Home » Archives » 18. August 2007

ONLINE SHOPPING AT MULTIPLY.COM

August 18, 2007

Mga tsong, online shopping ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Sumasakit na mga mata ko sa kabababad sa pc sa pagba-browse ng mga items sa multiply.com.
 
Dati nga e di ko kinakarir ang multiply account ko. Friendster lang kase talaga ang gusto ko. Pero lately ko na lang nadiscover na ang dami palang online sellers sa site na 'to.
 
So far e 3 na ang na-oorder ko.
 
Isang pre-owned na long sleeved top which i bought for 240  bucks. 100 naman ang shipping fee.

 

 

Maganda s'ya. Sa pic "when worn" nga lang e mukhang trench coat s'ya pero pag ako ang nagsusuot, biglang umuurong, haha! 5'2 kase ang orig owner while 5'7.5" naman ako.  

 

May freebie earrings pa ako, ha? In fairness, type ko s'ya, hehe! Suot ko s'ya sa pic na 'to. Medyo i-exercise n'yo na lang ang leeg n'yo when viewing this pic, hehe!

 

 

 

Bumili din ako ng isang pink infinite halter which can be worn in 16 ways. Mukha akong suman dun, haha ang sikip! Spandex kase e. Di ko muna yata masusuot yun for a long time, haha! :P

 

 

 

 

 

 

Ba't sa manneqquin e ang gandang tingnan? Pero pag totoong tao na, iba na, hehe!  Incidentally e nakabili din ako ng infinite halter from Folded&Hung last week. Bought it for 50% off. Nice.

 

Nweiz, the latest item i bought is a black Kathy Van Zeeland Croc Patent bag.  Kadarating lang n'ya kanina via JRS Express. Ang cutie n'ya. I'm a sucker for croc skin kase. Anything croc, classy ang dating. 

 

 

Eto nga at umorder na naman ako ng isang Kathy Van Zeeland hobo bag. Hehe kinarir ko na. Brown yung inorder ko pero here's a closer look.

 

Eto bale yung KVZ brown hobo bag na inorder ko.

 

 

Umorder din ako ng key fob for my bag. Bling bling baga, hehe! Sold-out na yung mga silver key fobs/charms dun sa site ng seller pero basta sabi ko silver ang gusto ko for my hobo bag. Eto yung mga gusto ko:

 

 

 

 

Hehe shopping galore na naman. Lustay agad ng pera pagdating ng cheque ko, hehe! May tinatarget pa akong ibang bags pero tsaka na muna siguro. May bago na akong Nine West bag e.  

 

Pero nagpapahanap ako ng croc cellphone pouches dun sa bag seller. Anything croc kako, sabihan lang n'ya ako at oorder ako.  May nakita akong nagbebenta OL sa multiply kaso sold-out na, tsk! Balak ko umorder kahit 2-3 different colors sana. 

 

Pucha naman kase noh! Very limited ang mga binebentang kung anik-anik sa probinsya. Ang hirap talagang maging promdi, hay…Thank God for Multiply! May choices na ngayon, yeba!

Posted by barenaked at 3:28 am | permalink | comments[41]

     

August 2007
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Sponsored Links

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments