send it thru post
Wednesday, 11 July 2007 10:03 pm
ay, sana maisingit mo sa bagahe n'ya yung book para menos gastos. excited na ako.
kadarating ko lang…just watched Harry potter and the order of the phoenix sa sinehan.
Add a comment








