PSEUDO BOYFRIEND
August 14, 2007
I'm in a pseudo relationship right now. Or so it seems. Ewan, ang labo.
Di ko nga alam kung tama 'tong ginagawa ko. Baka kase in the end e ma-attach ako kay loverboy, yari ako!
You see, foreigner s'ya. Secret na lang kung ano'ng nationality n'ya, hehe! He's 5 years younger than me.
Everything just happened so fast. Met him in skul 2 weeks ago. Dormmate s'ya ng mga students ko.
Nagkataong he visited his Korean friends in class kaya yun, nagkakilala kami. As in he discovered me in class. During breaktime kase e lumabas ako ng classroom and there he was, palabas naman sa kabilang room. He smiled at me and voila, he introduced himself to me.
Nagsimula ang lahat sa, "Are you a teacher here?" and the rest is history ika nga. Habang nagtuturo naman ako sa Writing class ko e feeling close naman sya at pakaway-kaway sa akin sa labas ng classroom. Sino ba naman ako para magsuplada kaya smile at kaway galore din naman ako sa kanya nun.
Kaya naman nung alas-dose na at lunchbreak na e (Oh well, nag-dismiss ako ng class ng medyo maaga nun, hehe) lumipat na ako sa kabilang room para sunduin si co-teacher/friend para sabay kami mag-lunch. Nakahalata naman kaagad si friend, ramdam n'ya e type ako ni loverboy at mukhang gusto akong kausapin.
Ako naman e pangiti-ngiti lang nun although alam kong tinitingnan ako ni foreigner from afar. Habang pababa naman ako ng stairs e nasa likuran ko pa rin si loverboy at ng makatyempo e yun na, he got my cellphone number.
Ako naman e friendly as ever at binigay naman ang number ko. He asked me kung saan ako magla-lunch at I told him na sa canteen. Inimbita ko pa nga s'ya to have lunch with me pero may pupuntahan pa raw s'ya.
Kaya naman pagpasok ko ng canteen e natatawa ako na ewan. Tama nga si friend. Interesado nga si papa sa akin, hehe! Yung ibang teachers naman e nakikiusyoso at tinatanong ako about him, hehe!
Habang nagla-lunch naman ako e tinext na kaagad ako ni loverboy. It was nice meeting me daw. Tapos dun sa latter part e "You look hot!", ika naman n'ya.
Ako naman si gaga e pinabasa din sa mga co-teachers ko ang text n'ya sa akin. Text din s'ya ng text pagkatapos nun athough di ako sumasagot dahil la akong load nun, hehe!
Meron pa s'yang "I love your bum" text sa akin. Na ganun nga daw talaga s'ya, very straightforward. Ako naman e natatawa na nasha-shock na ewan.
Ewan ko ba pero mabenta talaga ang butt ko lalo na sa mga foreigners. I have a big butt kase, hehe! E naka-miniskirt pa mandin ako nun kaya halata siguro. (I keep wearing miniskirts sa skul kahit bawal, hehe! So far di pa naman ako narereprimand).
Tapos yun text na s'ya ng text sa akin kahit di ako sumasagot dahil di pa ako nakakapagload nun. Nung di s'ya makatiis e he called me up na. He was inviting me out.
As in ang kulit ng lolo n'yo. He called me up 3x nun pwera pa ang sandamakmak na texts from him na fino-forward ko naman sa mga friends ko, hehe! But in the end e pumayag din ako to go out with him. And the rest, as they say, is history na naman, hehe!
I call him my pseudo bf. Kase parang kami na hindi na ewan. Pero yun nga, we don't want any commitment.
Pero badtrip, tsong! I hate to admit it but sometimes, I act like a jealous gf, grrrr kainis! Or feeling ko napaka-demanding ko.
Para kaming magdyowa kung kumilos minus the "I love you's" that go with a typica relationship. Pero yun nga, we like each other.
Last Saturday nga e LQ (?) kami ni loverboy. We were supposed to meet up at 8:30pm pero dahil nainis nga ako sa kanya e wag na kako. Wag na rin kami magkita ever sabi ko pa.
Pero yun, sinuyo n'ya ako. He called me up tapos mag-usap daw muna kami. S'yempre feeling gf naman ako't na-flatter kaya ayun, pumayag din ako. Around 10:30pm tuloy e nakipagkita pa ako sa kanya.
After naming mag-usap e ininvite pa n'ya ako sa party ng friend n'ya come September. Matagal pa pero he asked me out na. S'yempre pumayag ang pseudo gf n'ya (That's me, hay)…
Tapos gusto din daw ako ma-meet ng isang friend n'ya. And he's asking me if ok lang daw ba na ibigay yung cp number ko. Nung una pumayag ako pero I changed my mind na. Mag-mit muna kami kako ng friend n'ya.
Sinabi ko rin na they can visit me in class if they want. E di daw pwede ang friend n'ya nun kaya yun, sabi ko sa kanya, kahit s'ya na ang pumunta.
E badtrip ang lolo n'ya, ang daming excuses, kainis! Kesyo nasa gym pa daw s'ya blah-blah-blah shit. E haller ang lapit lang kaya nung gym sa skul, walking distance lang. Tapos kesyo magpapalit pa daw s'ya ng damit…Daming kaeklatan ng bwiset, hmp!
E gym freak pa mandin yun. As in he goes to the gym 3hrs/day everyday. In fairness, he's got a nice body talaga. Pero just the same, naiinis pa rin ako.
See? i act like a jealous gf na ewan. Petty thing pero affected ako.
Tapos yun, inaway-away ko na naman s'ya sa text. Nung una nagrereply s'ya pero nung huli, dedma na, grrr! Di na n'ya ako sinuyo.
Ewan ko ba pero somehow e may expectations ako from him. Supposed to be e wala dahil ala nga kaming commitment pero I hate to admit it (again!) but damn it, meron kahit papano.
I'm a woman, you know. Gusto ko sinusuyo ako. Gusto ko nilalambing ako. Gusto ko binibigyan ako ng attention…But then, iba naman set-up namin…and it goes back to the expectation thing…and so on and so forth…and I get nothing…and it sucks!
As of presstime e di pa rin s'ya nagpaparamdam. Ni text, ni call, wala. I think it's over na.
Over na yata ang pseudo relationship namin. Wala na yata akong pseudo bf. Oh well, you can never can tell, ika nga ng iba, hehe!
But damn it, why am I acting like a jealous gf???
1. basangpanaginip left…
Tuesday, 14 August 2007 5:38 pm :: http://www.basapa.com
Tuesday, 14 August 2007 6:21 pm
boyfriend boyfrienan lang, tsong. at over na nga yata ang dalawang linggong pag-ibig namin, hay…
3. redcomet left…
Wednesday, 22 August 2007 7:29 pm
hehehe, ano kaya yun? american express, german bratwurst, korean kimchi?
tuwa na nmn si ate hehehe
4. misty left…
Thursday, 23 August 2007 3:12 am
oo nga eh, nakakainis ano, ganyan din ako eh, nadeadma rin ang beauty ko, ni txt ni call wala…It's completely impossible to find a guy who won't ever hurt you, so go for the guy who will make the pain worthwhile.
Thursday, 23 August 2007 8:07 am
@redcomet, hehe secret na lang
@misty, nga e. pero sabagay, pseudo bf ko lang naman s'ya e. la commitment so ayun, waiting in vain lang dapat ang drama at alang karapatang magdemand.
BOOKS, BOOKS, BOOKS
August 12, 2007
Romans, friends and countrymen, congratulate me pls. I was able to score 3 great books for 60 bucks each! What a steal! Bought them sa "Books and Mags".
Memoirs of a Geisha: Vintage 'to, tsong!

The Devil Wears Prada:

at ang matagal ko ng hinahanap na The Bridges of Madison County:

Sa wakas may silbi na ang "A Thousand Country Roads" book ko, hehe! Ito kase ang epilogue ng "The Bridges of Madison Country". I bought it for 65 bucks naman sa NBS.

Nadagdagan na naman ang nakatambak kong buks, hehe!
1. airwind left…
Tuesday, 14 August 2007 4:50 am :: http://killerpatatas.blogspot.com/
oi san yang books ang mags …. ang pangit na kasi sa booksale e.
Tuesday, 14 August 2007 8:16 am
maliit na puwesto lang s'ya sa mall. sa robinson's dito sa amin ko s'ya nabili. tyempuhan din sa booksale. nakabili ako ng da vinci code, narnia at potter books dun na in good condition pa.
MAGICAL TOUR
August 10, 2007
Pumunta kami ng Gonuts Donuts ng mga estudyante ko nung Miyerkukes. Parang field trip chuva s'ya, hehe! For some reasons e na-excite din ako kahit papano. It reminded me of the good ol' days nung Elementary, hehe!

May-I-design din kami ng aming mga donuts. In fairness, kinarir ng mga students yung sa kanila, hehe! Bale P67 ang binayad namin per head for 3 donuts plus yung isang donut na idedesign namin. Eto ang kinalabasan nung akin. Simple lang s'ya. Choco at vanilla syrup at M&Ms lang ang nilagay ko, yoko kase ng peanuts at marshmallows.
Natawa pa ako dahil akala pala ng mga ppl of the world dun e Korean pala ako. Kaya pala nagtataka ako't di nila ako kinakausap. Kaya naman when I spoke in Kapampangan, napa-"Ay, Pinay ka pala, sister! Kala ko Koreana ka rin."
Eto ang mga pix ko that day. It's raining men din nun kaya naka-jacket ako. Sabi tuloy ni co-teacher, "Porma mo pa lang kase, Koreana na, hehe!"
Imagine di nila ako kinausap all throughout, hehe! Samantalang nakaupo ako dun sa unahan at lahat, wow mali!
Some kinda napurga ako sa donuts nung Miyerkules. Imagine, nasa Gonuts Donuts ako ng 9-10am at 1-2pm. Bale 2 boxes yung akin. 4 batches kasi kaming pumunta dun since di nila kami maa-accommodate lahat. Pero sumatotal, oks ang araw na yun. Maaga pati ako nag-dismiss ng klase, hehe! Kung pwede nga lang aktibidades galore na lang kami lagi sa klase e, hehe tamad!
1. redcomet left…
Friday, 10 August 2007 7:53 pm
must…restrain….subject…too delicious to ignore…..arrgh!!! sakit sa pantog pictures na ire
Friday, 10 August 2007 8:19 pm
3. laryuki left…
Sunday, 12 August 2007 4:48 am :: http://laryuki.blogdrive.com
uy sarap naman ng donuts…
ngayn lang ako ulit nakapunta dito sa blog mo ate…
andito pala ang pix ni ivo…
gustong gusto ko talaga yang kapatid mo na yan… type na type ko hehehe…
parang napaka yummy niya hahaha lol =D
ikamusta mo ako sakanya ha ate hehehe =P
Sunday, 12 August 2007 8:57 am
sapak gusto mo? haha!
di katalo yan, koya! ang ate lang ang pwede mong taluhin, nyahaha jk!
5. graymalkin left…
Monday, 13 August 2007 12:53 am
wow, yummy! (yung donut)
ok din yung sorta wet look, hehehe. pwedeng dessert _
Monday, 13 August 2007 7:03 am
haha isa ka pa, kingster! hehehe!
yummy talaga ang donuts! very sweet! pero mas yummy ako este sweet, haha!
YOUNGBLOOD COMPILATION
August 4, 2007
Nice! Kumpleto ko na ang Youngblood books ko. Weird nga kase pabaligtad ko silang binili meaning nagstart ako sa Youngblood3 then Youngblood 2.0 at sunod naman ang The Best of Youngblood. Buti nga at nakumpleto ko pa rin sila kahit matagal na napublish ang unang Youngblood book.



Badtrip, di ako marunong kumuha ng pix sa cp ko, haha! Bakit mas malinaw kuha ko dun sa 7610 ko samantalang 2Megapix na camera nung Moto Razr v3x ko? Hehe weird! Connection? Ala. Nabanggit ko lang, hehe!
Nweiz, nagbabasa na ako ng The Best of Youngblood since last night. Hopefully, matapos ko s'ya asap. Tambak pa kase mga books ko as of now. Wait ko pa pati ang HP Book 7 ko. (Paging, Jaleesa, hehe!).
Incidentally e gusto ko ulit mag-submit ng artices sa Youngblood. Sana makalusot ulit ako. Meron na akong isang published article dun but sana e madagdagan para mas ok, hehe! Inquirer baby pa mandin ako, hehe!

Last chance ko na 'to. 29 na ako, huhu! As of now e nasa twentysomething and below range pa ako kaya pwede pa ako magsubmit ng articles sa Youngblood. Goodluck sa akin! Sana e makapagsulat ulit ako ng article na kapublish-publish sa Youngblood.
Saturday, 4 August 2007 7:44 pm
i'm here sis malagu *hehehe* nakausap ko na pinsan ko. uwi sya ng sa sat, aug 11. dadalhin nya yun hp book mo. just email me your home addy pls kasi ipapa-lbc ko sa kanya para siguradong darating sa'yo kasama si owl *hihihi*
Sunday, 5 August 2007 9:55 am
nice! mapapasakamay ko na rin sa wakas ang book 7 ko, hehe! marami na nakapila, actually, hehe! thank you, sis! wala bang kasamang chocs yung book? haha just kidding! solb na ako dun sa book at sa owl ko, hehe!
btw, parang gusto ko nga bumili ng HP fridge magnets sa NBS. kakatukso. ewan, bahala na.
3. airwind left…
Thursday, 9 August 2007 4:18 am :: http://killerpatatas.blogspot.com/
oi nagbabasa rin ako nia yung 2.0 ata yun? HP7? tapos ko na .. kwento ko iyo kung sino yung mga namatay! joke … wehehe
Thursday, 9 August 2007 7:10 pm
@erwin, yup, youngblood 2.0 nga yun. and oh, about book 7, wag ka na magkwento, alam ko na, haha jk!
di ako makatiis e. minsan nagbabasa ako ng spoilers, hehe!
5. redcomet left…
Friday, 10 August 2007 7:51 pm
parang luma na itong post ate
Friday, 10 August 2007 8:21 pm









