BOGOSHIPTA
August 15, 2007
Damn! I really hate goodbyes! Iyakan blues na naman kanina with my students.
Sumama akong naghatid kanina sa airport sa kanila. Dapat sana e hindi na pero pinilit ako ng ka-loveteam ko sa kanila kaya yun, humabol ako the last minue.
Ang eng-eng ko pa kanina, pucha! Gusto ko ikiss kanina si ka-loveteam for the last time pero nahihiya ako kaya di ko na ginawa. As in walang katapusang babay galore na lang kami kanina, hay…
Nako-conscious ako dahil 19 lang s'ya samantalang 29 na ako. Pero feeling ni co-teacher e like daw ako ni student. Pero feeling naman yata ng iba e ako yung may gusto kay student. Ewan, iba ibang versions sila e.
As for me, di ko s'ya type per se pero I like his personality. Very swit pati s'ya at funny.
Nweiz, naglaro pa mandin kami ng "Newspaper Dance" nung nagpa-party kami at pinartner ako with my loveteam. E ang lolo n'yo ang laki ng katawan. Talaga namang binuhat n'ya ako all throughout! As in buhat na pang-bagong kasal, hehe!
Kilig na kilig naman s'yempre ang mga ppl of the world. Walang katapusan ang kodakan habang buhat buhat ako ni student, hehe! In fairness, ang lakas n'ya, ha? Ang bigat ko kase e, hehe! At talaga namang kami pa ang nanalo, hehe!
Simula nun e binubuhat na n'ya ako lagi, hehe! Kanina nga e binuhat n'ya ulit ako sa skul. Nasa canteen pa mandin kami nun at ang daming ppl of the world na nakasaksi, hehe! Tapos kanina namang nasa dorm nila ako e nag-alok s'ya na buhatin ako for the last time. I obliged kahit naka-miniskirt ako, hehe! Pumuwesto na lang kami sa medyo madilim na part para di ako masilipan.
Tinodo n'ya ang powers n'ya kanina at para akong batang hinahagis-hagis n'ya sa ere, hehe! Hay mami-miss ko yun. Feeling bata ako pag binubuhat n'ya ako, hehe!
Sayang nga at lately na lang kami naging close. Pero better than never, diba? Di ko kase s'ya student pero nakaka-bonding ko s'ya at tinutukso nga kaming dalawa.
Karinyo brutal kase kaming dalawa lagi nun e. Pero kaninang ka-text ko s'ya e super sweet s'ya. Parang mahal ko na nga yata s'ya e, hehe! Charing! Hehe!
Sabi ko kase sa kanya na yoko na maghatid sa airport dahil siguradong maiiyak lang ako. Pero yun, last time na lang daw at he wants to see me. Tapos he promised to email me asap. Basta very sweet s'ya.
Nung nasa dorm naman nila ako e he hugged me twice. Nako-conscious lang kami dahil kinakantyawan kami. Tapos kanina naman sa airport e he was the last person who said goodbye to me. As in ang tagal ng paalaman blues namin.
I wanted to hug and kiss him for the last time pero nadyahe ako. Feeling ko din he wanted to do the same with me kaya lang nahihiya din s'ya. Ang siste tuloy e ang tagal n'yang nakatanghod sa akin sa van at nagpapaalam. Hay torpedo, tsong! hehe!
Eto nga't inimail ko na s'ya samantalang nasa airport pa rin sila hanggang ngayon, hehe! Ka-text ko din s'ya kanina. I should take a rest na daw. Alangya, para kaming magdyowa ah, hehe!
Kung nagtagal-tagal pa siguro s'ya sa Pinas e baka maging magdyowa kami, haha! Alangya bakit puro foreigners yata ang nali-link sa akin ngayon, hehe!
Nweiz, wish ko lang e magreply s'ya kaagad sa email ko. I'm not sure pero may gf yata s'ya sa Korea e. So what noh? Haha charing!
Bye bye, _ _ _! Bogoshipta!
1. airwind left…
Wednesday, 15 August 2007 4:05 am :: http://killerpatatas.blogspot.com/
yihheeee!!! …….. puro buhutan ang halay… .joke … hahaha
Wednesday, 15 August 2007 7:22 am
puro buhutan naman…sounds mahalay, hehe! buhatan, tsong! hehe!
Add a comment








