Home » Post Item » HAPPY-GO-LUCKY

HAPPY-GO-LUCKY

September 2, 2007

Yep. That's exactly me. The true blue happy-go-lucky gal.

Ewan ko ba. Di na ako nagbago. Tumatanda yata akong paurong, hehe! 

Yung tipong malayo pa lang ang sweldo e iniisip ko na kung ano'ng treat ko sa sarili ko. Kung yung ibang kasama ko e iniisip na nila mga bills na babayaran nila or yung perang ibibigay nila sa pamilya nila, ako naman e busy sa pag-iisip kung saan ko lulustayin ang pera ko.

Ang motto ko nga e, "Work hard, party hard/er." Or kung pwede nga lang e party time na lang lagi, haha! Ako kase, ang focus ko e yung present, di future. 

Kaya nga nagtataka ako sa ilang friends/colleagues ko na meron ng mga 2-5 year plan. Ba't ako ala? Haha syet!

Kung yung iba nagkukumahog mag-abroad, ako dedma lang. Gusto ko lang mag-abroad siguro for the experience. Yung tipong independent chuva naman ang drama ko. Di kase ako domesticated na tao kase kaya feeling ko e dun ako matututo talaga if ever. 

A few months ago nga lang e nag-Thailand ang co-teacher ko. Gusto ko sanang sumunod dun nung una para maiba naman kahit na kung tutuusin e malaki pa sahod ko sa Pinas if ever. Sabi  ko nga kay friend, shopping lang gusto ko dun, hehe! Nasa Bangkok kase s'ya ngayon.

Ewan ko ba pero ok pa kase ako sa Pinas so far. Nasa NY parents at 3 kapatid ko pero di rin naman ako nagkukumahog makapunta dun. Yoko kase ng kayod marino. Pucha, sa Pinas pa-bandying bandying lang ako at steady lang unlike dun, masyong fast paced ang buhay.  

Ang lecheng pagma-master's ko din sana, alangya, hanggang ngayon, nakatiwangwang pa rin. Yung kasabayan ko sana mag-eenrol nun, ayun, malapit na mag-grad. Dami na ring plano sa buhay after. 

Ako? Wala lang. Pa-petiks petiks lang. Basta may pera at pang-shopping ako, solb na ako. I don't care about the future. Basta ang focus ko lang, yung ngayon.

Sabi nga ng friend ko na kapareho ko, yun daw ang sikreto namin kaya  we look young, hehe! Yung iba daw kase ang daming concerns/plans sa buhay, nakakalimutan ng mag-enjoy at mag-happy happy naman kahit paminsan-minsan lang. Natawa ako nung sinabi n'ya yun pero come to think of it, may point nga s'ya. 

Pareho kase kami ng personality nun.  Magastos. Happy-go-lucky. Ma-L, nyahaha talagang sinama pa yun noh? Haha! :P

Sa work, ganun din ako. Di prepared papasok ng klase. (slight lang naman). I mean, may sinusundan kase kaming plan of study pero di ako yung tipong nagpi-prepare ng lesson plan. Babasahin ko lang yung topics on the same day tapos ako na bahala nun.

In fairness naman sa akin, I can work around what's given to me. Creativity lang katapat n'yan, hehe! Yung tipong nagbubura ako ng whiteboard ng mabagal sabay gumagana utak ko kung ano'ng next na ituturo ko, haha! :P

Nagka-cram pa rin ako as usual. Hehe what else is new? Ganun talaga ako kahit nung college ako. (rather, since mag-aral yata ako, hehe). 

Yung tipong 1 unit lang ako sa last sem ko nung college, seminar pa kamo, hehe! Incomplete kase ako sa thesis. As in ni titulo o tuldok, la ako ginawa. Tapos nung last sem ko na naman, ginawa ko lang yung thesis ko nung nagsimula na deadline, haha! Tama nga yung isang Friendster testi sa akin, I'm the greatest crammer daw. Need I say more? Hehe! 

Sabi ko nga sa isang friend ko, minsan gusto ko na magka-baby. Take note, baby lang. Yoko ng kasal. Ok na sa akin ang live-in.

Feeling ko kase pag nagka-baby ako e magkakaroon ako ng focus. Or goodbye na ako sa pagiging happy-go-lucky. I mean, s'yempre di na sarili ko lang ang iniisip ko nung kung saka-sakali. Biglang "grown-up" siguro ang drama ko nun.

Ang tanong nga lang e sino ang sperm donor? Hahaha! :P I always joke around my friends pa naman na mag-aasawa na lang yata kako ako ng foreigner at pag-aartistahin ko na lang nun mga anak namin, hehe! 

Sakto foreigner pa naman si "pseudo bf" . Guapo s'ya, yes. Pero di ko naman ma-imagine ang sarili ko na magka-baby with him. At wala pa rin naman akong target na sperm donor as of now, hehe! (Anak ng tokwa, hihingi lang ng souvenir noh? Hehe!) :P  

In fairness sa akin, gusto magkaroon ng baby ng first bf ko sa akin. Kapal ng mukha n'ya, syet! Never mind. Meron ding isang some kinda happy-go-lucky guy na gusto na rin magka-baby at feeling n'ya e maganda ang genes ko at inofferan ako ng "no strings attached" na arrangement sa kanya.

Pucha, pwede ba namang alang malisya yun? Hehe e maging daddy s'ya ng baby ko. Men, ang hirap nun. Easier said than done. At mahirap pati ang ganung arrangement. Pass muna ako sa ganyan. Naiisip ko from time to time pero I don't think I'm cut out for it. 

Kaya eto, wala lang. Sunod lang sa agos ng life. Nagpapakasawa at nagpapasasa sa kung anu-ano. (except drugs). Naman, we only live once so we should make the most out of it. Sabi ko nga sa mga friends ko, pucha, kung maibabalik ko lang ang panahon, sana nakipag-sex na lang ako ng maaga, haha! (sabay napunta sa sex e, hehe another topic na naman yun). 

Pero naman, I'm turning 30 next year. Putragis, ganito pa rin ako. Walang future, haha! Wish ko lang forever 25 ako, hehe! (Damn it, I sometimes lie about my age na rin, haha syet sintomas na 'to). 

Pucha, hanggang kelan kaya ako magiging happy-go-lucky? Or is it a choice? Etc. Honestly, di ko rin alam ang sagot. 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit


comments (2)

1. redcomet left…

Wednesday, 5 September 2007 12:39 am

buti ka pa, pag malapit na suweldo iniisip ko matitira after maslash ang bills, allowance ni utol tsaka ang lintek na amortization. Puta para akong minimum wage earner or maybe less pa :(

2. barenaked left…

Wednesday, 5 September 2007 11:23 am

ay, sorry to hear that. :(

Posted by barenaked at 3:41 am | permalink

Add a comment








     

September 2007
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

About Me

[your custom text]

    

Multimedia Gallery

Subscribe

Technorati
Bloglines

Latest Comments