COMMON DENOMINATOR
September 5, 2007
Men, this is so weird! Naka-chat ko ang ex-live-in partner ni adik 2 nights ago sa YM. Dig that?
Kahit ako nawi-weirduhan sa set-up namin nun. Bigla na lang s'yang nag-hi sa akin using adik's YM id. Kala ko tuloy e yung walang kuwentang lalakeng yun ang nakikipag-chat sa akin. Di ako sumasagot at balak ko sana e i-ignore ko na lang s'ya. Pero di pa rin s'ya sumuko at nag-buzz naman s'ya next pero dedma pa rin ako. Third time, sabi naman n'ya e "Jons".
Dun na ako nag-react, sabi ko, "Bakit? Kailangan mo ba ng pera?" Feeling ko nga kase e bobolahin na naman n'ya ako and all. Nagulat na lang ako nung sinabi n'yang di daw s'ya si adik at s'ya nga raw si _____(name ng ex live-in parnter n'ya). E pucha, pwede ko ba namang makalimutan yung name na yun e hate na hate kong naririnig dati yun, hehe!
Nweiz, sabi n'ya e i-add ko daw yung totoong YM id n'ya. May sasabihin daw s'ya sa akin although di s'ya sure if dapat pa ba n'yang sabihin sa akin ito. Ako naman si gaga e parang robot na sunod lang ng sunod nun kaya inadd ko naman s'ya kaagad.
Pagka-log in n'ya dun sa YM n'ya e sinabi n'ya kaagad na kung anuman daw ang atraso ni adik sa akin e pinagbabayaran na n'ya ngayon. Medyo nagduda ulit ako nun at kala ko e si adik ang ka-chat ko't pinaglololoko lang n'ya ako. Sakto e ininvite n'ya ako to view her webcam at positive nga, si ex-gf nga yun.
Nung sinabi n'ya yung word na "pinagbabayaran" , ang agad pumasok sa isip ko e nakulong si adik. Tama daw ako and she asked me kung sino daw sa tingin ko ang nagpakulong sa kanya. S'ya kako. Tama na naman ang lola n'yo.
Coming from her, nakakagulat pa din kahit papano. Alam ko kase na may pinagsamahan sila. Pero yun nga, binubugbog kase s'ya nito.
Ewan ko ba pero imbes na matuwa e nalungkot ako for adik. As in naluluha ako na ewan. Biglang nag-flashback lahat sa akin yung lahat lahat ng sakripisyo ko for him na napunta din sa wala.
Kahit ganun lang kase yun e minahal ko s'ya for who he is. Never mind na I'm 10 years her senior. Na Grade 6 lang ang natapos n'ya. Na alcoholic at dati s'a syang adik. Na binatang ama s'ya, etc.
Pero ako mismo na-witness ko ang pagiging violent ni adik lalo na pag lasing s'ya. As in wala s'yang sinasanto. Kami mismo ng Mommy n'ya e tinutulak-tulak n'ya. And the last time that we were together which was May 9 e para kaming eksena sa pelikula na naghabulan sa daan.
Maraming memories…Some good, some bad…Pero ang masakit din kase for me is yung feeling na niloko lang n'ya ako. Na hindi s'ya naging totoo sa akin. Pero yun nga, tapos na yun so la na ako magagawa.
Ito namang si ex-gf e ininvite ako ng photosharing. Inaccept ko naman at sinend nila pix nila ni adik. Ewan ko ba pero may selos akong naramdaman kahit papano.
Alam ko kase deep inside na mahal na mahal s'ya ni adik. Yun nga lang, iba lang yung concept n'ya ng love. As in nakakasakal. Very possessive, demanding at manipulative kase yun. Not to mention his alcohol problem na nagpapagrabe pa ng sitwasyon.
Di nga rin ako makapaniwala na patay na patay si adik sa kanya. Di naman kase s'ya kagandahan. Pinakita ko nga sa male friend ko pictures nila at sabi nga n'ya, malaki lang ang boobs nung gf n'ya, hehe!
In fairness naman dun sa girlaloo, morena s'ya pero makinis ang balat n'ya. Type ko din yun kilay n'ya, mukhang mataray kase, hehe!
Inookray nga ni friend yung ex-gf n'ya, hehe! Guapo naman kase talaga si adik. Tisoy na tisoy, hehe! Actually, mas maganda nga rin s'ya sa akin e, haha!
Baka daw galante si ex-gf, hehe! Di kako, mukhang magaling sa kama e, haha! Natawa tuloy si friend pero tama nga raw ako, hilatsa pa lang ng pagmumukha ni ex-live-in partner e mukhang matindi nga raw ito. Sinegundahan ko naman na baka lumulunok s'ya kako sabay hirit ng, "Bakit? Lumulunok din naman ako ah!" Nyahaha charing! (Syet, may maniwala kaya? Haha!).
During our YM chat pa naman e biglang humirit si ex-gf, "Can I ask you something?", ika n'ya. Nataranta naman ang beauty ko at kinabahan sa kung ano'ng itatanong n'ya. Sa loob-loob ko, syet, wag mo kong tatanungin kung nag-sex kami ng dyowa mo, di ko alam ang isasagot ko, promise!
Luckily e di naman ganun yung tinanong n'ya, hehe good! Di ko na exactly maalala kung ano tinanong n'ya pero wholesome s'ya, hehe! Basta sobrang weird yung feeling na pinag-uusapan namin ang isang walang kuwentang lalake na minahal namin pareho.
May part pa na napag-usapan namin si adik pag lasing s'ya. Sextrip yun kako. Natawa kami pareho. Ma-L nga daw talaga yun kahit di lasing at buti na lang daw e di s'ya najontis, haha how weird is that noh? Mag-compare notes daw ba? Haha!
Pero ewan ko ba, nabanggit ko kay ex-gf na gusto kong dalawin si adik sa kulungan. Ako daw bahala sabi n'ya basta daw ba wag daw ako maging vulnerable at babatukan daw n'ya ako kung nagkataon, haha weird talaga! We somehow draw our strengths from each other in a way kase.
Like pag naiiyak ako, wag daw. Sayang lang daw ang luha ko. Ako naman e pinapalakas ko din ang loob n'ya dahil ang feeling daw n'ya e parang namatayan daw s'ya ng asawa.
Bawal din daw s'ya dumalaw sa kulungan at talagang tinitiis daw n'ya kahit gusto n'ya. Naawa pa ako lalo kay adik nung malaman ko na wala na raw dumadalaw sa kanya ngayon. Dati kase e binibisita pa s'ya ng Mommy ni ex-gf. Pati Mommy daw n'ya mismo e never s'yang dinalaw sa kulungan. Sinaktan din daw n'ya kase physically Mommy n'ya last time, hay…
Sad but true. Alam ko capable s'ya na gawin yun e. Pati ako nasasaktan n'ya pag umaawat ako sa away. Pag kase lasing yun e naghuhuramentado talaga. There was even a time pa daw na hinostage n'ya ex-live-in partner n'ya. As in pinagkakakagat daw n'ya likod nito. Pinakita pa nga sa akin ni ex-gf yung mga marka sa likod n'ya at black and blue pa din ito kahit it's been 2 months na. Di nga raw s'ya makapag-tube ngayon, tsk!
Tagal namin nag-chat. 3-4 hours din yun. Dapat nga sana e saglit lang ako online nun at magbabasa pa ako ng Harry Potter ko pero sinakripisyo ko na yun. Eto nga at ka-Friendster ko na rin s'ya ngayon at we're planning to meep up pa next week, hehe sobrang weird!
Nakukuwento din kase ako ni adik at ng Mommy ni adik sa kanya kaya alam naman n'yang mabait ako at pilit kong inintindi si adik sa abot ng makakaya ko. Nagkataon lang talaga na we have a common denominator, si adik. Dapat nga raw e pasalamat pa daw ako dahil sinaktan lang ako ni adik emotionally unlike s'ya, sinaktan di lang emotionally kundi physically pa.
Oo, tama s'ya. Pero somehow, inggit din ako sa kanya kase alam ko mahal na mahal s'ya ni adik. Ako? Wala lang. Ginamit lang ni adik. Ewan ko ba kung ano'ng mas masakit dun, yung binubugbog ka ba o yung niloloko ka lang pala n'ya? Hay…Basta as of now, masaya na ako na naka-recover na ako sa worst nightmare ng buhay ko.
Naiyak ako habang magkachat kami ni ex-gf 2 nights ago pero sabi ko nga, lilipas din yun. Nabuhay lang kase bigla ang mga memories na gusto ko na sanang ibaon sa limot. Tama nga ako, ok na ako ngayon.
May awa pa rin akong nararamdaman kay adik pero di ako tulad ng iba na malamang e matutuwa pag nalamang nakulong s'ya. Di ako ganung klaseng tao. Tama na sa akin yung minsan sa buhay ko e naramdaman kong magmahal ng isang taong patapon na katulad n'ya ng walang pag-aalinlangan.
Tama nga si friend. Wag ko na daw dalawin si adik sa kulungan at baka daw ako pa magpiyansa sa kanya, haha! Kidding aside, I don't think there's a reason pa para magkita pa kami ulit. Just the same na gusto ko sana dalawin Mommy n'ya pero naisip ko na wag na lang dahil siguradong mapapag-usapan pa namin anak n'ya.
I mean, ok kami ng Mommy n'ya. Very fond kami sa isa't isa. We talk about life, love, etc. And we can talk for hours! Pero naisip ko, di pa din siguro ngayon yung right time for us na mag-usap. That is, if ever nga na magkikita pa kami ulit.
Ang importante muna sa ngayon e nakapag-move on na ako and I really hope na magawa din yun ni ex-live-in partner eventually. Pero I guess, she's ok now. I asked her bluntly kase if she still loves adik and surprisingly, ang sagot n'ya e, "Honestly, no."
Siguro nga e tumigas na rin ang puso n'ya ngayon. Pinatibay na rin s'ya ng panahon kahit papano and yes, it's about time na yung sarili naman n'ya ang isipin n'ya ngayon. And I think, yung pagpapakulong n'ya mismo kay adik yung first step.
Sayang nga lang at minahal namin pareho ang lalakeng di naman deserving sa pagmamahal namin. Pero atleast e nauntog na rin kami. Hay, love nga naman, oo.
Pagka-log out ko sa YM e nagulat na lang ako sa sarili ko nung kinanta ko ulit ang "Someone That I Used to Love" ni Natalie Cole. Ewan ko ba, I acted on instinct siguro. Matagal-tagal na rin kase bago ko kinanta ulit ang kanta ko for adik.
Sabi nga sa naturang kanta, "Once I had so much to give you but you just refused my love, from now on, you're only someone that I used to love…" Goodbye, adik! Tapos na ang make-belive lovestory natin.
Syet, I hate this! Emote mode na naman ako after a long time. Lecheng love! Putaaaa!
Fade out, "I did my best to keep you satisfied, I guess you'll never know how much I tried, I really tried…"
1. graymalkin left…
Thursday, 6 September 2007 10:59 am
uy, pa-send naman ng pics ng ex-gf na yan, nyehehe!
2. redcomet left…
Thursday, 6 September 2007 2:35 pm
so ano nga isasagot mo sis kung tanungin ka nga? hehehehe
Thursday, 6 September 2007 4:59 pm
@graymalkin, haha walastik, wag na. nananahimik na yung tao e, hehe!
@redcomet, salbahe ka talaga, hehe! alam na naman n'ya yung sagot e so no need, hehe! feeling ko nga naiintriga s'ya sa akin kaya siguro she wants to see me din. nakita na n'ya pix ko before though.
4. redcomet left…
Thursday, 6 September 2007 10:29 pm
hmm…maybe she wants to know whos better between you lot, what u think? hahaha
Friday, 7 September 2007 11:34 am
sis malagu, wala talaga akong masabi sa pagiging honest mo. kaya nga ikaw ang unang mentor ko sa blog.
sad yun nangyari pero siguro si ex mo na rin ang nagtulak sa sarili nya para makulong sya. i hope magbago sya for the better.
Saturday, 8 September 2007 6:48 am
@redcomet, i dunno pero di naman siguro. chika chika lang malamang.
@jaleesa, hay amen to that!
7. redcomet left…
Wednesday, 12 September 2007 8:49 pm
a, sandali nga…asan yung pics nung karibal mo? share nmn
Thursday, 13 September 2007 2:55 pm
tsong, wag na. nananahimik na yung tao e, hayaan na natin.
9. redcomet left…
Monday, 17 September 2007 5:22 pm
hmph, kj ka








